Hoy, Mr. Snatcher!

Chapter CHAPTER 36



Isla's POV

Nang makabalik sa Manila, back to normal na ulit kami. Nandito na naman sa office at abala na naman sa trabaho.

"Nako, iba talaga ang nagagawa ng love life. Mas lalong nagiging blooming," puna sa akin ni Janice. Napailing na lang ako sa kanya ang lakas kaya mang-asar ng gagang 'yan. Tinuloy ko na lang ang ginagawa. "Sarap din magkaroon ng kaibigang may jowa, pati tayo damay sa mga pameryenda," natatawang saad naman ni Janine.

"Speaking!" Natawa sila nang may tumawag sa akin mula sa labas ng opisina.

"Ms. Emperyo, para sa inyo raw ho," sabi ng guard namin dito. May mga dala siyang box. Napakunot naman ako ng noo roon.

"Mayroon pa po sa labas."sabi niya pa at nilapag lang ang mga box sa tabi ng table ko. Naglakad naman na si Manong palabas kaya hindi ko na ito natanong pa.

Napatingin naman ako sa box at pilit itong binubuksan. Agad naman na nanlaki ang mga mata ko ng punong puno ito ng cheesecake sa loob. May mga nakadikit ding notes sa mga ito.

Tila ilog na nagbalik sa akin ang mga alaala. Hindi niya ako nakakalimutang bigyan ng cheese cake noon, walang araw na hindi siya nakabili ng cheese cake para pagandahin ang araw ko. Kusa na lang kumurba ang ngiti mula sa aking mga labi.

"Grabe, taray talaga ng boyfriend mo, Isla!" natatawang saad ni Janice sa akin.

Mayamaya ay pumasok si Manong sa loob. May mga dala pa ulit siyang box at nilagay 'yon sa gilid ng table ko.

"Sana all!" malakas na sigaw ng mga katrabaho ko. Napailing na lang ako sa kanila. Halos hindi makapaniwala na ang daming cheesecake na pinamili ni Alon at ang dami ring nakalagay na notes doon.

"Ma'am, pwede niyo po bang kunin ang last na box sa labas?" tanong ni Manong sa akin.

"Sige po, Manong." Pagkalabas ko ay nakita ko si Alon na siyang may hawak ng huling box. Ngumiti siya nang makita ako.

"Kainis ka! Ano na namang pakulo ito?!" tanong ko sa kanya na pabirong sinamaan siya ng tingin. Napatawa naman ito nang mahina.

"1, 103 days without you, 1, 103 cheesecake for you, Miss."

"Edi sana all na lang talaga kami rito sa gedli!" Natawa naman ako nang makita sa silang nakasunod sa amin at pinagmamasdan kami ni Alon ngayon.

"Let's have a date after your work, susunduin kita," aniya sa akin kaya ngumiti ako at tumango.

"Alright. Ingat ka rin sa trabaho."

He was extra sweet to me. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siyang paalis. Kumaway pa ako at ngumiti pang muli sa kaniya.

"Ikaw na ang mahabang buhok, Girl," ani Janine habang sinusukat pa ang buhok ko. Hindi ko naman mapigilan ang mapailing doon bago bumalik na sa ginagawa.

Madalas ang labas namin ni Alon lalo na kapag tapos ng trabaho. He said he wants to get back those years we broke up kahit sa pa-dinner-dinner na lang together.

"Ganado, ah? Sana all," natatawang saad ng mga katrabaho ko. Hindi ko naman sila pinansin dahil talagang mapang-asar lang ang mga ito. Pero totoo rin namang may inspirasiyon kaya ganado. Kinahapunan, dumating si Alon para sunduin ako. Malapad naman ang ngiti ko sa kaniya nang lapitan niya ako.

"What do you want to eat?"

"Hmm, fast food na lang."

"Don't you like to eat where we dined last time?" tanong niya.

"Huwah na! Ang mahal doon!" Napanguso pa ako dahil pakiramdam ko'y ang dami nang mabibiling pagkain sa ibang lugar.

"I just want to spoil you."

"Hindi naman kailangan na mamahalin pa. Kahit nga pancit ni Aling Lina masaya na ako."

"Well, I just want to give you the things that I couldn't buy for you 3 years ago."

"Sus! Hindi na 'yon kailangan!" Tumawa pa ako at napailing.

"I know," bulong niya naman.

"But do you even know how frustrating it was when I wanted to give you something but I ended up buying nothing because of its price?" "Ayos lang 'yon. Masaya naman na ako sa pa-cheesecake at flowers mo!" Ngumiti pa ako sa kaniya.

"But still, let me spoil you..." Nailing na lang ako dahil ayaw pang magpatalo.

We ended up going to Aling Linda's place. Well, pareho rin naming na-miss 'yon.

Payapa naman kaming kumain at medyo natagalan pa dahil ang dami niyang mga in-order, dalawa lang naman kaming kakain.

"Ang dami naman niyan! Hindi natin 'yan mauubos!" hindi ko mapigilang sambitin sa kanya.

"I also ordered some for Gab and of course sa mga kapitbahay natin," aniya kaya napatango na lang ako.

Habang pinagmamasdan ko naman siya'y may naalala.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Hoy, Mister." Tinignan niya naman ako nang nagtataka.

"Hmm?"

"Bakit hindi mo ako nire-reply-an noon? Nababasa mo naman ang text ko, 'di ba?"

"Hmm." Nagkibit naman siya ng balikat. Napatingin naman ako sa keypad niyang phone na nasa gilid niya lang.

Kinuha ko naman 'yon kaya nanlaki ang mga mata niya.

"Don't--" Pinanliitan ko naman siya ng mga mata.

"Bakit? Anong meron?" Napaubo naman siya kaya iniabutan ko ng tubig ngunit hindi pa rin binitawan ang phone niya.

"Can I open it?" tanong ko. Nag-aalinlangan naman siyang tumango.

Kinalikot ko naman ang phone nito, tutungo na sana ako sa mga text ko sa kanya kaya lang ay agad akong napatigil nang makita ang draft messages nito na mas marami sa text ko.

Lahat ay naka-draft lang. Hindi niya s-in-end pero nire-reply-an niya ako. Pinigilan ko naman ang mapangiti.

"Patay na patay ka talaga sa akin."

"Can I keep this?" tanong ko sa kanya.

"No," mabilis niyang saad.

"Pahiram na lang! Gusto ko lang naman basahin 'tong mga text mo na hindi mo rin naman pinagse-send sa akin." Inirapan ko siya. Tumango na lang ito sa akin. We eat together kahit na nangangati na ang mga palad ko na basahin ang mga mensahe nito.

We're just talking about random things. 'Yong mga bagay na ginagawa namin noon at mga bagay na na-missed namin sa isa't isa.

After we ate, sumakay na ulit ako sa kotse nito.

Tahimik naman akong nagbasa ng mga text niya, paminsan-minsan ay natatawa at paminsan-minsan ay nalulungkot na wala ako noong mga panahong nahihirapan siyang makipag-usap sa ibang bansa.

"I wish I was there..." pabulong na saad ko kaya bahagya niya akong nilingon. Ngumiti naman siya nang malungkot sa akin.

"I also hope so... I wish I was there in every pain you have... in every achievement you had... I'm really happy for you, Isla. I know it's late but I still want to congratulate you for graduating," aniya na ngumiti pa. Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik.

"I'm proud of you, Alon. Always," ani ko.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Napakunot nga lang ang noo ko nang makita ang daan.

"Where are we going?" hindi ko maiwasang itanong dahil hindi naman ito ang daan pauwi.

Hindi siya nagsalita kaya naman agad ko siyang pinanliitan ng mga mata.

"Kidnapping ba ito, ha?"

"Kidnapper na naman ako?" natawa na lang siyang napailing. Hindi ko naman mapigilang maalala ang unang pagkikita naming dalawa.

"Saan nga tayo?" tanong ko. Nagkibit lang naman siya ng balikat.

Mayamaya lang ay huminto kami sa isang magarang bahay.

"Kanino ngang bahay ito?" tanong ko sa kanya. Naglabas naman siya ng susi kaya nabuksan niya ang nakakandadong gate.

"Our house," mahinang saad niya sapat na para maestatwa ako sa kinatatatayuan.

"Our what?" naguguluhan kong tanong.

"Bahay natin, Miss." Napatulala naman ako sa kanya.

"Gago ka ba? Iniscam mo ba ako, ha?"

Hinawakan niya ako sa palapulsuhan bago hinila niya papasok. Natulala lang ako sa titulong iniabot niya. Kapagkuwan ay nagulat na lang ako nang may mga lumabas sa bahay, sina Francisco at iba ko pang kaibigan sa iskwater. May mga hawak-hawak itong paper flower at binigay sa akin. Iniabot din nila ang cheese cake na may mga letrang nakasulat kada isa.

WILL YOU MARRY ME, MISS?

Natulala naman ako at napatingin kay Alon na nakaluhod na ngayon. Nabato balani naman ako sa aking kinatatayuan.

"Pwede mo ba akong samahang tumira sa bahay na 'to, Miss?" natatawa niyang tanong at nilabas ang isang singsing. Hindi ko naman na namamalayan ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Hindi ako makapagsalita. "Pwede ka bang maging ina ng mga magiging anak natin, Isabel Lara?" tanong niya sa akin habang nakangiti at nakaluhod, katabi niya si Choco na nasa gilid, tumahol din ito. Hindi ko maiwasang mapangiti pero ang mga luha ay tuloy-tuloy pa rin sa pagtulo.

"Syempre! Saan pa ba 'to tutungo? Pipikutin din naman talaga kita," mahina kong bulong sa kanya. Nakangiti nitong nilagay ang singsing sa daliri ko. Sa sobrang kaba niya'y muntikan pang hindi niya maipasok 'yon sa tamang daliri. Napatawa ako nang mahina at niyakap ito.

"Can't wait to call you Misis every single day, Miss," bulong niya sa akin bago ako hinalikan sa labi.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.