My Old Billionaire Husband

Chapter 21 The Jealous Rond



Alexis

Paano ito! I'm sure galit na si Bebe. Nag text ako ngayon pero hindi nag reply.

"Is there a problem?" Tanong ni Zac na nakakunot ang noo.

Paano ba naman para akong kitikiti. Hindi ako mapalagay sa aking kinauupuan at ang lukaret lang, sumigaw pa talaga ako.

"Ah, si Bebe kasi hindi ko na replayan kanina pa pala tumatawag at nag text. Nag enjoy ako ng sobra sa Favorite Place kanina." Worried kong sagot. "Then, text or call him." Suhestiyon nito.

"I already did, pero hindi nag reply sa text ko at deadma lang ang tawag ko. Galit na si Bebe." Malungkot kong sagot.

"Do you really need to update him every minute or hours on whatever you do?" Curios na tanong ni Zac.

"Oo eh, para hindi magalit at magduda."

"If he really trusted you. He will not have doubts and let you do freely whatever you like to do. Hindi ka ba napapagod?" Seryosong tanong ni Zac. May point din naman siya. Pero Mahal ko si Rond eh. At okay lang sa'kin na mag update kada oras o segundo man.

Lahat ng aking ginagawa ay tinitext ko kay Bebe.

"Kung hindi ka pa nagmahal Zac. Hindi mo talaga maiintindihan." Paliwanag ko.

"What do you think of me, a stone?" Tanong ni Zac.

"OMG! So it's true? That woman in the picture is your ex-wife?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Hmmm, Sort of. But we didn't have a real wedding. Later on, I found out that it's fake." Kibit balikat na sagot nito.

Medyo naintriga ako ah. At nakalimutan ko na galit si Bebe sa akin."Fake, what do you mean by that?" Curious kong tanong.

"You know, My parents didn't like her. Being a gold digger, that's her job before he met me. And my mom didn't like her at all." Paliwanag ni Zac.

Kakaibang babae! Gold digger huh. And salute kay Mom hehe. Dahil she likes me a lot. At kung sa ganda lang naman ay mas maganda kaya ako kaysa sa ex-wife niya hehe.

Biglang huminto ang sasakyan kahit malayo pa kami sa gate ng Mansion.

"I guess you better talk to him for awhile and solve your misunderstanding before we go home." Zac suggested.

He is so kind nowadays. Mabuti na rin at magkaibigan na kami.

I follow his gaze and there's Bebe?

Naku! Ang mukha parang galit na wolf.

Agad akong bumaba ng sasakyan. Habang sina Zac ay naka parking lang sa gilid.

"Bebe!" Masaya kong yakap sa kanya.

But he didn't hug me back! He is really angry.

"Sorry Bebe, ang ganda kasi sa Favorite Place eh. Hindi ko narinig ang tawag mo." Lambing ko sa kanya.

Iwinaksi niya ang aking mga kamay na nakayakap sa kanya.

"Where the hell are you that you didn't heard my 200 missed calls? And you didn't read or see my 100 plus messages?" Nag-aalburutong tanong nito. Na Parang bulkan lang na handang sumabog anytime. "It's heaven Bebe, It's not a hell in there parang paraiso. Napakaganda talaga!" Sabi ko sa kanya. Habang inaalala ito.

At lalo lang itong nagalit. Ano ba naman, May highblood na ata si Bebe at lagi nalang galit eh.

"So, dinala ka na niya sa paraiso. Ganu'n ba?" Nang-uuyam na tanong nito.

"What do you mean? Oo parang paraiso doon dahil ang ganda." Naguguluhan kong sagot.

At bigla nalang ito tumawa ng malakas.

Nalipasan ba ng gutom si Bebe?

"Bebe, okay ka lang ba? Kumain ka ba kanina ?" Nag-aalala kong tanong.

"Don't give me that innocent look of yours Alexis!"Galit na sigaw nito.

Eh ano nga? Parang galit na rin yata ako ah.

"Bakit ba sigaw ka ng sigaw? Can you clarify? I'm always innocent Bebe?" Sigaw ko rin. At kahit ako ay hindi ko maintindihan ang aking mga pinagsasabi.

"Tsk! Ano masarap ba?" Galit na tanong ni Bebe.

Ano ba kasi ang tinatanong niya?

"Oo naman-" Hindi na ako nakatapos magsalita dahil hinablot ako bigla ni Bebe.

At medyo mahigpit na ang kanyang pagkakayakap. Masakit na ah!

"Ano ba? Masakit na 'yan Bebe!" Itinulak ko siya.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo?" Naguguluhan kong tanong.

"Ano sa palagay mo ang magiging reaction ko? Malandi ka! Nasarapan ka pa sa matandang Zac na 'yon!" Sigaw nito.

At ano ang pinagsasabi niya? Sa galit ko ay naitulak ko si Rond ng malakas.

Naku ang Kung Fu powers ko!

"Sorry Bebe, Okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong.

"Hindi ako okay. I wanted to kill that old bastard Zac!"Sigaw nito.

Bakit naman niya papatayin si Zac? Ang gulo!

"Ewan ko sayo! Next time nalang Tayo mag-usap Bebe. Parang ang gulo nating dalawa eh." Sabi ko at paalis na. Pero hinila ako ni Rond.

"Who told you to walk away?" Galit na tanong nito.

At kakaibang Rond ang nakikita ko. Parang sinapian ng sampung demonyo. At nasasaktan din ako sa mahigpit niyang pagkakahawak.

"Ano ba! Galit na ako. Bitiwan mo ako Rond kung sasaktan mo lang naman ako. At isa pa wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi mo!" Kumawala ako sa pagkakahawak niya pero ang lakas ni Bebe. Nang biglang matumba si Rond! Si Zac? Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya.

"Let's go, It's useless for you to stay in here." Seryosong sabi ni Zac.

"Pero Zac, hindi pa kami tapos mag-usap." Tanggi ko at si Rond ay agad na bumangon.

At sinuntok si Zac! Pero parang bakal ang mukha ni Zac at hindi man lang natinag.

"You old bastard! What did you do to Alexis?" Galit na tanong nito.

"What?" Nakakunot ang noong tanong ni Zac.

Heto na naman kami! Ewan ko, Ano ba ang pinagsasabi ni Bebe.

"Bebe, pwede ba klaruhin mo okay? Ano ba kasi 'yang pinagsasabi mo?" Naiirita kong tanong.

"You told me na may nangyari na sa inyo ni Zac at nasarapan ka pa!" Sigaw nito.

Namilog ang aking mga mata sa pagkagulat at si Zac ay napaubo ng di-oras.

"Ano ba ang mga pinagsasabi mo?" Umuusok na talaga ang ilong ko sa kunsumisyon.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Napatawa nalang si Zac at nakitawa nalang din ako. Pero si Bebe ay galit parin.

"I will wait for you at the car. I think that there's some kind of misunderstanding in here." At umalis na si Zac na nakatawa pa.

"Bebe, konti lang ang oras natin. Mag-aaway pa ba tayo?" Nagtatampo kong tanong.

"So you mean, hindi totoo?" Mahinang tanong ni Bebe.

"Tumpak! Kanina ka pa nagseselos sa wala eh. Ang sakit Bebe ah." Sabay haplos ko sa aking mga braso.

Agad akong nilapitan ni Bebe at niyakap. Hay, sa wakas! Love na ulit kami ni Bebe.

"Sabi mo kasi Favorite Place at masarap na may heaven pa!" Bulalas niya.

"Oo nga ang sarap kaya ng ice cream nila doon." Sagot ko.

"So, Favorite Place is not a Hotel?" Tanong ni Zac.

Napatawa ulit ako.

"Hindi! Ano ka ba Bebe." Ako na ang lumapit sa kanya at hinalikan siya. 'Yong halik na punong-puno ng pagmamahal. 'Yong halik na may assurance na siya lang ang nasa aking puso. Gumanti naman ng halik si Rond at nagpaligsahan kami. Medyo marunong na rin akong humalik hehe.

Nasa kalagitnaan kami ng aming halikan ng biglang bumusina si Manong Driver.

Istorbo naman!

Binuksan ni Manong ang bintana ng kotse at sumigaw.

"Ma'am, alis na daw tayo." Sabi nito.

Zac pangit talaga!

"Alis na ako Bebe. Mag reply ka na sa tawag at text ko mamaya ha!" Paalala ko sa kanya.

Hinila ako ulit ni Rond at muling hinalikan. Pero si Manong Driver ang kulit! Ang ingay lang. "Ingat ka Bebe." At niyakap ulit ako.

"Bye Bebe." Kumaway pa ako bago pumasok sa loob ng kotse. Magaan na ang pakiramdam ko dahil okay na kami ni Bebe. Pero ang tahimik ni Zac at nakatingin lang sa kanyang laptop. May problema siguro sa business. Kaya hindi ko na aabalahin.

Zac's Mansion

Nang makapasok na ako ng Mansion ay ang ingay sa may kitchen. Pero ang bango! Parang manok na tinola ni Lolo!

Agad akong tumakbo papunta sa kusina at iniwan si Zac na hanggang ngayon ay wala paring kibo.

At si Lolo nga ang nagluluto! Pero si Besh ay nandito pa sa bahay?

Nagtatawanan pa silang dalawa habang nagluluto.

At napatakip ako sa aking bibig! Ang sagwa ng nasa isip ko. Huwag naman sana magkatotoo.

"Besh! Andiyan ka na pala. Nasaan si Zac? Ang sarap ng niluto ni Lolo." Parang kinikilig pa na sabi nito.

OMG! Tama ba ang hinala ng mapaglaro kong utak?

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Kalma Alexis. Itigil mo 'yang dirty thoughts mo! Si Debbie 'yan at si Lolo.

"Oo nga, ang bango." Nakangiti kong sagot.

"Hello, little princess. I cook your favorite again." Masayang bati nito.

Pero ako ay naiilang na.

Wala ba akong Lola? Baka may biglang sumulpot dito at kalbuhin si Besh!

Ayan na naman ang dirty thoughts ko.

Makapaligo nga muna.

"Okay Lolo, Shower muna ako." Paalam ko at kumaripas na ng takbo. Kinikilabutan ako!

At biglang...

"Ouch! Ang sakit." Sigaw ko ng mabangga ako sa pader. Pero pag taas ko ng aking paningin. Hindi pader kundi si Zac!

"Are you okay?" Seryosong tanong nito.

"Obvious naman Zac na hindi. Ang sakit kaya. Ano ba 'yang dibdib mo! Man of steel lang?" Nakasimangot kong tanong. At tumawa pa talaga si Zac pangit.

"It's not my fault baby. Let's go, lagyan natin ng ice ang bukol mo." Nakatawang sabi nito.

"Maya na. Maliligo muna ako." Tanggi ko. At tuloy-tuloy lang ako sa kwarto.

Grabe naman si Zac at hindi napagod. Ako Parang lantang gulay na dito. At may amoy pa! Yucks, need ko na talaga maligo.

Fresh na fresh na ako at pababa na para kumain. Kompleto ang lahat na nakaupo maliban sa akin. Si Mama at Lolo ay medyo awkward pa rin sa isa't-isa. Si Zac tahimik lang at ang tigre kong Daddy ay ewan haha.

Pero wait, si Besh ay nandito pa? Wala atang balak umuwi eh. Pero lagi naman kumakain si Debbie dito noon pa. But now, parang awkward tingnan ewan ko ba.

"Good evening everyone!" Bati ko at napalingon silang lahat.

"Finally Besh! Andito ka na. Gutom na ako. Halika na at ikaw nalang ang hinihintay namin." Kaway ni Debbie.

Umupo ako sa tabi ni Zac at ang lahat ay nagsimula ng kumain.

Pero medyo tahimik! Kain lang sila ng Kain lahat.

Grabe naman sila. Gutom na gutom lang!

Matapos kumain ay nagsialisan na sila maliban kay Zac na nakaupo parin at nakatingin a laptop. Hangga't sa pagkain eh andiyan ang laptop niya.

"Buti hindi ka kumaripa ng alis Zac." Basag ko sa katahimikan.

"Let's put some ice on your head." Sabi nito.

Napahawak ako sa aking bukol. Ang sakit!

"Ako na, Parang busy ka ata eh." Sabay alis ko.

Ang mga ice pack dito sa Mansion ay nasa iisang kwarto nakalagay. Lahat ng drinks.

Ang dami nga eh, kompleto lahat si Zac. Isang bodega lang parang nag hoarding hehe.

Habang naglalakad ay nahagip ng aking mga mata ang isang anino?

Dali-dali itong kumaripas ng takbo!

May magnanakaw! Pero paano nakapasok? Ang dami kayang bodyguards dito!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.