Chapter 24 Rond's Engagement party
Alexis
Papasok na sana ako sa loob ng Mansion nila Bebe. Pero may biglang pumigil sa aking mga kamay.
"Zac? What are you doing in here?" Nagtataka kong tanong.
He chuckled.
"We are invited in here. We are the honored guest." Paliwanag nito.
"Bakit hindi mo sinabi? Nang hindi ako nabigla at nasaktan! Bakit?" Umiiyak kong tanong.
"Kaya mo ba pumasok sa loob? We are all in the business world Alexis. Love is the least important, power is the most." Mahinang sagot ni Zac. Bullshit Power! Bakit may ganyan pa dito sa mundo?
"Gusto kong pumasok at kausapin si Rond. Hindi man lang siya nagsabi sa akin and it's unfair!" Mahina kong sigaw.
But I will never cry again. Pero ang puso ko, parang dinurog ng pinong-pino!
"Change your clothes first." Sagot ni Zac.
Napatingin ako sa suot niya at ngayon ko lang napansin na naka formal attire pala siya.
"Wala akong dress, hindi ko ito napaghandaan." Malungkot kong sagot.
"Don't worry. Debbie is waiting for you at the car. Maybe 15 minutes will do?" Tanong nito na nakatingin sa kanyang relo.
"Oo naman kahit 10 minutes pa. Maganda na kaya ako. Konting retouch nalang." Nakangiti kong sagot.
Ayan tumawa na muna ako kasi mamaya ang matinding bakbakan ng emosyon.
Buti nalang at to the rescue si Debbie.
At ang dalawang lovey dovey ay nasa labas ng sasakyan.
Kita mo sa kanilang mga mata ang paghanga para sa isa't-isa. Nalungkot na naman ako. Ano kaya ang future namin ni Rond?
Ang maging third party nalang ba? Hayy...
"Besh! Come here at magpapaganda Tayo!" Sigaw nito.
Lukaret talaga kahit nandiyan ang BF niya. Pero ang mga malalagkit na titig ni Hector sa kanya ay talagang nakakatunaw. I'm happy for my best friend.
But sad to say we all have the same flaws. Ang maging kabit ata in this lifetime and generation.
We are indeed mag beshy.
"Don't worry besh, let's make sure na magandang-maganda ka pagpasok palang sa entrance ng party. 'Yong mapapalingon ang lahat ng kalalakihan at malalaglag ang kanilang brief dahil sa iyong kagandahan, hehe." Kinikilig pa ito. But I'am not happy at all. Ayaw kong may kahati kay Bebe. Pero wala rin naman siyang magagawa eh.
May nagawa ba ako? Di'ba wala? Kawawang tragic love story naman. Pero ipaglalaban ko parin si Rond! Akin siya. Pero hindi naman ako magiging kanya.
Ang gulo ng world ko huhu.
"Don't cry besh! Papangit ka niyan. Malapit ng matapos. Then isuot mo next ang sexy pink dress mo." Masayang sabi nito.
Pink Dress?
"Pero teka lang. Bakit pink dress?" Nakangiwi kong tanong.
"Black pink in your area hehe. Wala na kasing available size na para sayo. Biglaan ang party. At late ang invitation."Paliwanag ni Debbie.
"Okay, let's do this and slay!" Nakatawa kong sagot.
Bumagay naman ang pink dress sa akin. Parang teenager lang ako.
Hindi sumama sina Hector at Debbie. Sa labas lang sila maghihintay.
Sana all nalang may kaharutan. Ang saya kaya ni Debbie. Ako? Parang bibitayin na.
Agaw pansin ang pagpasok namin ni Zac. Lahat ay napalingon at napanganga sa aking taglay na kagandahan. Ang mga kalalakihan ay nakanganga lang baka nalaglag na ang kanilang mga brief hehe.
And speaking of Zac with his signature mask. Pa Mysterious look palagi na bumagay din naman sa gwapo niyang mukha.
Pero iba ang hinahanap ng aking mga mata. Si Bebe! Nasaan ka na?
Umupo kami ni Zac sa inilaan na lamesa para sa amin. Nasa front pa talaga kami. Okay na ito at kitang-kita ko sina Rond kapag umakyat na ng stage.
Biglang sumulpot ang baklang announcer. At nag dim ang lights sa paligid. Pa dramatic entrance pa ang dalawa huh.
"Ladies and gentlemen good afternoon. You are all here today. To witness the Engagement Party of Mr. Rond Jake Valdemore and Miss Annalise Dominique Regalado." Palakpakan ang lahat maliban sa akin na nakasimangot. Bakit ako magiging masaya para sa kanila? It hurts like hell kaya! Naka focus ang lights sa kanilang dalawa habang paakyat sila ng stage.
Ako dapat 'yan eh! Ako dapat ang kahawak kamay ni Rond at kami dapat ang ikakasal! Pero hanggang pangarap nalang ang lahat.
Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako!
"Here, wipe your tears." Inabutan ako ni Zac ng panyo. He's a real friend.
Nakakalungkot lang at ni minsan ay hindi ako tiningnan ni Bebe! Bakit? Parang balewala lang ako sa kanya. Anong nangyari?
Nagbabadya na naman ang aking mga luha. Pero kailangan kong pigilan.
Gusto kong punitin ang mga ngiti sa labi ni Annalise! Ang saya mo naman girl habang ako ay lumuluha.
Nang malapit ng matapos ang party ay lumapit ang Daddy ni Rond sa amin ni Zac.
"Mr. Walker! Thanks for coming as our honored guest."Pasalamat nito at nakipag kamay pa.
"Don't bother." Pa humble na sagot ni Zac.
"Rond! And you Annalise. Come here. Meet Mr. and Mrs. Walker."Masayang sabi nito sa dalawang couple.
Nakita ko rin ng malapitan ang babaeng umagaw sa aking Bebe! Maganda naman siya pero mas maganda ako! Pa innocent look ang babaeng ito. Pero kakaiba ang vibes ko. My instinct is telling me that she's a Devil in disguise. Unang nakipag-kamay sa akin si Rond na parang wala lang nangyari. Agad din itong bumitaw sa aking mga kamay.
"Nice to meet you Mrs. Walker." Masayang bati ni Annalise.
"Nice to meet you too Miss Annalise." Nakangiti kong bati.
Habang nakikipagkamayan sa kanya ay hindi ko maiwasang manggigil at higpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Pinilit niyang bawiin ito pero ayaw ko 'pang bumitaw. Tiningnan ako ni Zac ng masama at binitiwan ko kaagad ang kanyang namumulang kamay.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Pero bago ito tuluyang makalayo sa akin ay may pahabol pang sabi.
"By the way I'am soon, Mrs. Annalise Dominique Valdemore." At ngumiti ito ng nakakaloka.
Ang bilis lumabas ng tunay na kulay! Galit na ako pero hindi ko pinahalata. Nagpaalam ako kay Zac to get a drink while he is busy talking sa Daddy ng demonyitang babae. Nahagip ng aking mga mata si Rond papunta sa likurang bahagi.
Agad ko siyang sinundan.
"Bebe!" Mahinang tawag ko sa kanya.
Lumingon naman siya at hindi ko naiwasang huwag siyang yakapin. Hindi siya gumanti ng yakap. Parang tuod lang siyang nakatayo.
"What is the meaning of this Bebe?" Umiiyak kong tanong.
Matigas ang facial expression ni Rond. Ibang tao ang kaharap ko ngayon!
Mabangis at mapanakit!
"Isn't it obvious? Let's break up and end this nonsense relationship." Galit na sigaw niya.
"Nonsense? Walanghiya ka!" At sinampal ko siya ng malakas. Pero nakangisi parin siya at hindi man lang nakitaan ng sakit.
"What do you want me to do? Ang maghintay sa'yo sa wala! Hindi ka na nga akin, pati katawan mo ay hindi rin! Walang lalaking tanga! ang maghihintay ng ganyan Alexis." Nang iinsultong sabi niya. Bawat kataga na kanyang binitiwan ay tila libu-libong kutsilyong tumusok sa aking puso.
Hindi ko makakalimutan ang araw na ito!
"Huh! Ganyan naman pala ang nadarama mo. Bakit hindi ka nagsabi ng maaga ha? Gusto mo lang talaga akong saktan!" Umiiyak kong sigaw.
Nakita kong nag-iba ang expression ng kanyang mukha, pero agad din itong naglaho ng marinig namin ang sigaw ng demonyita niyang fiancee.
"Mahal ko? Ikaw ba 'yan? Tawag nito.
Mahal ko? Tsk! Hindi bagay ang pangit pakinggan.
Iniwan ako ni Rond at hindi man lang nilingon.
Iiyak na sana ako ng mapansin kong may aninong nagpa-iwan.
Si Annalise pala akala ko si Rond.
Nakangisi itong lumapit sa akin. Ngiti ng demonyita.
"So, how does it feel? Masakit ba?" Nakangiting tanong nito.
"Alam mo kanina ka pa eh. Ano ba ang problema mo?" Galit kong tanong.
"Wala naman. Pero sa cousin ko malaki. Pinahiya mo lang naman siya sa harap ng maraming tao. At halos patayin siya ng matanda niyang fiance. Nabaliw lang naman siya at pinadala sa New York." Paliwanag nito. "Si Joanna?" Hindi makapaniwala kong tanong.
"Exactly. Now, taste your own revenge too."Nakatawa pa ito.
At hindi ko napigilan ang aking mga kamay at nasampal ko siya ng malakas.
"That's my revenge! How does it taste?" Nang-uuyam kong tanong. At hindi siya makapaniwala na sasampalin ko siya.
"How dare you!" Sigaw nito na pasugod sa akin.
But I only give her a flying kick. Pangatlo na siyang pinalipad ng aking golden feet hehe.
"What did you do?" Galit na sigaw ni Rond. Galit na Galit ito papalapit sa amin ni Annalise. Syempre ang nilapitan niya ay hindi ako.
"Are you okay, Mahal?" Nag-aalalang tanong nito.
At para akong masusuka habang nakikinig sa lambingan ng mga walanghiya!
Mabilis akong naglakad papalayo. Pero tinawag ako ni Rond.
"Don't you dare, walk away without apologizing!" Galit na sigaw niya.
At ako pa talaga ang hihingi ng tawad?
In your dreams!
Patuloy lang ako sa paglalakad at hinabol ako ni Rond at hinablot ang aking braso.
Medyo masakit yon!
"Don't you dare touch me again! Magsama kayo mga demonyo!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa kanyang pagkakahawak.
Mas lalo lang akong nagalit ng makita ang nakangiting demonyita!
"Apologize first and I will let you go!" Naging bato ata si Rond. Demonyo ang kaharap ko! At hindi na ang Mahal kong Bebe.
Pero nanlaban parin ako kahit masakit na ang aking mga braso.
May biglang humila sa akin papalayo kay Rond.
"Don't you dare hurt my wife!" Si Zac na galit ang mukha.
"Tsk! Wife my foot." Nang-uuyam na sagot ni Rond.
At bigla nalang itong natumba ng sinuntok ni Zac.
"Mahal ko! Okay ka lang?" Ang nag-aalalang tanong ng demonyita.
"Let's go." Hinila na ako ni Zac papalayo sa impyernong lugar na iyon.
Sa isang iglap lang si Bebe ay nagbago at nawala ng tuluyan sa akin.
Ang sakit!
Napalingon ako kay Rond. At napatingin din siya sa akin. Hindi ko mahulaan ang iniisip niya.
Bigla nalang tumulo ang aking mga luha.
Paalam Bebe...