Chapter CHAPTER 17
Isla's POV
"Hoy, gising na!" panggigising ko sa tulog na tulog pang si Alon.
"Hmm," ungol nito at nag-iba pa ng pwesto.
"Aba't kapag hindi ka ginigising kusa kang nagigising. Ngayon namang ginigising ka, ayaw bumangon." Tinusok tusok ko pa ang tagiliran nito. "Hoy, gising na kasi."
"Hmm." Hinila ako nito at ikinulong sa kaniyanh bisig.
"Bitaw na kasi! Mamalengke tayo, Boss!"
"Teka lang," bulong niya na pinanatili ang yakap sa akin. Napailing na lang ako sa kanya at hinayaan siyang makatulog pa kaya lang maski ata ako ay naidlip na rin.
"Shet ka! Nakatulog din ako!" natataranta kong saad sa kanya. Napatawa naman siya nang mahina. Napatingin naman ako sa labas, maliwanag na nga.
Patimpla-timpla pa siya ng kape, nakasandal pa 'to sa lamesa habang tinatawanan ako.
"Good morning, Miss," bati niya sa akin.
"Good morning mo mukha mo. Sabi ko maaga tayong mamamalengke para hindi siksikan!" Natawa lang siya sa akin.
"Hindi 'yon siksikan, huwag kang mag-alala."
"Mamaya manakawan pa tayo!" inis kong sambit.
"Sabagay, expert ka roon." pang-aasar ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin. Nag-make face lang siya sa akin bago ako inirapan. "Isang beses nga lang 'yon!"
Binigay niya naman sa akin ang tinimpla niyang kape. Napatingin ako sa cellphone ko nang maka-receive ng text mula sa pamilya ko sa probinsiya. Tita:
Kmust4 k jan? May pera k b? Need ng pinsn mo. Paramdam k nman. Wla k utang n loob.
Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo ko dahil doon. Sila ang nagsabing putulin na namin ang koneksiyon namin kapag nagtungo na ako rito sa Manila. Nailing na lang ako at pinatay ang cellphone ko. Nagbibigay naman ako kapag mayroon. I'm just also hanging in a thread here.
"Bakit?" tanong ni Alon nang makita niya akong kunot lang ang noo. Ngumiti lang ako at umiling sa kaniya. Nagsimula na lang kaming kumain.
Mayamaya lang ay nag-ayos na rin kami dahil nga mamamalengke na ng stock namin dito sa bahay.
Hati kami dahil hindi naman na ako papayag na siya lang ang gumagastos samantalang nakatira na nga ako sa bahay niya. Kahit dito'y pinagtitinginan siya.
"Bibilhin mo talaga 'yan?" tanong ko sa kaniya nang makita siyang bumibili ng glass na alkansiya.
"Yup. Habang wala pa akong bank account. I told you... I want to travel kasama ka. Uumpisahan ko na ang pag-iipon," natatawa niyang saad. Mukha siyang determinadong makaipon. "Alon! 'Yan na ba 'yong nobya mo?" tanong ng isang matandang tindera ng gulay.
"Ang ganda naman niyan, bagay kayo."
"Opo, Si Isla po, Aling Charing. Girlfriend ko ho."
"Ang gandang bata naman."
"Salamat po." Nagtuloy-tuloy naman na kami.
"Magkano riyan sa carrots?" tanong ko sa isang medyo kaedad lang naming babae. Sinabi niya naman ang presyo. Medyo mahal kumpara sa iba kaya naman tumawad ako.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Wala ng tawad. Mura na 'yan, Miss."
"Wala ng tawad 'yan?" tanong naman ni Alon dahil siniko ko siya.
"Meron pa naman. Sige, bawasan ko na." Kapag siya talaga 'tong hinaharap ko, mabilis silang nagbibigay ng tawad. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa ro'n o ano. Inirapan ko si Alon kaya naman agad niya akong pinagkunutan ng
noo.
"Ano? Ginagawa ko lang utos mo, Miss." Napanguso na lang ako.
Nang matapos ay napagpasiyahan naming mag-grocery kaya naman pumasok sa isang mini mart na dala-dala ang pinamili. Minsanan naman sa isang paper bag ang mga pinamili namin kaya ayos lang.
"Bibili tayo ng kabinet na ganyan kalaki niyan, kapag nagkapera tayo," sabi ko kay Alon na tinitignan ang mga kabinet sa gilid.
"Saan mo naman ilalagay 'yan? 'Yan pa lang, sakop na sakop na ang buong bahay."
"Alam mo ikaw, epal ka. Hindi ba pwedeng mangarap, ha?" Tumawa lang ang pangit.
"Maglagay din tayo ng kama na ganyan kalaki tapos mga appliances na marami para--" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita na ito.
"Right... Magpapatayo tayo ng bagong bahay..." Sinasabayan na ako ngayon sa mga pinapangarap ko. Napangiti naman ako.
"Ayaw mo ba na roon na lang sa bahay mo?"
"Mas maganda pa rin na may sarili tayong lupa para sa mga magiging anak na rin natin." Matagal pa 'yon pero nakaka-excite lang na isipin na magkakaroon ako ng sariling pamilya kasama siya.
'Yon lang naman talaga ang pinapangarap ko noon pa, 'yong magkaroon ng simple pero masayang pamilya.
"Ito na naman po tayo, ga-graduate muna ako at magpapayaman muna tayong dalawa," natatawa kong saad sa kanya. Napangiti naman siya at tumawa rin nang mahina. Naglakad naman na kami para mag-grocery. Kumuha siya ng push cart, habang tinitignan ko ang listahan.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Nang matapos kami, umuwi na rin naman agad sa bahay. Excited na ilagay ang ilang bagong appliances na nabili.
"Mukhang namalengke kayong mag-asawa, ha?" tanong ng ilang kapitbahay namin.
"Nako, hindi pa po," sabi ko naman.
"Hindi pa ho kami mag-asawa. Pakakasalan pa ho ako niyan," sabi ko nang nakangiti. Kahit paano naman ay nakakakwentuhan ko na ang iba rito, maliban na lang siguro kina Kakay at sa ina nitong maldita. Gusto kasi ikasal si Alon sa anak niya "Alon, baby ko." Agad naman akong napairap ng makita ko ang baklang si Francisco.
"Pigilan mo ako, sasaktan ko 'yan." Natawa naman si Alon sa akin.
"Hindi na kita pipigilan. Sige lang." Lagi kasing kinukulitni Francisco si Alon lalo na kapag kasama ako nito, mapang-asar lang ang bakla.
"Excuse me lang, ha!" masungit kong saad sa kanya at tinarayan pa 'to sa hinila si Alon.
"Aba't itong chakang ito, may gana pang magtaray." Inirapan ko lang siya bago umalis. Batawa naman sa inasta ko sina Aling Mercy.
"Bumalik ka rito mamaya, Isla. Magkwentuhan tayo. Wala ka namang pasok, 'di ba?" tanong niya.
"Sige po, kapag katapos ko pong ipagluto ng makakain si Alon."
"Sana all lang, 'di ba?" Parinig ng Mister ni Aling Mercy kaya agad siyang sinamaan ng tingin nito. Normal na 'yan sa kanila.
"Noon, sabi ko nakakatakot sa mundo ko pero ang totoo? Natatakot lang na hindi mo matanggap ang mundo ko," pabulong na saad niya sa akin habang naglalakad kami papasok sa bahay niya.
Hindi ko kailanman pagsisihan na pumasok ako sa mundo niya. Na ginusto kong gustuhin siya.