My Old Billionaire Husband

Chapter 69 Ignored



Alexis

Na settle na ang buong Mafia World at heto at tuloy na tuloy na ang party.

Masayahin si Zac kapag iba ang kaharap niya.

Pero kung ako ay laging nakasimangot at galit ang expresyon ng mukha nito.

Kahit miss na miss ko na siya ay ayaw ko naman maghabol.

Magmumukha lang akong kawawa.

Eh, kawawa naman talaga ako huhu.

"Hoy Besh, Ang lalim ng iniisip natin ah!" Sigaw ni Debbie at hinampas pa ang balikat ko.

Muntik na akong mahulog sa pagkakaupo.

Walanghiya!

"Ay Grabe ka Besh. Aatakihin ata ako sayo!" Ganting sigaw ko.

"Kanina pa kasi kita tinatawag at ikaw na ang susunod na e make over. Kaso, tulala ka! Si Zac na naman ba?" Seryosong tanong ni Debbie. Sino pa nga ba?

Si Zac lang naman ang laging laman ng aking isipan lately.

Ayaw man lang magpahinga kahit isang segundo man lang!

Pagod na ako kakaisip at ang itim na ng eyebags ko.

Buntunghininga lang ang isinagot ko kay Debbie.

"Naku Besh, Parang malala na 'yan ah. Bakit pa kasi nagbalik pa ang alaala ni Zac no." Malungkot na sambit ni Debbie.

Maiiyak na tuloy ako!

But no, kapagod ang umiyak at pumapangit na ako.

Okay na ako na matanaw si Zac sa malayo at masilayan ang kanyang ngiti na hindi na para sa akin.

"Okay lang ako Besh. Mawawala rin ito. Ang ganda mo ngayon ah!" Puri ko sa kanya.

Nagpa ultrasound na si Debbie and it's a baby girl. Kaya laging blooming ang friend ko.

"Syempre, need magpaganda Besh. Manganganak na ako at tumataba. Baka maghanap ng iba si Hector!" Natatakot na sagot niya.

"OA ka naman Besh haha. Mahal ka kaya ni Hector no! Ako ang walang pag-asa." Bigla na naman ako nalungkot.

"Hay naku Besh, malungkot kana naman! Maglandi ka kaya at baka masalisihan ka ng ibang babae diyan!" Nakatawang biro ni Debbie. "Wala naman hilig sa mga babae si Zac at ang sungit pa." Sagot ko.

"Huwag pakakasiguro besh. Ano itong nakikita ko!" Mahinang sigaw ni Debbie pero nabasag parin ang aking eardrum.

Napalingon ako at nakita si Zac na masayang nakikipag kwentuhan sa Blue Dragon Squad.

No! Hindi na yan kwentuhan eh. Harutan na!

At may kasama pang slap at touch sa shoulder.

Bakit ang saya ni Zac ngayon?

Napaka unfair naman.

"Puntahan mo na besh! Get your man!" Udyok sa akin ni Debbie.

Is he even my man?

Little sister lang kaya ako para sa kanya.

Heto na naman ang sakit!

Bakit sobrang sakit naman nito?

Kay Rond ay nakayanan ko naman ang sakit pero bakit kay Zac ay para akong pinatay at hindi na binigyan ng chance na mabuhay!

"Huwag na Debbie. Deadma lang naman ako kay Zac lately. At isa pa, hindi kasama sa contract namin ang pakialaman ang personal life ng isa't-isa." Malungkot kong sagot.

"Ano'ng contract? Ikaw pa ba yan Alexis? Nasaan na ang best friend kong palaban! Tingnan mo, grabeng harutan na yan! Ang haharot pala ng mga Blue Dragon Squad!" Naiinis na sigaw ni Debbie. At naiinis na rin ako!

Kusa nalang tumayo ang aking mga paa papunta sa kinaroroonan nila Zac.

At nandito na nga ako.

Ano ang sasabihin ko?

"Princess, may utos ka ba sa amin?" Ang masayang tanong ni Lily.

"Wala naman. Kayo, walang gagawin?" Naisipan kong itanong.

Awkward!

"Natapos na namin ang lahat ng gawain na naka assign sa amin. Any moment ay mag-uumpisa na ang party. Ready ka na ba?" Tanong niya. Ready na ba ako?

Naku, hindi!

Wala pa akong make-up eh.

"Hindi pa, make-up nalang ang kulang." Matipid kong sagot.

Grabe naman si Zac, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin o pinansin man lang.

Masaya lang siyang nakikipag kwentuhan kay Kulot ganda.

Wala ata akong laban sa babaeng ito.

Bukod sa maganda ay napaka-sexy rin ng katawan.

Bakit, sexy at maganda rin naman ako!

Pero parang nawala ang confident ko huhu.

"Naku, magpa make-up kana Princess. Baka mag-umpisa na ang party. Ikaw ang star of the night ngayon!" Excited na sigaw ni Liliy.

"Zac, pwede samahan mo ako pumili ng kulay ng aking gown?" Tawag ko sa kanya.

Pero parang wala siyang narinig!

Galit ba siya sa akin?

Para hindi maging awkward ay kinalabit ni Liliy si Zac.

Pero hindi na ako masaya sa kanyang cold treatment!

"Zac, tawag ka ni Alexis." Sambit ni Liliy.

"Yes?" Matipid na tanong nito na nakasimangot.

Kahit naka maskara siya ay kita at dama ko ang pagsimangot niya!

"Nothing, mag enjoy ka lang diyan ha." At kumaripas na ako ng takbo. Naiinis na talaga ako!

Kung ayaw niya sa akin ay huwag natin pilitin.

Pigilan mo ang umiyak Alexis!

Shut up brain. Paano ko pipigilan eh gustong umiyak ng mga mata ko.

"Besh, ano ang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Debbie.

"Wala besh. Hayaan mo na si Zac. Pagod na ako maghabol sa kanya. Tara at magpapa make-up pa ako." Sagot ko at nauna ng umalis. Nagtataka man si Debbie ay tumahimik nalang ito.

Ito ang gusto ko sa kanya. She knows kung kailan ako seryoso at nasasaktan ng totoo.

Supportive lang siya sa akin.

Nagpapasalamat ako na may best friend ako na kagaya niya.

Sumapit ang party at napakaganda ko sa aking midnight black gown na kita ang napaka-sexy kung likuran.

Ito ang pinili kong kulay dahil parang namatay ang buo kong pagkatao when Zac started ignoring me.

Bagay naman sa akin ang black at lumitaw pa ang aking kaputian.

Emo girl lang na nagluluksa ang peg ko ngayon!

At syempre napakaganda ko na at slight lang ang make-up ko. Ayaw ko ng sobrang kapal.

Ang daming tao!

Gosh, kinakabahan ako. Si Zac sana ang magpapakalma sa akin.

Pero nasaan siya?

Ayun at iba na naman ang kausap. Ewan kung sino yang babaeng yan!

Bahala na!

Si Debbie ay busy kay Hector at sila Mommy at Daddy ay may mga kausap.

Pati si Dad ay busy rin!

Ako lang ata ang nag-iisa at walang kausap.

Biglang umilaw ang stage at pumagitna ang baklang emcee. Una niyang tinawag sila Mommy at Dad.

At pumagitna sila sa stage. In fairness, bagay si Mommy at Dad pero kawawa naman si Daddy.

Kita ko sa mga mata niya ang selos pero wala naman siyang magagawa.

But at least peaceful na ang lahat at sana ay wala ng digmaan pa na mangyari.

And speaking of digmaan.

Andito talaga ang bwesit na si Joanna!

No choice ako dahil naging pinsan ko pa ang bruhang higad.

Behave naman siya ngayon dahil na trauma daw sa nangyari sabi ni Annalise.

Yes, nakikipag usap na kami sa isa't-isa na casual at civil lang.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Pero kapag andiyan si Rond ay parang si Gabriela Silang.

Bantay sarado si Rond.

Wala naman aagaw sa asawa niya!

Matapos ang mahabang speech ni Mommy at Dad ay bigla nalang tinawag ng emcee ang pangalan ko!

Gulat ang lola ninyo at nanginginig pa.

"And now, let's all welcome the Princess for tonight!" Ang sigaw ng emcee at ang buong camera ay nakatutok sa akin pati ang ilaw ay nasa akin!

Madilim ang paligid at ako lang ang tanging maliwanag.

Sikat talaga ang angkan ng Blue Dragon at Butterfly Gang.

May pa live coverage pa eh.

Para na akong malulusaw sa sobrang hiya!

Hindi ko ata kayang igalaw ang aking mga paa.

Nagpapalakpakan na ang lahat at naghihintay na umakyat ako sa stage!

Ano ka ba naman katawan gumalaw ka kaya!

Biglang may humawak sa nanlalamig kong kamay.

At dama ko ang init ng kanyang pagkakahawak.

Nabuhayan ako ng loob!

"Let's go, baby." Si Zac na nakangiti.

Ang gwapo!

At bakit may pa baby na naman ito?

Ayaw ko ng umasa!

Baka gusto lang niya ako huwag mag collapse dahil sa nerbiyos.

"Thanks, Zac." Nakangiti kong pasasalamat.

Ganu'n paman ay masaya ako dahil andiyan siya sa tabi ko.

Naglakad kami paakyat ng stage na sinusundan ng ilaw at mga nagkikislapang camera.

Parang naging artista ata kami dito sa ibang bansa!

At last nagawa ko na rin ngumiti ng normal na hindi nanginginig.

Ibinigay sa akin ng emcee ang microphone.

Ano ba ang sasabihin ko?

Pati speech ay hindi ko alam!

Naramdaman kong pinisil ng bahagya ni Zac ang aking kamay.

"You can do it!" Bulong niya pero parang nag echo sa buong pandinig ko.

Sabayan mo pa ng nakakatunaw niyang ngiti.

Wala na, nahulog na talaga ako sa pangit na masungit na ito!

Nagkaroon naman ako ng lakas ng loob para magsalita.

At hindi akalain na maitatawid ko ito!

Palakpakan ang buong paligid at biglang nagliwanag sa buong venue ng party.

Bumaba na kami ni Zac ng stage at sa hindi inaasahan ay iniwan na naman niya ako.

Pinaasa na naman ako ni pangit!

"It's time to party people! Enjoy the night!" Ang sigaw ng emcee at biglang nagdilim ulit ang kapaligiran. Nagsipag-ilawan ang mga disco balls at kung anu-ano pang balls na nagpakulay sa buong dance floor.

Ang lahat ay masaya na pumagitna at nagsayaw ng bongga.

Parang mga praning lang ang mga ito kung maka headbang ng kanilang mga ulo!

Jusko!

"Besh, let's dance!" Ang masayang sigaw sa akin ni Debbie.

"Don't tell me pati ikaw besh? Kaya mo pa bang sumayaw?" Umiiling na tanong ko.

"Oo naman! Let's party. Let's go na at maki jamming!" Hinila na ako ni Debbie sa gitna at wala na akong nagawa.

Sayaw to the right!

Sayaw to the left!

Aba, nag enjoy ang buntis!

Ang saya lang ng lahat ng biglang nag-iba ang music.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Naging slow music ito sa tune na "The Time of my Life."

Ang harot ng music ah!

Biglang nag-upuan ang mga tao.

"Let's dance babe!" Dumating si Hector na malambing na inaaya si Debbie na magsayaw.

"Sure! Besh sweet moment muna kami hehe." Paalam ni Debbie at tumango lang ako.

Ang sweet lang nila tingnan habang magkayakap na nagsasayaw.

Sila Mommy at Daddy ay naki-join din!

"My daughter, Can I have this dance?" Tanong ni Dad na biglang sumulpot sa aking harapan.

Nagulat ako pero inabot ko ang kanyang kamay at nagsayaw din kami sa dance floor.

Pero ang hindi ko inaasahan na magsasayaw sa gitna ay si Zac at kulot ganda?

Napaka sexy ni kulot sa red long gown niya at hapit na hapit ang bawat kurbada at hubog ng kanyang katawan.

At nandoon ang mga kamay ni Zac nakalingkis na parang ahas!

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Ang init ng katawan ko na umaakyat sa mukha ko.

Nanginginig ang kamay ko at pinagpapawisan.

Gusto kong sumabog!

Parang sasabog ako sa sobrang selos at galit na nararamdaman!

Ang sweet nilang dalawa at halos magkadikit na ang mga mukha kung mag-usap at tawanan.

Ang saya lang ni pangit habang ako ay halos mamatay na sa selos!

"Are you okay my daughter?" Ang tanong ni Dad.

"I'm not okay! Galit na galit na ako Dad." Halos maiyak na sagot ko.

Huminto sa pagsasayaw si Dad at napalingon kina Zac.

"That bastard! He doesn't deserve you my daughter." Galit na sambit nito.

"No, he deserve me. At akin lang siya!" Sagot ko at agad na binunot ang. 45 caliber ni Dad na nakasukbit sa kanyang beywang.

"Give it back to me my daughter!" Nahintakutang sigaw ni Dad.

"Pahiram muna sandali Dad. Don't worry, there will be no casualties." Sagot ko at agad na lumapit sa gitna at nagpaputok.

Sapul ang malaking cake at natumba.

Pero hindi man lang natakot ang mga tao.

Oo nga naman, this is a Mafia Party, kaya sanay na sila sa ganito!

"Besh! Ano'ng ginagawa mo?" Gulat na tanong ni Debbie at niyakap ni Hector para kumalma.

Siya lang ata ang nagulat.

I'm sorry besh.

Hindi ko na kaya at sasabog na ako sa galit!

And at last ay tumigil din ang dalawa sa pagsasayaw pero magkayakap parin!

"Nakaka-bwesit nga naman, tumigil na ang music ay magkayakap parin kayong dalawa!" Sigaw ko at nagpaputok ulit.

This time ay sa paanan na nila at hindi parin binibitawan ni Zac si Kulot!

Talagang sinusubukan ang aking pasensiya.

"What happened to you?" Ang nagtatakang tanong ni Zac.

"Bwesit! Tinatanong pa ba 'yan? Ako ang asawa mo tapos sa ibang babae ka nakahawak! Naubos na ang pasensiya ko sa'yo pangit ka!" Sumisigaw kong sagot.

"So, you're jealous?" He asked while smirking at papalapit sa akin!

Naiwan si Kulot na...

Nakangiti?!

"Syempre, halos mamatay na ako sa selos. Walanghiya ka pangit!" Wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid ko.

Galit na galit ako!

Nanginginig parin ang buo kong katawan.

Baka mapatay ko si Kulot ng wala sa oras.

Mas lalo siyang gumanda habang nakangiti!

"Do you love me?" Seryosong tanong ni Zac.

"Oo Naman, Mahal na Mahal kita Zac." Mahina kong sagot.

Nakakahiya umamin sa harap ng madaming tao pero Mahal ko siya!

"Then, Will you marry me, again?" Tanong niya.

Ano daw?!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.