Chapter CHAPTER 34
Isla's POV
"Nandiyan ka na? Call me if nakarating ka na. Sabihan mo rin ako kung may problema," sambit sa akin ni Alice. Papunta ako ngayong Imango para interview-in si Asia, the CEO of their company para sa ila-launch nilang bagong phone. Minsan talaga hindi na ako natutuwa na ako nang ako ang pinaglalaruan ng tadhana. How can I get there? I've been ignoring Alon for a while now. Ni hindi ko nga sinubukang kitain ito kahit na sinasabi niyang miss na ako ni Choco. "Yup."
"Why don't you ask her too tutal ay pupuntahan mo na rin naman." Hindi naman ako nagsalita. I should be professional. Hindi naman ako pupuwedeng magpadala na lang sa nararamdaman ko.
Nang makarating doon, nakasalubong ko ang ilang katrabaho ni Alon..
"Oh, Ms. Reporter!" Agad akong binati ni Sed nang makita.
"Anong ginagawa mo rito? Bibisitahin mo ba si Alon?" tanong niya sa akin.
"No. I actually came here for Ms. Asia," ani ko.
"Oh. Naka-sched nga pala ang interview. Sige, tuloy ka na lang diyan, Ms. Reporter. Gusto mo bang tawagin ko si Alon?" Mabilis naman akong umiling kaya agad kong nakita ang mapaglaro niyang ngisi habang nakatingin sa akin. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Iginiya naman ako ng sekretarya ni Ms. Asia. Nang nasa second floor na'y bahagyang natigilan nang makita si Alon habang suot-suot ang kaniyang coat at nakasalamin din. Agad siyang nahinto nang makita ako. "What are you doing here?"
"I'm going to talk to your CEO," ani ko na tipid lang na ngumiti. Nagkunwari lang din akong abala na nakatingin sa schedule ko habang pasakay sa elevator kaya lang laking gulat ko nang makitang sumakay rin si Alon. "Sir Alon will guide you po, Ma'am," anang sekretarya kaya napapikit na lang din ako habang pasakay sa sasakyan.
"Do you have time after this?" tanong niya sa akin.
"No. I actually have a lot of work to do." Pinagmasdan niya naman ako kaya awkward lang akong nakatingin sa pinto.
"Hmm, are you even resting? You also said that last time we saw each other." Laking pasasalamat ko na lang din na bumukas na ang elevator.
"Yes. I'm a busy person. I need to go," ani ko na nagmadali nang lumabas. Pakiramdam ko'y anytime ay magkakasala ako kapag kasama ito.
"Good morning, Ms. Emperyo," bati ni Ms. Asia nang makita ako.
"Good morning, Ms. Asia. I'm the one they send from TeaNews," nakangiti kong bati dito.
Ngumisi naman siya nang makipagkamay sa akin. Nagawa niya rin akong pagtaasan kilay bago tignan ako mula ulo hanggang paa. Mayamaya ay bumalik ang ngiti nito.
"Isla, right?" Sinenyasan akong umupo. Ang expensive, Bhie. Mukhang ang bango-bango niya pa. Kahit ako magkakagusto sa kaniya. Abg ganda nga talaga. Pang-girl boss pa ang datingan.
"I've heard a lot about you," nakangiti niyang saad. From who? Kay Alon ba? Kinukwento niya rin ba ako sa girlfriend niya? Alam ba nito na ex ako ni Alon?
"I hope it's good." Humalakhak naman kaming pareho roon. She seems nice. They really look good together ni Alon. Nakita ko pa ang litrato nila kasama ang ilang hindi kilalang tao sa table niya. Wow. They really spend years together. Mas matagal pa ang pinagsamahan nila kaysa sa amin. How can I compare myself to her?
Nothing really changed, I'm still the same Isla who's scared with everything. Still the same Isla who's not worth it of his love.
"Can we start?" Tumango naman siya kaya nagsimula na rin akong magtanong sa project na ilalaunch nila. She's so professional. Sobrang ganda at galing niya pang magpaliwanag. Bagay nga talaga sila ni Alon. Maybe she's the one who really deserves him. That someone who I was looking for years ago, someone who truly deserves Alon.
She's really nice. Kahit nang matapos ang interview she's been asking me if I'm comfortable.
"What do you want to eat, Ms. Emperyo? I'll ask my secretary to buy us food before you go." I was about to decline nang kumatok ang secretary niya.
"Ms. Asia, meryenda raw po. Bigay ni Sir Alon," sabi ng secretary niya at iniabot sa kaniya ni Asia ang pagkain.
"Thanks you..." Ngumiti pa siya rito.
"Let's eat first before you go, Ms. Emperyo. Ang dami nito. I can't eat it all. I'm on a diet din, eh," aniya na nginitian pa ako. Gusto kong tumanggi pero hindi ko rin magawa dahil sa ngiti niya sa akin. Para bang kasalanan ang tumanggi sa malambing na ngiti niyo.
"Uh, thanks." Tahimik lang kaming kumain. She mentions Alon twice but she looks like she's watching my expression. Mukhang nabasa niya naman na hindi ako kumportable kaya halos patungkol lang sa akin ang tinatanong niya. She's nice. Wala akong masabi. Para siyang anghel. Anghel na expensive syempre.
"I'll get going now, Ms. Asia. Thanks for your time. I hope to have an interview with you again." Isang ngiti pa ang iginawad ko sa kaniya bago siya tumayo at iginiya ako sa pinto.
"Thank you too, Ms. Emperyo. I also hope so. It was comfortable talking with you. I hope to see you again soon."
Nang makalabas sa opisina nito, isang malungkot na ngiti ang pinakawalan ko para sa sarili. I'm happy for Alon. Genuinely. I'm happy that he managed to find a nice lady like her but I just feel sad about myself. Self-pity na naman. Napailing na lang ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Nakasalubong ko sina Alon ngunit hindi ko na siya pinansin pa. Dire-diretso na sana ako palabas subalot agad akong naabutan ni Alon.
"Is it done?" tanong ni Alon bago ko pa siya malagpasan. Simple lang akong tumango.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Can we talk after this? Sunduin ulit kita sa TeaNews," aniya. Nitong mga nakaraan, lagi ko siyang nakikita sa labas ng TeaNews ngunit isinasawalang bahala ko lang dahil baka may pinagkakaabalahan lang sa cafe sa tapat. "Sige," ani ko na tumango. Maybe it's time for closure now. I don't want to hurt a nice lady like Asia. Nah, I don't want to hurt anyone rather.
"Can we do it now?" tanong ko sa kaniya. Excuse ko lang naman kasi talaga ang trabaho dahil ito na ang huling interview'ng gagawin.
Agad naman siyang tumango.
"Let's go." Iginiya niya lang ako sa kaniyang sasakyan. Tahimik naman akong naupo roon habang iniisip kung paano sisimulan ang mga sasabihin. Hindi ko naman maiwasan ang mapapikit nang makitang may tawag galing kina Alice.
"Hello?" patanong na saad ko.
"Nasaan ka na?"
"Need ka na sa opisina. ASAP." Napaawang naman ang labi ko. Hindi ko alam kung may problema ba o ano pero dahil sa ASAP ni Alice pina-U turn ko na rin ang kotse ni Alon.
"We'll talk later," seryoso kong sambit.
"Alright. Sunduin na lang kita," anito.
"No need. Just text me the address," ani ko bago bumaba. Ramdam ko ang titig niya habang naglalakad ako paalis. Hindi ko naman na siya nilingon pa. Tawag pa kasi nang tawag ang mga kaibigan. Agad naman akong sinalubong nang malapad na ngiti ng mga ito.
"Anong mayroon?" tanong ko sa kanila.
"Tara na!" Agad akong hinila ni Alice patungo sa van. Napaawang naman ang labi ko nang makita ang mga suot nila. They're wearing summer clothes.
"Huh? Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makita pa si Chief na papasok din sa loob. Agad namang ngumisi si Alice.
"Deserve din natin ng vacation, Bhie!" ani Janice na may salamin pa kahit pagabi na.
"Gago?" Tumawa naman ang mga ito dahil sa reaksiyon ko.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "We're going to the beach today. Libre ni Chief!" nakangiti nila saad.
"Huh? Bakit hindi ata ako na-inform?" kunot noo kong tanong sa mga ito.
"Bhie, biglaan lang. Kinantiyawan lang namin si Chief." Humalakhak pa ang mga ito habang ako naman ay napapailing na lang din sa kanila.
"Huwag ka, Bhie. Ang team lang natin ang mayroong paganito." Ipinaliwag naman nilang libre dahil sa mga nagawa namin nitong mga nakaraang buwan. "Siraulo kayo, wala akong damit!" reklamo ko.
"Same!" sabay-sabay nilang saad at tumawa pa. Mukhang desidido talaga kahit na isang araw lang naman kami roon.
Nakatulugan ko naman ang byahe dahil na rin sa pagod. Hindi lang physically dahil pagod na rin talaga ako emotionally.
Napaawang naman ang labi ko nang mapatingin ako sa phone. Nakitang may tawag doon mula kay Alon. Mayroon ding text mula sa kaniya.
"Hey," bati niya nang sa wakas ay sagutin ko ang tawag.
"Nandiyan ka pa?" tanong ko.
"Hmm." Hindi naman niya sinagot ang tanong ko.
"Are you still there?" tanong ko sa kaniya.
"Yes."
"I'm sorry," agad kong saad. Napapikit na lang din dahil nakokonsensiya.
"We're out of the office. We're going to Pangasinan. I'm really sorry. Let's talk after I get home," seryoso kong sambit. Matagal bago siya nagsalita. "I understand. See you," anito.
"Sorry..."
"It's fine. I was the one who kept on pushing us to talk." Humalakhak pa ito habang nanatili lang naman ang guiltyness mula sa mukha ko.