Chapter 27 Healing a Broken heart
Alexis
Ang sarap ng tulog ko at may bakas pa ng laway hehe. At ang lambot ng unan ko ah!
Niyakap ko pa ito at gusto ko pa ulit matulog.
"I think you're abusing me, baby." Boses ni Zac!
Napaangat ako ng mukha at si Zac nga! Naku! May laway pa ako.
"Huh! Zac, Bakit ka nandito?" Naguguluhan kong tanong.
"It's our bed. Natural na nandito ako." Wala sa mood niyang sagot.
"Ay, oo nga pala. But, what I mean is Bakit magkatabi tayo?" Nagdududa kong tanong.
"Tsk! Sino ba ang natakot sa multo kagabi? And please, umalis ka na sa braso ko. I felt numb already. " Paliwanag niya.
Oo nga pala! Makakalimutin na talaga ako ah. Bumangon ako at nakadama ng kaginhawaan ang mga braso ni Zac.
Pero parang nangangalay parin ang kanyang mga braso. Kita sa mukha niya ang sakit.
"Sorry Zac. E massage ko kaya para matanggal ang manhid niya?" Tanong ko at agad itong minasahe.
"Ouch! No, thanks. Baka lalo lang mamanhid." Inilayo niya ang aking mga kamay.
Ang arte ni pangit!
"Okay, bahala ka!" Nagtatampo kong sagot.
"What about... Let's go back to favorite place?" Tanong ni Zac.
At biglang kumislap ang aking mga mata. Gusto ko syempre, Ang ganda kaya do'n.
"Oo ba! Isama natin sina Besh at Hector!" Sigaw ko.
Excited ako eh, hehe. Bait talaga ni Zac ah. Alam niyang broken hearted ako. Nag effort talaga na ako ay pasayahin.
Swerte ng mapapangasawa niya haha.
Tanga lang Girl! Ikaw kaya ang asawa ni Zac.
Ay! Oo nga pala. Eh ang swerte ko hehe.
"Maliligo muna ako Zac ah. Text ko pa pala si Besh." Mabilis akong nag send ng text kay Debbie at tumakbo na papunta sa banyo.
Napailing nalang si Zac sa aking kakulitan. Eh, ito ako. Ganito talaga basta tunay na maganda haha.
FAVORITE PLACE
At hindi rin nagpapigil si Lolo at sumama sa amin. The five of us ay parang mga batang naglalaro lang.
Ay four lang pala kasi seryoso parin si Zac with his laptop.
"Hoy Zac, Let's play!" At tiniklop ko ang kanyang laptop.
"Hey! Hindi pa ako tapos." Reklamo nito.
"We are here to enjoy not to work! Halika na, kain tayo ng ice cream. Please!" With matching beautiful eyes pa yan ah.
"Okay, you're so childish." Nakatawang sabi ni Zac.
"Hala, eh child naman talaga po ako. Kuya haha." Iniinis ko lang siya. Masyadong seryoso eh.
Kumunot ang noo ni Zac at mukhang galit?
Ang bilis naman mapikon ng lalaking ito ah.
"Galit ka na ba ng lagay na 'yan?" Panigurado kong tanong.
"What do you think?" Seryosong tanong niya.
"Eh, bakit naman? Matanda ka na kaya! Bagay naman ang kuya ah!" Naku, ang bibig mo talaga Alexis!
Galit na si Zac pangit hehe.
"Sure, call me whatever you like but you're still a baby. Here!" Tapos kinarga niya ako like a baby!
"Hoy Zac, put me down!" Sigaw ko pero tumawa lang ito.
"I'm your Big Brother. So, Baby shut up your mouth or I will not give your favorite ice cream." He said laughing.
At tumawa ulit siya. Hayaan na natin, minsan lang kasi tumawa ang laging nakasimangot na si Zac.
"Oy, ang sweet! Totohanan na ba 'yan besh?" Nakangiting tanong ni Debbie habang kinikilig.
"Shut up besh! huhu." Ang tanging nasagot ko.
Si Lolo ay masayang naglalaro habang nakatingin sa amin. Si Hector ay parang nahawa na ata sa pagka lukaret ni Debbie.
Nilapag ako ni Zac at kumuha ng ice cream. Kahit pinagtitinginan kami ng mga tao ay balewala lang kay Zac.
Huwag ko na din pansinin hehe. Naki join sina Lolo at Debbie sa ice cream. Ayaw daw ni Hector.
KJ haha. Nakasimangot si Debbie. Yan pa naman ang wish niya sa BF niya. Ang mag share sa isang ice cream. Ka kilig kaya!
Pero malas ni Debbie ayaw ni BF haha. Si Zac kaya?
Hala! Ano ang iniisip mo Alexis? Erase with that dirty thoughts. Friends kayo ni Zac at mabuti ng gan'on. Heartbroken ka pa kay Bebe Rond eh tapos lalandi ka na kay Zac? Eww!
"Hey, your ice cream is melting!"Pukaw ni Zac sa akin. Tulala ang lola ninyong Lukaret. Yan tuloy tumulo na ang ice cream ko huhu.
At hindi ko inasahan ang gagawin ni Zac. He eat my ice cream!
"Kainin mo na para hindi matunaw lahat." Sabi niya. Ako ay natulala!
"OMG! Ang sweet. Walanghiya ka Hector! Sige na mag share rin tayo ng ice cream huhu." Sigaw ni Debbie. Ang ingay niya. Lahat tuloy ng mga gamers ay nakatingin sa amin at nakangiti! Napatawa nalang si Hector at kumuha ng ice cream para hindi na magtampo si Debbie.
Ang sweet naman niya. Pero ang malas naman ni Debbie kung may asawa na talaga siya.
At naalala ko ulit si Rond. Napaiyak ako ng hindi inaasahan.
"Zac! What did you do to my little princess?" Sigaw ni Lolo ng makita ang mga luha ko.
Napalingon si Zac sa akin at pinahiran ang aking mga luha.
"You are crying again. Let's play a game but, You finish eating your ice cream first." Paalala ni Zac.
"Hindi ko ata ito mauubos eh. Nawalan na ako ng gana." Malungkot kong sagot.
"Then I help you." At kumain siya sa ice cream ko.
At nagkagatan kami ng ice cream hangga't maubos.
"Waaahhh! It's unfair, Bakit ang sweet ninyo tingnan? 'Pag kami ang pangit huhu." Kunyaring acting ni Debbie. Lukaret talaga.
"Apple ang kainin niyo Debbie. Hindi kayo bagay sa ice cream!" Sigaw ni Lolo. Nakuha pang sumingit kahit naglalaro.
Napatawa nalang kami.
"What game do you like to play?"Tanong ni Zac na nakatawa.
Ano nga ba? Gusto kong ibuhos ang lahat ng emosyon ko.
"The Shooting one, Can you teach me?" Pabebe kong tanong.
Ano ba ang nangyayari sa akin? Sa isang iglap lang ay ang gaan ng kalooban ko kay Zac. Noon ay inis na inis ako sa kanya! Bigla nalang ang hate ay nag turn into love?
No! That cannot be. I still love my Bebe Rond kaya.
I love Zac as a friend. Tama! Like nila Debbie at Lara. Mga Best friends ko.
"You're out of the earth again!" Tawag sa akin ni Zac at piningot ang ilong ko.
"Aray! Masakit 'yon ah." Reklamo ko.
Tumawa lang siya. At bakit ang gwapo niya today?
Ano ba? Tumigil kana diyan utak! Huwag mo guluhin ang heart kong si Bebe lang ang Love!
Lukaret na talaga ako hehe.
"Okay let's go. Let's shoot some bastards." At hinila na niya ako.
"Hala! Hoy Hector pingotin mo nga ang ilong ko dali! Mamatay na ako sa kilig dito eh." Si Debbie na nakatawa habang tinatawag si Hector.
Loka na babae. Pero mahal ko 'yan. They are trying their efforts to divert my attention. And Debbie think, baka ma in love na ako kay Zac. Pero in reality ang hirap kaya turuan ng puso mo kung sino ang mamahalin.
Wala silang mata at dahil diyan, bulag sila sa katotohanan. Kung ano lang talaga ang madama ng puso mo ay siya lang ang mamahalin mo. Wala ng iba 'yon pag true love. Pwedeng mawala pero aabutin pa ng how many years.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Kawawa naman ako.
Bigla nalang akong kinarga ni Zac.
"You are out of yourself again and again. Wake up Alexis Jenn Buenavista Walker." Nakasimangot na sabi ni Zac.
Aba, kompleto pa ang tawag sa akin haha. Pero 'yong Walker ay isang malaking sampal sa akin na hindi talaga kami para sa isa't-isa ni Rond. At ikakasal na rin siya sa demonyita. At least sa akin mabait. Magdusa siya sa hudas na babaeng 'yon. "You will not wake up?"Nakakunot noong tanong ni Zac.
Patay! Galit na si Pangit.
"Bakit, tulog ba ako? Hindi ah." Inosente kong sagot.
"Come on, forget that Bebe of yours and let's play." Hinila na niya ako.
"Babe Hector! Halika dito. Pull me baby." Si Debbie na walang ibang ginawa kundi ang bantayan ako.
Lukaret na friend haha.
At nag focus na ako sa paglalaro. Enjoy ko muna ito while I have friends around me.
Para hindi naman masayang ang effort nila.
Tumigil ka muna sa pagiging lutang mo Alexis.
Pero ang broken heart ko ay broken parin eh. Enjoy ka lang girl.
And we started playing. Inubos ko lahat ng mga villains sa game. Ang galing ko ng bumaril hehe.
At napagod kami ng husto sa mga pinag-gagawa namin. At naku, lalo na si Hector. Lupaypay sa pagka hyper ni Debbie.
Si Lolo lang ata ang hindi pagod ah.
Ginabi na kami ng uwi. Si Lolo ay doon sumakay kina Debbie dahil malaki daw ang space at makakahiga siya. Kami ni Zac ay sinundo ni Manong.
Nakasandal ako sa balikat ni Zac dahil napagod ako talaga sa kakalaro. At si Zac naman ay nakasandal ang ulo malapit sa akin.
Ayiih! Ang sweet namin. Pero brain magtigil ka diyan! Brokenhearted ka kaya! Pigilan mo amg kiligin.
Pipikit na sana ako ng madama kong lumiko ang sasakyan. Tiningnan ko ang paligid. Hindi ito ang daan pauwi! Bigla akong kinabahan. Si Zac ay parang nakatulog. "Manong, hindi ata ito ang daan pauwi?" Tawag ko kay Manong. At pansin ko lang. Ang tahimik ni Manong ngayon ah. Dati ay babatiin pa niya ako at bibiruin.
Pero hindi sumagot si Manong. Patuloy lang sa pag drive. Binuksan ko ang bintana. Iba ang lugar at hindi ko alam kung saang planeta na kami!
Agad akong nag text kay Debbie ng tulong. Sana ma trace up nila ang phone namin ni Zac.
"Stop the car Manong! Sigaw ko." At kita kong ngumisi si Manong. Parang demonyo? Ano ang nangyayari?