Chapter 26 Kilig pa more
Alexis
Grabe, I'm wasted to the highest level! Halos hindi ko na maigalaw ang aking mga kamay at ang buo kong katawan!
"My gosh Alexis! Don't tell me you drink all the wine in here?"Gulat na tanong ni Debbie.
"Hehe, Did I? Okay pa naman ang boses ko besh! I'm not yet drunk bwahaha!" Tawa ko. Sabay kuha ng isa pang bote. Inagaw naman ito ni Debbie.
"Ay grabe siya! Hihintayin mo pang ma bulol yang dila mo. Ang bilis mo naman uminom!" Hindi makapaniwalang sabi nito. "Akin na yan besh! Let's party hehe."Sabay agaw ko sa wine. At inagaw din ito ni Zac mula sa aking mga kamay.
"Let's go home. It's getting late." Nakasimangot na sabi niya.
"Hala! Back to sungit mode si Zac pangit hahaha." Malakas kong tawa.
Sina Debbie at Hector ay hindi magawang tumawa dahil ang seryoso ng mukha ni Zac.
Bigla niya akong kinarga, back style! Nakakahiya, rumampa pa kami sa maraming tao.
"Put me down! Ano ba?" Mas lalo lang napapatingin ang mga tao kapag sisigaw ako. Shut up your mouth nalang. Bwesit na pangit! Basta itinapon niya lang ako sa loob ng sasakyan!
"Ouch! Ang sakit ng pwet ko. Bwesit ka talaga pangit!" Sigaw ko.
"Did it really hurt?" Concerned na tanong nito.
"Oo! Sakit huhu." Pabebe kong sambit.
"Let me see it." Sabi nito.
Ano daw?
"What? Are you crazy?" Di-makapaniwala kong tanong.
Tumawa ng malakas si Zac. Praning na! Akala ko ako lang eh.
"Yes, let's see if there's any damage on your ass and I will bring you to the hospital." Paliwanag nito.
"Ang O. A naman! Hospital agad? Umuwi nalang tayo." Nakabusangot kong sagot.
At agad niyang pinaharurot ang sasakyan. Namudmod lang naman ang aking mukha sa kanyang balikat.
"Aray! Bukol na naman ulit. Sumusobra kana talaga pangit ka!" Halos maiyak kong sambit.
Inihinto ni Zac ang sasakyan.
"Let me see." Seryosong sabi nito.
"Huwag na, okay lang yan." Naiinis kong tanggi.
But he insists at tiningnan sa malapitan ang aking bukol. Pero ang aking mukha ay bigla nalang nag-init! Ano ba ito? Itinulak ko si Zac.
"Stop it." Seryoso kong sabi. At tumigil naman si Zac.
"Okay, let's go. But be sure to put a cold compress in your forehead when we arrive." Naka activate ulit ang serious mode niya! Mas gusto ko 'yan dahil hindi ako sanay na mabait siya at sobrang caring sa akin. Nakarating kami ng Mansion na walang kibuan. At ng lalabas na ako ng sasakyan bigla akong nahilo at ang sakit ng ulo ko!
Shemay! Ilang bote ba ng wine ang aking nainom?
Agad umalalay si Zac. Ayaw ko na hawakan niya ako pero hindi ako makatayo.
At bigla niya akong kinarga bridal style! papasok ng mansion.
"Ano ba! Nawiwili ka na sa pagkarga sa akin ha." Nakasimangot kong sambit.
"It's easier this way." Maikli niyang sagot.
At pinamulahan na naman ako ng mukha!
Ang mga maids sa paligid ay kinikilig sa kanilang nakikita habang ako ay halos matunaw na sa hiya.
Pero teka! Bakit naman ako mahihiya? Eh, mag-asawa naman kami.
Pero sa papel lang huhu.
Mahal ko parin si Bebe Rond no! Naalala ko na naman siya. Paano ba lumimot? Halos maubos ko na ang sangkaterbang wine wala parin eh. Inihagis ako ni Zac sa kama. Bwesit na pangit!
"Ano ba! Bakit palagi mo akong hinahagis?" Naiinis kong tanong.
"You take a bath first then we will put cold compress on your ass and forehead." Sabay alis nito. Hindi man lang ako hinayaan na sumagot. Pero ano ang sinabi niya? Cold compress on my ass? Manyakis na pangit!
Inamoy ko ang aking kili-kili.
Eww! Need ko na nga talaga ang maligo.
Dahan-dahan lang akong nagpunta sa bathroom.
At feeling fresh na rin sa wakas! Pero bigla akong nagutom.
Bumaba ako sa kitchen baka andu'n si Lolo nagluluto.
Pero ang nagluluto ay si Zac na naka apron na kulay red? Gusto kong matawa pero baka hindi niya ako pakainin haha.
At wow! Ang bango. Ano kaya ang niluluto niya?
"Bango ah, Ano yan? Excited kong tanong.
"Do you eat fish?" Ganting tanong nito.
"Oo naman kahit ano basta nakakain lang hehe." Nakangiti kong sagot.
"It's sinigang na bangus. Sit down and let's eat." Pinagbuhat pa niya ako ng bangko.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Hmmm caring Zac mode activated. Pero ayaw ko talaga 'pag ganito siya eh. Hayaan na muna natin gutom na ako.
"Ang bango talaga. Mapapadami ata ang kain ko nito. Pero masarap ba siya?" Nagdududa kong tanong.
Napailing lang si Zac.
"Why don't you taste it?" At binigyan niya ako ng isang slice ng bangus.
Inamoy ko muna bago humigop ng mainit na sabaw. Perfect sa hangover. At ang sarap niya! Para akong nasa cloud 9. Sabaw pa lang yan ha. Excited kong tinikman ang preskong laman ng bangus. At ang sarap! Para akong bata na ang bilis lang kumain at takot maagawan haha. Pero gutom ako eh, wala ng hiya-hiya pa. Kain ng kain Alexis!
"Take it slowly. Marami pa akong niluto." Si Zac na tuwang-tuwa lang na nakatingin sa akin at hindi kumakain.
"What about you? Kumain ka rin, here." Nilagyan ko siya ng isang hiwa ng bangus." Ang bait ko lang di'ba hehe.
"Thanks, but I think I'm already full by watching you eat." Nakangiting sagot niya.
Ito na naman si Zac! Total andito na naman kami at hindi na ako lasing ay mag prangkahan na! Tanungin mo na girl. Shut up brain!
"Zac, okay lang ba kung magtanong ako?" Serious mode activated hehe.
Nangunot ang kanyang noo.
"Sure! What is it?" Nagtataka niyang tanong.
"Na develop ka na ba sa akin?" Walang kurap kong tanong.
At bigla siyang napaubo. Agad ko siyang inabutan ng isang basong tubig.
"What?" Nagulat niyang tanong matapos makainom ng tubig.
At nag blush siya!
"I'm just asking kung nagkagusto ka na ba sa akin? At aminin eh, ang cute mo lang pag nag blush ka haha." Hindi ko mapigilan ang hindi matawa!
"And you're making fun out of it. What if I said yes?"Seryosong tanong nito.
At ako naman ang pinamulahan ng mukha!
"And you're pretty while blushing." Nakatitig pa ito sa akin habang ako ay nalulunod na naman sa kanyang gray eyes!
Pero masasaktan lang siya! I'm still in love with Rond. At masakit parin ang ginawa niya sa akin! I'm still in a healing process.
"And I advice, don't! Don't love me Zac. I'm still in love with Rond. And gusto ko ang pagkakaibigan natin ay manatili at huwag mawala." Naiiyak kong sagot.
"Did I told that I'm in love with you? Ang gusto, at ang love. Ay magkaiba Alexis. You didn't ask me If I like you, as a friend or as a lover." Mahinang sagot ni Zac. At Ouch! Tinamaan ako doon ha. Oo nga naman. Ang assuming mo Alexis!
"Mabuti naman! At gusto kong maging kaibigan ka, iZac. Baka kasi may mag-iba kapag ang isa sa atin ay may gusto." Paliwanag ko.
"Don't worry. I'm old enough to know the feeling. And I still don't believe in love." Nakangiti niyang sagot.
"Sana all nalang. Pero in love ako eh. At ang sakit parin ng nadarama ko." Malungkot kong sagot.
"Stop crying. It will not solve your problem." At pinahiran niya ng kanyang kamay ang aking luha. Friend lang kami.
Huwag na mag-isip ng iba Alexis!
"Okay, ang drama ko na naman. Kain na tayo ulit. Sorry Zac ha, gusto ko lang naman ng klaro." Nalulungkot kong sabi.
"It's okay. Let's eat! Baka lumamig na ang sabaw." At itinuloy na nito ang kanyang pagkain.
Busog much ako. Ang sarap magluto ni Zac!
It's nap time. Parang baboy lang hehe, pagkatapos kumain ay mahihiga.
Pang king size ang bed namin ni Zac. Kaya magkabilang dulo kami kung matulog.
Kahit anong pilit kong ipikit ang aking mga mata. Ang mukha parin ni Rond ang aking nakikita! Bwesit ka Bebe, Bakit mo nagawa sa akin ito? Ang sakit kaya! Miss ko na ang mga video call at chats namin. Mga late night talks hanggang makatulog ako.
Ngayon, ang tahimik na ng cellphone ko. Wala na si Bebe.
Hindi ko napigilan ang aking iyak at napahagulgol ako ng malakas.
Bumangon si Zac at kumuha ng tubig sa mini fridge.
"Here, Drink this." Bumangon din ako at tinanggap ang tubig.
"I'm sorry Zac." Humihikbi kong paumanhin.
"Its okay. Don't you feel sleepy at all?" Inaantok na tanong niya.
"Hindi eh, sorry talaga ang ingay ko. May work ka ba bukas?" Nag-aalala kong tanong.
"No, It's Sunday." Maikli niyang sagot.
Tumayo siya at binuksan ang TV. Naghanap ng movie. At horror pa talaga ang pinili. Eh, matatakutin ako!
"Come here, let's watch a movie." Tawag niya sa akin agad naman akong lumapit.
Bigla akong napayakap kay Zac ng lumabas ang multo!
"Ahh!!!"Malakas na sigaw ko. Parang nabingi ata siya sa boses ko.
"You will break my ear drum! You are afraid?" Nakatawa niyang tanong.
"Obvious ba?" Nakabusangot kong sagot.
"Mahiga nalang tayo para hindi ka matakot. You can use my shoulder. Don't worry, we are just friends." Paglilinaw nito.
Bakit, may sinabi ba ako? Di'ba wala?
Lumapit ako sa kanya at nahiga sa kanyang mga braso. At sa tuwing lalabas ang mga multo ay nagtatago lang ako sa kanyang kili-kili hehe.
At gusto ko dito. Parang comfort zone ko lang. Hanggang hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.