Hoy, Mr. Snatcher!

Chapter CHAPTER 18



Isla's POV

"Nasaan ang Kuya Alon mo, Gab?" tanong ko kay Gab nang makita ko ito. Hindi pa kasi 'yon kumakain.

"Na kina Ate Francheska po," sabi niya sa akin. Agad naman na nanliit ang mga mata ko. Ang mga taksil na iyon!

"Na kina Francisco ba? Aba't ano na namang panlalandi ang ginagawa ng baklang 'yon sa boyfriend ko, ha?" hindi ko maiwasang itanong.

"Francheska daw ho, Ate." Tinignan ko lang siya at pinanliitan ng mata.

"Nako, nanggigil ako sa Kuya mo, ha?"

Naglakad naman ako patungo sa bahay nina Francisco.

"Hinahanap mo ba si Alon, Isla? Nandiyan kina Francheska, baka may ginagawang kababalaghan," sabi sa akin ni Kakay na siyang pinagtaasan ako ng kilay. Aba't isa pa 'tong malditang 'to, ang aga-aga nang-iinis. "Kanina pa 'yon doon. Nako, baka ipagpalit ka na."

"Sa ganda kong 'to, Beh?" Nilagpasan ko naman sila.

Hihilahin ko talaga ang buhok ni Francisco kung hindi niya pa ilalabas ang boyfriend ko. Agad naman akong kumatok ng makarating sa bahay nito.

"Hoy!" malakas kong sigaw at halos sirain na ang pintuan sa kakakatok. Aba't baka kung ano ng ginagawa no'n sa boyfriend ko. Ninantaan pa naman akong lalapain niya raw.

Practice lang din ako kung sakaling may kabit 'tong si Alon kahit alam ko naman na wala.

"Hoy! Buksan niyo 'to!" sigaw ko pa. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makarinig ng ungol galing sa loob. Umuungol ang baklang si Francisco! Gago 'to, ha.

"Tangina niyo! Mga taksil!" sigaw ko pa kahit na alam ko na hindi naman magagawang magtaksil ni Alon.

Si Alon naman ang nagbukas ng pintuan, kumpleto pa naman ang suot nito. Nagtataka naman siyang tinignan ako.

"Kalerkey ka, Girl, sayang naman 'yong loving loving namin nitong yummy mong jowa," natatawang saad ni Francisco sa akin. Halatang nang-aasar lang talaga. Sinamaan ko siya ng tingin. "Gago ka talaga, Francisco." Ang baklang si Francisco naman ay malanding tumawa.

"Sarap talagang asarin niyang girlfriend mo," natatawang saad ni Francisco.

"Saka it's Francheska not Francisco. Cheska for short, kalerkey talaga kayong magjowa!" Hinila ko naman ang boyfriend ko sa tabi ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo riyan?" tanong ko kay Alon.

"Tinitindahan niya ako ng products. Magbebenta ako sa fast food chain sa mga katrabaho ko para naman may extra'ng pera." Pinakita pa nito ang laman ng bag niya. Panay skincare products 'yon at mga make up.

"In-explain ko lang kung anong mga gamit niyan para naman alam niyang ibenta. Kaloka ka!" sabi sa akin ni Francisco. Alon is really working hard. Gustong-gusto na kasi niyang magpatayo ng mas maayos na bahay namin at makapagsimula ng mag-travel. Ang dami niyang pinag-iipunan para sa aming dalawa.

"Tanga, susunduin ko lang. Hindi pa kumakain 'to."

"Kaya pala kung makasigaw ka riyan akala mo'y nagtataksil ang jowa mo."

"Girl, chikahan tayo mamaya!" anyaya niya pa nang paalis na kami ni Alon.

"Sige, pero maglalaba muna ako." Kumaway naman na ito sa akin at tumango lang. Maglalaba pa kasi kami ni Alon ngayon, ngayon lang ulit kami nagkaroon ng free time.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Ikaw talaga ang magbebenta niyan?" Tinignan niya naman ako na tila nagtataka.

"Oo naman, bakit hindi? Extra income pa ito para sa atin." Napangiti na lang ako.

Nakwentuhan lang kami habang kumain. Nang matapos ay inayos na namin ang mga lalabhan ni Alon. Kinuha ko na rin naman ang isang timba para mag-igib para na rin sa tubig sa cr. Nang makarating kami sa poso, ang haba na agad ng pila. Palibhasa'y gising na halos ang lahat.

"Aba't hindi pwede 'yan!" Hindi ko mapigilang magreklamo nang makitang nasa unahan na agad si Alon at 'tong mga bakla naman na nasa unahan ko ay nakikisingit pa sa akin. Daya! Kanina pa ako nakapila at kapag bumabalik si Alon ay agad na nilang pinapa-igib.

"Smile naman diyan, Miss," pang-aasar pa sa akin ni Alon at tinaas ang baba ko sabay inistrech ang pisngi para lang pangitiin. "Gusto mong makatikim ng sapak?"

"Huwag kang galit, Miss," natatawang saad niya na mas lalo pa akong pinipikon.

"Aba't pasintabi naman kayo sa mga walang jowang tulad namin!" malakas na sigaw ni Carlo na siyang kaibigan ni Francisco.

"Nako, sa poso pa naglandian. Buhay nga naman, oh!" pagpaparinig naman ni Kakay.

"Hay nako, Te, wala kang karapatang magsalita. Ikaw nga magbobomba lang pulang pula na ang labi!"

Natawa na lang ako dahil simula na ang bardagulan nila rito sa poso. Ganiyan ang normal na araw ng mga ito. Nailing na lang ako bago naglakad paalis.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Natapos kaming mag-igib ni Alon kaya naman nagsimula na rin kaming maglaba. Ang haliparot, nagtanggal pa ng t-shirt na suot kaya naman pinagpiyestahan ng tingin ng mga bakla ang katawan. "Magt-shirt ka nga!" sabi ko na nginiwian pa ito. Ang lamig pa ng simoy ng hangin. Baka mamaya'y magkasakit pa ito.

"Huwag na, maliligo rin naman ako mamaya pagkatapos nating maglaba," sabi niya sa akin.

"Sige, ako rin." Tinignan ko pa siya nang masama kaya napanguso siya.

"Oo na! Magtt-shirt na." Inirapan pa ako bago pumasok sa loob ng bahay.

Katulad ng nakasanayan, kami ring dalawa ang nagsampay habang nakikigulo si Gab na nilalaro si Choco.

Nang matapos naman na ako sa mga gawaing bahay at nakaligo na rin naman, nagpaalam na ako kay Alon na lalabas mg bahay.

That's our daily routine kapag walang ginagawa. Minsan ay nanlalambing pa na mamasyal kami kung saan ngunit ang mga kapitbahay niya'y gustong-gusto ako kaya hindi niya rin talaga magawang itakas. Nakataas lang ang dalawang paa nito habang nakahiga. Kakatapos lang din maligo, fresh na fresh ang jowa ko. Tinignan niya lang ako bago tumango.

"How about me? Wala ba bebe time?" tanong niya kaya tinawanan ko lang siya.

Bago pa ako tuluyang makaalis ay nahawakan na ako nito sa palapulsuhan.

"Pahinga muna tayo bago ka chumika," natatawa niyang sambit kaya naman tinawanan ko lang siya. Sa huli tuloy naglalampungan lang kami habang naglalaro sa cellphone.

Simple things are really special when you're with the person you like. Parang lahat ng bagay masaya kapag siya ang kasama ko.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.