Chapter CHAPTER 16
Isla's POV
Nagising ako nang maaga dahil wala akong pasok. Tumayo na ako at tinitigan muna si Alon na mahimbing ang tulog, paniguradong mayamaya lang ay gigising na rin ito. Inayos ko naman ang mga damit niya, pinalantiya ko na rin ang uniform nito. Nagluto na rin ako nang makakain naman siya ng luto ko.
Ilang linggo na rin noong naging kami at hindi pa rin 'to nagsasawa kakabigay ng cheese cake na may kasamang sticky note at bulaklak sa akin, naipon na nga sa lalagyanan ko. "Good morning, Isla. Ang aga mo, ha?" nakangiting sambit sa akin ng ilang kapit bahay ni Alon nang makita akong nag-iigib ng tubig namin. Nagkakape na ang mga ito.
Hindi ko nga alam kung natulog na ba ang mga ito. Kagabi nga'y ang lakas ng sigawan nila, hindi ko alam kung ano ba ang mga pinagtatalunan. Natulog na lang kami ni Alon at hindi na sila pinakialaman pa. Araw-araw naman kasi 'yon. Sanay na sanay na ang tainga namin sa mga ito.
Nasa pangalawang balik na ako nang makita si Alon na nakasunod na. Mukhang bagong gisig.
"Himala ata, Boss, late ka nang nagising? Si Misis tuloy ang nag-iigib," sabi ng isang lalaking nag-iigib din. Umiling na lang si Alon nago ako hinarap.
"Hindi ka talaga mapakaling walang ginagawa, kung nag-aral ka na lang?" tanong ni Alon sa akin. Inirapan at nginiwian ko lang siya bago pumwesto para magbomba sa poso. Salit-salitan naman kasi talaga kami sa mga gawaing bahay. Minsan ako ang nag-iigib at minsan ay siya naman.
"Ganda ng girlfriend mo, Boss, 'no?" tanong ng isang lalaki kay Alon.
"Maganda talaga 'yan. Para sa akin ngalang." Ninigyan niya pa ito ng makahulugang tingin.
"Grabe ka naman, Boss. May syota rin naman ako," naaalarmang sambit no'ng lalaki.
Nang makarating kami sa bahay, kailangan pa ng ilang timba kaya nagsalok pa ulit kami. Nang matapos ay hingal na hingal na rin ako sa pagod.
"Kumain na muna tayo, teka, ipagtitimpla kita ng kape," sabi ko sa kanya. Nagtimpla naman ako ng kape para sa kanya. Iinom na sana ito kaya lang ay halos maibuga niya 'yon, hindi ko alam kung dahil ba sa init o ano. "Bakit?"
"Ang pait naman!" reklamo niya sa akin.
"Aba't mabuti nga'y pinagtimpla pa kita! Napakaarte mo, huwag mo na ngang inumin." Tinawanan niya lang ako.
"Saka kape 'yan, malamang mapait. Magulat ka kung maalat."
Para kaming sirang dalawa na nagtatalo pero mayamaya lang ay nagtatawanan na rin.
Nang matapos kaming kumain ay tumayo na siya, hindi pa naman ito aalis dahil mamayang 10 pa ang pasok niya.
"Ilalakad mo si Choco? Sama ako," sabi ko sa kanya at agad na tumayo sa pagkakaupo. Dala-dala niya ang aso niyang si Choco. Tumango naman siya sa akin kaya agad akong sumunod. Wala akong gagawin ngayon kung hindi ang magpahinga, tapos ko na ang ilang requirements sa school.
Pagkalabas namin hindi ko maiwasang tignan ang bahay niya sa labas. Kung wala kami rito, iisipin kong walang nakatira dahil walang kabuhay-buhay ang bahay.
"Magagalit ka ba kung pakikialaman ko ang bahay mo?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi?" patanong na saad niya.
"Maglagay tayo ng paso dito next time." Tinignan niya naman ako ng nagtataka at naiiling na lang sa akin.
"Masisira lang 'yan ng mga bata," sabi niya sa akin kaya agad naman akong napanguso.
"Hindi 'yan."
"Oo na. Niyan na kapag may pera na tayo." Ngiting tagumpay ko naman siyang nginitian at nagpatuloy na rin sa paglalakad.
Nang makalabas kami ng eskinita, sa gilid lang kami ng kalsada naglalakad, ang aga-aga ay polusiyon na agad sa daan dahil sa mga usok galing sa sasakyan.
Napatingin naman ako sa isang pamilyang magkakasamang naglalakad.
"Kapag nagkaanak ako, gusto ko ganyan kasaya," sabi ko kay Alon. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.
"Ako rin."
"Sandali ko lang naranasan magkaroon ng kumpletong pamilya kaya gusto ko 'yong mga magiging anak ko, masaya." "Ikaw ba?"
"Ako? Gusto ko 'yong simple lang pero kumpleto. Hindi ko naranasan kailanman magkaroon ng buong pamilya." "Siguro kung magkakaanak ako gusto ko dalawa o tatlo lang."
"Bakit? Ayaw mo bang bumuo ng basketball team, ha?" natatawa kong tanong.
"Gusto mo ba?" tanong niya naman sa akin. Napatawa naman ako nang mahina at napailing.
"Kung mayaman lang ako, bakit hindi? Ayaw ko lang mag-anak nang marami subalit bandang huli'y hindi ko naman kayang buhayin. Ayaw kong maranasan ng mga magiging anak ko 'yong naranasan ko noon." "Buong buhay ko wala akong ama pero parang wala rin namang ina kaya quits lang din."
"Nandiyan si Mama ko sa bahay noon ngunit madalas ay galit lang sa akin dahil nga nabuntis siya ngan maaga habang nasa bingit ng career niya. Magiging artista na sana 'yon kaya lang ay dumating ako sa buhay niya." "Madalas niyang ipamukha sa akin na sana hindi na lang ako nabuhay." Humalkhak pa siya ngunit kita ko ang sakit mula sa kaniyang mga mata.
"Masaya ako para sa kanya na sa wakas nararanasan niya na ang buhay na gusto niya."
"Pero ikaw naman 'yong hindi ayos." Ngumiti lang siya sa akin.
"Simula ngayong araw na 'to. Ako na ang pamilya mo... Kami ni Choco," nakangiti kong saad sa kaniya. Napatitig naman siya sa akin bago ako nginitian.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
It's really nice talking to him. Bumalik na rin naman kami sa bahay kalaunan.
Bago siya umalis ay nilapag niya sa lamesa ang bulaklak pati ang cheesecake na may sticky note. Agad ko naman 'yon tinignan.
Napatawa ako nang mahina nang makita ko ang nakalagay sa sticky note.
Linis ng bahay, Miss. Huwag mo ring kakalimutang pakainin si Choco. -Gwapo mong boyfriend
Buong araw ay same routine lang ako at ganoon din naman sa school, wala na rin namang bago but it's just extra special because of Alon.
Si Seven naman hindi pa rin naman siya umaalis sa part time, mukhang nagustuhan niya na nga talaga rito. Civil naman kami sa isa't isa.
"Hoy, halika na, Miss," tawag sa akin ni Alon pagkalabas na pagkalabas ko sa fast food chain.
"Una na kami, Seven," paalam ko kay Seven. Natawa lang ako ng umirap si Alon. But he also understand that Seven and I are friends. Hindi niya naman ako pinagbabawalan na makipagkaibigan dito. Diretso uwi naman na kami dahil may kailangan pa akong gawin. Kailangan ko na 'yon umpisahan at baka mamaya hindi ko matapos lalo na't medyo busy na sa fast food sa susunod na mga araw. "Shet, wala na pala akong load," reklamo ko. Napatingin naman sa akin si Alon na naglalaro na naman sa cellphone niya, hinihintay akong matapos.
"Tara."
"Saan?"
"Basta, dalhin mo 'yang laptop mo. Halika na."
Lumabas naman kami ng eskinita, akala ko'y papaload-an ako nito ngunit dire-diretso lang kami sa paglalakad hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang cafe. "Ililibre mo ba ako riyan?"
"Huwag na."
"Wala pa akong pera para dalhin ka riyan. Sa susunod na lang. Halika rito," natatawa niyang sambit. Kinuha ang laptop sa kamay ko. May kinalikot lang siya sa laptopko at mayamaya'y sinauli niya na 'yon sa akin. Napatanga naman ako ng makitang may wifi na.
Aba't life hacks. Napatawa na lang ako at sinimulan ng mag-type.
"Ikaw magsabi, ak na magta-type, ang tagal mo," sabi niya na kinuha sa akin ang laptop ko. May mga kailangan lang naman siyang i-copy sa website. Katulad nga ng sabi niya mas madali itong nakakapag-type kaysa sa akin. Natatawa na lang ako kapag pa minsan-minsan ay mali ang natatype niya. But it's nice. He's willing to learn and I'm willing to teach. Marami rin naman kasi akong natututunan sa kaniya.
"Hoy, kaya pala bumabagal ang wifi namin!" malakas na sigaw mula sa gilid ang narinig ko. Dali-dali naman akong hinila ni Alon para tumakbo.
"Shet ka. Mahal naman ng wifi mo, buhay na ata natin ang kapalit." Tumawa lang naman ito.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Sa ibang cafe tayo next time," sabi niya at ngumiti pa sa akin. Napatawa na lang din ako roon.
"Uy, gusto ko rin doon," ani ko na tinuro ang ilang kapitbahay ni Alon na nasa bubong ngayon. Sa wakas ay nakauwi kami nang matiwasay.
"What? Tigilan mo nga, Isla." Umiling siya sa akin kaya napanguso ako.
"Akyat tayo sa bubong." Mas lalo naman nalukot ang mukha nito sa akin. Ang ganda kaya ng kalangitan ngayon.
"Halika na."
"Ano na naman bang naiisip mo? Baka mamaya mapano ka pa riyan," sabi niya na inilingan lang ako.
"Edi ako na lang mag-isa. Diyan ka na." Kumuha pa ako ng tungtungan saka sinubukang umakyat ngunit hindi ko magawa kaya naman tinawanan niya ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Siya naman ang naunang umakyat at nilahad ang kamay sa akin.
"Dahan-dahan lang, baka masugatan ka sa yero." Ngumiti lang akong umakyat sa bubong. Nang tuluyang naupo, napangiti na lang ako habang nakatingin sa kalangitan.
"Ang lapit ng moon, parang maabot ko na." Tinapat ko pa ang kamay sa buwan na tila inaabot 'to. Sinulyapan ko naman siya. Nakangiti lang siya sa akin.
Nakatitig lang ako sa kalangitan dahil parang ang lapit-lapit lang din sa akin ng mga bituin. Tahimik lang kaming dalawa ni Alon.
"Alam mo kapag malungkot ako, tinitingnan ko lang ang mga bituin. Pakiramdam ko kasi kapag kumukurap-kurap ito at kinakausap ako," sabi ko sa kanya. "Malungkot ka ba ngayon?" tanong niya sa akin. Agad naman akong napailing.
"Hindi, ah, masaya ako."
"Kapag malungkot ka, hindi mo na kailangan kausapin ang mga bituin kasi nandito na ako. Makikinig ako," sabi niya sa akin kaya mas lalo akong napangiti. Sumandal lang ako sa kaniya bago pinagmasdan ang kalangitan. "Pareho tayo. Kumakalma ako kapag nakakita ng bituin." Napangiti ako roon.
"Kapag nakaluwag na tayong dalawa. Kapag reporter na ako tapos ikaw naman manager ka na roon sa fast food o 'di naman kaya ay ikaw na 'yong may-ari ng fast food, uubusin natin lahat ng pera natin na magkasama, uubusin sa galaan, sa pagkain, at syempre mags-star gazing pa rin tayo."
"Let's do that, Isla..." aniya.
"Naalala mo noong sinabi ko sa 'yong wala akong pangarap?" tanong ko sa kaniya.
"I think I know what my dream is." Ngumiti pa siya sa akin nang lingunin ko siya.
"I want to travel with you, Isla. Let's travel the world together." Napangiti naman ako roon bago unti-unting tumango.
"Shet, mahal na ata kita," sabi ko habang nakatitig sa akin. Nalulunod sa kulay asul nitong mga mata. He gave me a kiss while the stars and the moon were peaking.