Chapter 20 The Secret behind the mask revealed
Alexis
Nakarating na kami ng sasakyan ay tulala parin si Zac.
Anong nangyari?
I cannot see his face clearly. Tinanggal ko muna ang mask niya. Tulala parin siya!
"Zac, Are you okay?" Nag wave ako ng aking kamay sa kanyang mukha pero walang reaction? Tulala lang si Zac! Kinakabahan na ako ah.
"Manong, bakit ganito si Zac? Dadalhin na ba natin siya sa hospital?" Worried kong tanong sa driver ni Zac.
Napabuntong-hininga si Manong Driver at biglang lumungkot ang expression ng kanyang mukha.
"Hayaan niyo nalang muna Ma'am. Babalik din siya sa normal. Na trigger lang 'yong phobia niya sa lights ng mga camera." Malungkot na sagot nito.
Phobia on camera lights? May ga'non? Ang dami naman yatang health issues ni Zac. Kung titingnan mo naman ay He is a man of power and wealth. Parang nasa kanya na ang lahat. Pero sakitin pala si pangit hehe. Ay, huwag magbiro.
Seryoso tayo brain magtigil ka!
"Wala bang gamot si Zac? At ng mapainom natin or kung ano ang dapat gawin?" Natataranta kong tanong. Baka mag panic attack ako.
Jusko Zac! Gumising ka na diyan.
"Meron ata pero hindi ko alam kung saan niya nilagay. Pero magiging okay naman siya mamaya Ma'am. Hayaan na muna ninyo." Paliwanag nito.
Kalmado lang si Manong ah. Ako ay halos mag panic attack na. Hindi ako sanay sa ganitong Zac.
I let his head rest. Para ma relax naman siya.
"Mag relax ka muna Zac. Babantayan muna kita. Good boy ha!" Sabi ko na parang nakikipag usap lang sa isang bata.
And his eyes flickered! Magiging okay na kaya siya? Sana naman.
"Zac? Okay ka na ba niyan? Nakikita mo na ba ako?" Masaya kong tanong.
Tinitigan niya lang ako pero hindi parin nagsasalita. At laking gulat ko when he pulled me closer at siilin ako ng halik!
Nanlaban ako at pilit na itinutulak siya pero hindi man lang siya natinag.
Manyakis ka talaga Zac!
At sa gigil ko kinagat ko ng malakas ang kanyang labi.
At bumitaw na rin si pangit at last.
"Manyakis ka talagang pangit ka!" Sabay sampal ko sa mukha ni Zac. Nabigla ako!
"Why did you slap me?" Seryosong tanong nito.
Hala! Nagbalik na sa Earth si Zac.
"Did I kiss you?" Nakakunot noong tanong nito. And touch his bleeding lips.
Obvious naman, Bakit nagtatanong pa eh!
At si Manong Driver nagpipigil lang na matawa.
Maka utot ka sana Manong!
Bwesit nakakahiya.
Gigil ako girl! Hindi ko sinagot si Zac at inirapan ko lang siya ng aking magagandang mga mata.
"I'm sorry for that." Finally he apologized.
Pero pinandigan ko ang aking pagiging galit.
"Manong, Let's go to Favorite Place." Utos ni Zac kay Manong na nagpipigil matawa.
Bahala kayo diyan. Wala parin kaming imikan ni Zac sa loob ng kotse. Ayaw ko nga! Hindi ko siya bati.
Buti nalang at tumawag si Bebe. Hindi ako mababagot sa biyahe.
"Hello Bebe, Good morning!" Masayang bati ko kay Rond.
At si Zac ay naging busy na sa kanyang laptop.
"I saw the news. What happened? Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito.
"Huh, ang mahaderang bakla buhay pa ba Bebe? Okay lang naman ako." Naiinis kong sagot ng maalala ang baklang panot.
"He is not okay! Laman siya ng buong newspapers at televisions. He will sue you sa inabot niyang damages sa kanyang katawan." Paliwanag ni Bebe.
As if may pakialam ako. Sue me all he wants!
"Tsk! Hayaan mo siya. He deserves all of that!" Walang pakialam kong sagot.
"Teka nga Bebe, Bakit grabe ka kung maka defend kay Zac ha? May gusto ka na ba sa kanya?" Deretsahang tanong nito.
At naka loud speaker ang phone ko! Napalingon si Manong Driver na kinikilig.
At si Zac ay napatingin sa akin na nakataas ang kilay with a face expression of "What the f*ck?"
Another awkward hiya moments! Bebe naman eh...
"Ano ka ba Bebe, How many times I told you that you're the only one that I love. And friend lang kami ni Zac no! Kaya stop overthinking. It's not good for your health kaya." Madamdamin kong sagot. Kala naman nitong si Zac. Inirapan ko siya ng mapatingin sa akin.
Napailing nalang ito at ibinalik ang mga mata sa kanyang laptop.
"Then, that's good. Where are you now?" Tanong niya.
"Pauwi na pero may pupuntahan ata si Zac saglit." Sagot ko.
"Umuwi kana, bakit ka pa sasama sa kanya?" Naiinis na tanong nito.
Eh, nagseselos si Bebe.
Kilig naman ako!
"Bebe, I already told you. Stop overthinking. I love you Bebe!" Malambing kong sabi.
"I love you too. Tawagan kita ulit mamaya ha. And be sure to text me all the time kung saan ka pupunta." Paalala nito.
"Syempre naman. Bye Bebe!" Nakangiti kong paalam.
Kahit saan naman ako magpunta at kung ano ang ginagawa ko ay always ako nag update at text kay Bebe. Always parin ang aming communication.
Biglang huminto si Manong Driver.
"We are here. Let's go, mag relax muna tayo before going home." Si Zac na bumaba na ng sasakyan.
Dali-dali akong bumaba at ang bumungad sa aking harapan ay napakalaking karatula ng FAVORITE PLACE
Name pala siya haha. And it's a gaming World of Fun?
Mahilig pala si Zac maglaro!
Nakasunod lang ako sa kanyang likuran.
At grabe ang ganda sa loob! High-tech at naka 3D design. At ang daming players!
Napalingon ako sa buong paligid. Halos lahat ata ng klaseng laro from old to recent ay nandito na!
Kung mahilig ka talaga sa games ay hindi kana aalis pa at mag check in kana siguro dito ng 24 hours.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Favorite Place is indeed a Favorite placemfor this who love games.
I'm fascinated with this place. Pero yon lang wala akong alam ni isang games.
Ay! meron Tetris hehe.
Umupo si Zac sa isa sa mga vacant seat.
Ay, barilan game!
Ang galing naman. Patay lahat ng mga kalaban. Pumalakpak ako at may palundag-lundag pa.
"Galing-galing." Nakangiti kong papuri.
"Why don't you try it?" Tanong nito.
Aba at may pa challenge pa si Zac pangit ah. Pero hindi ako marunong!
"Huwag na, wala akong talent sa game Zac. E cheer up nalang kita." I declined.
"Come on, you will surely enjoy it." May pa convince pa ito.
Tumalab naman ang convincing power ni Zac at sinubukan ko. Ayon, wala pang isang minuto ay namatay na ako haha.
"I told you ahaha." Nakatawa kong sabi.
Umupo si Zac sa tabi ko at ni reset ang game to start a new one.
He guided my hand and teach me how to fire the gun.
Oy, may pa kilig moment si Zac pero hindi ako kinikilig, I'm sorry.
Ganito kasi ang pormahan sa mga movie di'ba? Pero wala naman ako sa movie at mukhang seryoso naman si Zac na turuan ako.
Kaya erase ang masamang thoughts.
At nanalo din! Nakaganti din ako sa lahat ng kalaban.
Maya-maya pa ay naging seryoso na si Zac.
"Thank you for what you did at the TV Station." He sincerely said.
Tumigil ako sa paglalaro at hinarap siya. Medyo masarap din sa pakiramdam ang marinig na may mag thank you sayo.
"Ano ka ba! Friend na kaya tayo no. Kahit sino sa mga friends ko na in need ay talagang reresbak ako. Rescue kaagad besh!" Nakangiti kong sagot.
Napabuntong-hininga ito na tila may malalim na dinadala. May problema siya?
"Zac, ilabas mo kaya 'yan. Huwag mong kimkimin. Kaya siguro kong anu-anong sakit ang dumadapo sayo eh." Seryosong sabi ko.
He looks at me sincerely.
Baka mag open up na ito about his private life. Willing naman ako makinig.
"I was kidnap in Japan when I was 6 years old." Simula niya at na shock ako.
Kawawa naman pala si baby Zac noon.
Naghintay lang ako sa sunod na sasabihin niya.
I will be the listener. At makikinig lang sa kwento niya.
Seryoso tayo mga girls.
"I was afraid and shocked during that time. Seeing those ugly faces of my kidnappers, plus they are carrying a gun. I'm very afraid! And thanks God someone rescued me." He explained. Reminiscing those thoughts on his mind. Nakakatakot pala ang sinapit ni Zac sa mga kamay ng mga pangit na kidnappers! Salamat naman sa someone na yan at ligtas siya.
He looked at me.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"And that someone is your grandpa. He bravely rescue me from those kidnappers and kill them all without mercy." Ano daw? Kinalabutan ako sa aking narinig!
Nabingi ako sa kill them all without mercy! At si Lolo talaga ang savior niya? Bakit ganoon si Lolo noon? O ganyan parin siya until now?
Bigla akong kinabahan.
Ano ang sekreto ng aming Pamilya?
Pero itabi ko na muna yang personal problem ko.
I'm here for Zac. Later ko na haharapin ang sarili kong baggage.
"Medyo nawindang ako sa aking nalaman Zac pero hindi na ako magtatanong kasi hindi mo naman din sasagutin." Malungkot kong sagot.
"I'm sorry Alexis. Ayokong makialam sa inyong pamilya. Hopefully maayos na ang dapat maayos." Sabi ni Zac na nakatingin ng seryoso sa akin. Kanina ko pa napansin, Bakit ang serious ni Zac ngayon?
"Pero teka lang Zac. Wala naman ata connect ang phobia mo sa kidnapping?" Tanong ko.
He chuckled and then laugh.
"Okay, Let me finish. Hinatid ako ni Esmeraldo Night. Your grandpa, sa aming Mansion but I was surprised na may mga media from different tv and radio stations. When they saw me, agad nila akong nilapitan at nabitawan ako ni Mr. Night, At that time ay nasa stage of shocked pa ako dahil sa nangyaring kidnapping. Pinalibutan ako ng mga nagkikislapang camera. At halos masilaw na ako sa liwanag nito. Bigla akong natakot at hindi alam ang gagawin. Basta tinakpan ko nalang ng aking mga kamay ang aking mukha. Narinig kong sumigaw si Mommy pero ayaw parin ako tantanan ng mga media. Until nagpaputok ng baril si Mr. Night. Doon lang sila umalis. Then the rest is history. Nagkaroon ako ng phobia sa lights. Since elementary days I'am wearing this mask Alexis." Malungkot na paliwanag nito.
Medyo nakakalungkot naman. At si Lolo ang astig ng pormahan noon, may baril nga lang. Nakakatakot! "Thank you Zac at nag open up ka sa akin. Oh, magaan na ba ang pakiramdam mo?" Tanong kong nakangiti. "Medyo, At dahil diyan ay e lilibre kita. Ano ba ang gusto mong kainin?" Masayang tanong nito.
"Weh, craving ako ng ice cream ngayon. At don't worry. Andito na kaya ako, kapag may mag tanggal pa ng mask mo ay alam mo na! Kung Fu ang makakalaban nila hehe." With matching action pa 'yan. At natawa si Zac.
Eh, tumawa na rin ako. Happy lang kami. At ako ay excited na sa pa ice cream niya.
"Let's go, they have the best ice cream in here." Tumayo ito at inalalayan ako. "What do you mean? May ice cream store sila dito?" Na amazed kong tanong.
"Of course! They also have restaurants and groceries. The players in here is not ordinary. They are all rich and came from a wealthy families. So, as much as possible ay they will be treated according to their request." Mahabang paliwanag ni Zac.
At ako ay napanganga sa aking narinig. Sa name palang na Favorite Place. Talagang magiging favorite mo ito!
And Zac was telling the truth. Ang sarap ng ice cream nila! Ang laki pala ng lugar dito sa likod. Napapa wow nalang ako. Hindi ako makapaniwala na may ganitong klase ng Game World.
"Ang talino naman ng may-ari nito Zac! Bilib ako sa creativity niya." Papuri ko habang nakatingin sa buong paligid.
May cinema pa sila?
"Thanks for the compliment." Nakangiting sagot ni Zac.
"Don't tell me?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
And Zac just nod his head confirming na tama ang hinala ko!
"Wow, Grabe Zac. Congrats! Ang ganda dito." At bigla ko siyang nayakap dahil sa labis na tuwa.
"Thank you, But could you please let me go. Nasasakal ako!" Impit na hinaing nito.
Hala! Nasobrahan ata sa higpit ang pagkakayakap ko.
"Naku sorry, masaya lang ako para sayo akala ko kasi puro sunog kilay ka lang eh. Work lang ng work!" Binitiwan ko na si Zac at napatawa nalang ito.
"This is the other side of me. My safe haven."Nakatawang sagot nito.
"Sana all nalang talaga! Wala akong Safe na Haven na yan, but I'm happy for you." I sincerely said.
"Thank you." He answered seriously.
Pero bigla nalang kami napa bulalas ng tawa. Hala! Naging Lukaret na rin si Zac haha.
Nanood muna kami ng movie bago kami tuluyang umuwi sa Mansion.
At habang nasa sasakyan. Napasigaw ako ng pagbukas ko nang aking cellphone ay may 125 messages at 200 missed calls? Galing kay Bebe! Naku, nagtampo na siguro yon.