Chapter CHAPTER 19
Isla's POV Masaya akong nagising at ine-expect na babatiin na agad ako ni Alon ngunit agad na nadismaya nang hindi siya makita sa bahay.
Sumama pa ang loob ko nang makitang pagkain lang ang maroon sa lamesa at wala ang bulaklak na madalas niyang ilagay. Kung kailan anniversary naming dalawa saka naman wala ang paper flower na kahit kailan hindi niya nakaligtaan ilagay.
"Nakita mo ba ang Kuya Alon mo, Totoy?" tanong ko kay Totoy na nakatambay sa labas ng bahay nila.
"Ah, napansin ko po kanina, nagmamadaling umalis. Pupuntahan daw ho ata si Ate Sabrina," sabi nito. Agad naman akong napatanga roon. Si Sabrina 'yong babaeng madalas na umaligid kay Alon. Madalas 'tong tumambay sa fast food chain nila Alon dahil sa kanya.
Nakita niya si Alon sa fast food chain nitong nakaraang buwan lang. Mayaman kaya naman nakakuha agad ng kapit at kinuha ang number ni Alon, madalas din ang pagte-text dito.
Paano ko nalaman? Nobyo ko mismo ang nagkukwento.
"Ano daw gagawin do'n?" Nataranta naman si Totoy at napakamot sa kanyang ulo. Mukhang natatakot na sa akin.
"Hindi ko lang po alam, Ate," sabi niya na kinakabahan na ngayon. Napairap na lang ako at nagtuloy-tuloy na lang sa paglalakad papasok ng school.
Ano naman gagawin niya roon? Hindi ko naman gustong magselos pero hindi ko talaga maiwasan lalo na kapag mayaman at maganda, wala kasi akong laban.
"Anong wala kang laban?" tanong sa akin no Alice nang magkwento ako sa kanya.
"Girlfriend ka. Boba! May gusto lang siya sa boyfriend mo pero ikaw ang girlfriend." "Grabe, best friend nga talaga kita."
"Ang tanga niya naman! Nakalimutan niyang anniversary niyo? Baka naman nagkaka-feelings na siya roon sa Sabrina na 'yon, ha? Baka naman nagsasawa na sa 'yo dahil araw-araw kayong nagkikita sa bahay!" Mag-bestfriend nga kami. Pareho talagang overthinker.
"Alam mo, gustong-gusto na kitang sabunutan. Mas lalo mo lang pinapasama ang loob ko!" inis kong sambit sa kanya.
"Tignan mo nga 'yang bag mo! Baka naman may cheese cake na nakalagay!" Tinignan ko naman ang bag ko ngunit agad na napasimangot dahil cheesecake lang 'yon at walang sticky note.
"Atleast ayaw pa rin siyang magutom.".
"Tawagan mo nga at ako ang kakausap," sabi niya sa akin.
"Tinext ko na nga kanina, tinatanong ko kung nasaan pero hindi ako ni-reply-an, masiyado atang busy sa Sabrina niya."
"Malilintikan talaga sa akin 'yang nobyo mo kapag tama 'tong hinala natin." Napabuntonghininga na lang ako at sinubukang tawagan si Alon.
"Hello?" tanong ko nang may sumagot.
"Hi, who's this?" Agad naman akong nanlumo nang makarinig ng boses ng babae. Agad ko siyang pinatayan ng tawag at naiiyak na talaga. Anniversary namin, Beh. Kainis. "Who's this daw? Bobo ba 'yon? Obvious naman na girlfriend dahil ako ang naglagay ng nickname do'n!" Tinignan naman ako ni Alice na nanggigil na ang mukha ngayon.
"Baka naman pinalitan din ng malandi mong jowa! Nako, nasaan ba 'yon? Halika't magcutting tayo! Susugurin natin." Agad ko naman siyang kinurot sa tagiliran. "Gago, may long quiz tayo."
"Ay, oo nga pala."
Agad naman akong napatingin sa phone ko nang may tumatawag muli. Akala ko'y si Alon na ngunit agad kong nakita ang numero ni Tita. Napabuntonghininga ako nang sagutin ko ito.
"Aba't mabuti naman ay sinagot mo na ang tawag ko! Ang tagal-tagal na kitang tinatawagan, ni hindi mo man lang magawang sumagot! Kailangan ko ng pera. Nakakulong ang pinsan mo. May utang din na kailangang bayaran," sunod-sunod na ang sinasabi nito na hindi ko naman na magawang masundan.
"Tita, alam niyo naman po na wala rin akong pera." Nagpaliwanag pa ako ngunit mura lang mula rito ang narinig. Ang dami pang masasakit na salita ang narinig mula rito.
"Tangina mo! Makasarili ka talaga!" malakas na sigaw niya bago ako binabaan ng tawag.
Mas lalo pang bumigat ang nararamdaman ko dahil sa pag-uusap naming 'yon. Napasubsob na lang ako sa lamesa.
"Hoy, anong problema niyan?" tanong ni Deo kay Alice. Isang taon na at nagliligawan pa rin 'tong dalawang 'to.
"Yong malandi niyang jowa! Anniversary nila ngayon tapos ngayon pa naisipang lumandi!" malakas na sambit ni Alice na akala mo'y siya itong niloko. Wait nga, hindi ako lolokohin ni Alon. Misunderstanding lang siguro. I'll talk to him later pero syempre may kutos muna siya.
Doble-doble na ang iniisip dahil kay Alon at kay Tita.
"Wala bang text 'yon ngayon ng eat well o kung ano ano pa?" Ganoon naman kasi madalas si Alon, madalas ay pinapaalalahanan niya akong kumain ngunit walang text ngayon. Nakakapraning pala, masiyado niya akong sinanay sa mga bagay-bagay.
"Tama na, kakausapin ko na lang sa bahay mamaya," sabi ko sa kanila na matamlay na tumayo.
Nang matapos naman ang klase, dumeretso na ako sa fast food chain. Agad naman akong nabuhayan ng loob na makikita ko si Alon kaya lang hindi ko rin ito nakita. Siya ang madalas na maghatid ng dinner ko ngunit agad akong nadismaya ng nagpahatid lang siya sa kasama niya at hindi man lang ako hinarap. Nakalimutan niya ba? Bakit?
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Nang matapos ang trabaho ay dumeretso na agad ako sa fast food chain nila para sunduin siya dahil wala ata 'tong balak sunduin ako.
"Nandiyan ho ba si Alon?" hindi ko maiwasang itanong sa isang babaeng siguro'y mas matanda rin sa akin ng ilang taon.
"Kanina pa umalis, kasama 'yong isang customer namin." Napalunok naman ako roon at tumango na lang.
"Salamat na lang po."
"Nasaan si Alon, Isla?" tanong ni Seven sa akin.
"Umuwi na."
"Sabay ka na sa akin."
"Hindi na." Kahit naman sabihin na natin sumabay pa siya do'n sa Sabrina'ng 'yon, hindi naman magandang bumawi sa pagsabay sa kotse ng ibang lalaki. "Salamat na lang," sabi ko at sumakay na sa jeep. Habang nasa jeep ay agad akong napatingin sa cellphone ng tumawag si Alon sa akin. "Nasaan ka?"
"Nasa jeep. Bakit? Iniwan mo ako tapos magtatanong ka? Gago ka ba?" Hindi ko maiwasang mairita sa kanya. Rinig ko naman ang mura nito mula sa kabilang linya. "Minumura mo ba ako, Alfonso Pacifico?" tanong ko na napataas ang kilay kahit na hindi naman niya 'yon nakikita.
"Huwag mo nang ibaba."sabi niya sa akin. Naririnig ko naman ang ingay mula sa kabilang linya. Atleast nasa bahay na siya, 'di ba? But I can't help but to feel really disappointed with him.
Nang makarating naman ako sa eskinita ay pinatayan ko na siya ng tawag, mas lalo lang akong naiirita sa kanya. Ni hindi pa rin ako binati ng 'Happy Anniversary'. Mas lalo tuloy sumasama ang loob ko. Hindi ko naman maiwasang magulat no'ng malapit na ako sa bahay, may biglang kumanta.
"It's a feeling that I don't understand~"
Napatulala naman ako sandali nang makita kong may maliit na table mula sa labas ng bahay. May mga disenyo 'yon at may paper flower pa. Agad ko namang tinignan ang lalaking nakatayo sa gilid habang nakatingin sa akin. Nakangiti niya naman akong nilapitan. Naluha na lang din talaga ako sa sobrang sama ng loob at dahil sa mga iniisip. Kahit paano'y naibsan ang lahat ng 'yon dahil sa kaniya. Siya nga talaga ang pahinga ko.
"Hi, Miss," natatawa niyang saad nang humiwalay ako ng yakap sa kaniya. Tuloy pa rin ang kanta mula sa speaker.
"Nakakainis ka!" sabi ko sa kanya na hinampas pa ito.
"Patayin niyo na ang speaker!" malakas niyang sambit kaya naman napatawa ako nang mahina.
"Happy Anniversary, Miss," sabi niya sa akin na binigyan ng isang paper flower.
"Akala ko nakalimutan mo na!" inis kong sambit sa kanya na sinamaan siya ng tingin.
"Grabe, kinabahan kaya ako sa 'yo kanina, Ate Isla!" natatawang saad ni Totoy na siyang nag-aayos ng speaker. Nakatingin naman sa akin ang mga chismosang kapitbahay namin.
"Sana all talaga, oh!" malakas nilang sigaw. Napailing na lang ako. Umupo naman na kami sa upuan. May mga pagkain na rin naman dito kaya agad akong napangiti.
"Alam mo, sobrang nakakayamot ka! Kailangan mo pa ba akong bwisitin muna bago batiin, ha?"
"Saka ano? Totoo bang si Sabrina 'yong kasama mo? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin? Nakakainis ka tapos--" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng hinalikan ako nito sa labi. "Hindi kami magkasama. Nataranta lang si Totoy. Sorry na."
"Nako, kung wala ka lang planong ganito, paniguradong nakalbo ka na ni Alice." Natawa na lang din siya at napailing na lang.
"Salamat sa pagtitiis, Miss."
"I love you, Miss. Bawat segundo." Nakatitig lang ang nakakalunod nitong mga mata sa akin samantalang ganoon din naman ako sa kanya.
"I love you too, Mister."
Simple lang ang ginawa niya pero ramdam na ramdam ko 'ang pagmamahal.
Nakakatuwang isipin na dito pa talaga kami sa labas kumakain ngayon at 'yong background music namin? 'yong ingay ng mga kapitbahay niyang nakikipagsigawan dahil sa sugal o 'di naman kaya ay dahil sa inuman pero wala na lang 'yon sa aming dalaw. Dahil ang nakikita na lang ng mga mata... Ang isa't isa.
Siguro tama nga sila noong sinabi nilang lahat ng mga maliliit na bagay kapag nasa tamang tao ka, nagiging malaki. Lahat ng mga simpleng bagay, nagiging masaya.