Chapter 22 Debbie's Secret Love affair
Alexis
Sinundan ko ang anino. At patingin-tingin pa sa paligid kung meron bang tao.
Syempre Meron at humanda ka sa akin!
Wala akong ibang makita na pang self defense kundi ang flower vase lang. Maigi na ito at parang mabigat pero mukhang antique. Patay tayo kay Zac nito hehe. Pero it's an emergency. Bahala ka Zac. Huminto ang anino at pumasok sa isang kwarto?
Kaninong kwarto 'yon? At diyan pa talaga niya balak magnakaw ah!
Humanda ka sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan. At pinihit ang doorknob.
Swerte! Hindi naka lock.
Isinilip ko ang aking isang mata. At wala naman akong nakitang tao. Nasaan na siya?
At dahil curious ang inyong Lola ay pumasok na ako. Malinis at maayos naman ang sala ng kwarto. Kanino kaya ito.
Nasaan ang magnanakaw?
Maya-maya ay nakarinig ako ng tawanan at ungolan?
OMG! Werewolf ba ito? Lumapit ako sa kwarto dahil doon nanggagaling ang tawanan at mga ungol na aking narinig. Ewww! Kung sino man itong nasa kwarto! Akala ko ay magnanakaw na. Bwesit!
But I'm here. So much better na e reveal natin kung sino itong naghaharutan sa kadiliman bwahaha!
Medyo naririnig ko na ng malinaw ang mga ungol este ang mga boses ng dalawang nilalang na naglalampungan sa gitna ng kadiliman!
"Debs, Ahh!" Ay ano ba yan! Sino 'yon? Nakakakilabot naman ang boses.
"Hector! Wait, may kiliti ako diyan ahaha." Tawa ng isang babae. Pero teka lang. Familiar ang boses eh!
"Kilitiin ka pala Debs. Dito nalang."
"Ahhaah, nakikiliti parin ako eh." Parang naipit na ipis ang boses ng babae sa grabeng pa bebe ah! Nang ako'y tuluyan ng makalapit... OMG! Ang boses ay si Debbie? Walanghiya! Agad kong binuksan ang pintuan.
At tumambad sa akin ang isang SPG scene! I cover my eyes. Pero alam niyo na, may nakikita parin hehe.
"My Gosh! Magdamit nga kayong dalawa!" Sigaw ko.
At dali-dali naman naghanapan ang dalawa ng kanilang mga damit.
Aba parang nakigaya lang sa movie, The tapunan ng damit everywhere.
Sorry nalang kayo at naudlot ang alam niyo na hehe. Lukaret ito, maya niyo na ituloy bwahaha. Ang loka ko talaga!
"B-besh, what are you doing in here?" Nagtatakang tanong ni Debbie.
Aba! Baliktad ata. Ako ang dapat na magtanong niyan!
Si Bodyguard lover boy ay tahimik lang. At familiar sa akin ang kanyang mukha!
"Di'ba ikaw ang Driver ni Zac?" Tanong ko sa kanya.
"Yes ma'am." Mahina niyang sagot.
"Sige na Hector, umalis kana ako na dito." Singit ni Debbie.
"Defensive ata tayo masyado besh!"Puna ko.
Nakaalis na si Hector at si Debbie ay seryoso ang mukha.
"Bakit ba ang serious mo? Hindi mo naman sinabi sa akin ang iyong secret affair ha."Nakatawa pa ako niyan. Pero si Debbie ay parang maiiyak na? "Besh, he's married." Mahinang sabi ni Debbie.
Masamang balita! Parang bomba na hinagis lang. Kawawa naman pala si Besh.
"Eh ano naman ngayon? Look at me and Zac, andiyan si Bebe Rond." Sabi ko sa kanya pero biglang umiyak si Debbie!
"Hala, Bakit besh? Ngayon lang kita nakita na umiyak sa isang lalaki ng ganyan ah! Nasaan na ang lukaret na si Debbie? Na walang pakialam sa mga lalaki dahil kayang-kaya niya silang palitan. Sabi mo pa there's so many fishes in the ocean." Ipinaalala ko sa kanya kung ano siya noon. Nasasaktan ako kapag ganyan siya. First time ito at 'yong Hector lang ang nagpaluha sa kanya! In fairness gwapo kahit may edad na. Parang same age lang sila ni Zac.
"Hindi ko alam Alexis. Basta nagising nalang ako na mahal ko na siya. I was hit by my own trapped." Humihikbing sambit niya.
Parang maiiyak na tuloy ako. Kanina ay pa suspense na may thriller. Ngayon ay Drama Queen kami huhu.
"Huwag kana umiyak Besh, naiiyak na rin ako eh. Support naman kita kung saan ka masaya." Naiiyak kong sabi.
"May anak kasi siya besh. And I felt guilty everytime that we are together. Pero hindi ko kayang iwan siya. Para akong mamamatay Besh." Umiyak lalo si Debbie.
Ay anong nangyari! Mas lalo atang lumala.
Pero tumatak sa isipan ko ang salitang anak.
Naku! Ganito rin ba ang mararamdaman ni Bebe pag nagka-anak na kami ni Zac?
Parang hindi ko rin kayang isipin pa sa ngayon.
Erase that horror thoughts!
"Tahan na. I'm always be here, Ano man ang magiging decision mo in the end besh."Niyakap ko siya para bigyan ng comfort.
"Thank you, besh." Gumanti ng yakap si Debbie habang umiiyak parin sa aking mga balikat.
Nang biglang dumating si Zac.
"Is everything alright?" Tanong niya.
Agad na nagpahid ng luha si Debbie at tahimik lang sa isang tabi.
"Oo naman. Bakit ka pala andito?" Nagtataka kong tanong.
"Kanina pa ako naghihintay sa ice para ilagay natin sa bukol mo." Nakakunot noong sagot ni Zac.
Ay, Hala! Ang bukol ko. Kinapa ko ang aking noo. At lumaki ang bukol! Hindi ko napansin.
"Sige na Besh. Okay lang ako rito." Malungkot na pagtataboy ni Debbie sa akin.
"Okay, huwag kana umiyak ha." Paalala ko sa kanya bago ko siya tuluyang iwan.
"Let's go, where's your ice pack?"Nagtatakang tanong ni Zac.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Napakamot nalang ako sa aking ulo.
"Ah, wala pa eh. Halika kumuha na tayo." Nakangisi kong sagot.
Napailing nalang si Zac.
Habang nilalagyan ni Zac ng cold compress ang aking bukol ay hindi ko maiwasan mapatingin sa kanyang mga mata.
Grabe talaga ang gray eyes niya eh. Pamatay sa attraction. Pero hindi ako attracted girl.
Humahanga lang, just a simple admiration.
At napatingin din siya sa akin. Parang nasa romantic movie eh. Eyes to eyes at halos hindi na makagalaw. Gumalaw ka Alexis!
Kumurap lang ang aking mga mata. Ano ba naman! Para tuloy akong nagpa cute lang at nag beautiful eyes.
"You've got a beautiful pair of brown eyes." Biglang nasabi ni Zac na kahit siya ay nagtaka sa sarili kung bakit niya nasabi iyon. At ako ay napakurap-kurap ulit at biglang uminit ang aking mga pisngi.
Bakit ganito? Hindi ko rin alam.
"Ah, thanks. Ang gray eyes mo din Zac, ang ganda lang." Sambit ko na biglang napangiti. At si Zac naman ay nakatulala?
"Zac? Hoy! Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong. At sinampal ko siya ng mahina. Worried ako baka nagbalik ulit ang trauma niya. "I'm okay." Maikli niyang sagot. At agad hinawakan ang aking mga kamay na nasa kanyang mukha.
Bigla akong may naramdaman! Para akong nakuryente ng magdampi ang aming mga kamay.
He is gritting his teeth as if gusto niyang pigilan ang kanyang mukha na mapalapit sa akin.
Pero hindi ata effective eh. Palapit ng palapit ang mukha niya! At lalong nag init ang aking pisngi at tila ba ang ingay ng aking tiyan.
Ito ba ang sinasabi nilang butterfly in the stomach? Naku, Alexis gumalaw ka baka bulate lang yan. Magpurga ka kaya bukas!
Jusko, na tameme pa ako! Hindi ako makapagsalita para patigilin si Zac sa kung ano man ang balak niyang gawin.
Bigla akong pinagpawisan lalo na sa aking noo.
At ganon din naman si Zac. Tagaktak na ang pawis sa kanyang mukha. Pero ayaw niyang tumigil!
In a slow motion...
Papalapit na ang kanyang mukha.
Konti nalang! Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga.
Nang biglang...
"Little princess! I bake some cookies for you. Pang midnight snack." Si Lolo na masayang sumisigaw. Papalapit sa amin ni Zac. Napabuntong-hininga si Zac at agad na lumayo sa akin habang pinapahiran ng kanyang mga kamay ang pawisan niyang mukha.
Agad naman nakahalata si Lolo na may something between the two of us.
"Oops, wrong timing ba ako Zac?" Nahihiyang tanong nito.
Napangiti lang si Zac.
"No, Mr. Night, come in here let me taste your cookies. " Sagot niya.
Napaayos naman ako ng upo at nakikain na lang din ako ng cookies.
"Ang sarap Lolo! Favorite ko ang chocolate flavor." Masayang sabi ko habang kumakain.
"Here, my fresh orange juice. For you little princess." Sabay bigay sa malamig na orange juice.
Agad ko itong ininom at parang isang araw akong nauhaw! Ubos ang laman ng juice. Ganon din si Zac. Pero habang umiinom siya ay hindi ko naiwasan na siya ay pagmasdan. Sa bawat paglagok niya ng juice ay bigla akong nauhaw ulit. Ano ba itong nangyayari sa akin!
"Kukuha ulit ako ng juice. Mukhang nauhaw kayong dalawa little princess." Nag wink pa si Lolo sa akin.
Teka! Ano kaya ang nasa isip ni Lolo?
Bahala siya eh.
Wala kaming kibuan ni Zac at ang awkward lang. Buti at tumawag si Bebe.
"Ah Zac, mauna na ako sa kwarto. Sasagutin ko pa ang tawag ni Rond." Paalam ko sa kanya.
"Sure, go ahead." Maikling sagot nito na hindi man lang ako tiningnan.
"Hello Bebe!" Masaya kong bati kay Rond habang naglalakad papunta sa kwarto.
"I miss you Bebe."Sweet na bati nito.
Ang sweet talaga ng Bebe ko.
Kinikilig na naman ako. Nagkwentuhan kami ni Rond hanggang dalawin ako ng antok at nakatulogan ko na.
Nagising ako ng may nagbukas ng pinto. Si Zac lang pala. At kinuha ang kanyang unan at kumot. At doon nahiga sa couch.
Bakit siya doon? Ang taas kaya niya, hindi ata siya magkakasya!
Agad akong bumangon habang siya ay gising pa.
"Zac, doon ka na sa kama. Ako na ang mahihiga diyan sa couch. Parang ang hirap tingnan ng position mo eh." Suhestiyon ko. "I'm okay." Medyo masungit na sagot nito.
Teka lang, Nagbalik ba si Zac pangit na masungit?
"You're funny. Ang tagal pa bago mag umaga Zac. Baka mag cramps ang mga paa mo."Concern kong sabi.
"It's okay. Just go back to sleep and nevermind me." Hindi nakangiting sagot nito. Nakasimangot na naman si Zac pangit!
"Okay ikaw ang bahala. Pero magsabi ka lang ha if hindi kana comfortable diyan." Pahabol ko pa. Pero deadma lang si Mr. Pangit! Hayaan mo siya. Tingnan lang natin kung sino ang pupulikatin bukas.
Hmmp!
Natulog na lang ako at hinayaan siya. Nakatalikod ako sa kanya.
Siya lang ba marunong magalit!