Chapter CHAPTER 35
Isla's POV We're here!" malakas na sigaw ni Alice kaya naalimpungatan ako roon. Hanggang sa panaginip ay naririnig ko ang ingay ng mga ito.
"Ingay." Agad naman nila akong kinantiyawan dahil do'n. Tumayo naman na ako at kinuha na rin ang mga gamit. Isang araw lang naman kami rito kaya talagang susulitin na. We even bought are clothes in the near market para lang dito. Pagkababang-pagkababa pa lang nila'y gusto na agad magtungo sa mini bar dito. Ang dami ring tao kahit gabi na.
"How about you, Isla? Hindi ka iinom?" tanong nila na binibigyan pa ako ng alak. Natatawa naman akong umiling. Aba't the last time I got drunk, I called Alon. Hindi naman pupuwedeng ganoon ulit. That's not nice lalo na't babae rin ako. Hindi naman nakakatuwang makitang tumatawag ang ex ng boyfriend mo, 'di ba?
"Papahinga ka lang diyan? Boring mo naman!" Tinawanan ko lang sila at hinayaang mag-party.
I ended up watching the sky. Is he also watching it? Napangiti na lang ako roon.
It's refreshing. Katulad nga nang sinabi nila.
We spend the night together at late na silang nakatulog kaya mag-isa ko lang kinaumagahan na pakalat-kalat sa dalampasigan. Ang sabi pa nila kanina'y walang tulugan pero bagsak din agad ngayon. Sana'y nag-inuman na lang sila sa Manila. Nagsayang pa sila ng oras para bumyahe.
Mayamaya lang ay bangag na gumising ang mga ito. Nakababad na ako sa arawan habang kumakain pa lang sila ng almusal but they became hyper again nang makita ang dalampasigan.
"Bhie! Ang sarap ng foods!" ani Janice na umupo sa tabi ko.
"True lang."
"Isla, Janice! Try this one!" malakas na saad ni Alice na tumatakbo patungo sa amin. Binigyan niya kami ng inumin.
Tirik na tirik ang araw at abalang-abala na sila sa paglilibang ng kani-kanilang sarili.
Nang magtanghali ay excited agad sila sa activities na inihanda ni Chief para sa amin.
"Boat hopping? Omg!" Tuwang-tuwa ang mga ito nang sumakay kami roon.
We really enjoyed the day. Surfing dito, swimming diyan. Sumubok din silang mag-volleyball. They are all enjoying the day. Ganoon din naman ako. Kahit paano'y nawala rin ang iniisip. Hindi ko nga lang alam kung paano ko kauusapin si Alon pagkawui.
Bagsak agad kami nang matapos ang araw. Pagod na pagod din ako kapag nakatulog talaga nang mahimbing.
Nagising ako kinaumagahan na wala na ang mga kasama sa kwarto. Lumabas naman ako para hanapin ang mga ito ngunit wala rin naman sa dalampasigan. Sabi nila'y uuwi kami ng 8 ngayong umaga. Tinignan ko naman ang phone ko. It's just 6 o'clock! Kita ko ang mga text mula sa kanila.
Alice:
Hi. Umuwi na kami.
Halos malaglag naman ang panga ko dahil sa text nito. What the heck?
Agad naman akong nagtipa ng mensahe sa kaniya. Tumawag din ito nang makita ang text ko.
"Hi." Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa niya kaya hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa aking phone.
"Aba, nagagawa mo pang tumawa riyan, Alice? Iniwan niyo ako? Joke ba 'yan? It's a prank ba? Talagang malilintikan kayo sa akin!" sunod-sunod ang tanong ko at talagang nag-iinit ang ulo sa mga ito.
"Oo. Nandito na kami now sa office. It's my gift for you. Enjoy the rest of the day, Bhie. Huwag kang magpa-stress diyan. May regalo ako sa 'yo." Humalakhak pa siya bago ako pinatayan ng tawag. Alam na sesermonan ko siya. Alice:
Chief already excuse you. Hindi mo na kailangang bumalik sa opisina today. Hehehe! Enjoy! I hope you two can talk together!
Napakunot pa lalo ang noo ko dahil sa mensahe nito. What the heck is she talking about?
"Excuse me, Ma'am? Are you the one Ms. Alice talking about? Handa na po ang bangka para sa island hopping niyo po," anang isang staff.
Handa na akong magalit sa kanila ngunit pasalamat na lang talaga ang mga ito na narito ako ngayon sa isang magandang isla. Narito na rin naman ako. Mabuti na lang din sigurong sulitin ang lugar.
Nanlaki ang mata ko nang salubungin akk ng tingin ng taong may kulay asul na mga mata nang sumakay na ako sa bangka.
Seryoso naman niya akong tinignan. Nakakainis pa dahil hindi pa ako nakahanda'y bigla na lang umandar ang bangka. Namamalikmata lang ba ako? Siya ba talaga ang nakikita ko?
"What are you doing here?" mahina kong tanong habang nakatingin sa kaniya.
Gusto kong tumalon pero at the same time gusto ko na rin namang kausapin si Alon.
"I'm sorry. I asked Alice for a favor. I thought I should lock you up in one place so we can finally talk." Napaawang ang labi ko roon.
"Pero mag-uusap naman tayo pagkauwi ko?" patanong na saad ko.
"I know. But I just want to talk to you now. I want to see you..." Ramdam ko ang paglakas ng tibok ng puso ko dahil doon. Aam kong hindi tama pero para akong malulunod sa mga nata nito. "Hmm..." Natahimik kami sandali bago ko pinutol ang katahimikan.
"What do you want to talk about all this time?"
"Can I say something first?" tanong ko kaya tumango siya.
"What I said the last time I called you... I mean it..." ani ko kaya napatingin siya sa akin.
"I still love you the same way...No... Mas lumala pa... But don't worry about it. Ako na ang bahalang kumalimot niyon... I still love you but I respect you and Asia... Kalimutan mo na lang. Wala akong intensiyon na guluhin ka... Na guluhin kayo. Hindi ko gus--" Bago ko pa matutuloy ang sasabihin ko ay dumampi na ang malambot nitong labi sa akin habang nakasilip si Haring araw. Nanlaki ang mga mata ko halos hindi na makahinga nang bitawan niya ako.
"Mahal pa rin kita." Halos maestatwa ako dahil dito at lumakas pa lalo ang tibok ng puso. Natulala lang ako sa kanya. Ramdam ko pa rin ang malambot na labi nito.
"You-- Cheated." Napakurap-kurap pa ako dahil sa gulat.
"May girlfriend ka, Alon! Paano mo nagawang magloko?!"
"Do you think I'll kiss you when I'm committed to someone else?"
"I only kiss someone I love, Miss, and you're that someone."
"Wala akong girlfriend. Depende kung babalikan mo ako." Ito nanaman ang puso ko na ang lakas lakas na naman ng tibok na wari'y nakikipagkarera sa sobrang bilis. "Lokohin mo lelang mo. Anong tawag mo kay Asia?"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Boss?" patanong na saad niya.
"Asia and I are just friends. Hindi ko alam kung saan mo nakuha 'yan," aniya na naiiling na lang sa akin.
"Huwag mo akong lokohin, Alfonso Pacifico. Akala mo ba hindi ko alam? Noong in-interview ko ang jowa mo, pinagdala mo pa ng maraming pagkain."
"Para sa 'yo iyon. You're not eating properly."
"I only like you, Miss." Ngumiti pa siya sa akin habang nanatili lang ang tingin ko sa kaniya.
"But you two look good together..." pabulong na saad ko.
"Mas bagay tayo. I only like you, Isla." Seryoso ang mga mata niya nang sambitin 'yon.
"Sige. Thanks." Pinagkunutan niya naman ako ng noo dahil dito.
"Anong sige?"
"Tayo na ulit." Hindi naman siya nakapagsalita agad at nakatitig lang sa akin. Palalagpasin ko pa ba gayong naliwanagan na? Sapat na ang tatlong paghihintay ko rito. Ayaw kong dagdagan ang mga pagsisisi ko. "Tayo na?" tanong niya nang yakapin ako nang mahigpit. Kusa namang kumurba ang ngiti mula sa aking mga labi rito.
"I love you... Araw-araw." bulong niya habang nakayakap sa akin.
"Ako rin." Agad naman siyang humiwalay ng yakap at pinanliitan ako ng mata.
"Anong ako rin?" nakasimangot niyang tanong.
"Ako rin. Mahal ka."
"Sayang ang pag-inom inom ko. Hindi mo naman pala jowa si Asia!" sabi ko at napairap pa sa kanya.
"Uso magtanong." Inirapan ko lang siya. Sakto ring nakarating kami sa kabilang isla.
"Let's work with that, Miss. Let's make it work. No more secrets now. If there's something you want to ask. Ask. Hindi tayo maghuhulaan dito, Miss." Ngumiti ako at tumango.
"When we get tired, let's rest for a while before making a decision."
I really want to make it happen. Those insecurities, I'll set that aside. If I can even remove it in my life, I'll do it.
"We are going to take care of ourselves. Ourselves not just me, Alon..." pag-uulit ko sa kaniya. Tumango naman siya at ngumiti. Ayaw ko nang maulit pa na sa akin lang umiikot ang buhay nito na kahit na may gawin pa akong mali, hahayaan niya lang.
"Yes, Ma'am. Let's do that..."
Mayamaya lang ay tumatawag na si Alice. Naka-video call pa ito kaya agad ko siyang pinagkunutan ng noo.
"Ano? Kumusta? Have you seen Alon?" tanong niya na mukhang excited pa.
"Ano? Manliligaw mo na ba 'tong si Alon, Isla?" Sumilip pa si Janice.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Nagkausap na ba kayo?" tanong naman ni Janine.
"Kami na." Pinakita ko pa si Alon sa gilid ko. Halos mangisay sa kilig 'tong mga kaibigan ko. Natawa na lang akong napailing sa kanila.
"Ayan! Mabilis ka talaga, Isla," natatawang saad ni Janice sa akin.
"Nako, baka mamaya lang ay pipikutin na ito ni Isla." Humagalpak pa ng tawa ni Janine.
"Baliktad," sabi ni Alice na nilingon pa si Alon.
Dahil badtrip pa rin ako sa kanila kahit na medyo okay na dahil kay Alon. Ininggit ko lang sila sa lugar sapagkat hindi naman namin ito nabisita nitong nakaraan. "Gago! Ang ganda naman diyan sa Isla!"
"Thanks." Inirapan naman ako ni Janice
"Sa dinami-dami ng isla sa buong mundo, ikaw ang pinakapaborito ko. Ang Isla ko." bulong ni Alon sa akin kaya agad siyang napuna ng mga kaibigan ko.
"Walang hiya! PDA! Respeto naman sa mga walang jowa o!" Napatawa na lang kaming napapailing sa kanya.
"Libre namin, Alon, ah! Aba! Hirap kaya naming tumakas kaninang umaga!" anila kaya sinamaan ko lang sila ng tingin. Nang matapos ang usapan namin ay nagsibalik na rin sila sa trabaho habang kami naman ni Alon ay nilibang na ang sarili sa isla.
"Wala ka bang pasok?" tanong ko kay Alon habang naglalakad kami sa dalampasigan.
"Nag-leave muna ako." Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.
"So binayaran mo talaga ang mga kaibigan ko, ha?" tanong ko na pinanliitan siya ng mga mata.
"Medyo." Napatawa naman ako dahil doon.
"Pwede mo naman akong kausapin sa Manila. Gusto mo pa talaga'y sa Pangasinan. Hindi mo naman na kailangan pumunta pa at sumunod dito dahil balak naman na talaga kitang kausapin."
"Wow, sinubukan kitang kausapin ng ilang beses at lagi mo na lang akong tinatakasan." Napanguso naman ako.
"Halik lang pala makakapagpatigil sa 'yo. Eh 'di sana noon ko pa ginawa," bulong niya kaya agad ko siyang kinurot.
"Ang kapal ng mukha mo! Ni hindi nga masarap 'yang laway mo." Napahagalpak naman siya sa sinabi ko. Weh? Sarap kaya.
"Really? Tikman mo nga ulit kung hindi talaga masarap," aniya na nilapit pa ang mukha sa akin at siniil na naman ako ng halik. Para lang talaga akong malulunod habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Mayamaya lang ay napangiti ma lang din sa isa't isa bago binalik ang nga mata sa dalampasigan.
Natahimik naman kaming pareho habang nakatingin doon.
"It was one of our dream," mahinang bulong niya sa akin. Naupo kami sa batuhan.
"Yeah." Nakangiti kong pagsang-ayon habang nakatingin lang din sa kalangitan.
"Let's fulfill all of our dreams together, Isla. This time, for real." Nakita ko naman ang pagtango nito.
Payapang payapa ang naging gabi namin, ang malamig na simoy ng hangin ay tumatama sa aming mga balat. Habang ang alon ng tubig na tumatama sa pangpang ang nagsisilbing musika sa aming tenga.