My Old Billionaire Husband

Chapter 25 Wasted pero may kilig



Alexis

Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay napahagulgol na ako ng iyak. Hindi ko kaya!

Mahal na mahal ko si Rond. Siya lang ang nag-iisang Bebe ko. nag-iisang boyfriend ko at nag-iisa lang sa buhay ko.

At sa isang iglap lang. Nagbago at naglaho ang lahat! Ang unfair naman. Ni hindi man lang nagpasabi ng maaga. Hindi sana ganito kasakit. "Tahan na besh, papangit ka niyan." Si Debbie.

"Ano naman ngayon! Wala na si Rond. Bakit besh?" Luhaan kong tanong sa kanya.

"Umiyak ka nalang besh, hindi ko rin masasagot ang tanong mo eh." Si Debbie na maiiyak na rin.

"Ang malas natin besh huhu." Umiiyak parin ako at si Debbie ay umiyak na rin habang magkayakap kaming dalawa.

"Care to have a drink girls?" Si Zac na biglang sumingit. Kanina pa pala siya nasa front seat.

"Bet ko yan Zac!" Si Debbie na napatili sa excitement.

Aba! Masaya na ang loka.

"Are you sure?" Panigurado kong tanong.

"Yeah, let's relax and unwind." Nakangiting sagot nito.

Ay! Si Zac nga talaga ang knight in shining armor ko eh. Pero ang sakit parin ng nadarama ko at maiiyak na naman ako. Pigilan mo girl. Ang weak mo talaga! Pinagalitan ko na lang ang aking sarili. Loka-loka talaga.

"Then let's go. Let's party!" Masaya kong sigaw. I need to release what's inside my heart. Kung hindi ay sasabog ito!

Dinala kami ni Zac sa pinaka famous na Disco Club. Nadaanan namin ang malaking dance floor.

Later sasayawan kita hehe. Ang laki at ang lawak! Puro mga sosyal ang nandito ah. Ang ganda talaga ng taste ni Zac.

Pumasok kami sa isang cubicle. At bongga! May sarili itong dance floor? At napakali ng space. May VIP pang naka sign sa taas.

"Wow! Ikaw na talaga Zac. I love it!" Ang ingay ulit ni Debbie. Basag ang eardrum naming tatlo nito pag ito nakahawak ng microphone.

"Let's drink." Sabi nito at namili na sa napakaraming drinks na nasa lamesa! Kompleto pa at may ice cubes sa mini freezer. Kukuha ka lang 'pag naubusan.

At bigla akong nauhaw pagkakita sa mga wine at beer.

At may pumasok na staff na may dalang mabangong fried chicken.

Wow! Ang sarap. Bigla tuloy akong nagutom.

"Oh, I think let's eat first." Paanyaya ni Zac ng mailapag na sa lamesa ang mainit at malutong na fried chicken.

"Agree. Nagutom akong bigla sa fried chicken na 'yan. Kain tayo Babe." Sabay kindat kay Hector.

"Excuse me po, may isang bitter dito. Kaya bawal ang masyadong sweet tonight hehe." Nakatawa kong sabi.

At napatawa nalang din silang tatlo.

Pero teka nga, parang ka barkada lang ang turing ni Zac kay Hector ah! Hmmm... Pero tsaka na ang aking pagiging detective. May problema pa ang aking puso huhu.

Masaya kamimg kumain. Pero sila lang talaga ang totoong masaya. Pinipilit ko lang ang sarili kong ngumiti.

"Here, kumain ka pa. Don't think anything else as of now. Just enjoy okay." Nakangiti pa si Zac habang nilalagyan ako ng fried chicken sa aking plato.

"Salamat Zac." Sincere kong sagot.

"Ui! Bawal daw ang sweet. Eh, ano itong nakikita namin." Kinikilig na singit ni Debbie.

At loka lang ah. Bigla akong pinamulahan ng mukha!

"Hindi ah! Friends kami ni Zac beshy." Defensive kong sagot.

"Friends with what? Hehe. Benefits ba or Friends in heart haha." At biniro pa ako.

"Wala diyan. Zac is my true friend besh." Mula sa puso kong sagot. Mabait si Zac. At sana manatili kaming magkaibigan.

"Friends lang ba talaga Zac?" Singit ni Hector at medyo nakainom na ito. At ang ingay na ah.

"You bastard!" Hindi siya sinagot ni Zac. Sinuntok lang siya ng mahina sa dibdib.

Kanina ko pa talaga napapansin eh. Parang mag best friend lang ang dalawa. At si Debbie ay tuwang-tuwa lang habang nakatingin sa kanila.

Hindi ba ito nagduda sa pagkatao ng BF niya?

Ewan ko! Bahala na muna sila.

Uminom lang ako ng uminom tapos Kain nang Kain. Ang saya lang ng life! Pero bakit hindi ko magawang ngumiti man lang! Parang maiiyak na naman ako!

Kumanta sina Debbie at Hector ng duet. Sana all nalang talaga! Ako bitter na bitter. Walanghiya ka Rond!

Pero Mahal kita eh. Napaiyak na naman ako. At nandiyan lang si Zac bigay ng bigay ng panyo sa akin. "Thanks, pero teka Zac. Ilan ba ang panyo mo?" Curious ko lang na tanong. Parang ayaw maubos eh.

"I have ten in my car. At sa lahat, 'yan pa talaga ang naisipan mong itanong." Nakatawa nitong sagot.

"Trip ko kasi eh. Pangit ka talaga!" At tumawa ako ng malakas. Kung kanina ako ay naiiyak ngayon ay gusto ko naman tumawa. Hala! Naloka na ba ako ng tuluyan?

"You're always funny baby!" Medyo nabigla pa si Zac kung bakit na tawag niya ako ng baby." At ako ay nabigla rin naman.

"Bakit ba baby ang tawag mo sa akin?" Nakakunot noo kong tanong.

"Hmmm, I honestly don't know. It just slip in my mouth when I called you for the first time." Inalala pa ni Zac.

"Oo nga no? Tagal na din pala. " Lagi tayong nag-aaway pero napakabait mo parin sa akin. Thank you Zac, for being my true friend." Naiiyak kong sabi. At tumulo na talaga ang mga luha ko. Masyado akong emosyanal dahil sa nangyari sa amin ni Rond. Wala na akong Bebe! At napahagulgol ako ng iyak.

Niyakap ako ni Zac at umiyak ako ng umiyak sa kanyang balikat. Gusto ko sana sa kanyang kili-kili pero nakakahiya naman 'yon!

Napatigil sa pagkanta sina Hector at Debbie. Umalis ako sa pagkakayakap kay Zac.

"Besh, ituloy niyo lang ang pagkanta. I'm okay. Hayaan niyo lang ako. Okay?" Malungkot kong turan. Okay ng mabasag ang ear drum ko.

"Ang pangit naman besh eh. Kinakantahan ka namin habang umiiyak ka. Mag sayawan nalang kaya tayo?" Excited na sabi nito.

Lukaret talaga. Napatawa nalang din ako.

"Halika na kayo! Ang laki ng dance floor oh. Let's dance." At agad itong tumakbo sa dance floor habang hawak si Hector. Napatawa nalang ako ng magsayaw ang dalawa. Lasing na ata si Hector. Ang sagwa sumayaw eh! Haha.

Napatingin ako kay Zac.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Ano? Do you dare to Dance?" Sabay kindat ko. Napakurap si Zac at ewan ko kung bakit.

"I don't know how to dance." Tanggi niya.

Pero pinilit ko siya.

"Okay lang yan, tingnan mo nga si Hector oh!" Sabay turo ko sa dalawang nagtatawanan habang nagsasayaw.

Napailing nalang si Zac.

"Let's go! Magsayaw din tayo no. Sila lang ba."Pinilit ko ulit siya.

At yes! Napatayo ko rin ang seryosong si Zac Rogen Walker.

Hawak kamay kami ng pumunta sa dance floor.

"Hala Babe, ang sweet ng dalawa!" Sigaw ni Debbie na kinikilig.

Lukaret talaga. Napabitaw tuloy si Zac sa mga kamay ko.

"Hayaan mo sila Zac. Let's Dance!" Sigaw ko at agad kong kinuha ulit ang kanyang mga kamay.

Sa una ay ayaw pa sumayaw ni Zac. At 'di naglaon ay napasayaw ko rin siya. At kung si Hector ay parang ewan kung magsayaw mas lalo na si Zac! Pero ang saya lang tingnan. Tawa lang ako ng tawa habang nagsasayaw.

Ang sakit na kaya ng tiyan ko. Feel na feel ni Zac ang pagsasayaw ah! Pero para ulit akong maiiyak.

Just imagine nagawang sumayaw ni Zac para lang mapasaya ako!

Buti nalang at nag-iba ng music. Naging slow rock music ito. At ang dalawa ay magkayakap na sumasayaw.

Sana all nalang talaga!

Napalingon sina Debbie sa aking dalawa.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

Pati si Zac ay napatingin din sa kanila.

"Anong bakit? Magyakap nga kayo! It's a sweet music kaya." Si Debbie na pinandilatan pa talaga ako ng mga mata.

Ako talaga? Napatingin ako kay Zac.

"May I have this Dance?" Nakangiti ito habang ang isang kamay ay naghihintay na abutin ko.

"Hala, Di ko kinaya Babe. Ang sweet!" Napasigaw ulit si Debbie.

I told you. Basag ang ear drum naming tatlo bago matapos ang gabing ito!

Napatawa lang si Hector pati si Zac.

"Hoy besh, huwag mong paghintayin ang asawa mo!" Sigaw ulit ni Debbie.

Lukaret talaga! Basagan ng ear drum mga besh.

"Sure! Let's dance Zac." Masaya kong tinanggap ang kanyang kamay.

At ng hapitin na ni Zac ang aking beywang may kakaiba akong naramdaman. Para akong napaso!

"Put your hand on my shoulder, baby." Bulong ni Zac na nagpakiliti sa aking teynga.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Bigla tuloy akong nahiya. Ano ito?

"Put it here!"Siya na ang naglagay ng aking mga kamay sa kanyang balikat.

Napatingin ako sa kanyang mukha. And his Gray eyes seems inviting me to look at him.

At nalunod nga ako sa kanyang mga mata! Ang ganda naman kasi. Pero dapat brokenhearted ako eh.

"You can rest on my shoulder if you're tired baby."Mahinang bulong ni Zac.

Pero mas gusto ko sa kili-kili niya.

"Pwede ba sa kili-kili mo?" Nahihiya kong tanong.

Napatawa si Zac ng malakas.

"Seriously?" Nakatawa nitong tanong.

"Seryoso ako! Gusto ko ang amoy ng kili-kili mo. Nakaka relax." Seryoso kong sagot.

"But when did you smell my armpit?" Nakatawa paring tanong nito.

"Nang magtabi tayo matulog. Bigla mo nalang akong pinalayas. Ang bad mo!" Naka pout kong sagot.

"Oh that! I'm sorry, baby." Malambing na apology niya.

Teka, nawala ata ang bugnutin na Zac? Bakit ang bait at ang lambing niya?

Siguro ay gusto niya lang akong e comfort eh.

"Apology accepted." At napahawak ako sa kanyang mukha!

Nawala ang ngiti ni Zac at naging seryoso. Ako din ay hindi na magawang tumawa pa. Bakit gusto kong halikan si Zac? Ang lakas maka magnet ng mga mata niya! Hindi ko alam kung sino ang unang lumapit sa aming dalawa. Basta ang alam ko lang ay naghahalikan na kami! At ayaw kong bumitaw.

Napahawak ako sa kanyang buhok habang patuloy lang kami sa paghahalikan.

"Naku! Rated SPG. Anong nangyari?" Kunwaring tanong ni Debbie.

At ang sigaw talaga ay walang katulad.

Agad akong napabitaw sa pagkakahawak sa batok ni Zac at naputol ang aming kissing scene.

"I'm sorry." Si Zac na hindi alam ang gagawin.

"Okay lang. Wala ka naman kasalanan eh."Nahihiya kong sagot.

"Balik muna ako sa table ha."Paalam ko sa kanya at tumango naman siya.

Naglasing ulit ako. Inom lang ng inom at lunurin ang pusong sugatan!

Napalingon ako ng kumanta si Zac. Ang ganda ng boses niya! Kung hindi siya marunong sumayaw, ang galing naman niyang kumanta! Napatingin ako sa kanya.

Paano kaya magmahal ang isang Zac Rogen Walker? Medyo masaklap ang sinapit ng unang marriage niya.

Itong amin kaya? Magwawakas din ba sa masakit na hiwalayan? Ewan, hindi ko alam!

Hindi ko nga nahulaan na magiging ganito ang sasapitin ng aming relasyon ni Rond!

At dahil diyan napaiyak ulit ako. Lulunurin ko muna ang aking sarili sa alak.

Iyak lang muna self huhu...


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.