Chapter CHAPTER 12
Isla's POV
"Ingat sa trabaho," nakangiti kong saad kay Alon nang ihatid niya ako sa school. Halos ilang araw na rin akong nakatira sa kaniya. Hindi pa naman niya ako pinapaalis sa ngayon dahil wala pa rin naman akong pera para maghanap ng ibang apartment.
"Malandi ka talaga, may pa-ingat-ingat ka pang nalalaman." Nagulat naman ako nang may kumurot sa akin. Agad kong sinamaan ng tingin si Alice.
"Wala ka na atang balak umalis do'n samantalang ako kada gabi nag-aalala sa 'yo baka may mangyaring masama sa 'yong gaga ka," sabi niya sa akin na nginiwian pa ako. Napatawa naman ako sa kanya. Kahit kailan talaga ay napaka-oa nito. "Huwag kang mag-alala sa akin dahil kaya ko ang sarili ko. Saka alam mo ba kung gaano ako natutuwa na do'n ako nakatira ngayon?" sabi ko na napangiti pa.
"Gaga ka talaga, hindi ka man lang mahiya kay Alon," sabi niya at napapailing pa sa akin. Napanguso naman ako, nahihiya rin naman ako minsan kaya lang ay wala pa talaga kong pera para makahanap ng apartment, saka magbabayad pa ulit ako ng tuition ko.
"Pasensiya ka na, ha?" guilty nitong saad.
"Kung pwede ka lang patirahin sa bahay, ginawa ko na," sabi niya sa akin. Napatawa naman ako nang mahina, ito na naman po kami.
"Ayos nga lang. Naiintindihan ko naman," natatawa kong saad. Napanguso lang siya. Hindi alam ang sasabihin.
"Pupunta ako sa inyo niyan, bibisitahin kita," sabi niya sa akin.
"Kina Aling Linda ka na pumunta. Doon kita dadaanan," sabi ko sa kanya dahil hindi na naman magpapatalo ang isang 'yan. Napatango naman siya sa akin.
Medyo natamaan naman ako sa sinabi nitong walang hiya dahil totoo naman talaga. Halos si Alon nga lang ang gumagawa ng lahat dahil wala rin naman kasi akong oras. Kapag nandoon ako sa bahay niya, panay lang ang paggawa ng mga school works ko. Siya lahat ang gumagawa sa mga gawaing bahay, madalas magluto at siya pa itong nag-iigib at nagpapaplantiya ng damit ko.
Nahihiya na rin naman ako kaya napagpasiyahan ko na babawi na lang ako ngayong sabado. Ako na ang magluluto at maglalaba ng damit namin.
Dumating nga ang sabado, inagahan kong magising dahil maaga itong nagigising para magluto, minsan kasi'y nararamdaman ko itong tumatayo sa higaan ngunit masiyado lang pagod.
Nagluto lang ako ng itlog na may sardinas at sinangag ang natirang kanin namin kagabi, aba't tipid-tipid din. Bibili ko na lang siguro muna ng stock namin ng pagkain 'yong natitira kong pera bago ako mag-ipon para sa apartment. Nakakahiya naman na lagi na lang siya ang gumagastos para sa amin, para sa akin.
Nang matapos akong magluto ay kinuha ko na ang mga labahin sa marumi. Sa gilid ata siya naglalabas dahil do'n nakalagay 'yong batya niya at ibang gamit panlaba.
"Saan ka pupunta?" tanong ng bagong gising na si Alon. Paos na paos pa ang boses nito. Mukhang inaantok pa na tumayo sa kanyang higaan.
"Maglalaba ng damit natin. Kain ka na, nakaluto na ako," sabi ko at nginitian siya. Tinignan niya lang ako na tila hindi pa gumagana ang utak hanggang sa mapakunot ang noo nito.
"Bakit? Ako ng bahala riyan," sabi niya sa akin at kinuha pa ang labahin na nasa kamay ko.
"Ako na nga!" inis kong sambit dahil planado ko na nga na ako ang maglalaba tapos ayaw niya pang ibigay.
"Isa," banta ko sa kanya.
"Ako na."
"Kumain ka na nga lang!" Hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy na nagtungo sa gilid ng bahay para maglaba.
"Ano ba?"
"Hindi mo naman ako bisita! Bwisita pwede pa! Nakakaistorbo na ako sa 'yo kaya 'yang paglalaba lang ayos na," ani ko na napanguso pa.
"Hindi ka naman istorbo," sabi niya. Inirapan ko siya.
"Sige na nga, tayong dalawa na," sabi niya sa akin. Makikipagtalo pa sana ako kaya lang ay kinuha niya na ang timba para mag-igib ng tubig. Napanguso na lang ako para pigilang ang ngiti. Do'n pa siya sa gitna nitong eskinita kukuha ng tubig kaya baka matagalan pa 'yon, madami rin kasi atang pila.
"Ate." Napatingin naman ako sa isang lalaki na siguro'y mas bata lang sa akin ng dalawang taon.
"Bakit?" tanong ko sa kanya, ang aga naman ata nitong magising.
"Boyfriend mo ba si Kuya Alon?" tanong niya sa akin.
"Hindi, bakit?" tanong ko ng nakakunot ang noo.
"Ah, hindi ba? Akala ko kasi ay boyfriend mo, hindi naman 'yan basta-basta nagdadala ng babae sa bahay niya."
"Saka ang ingay niyo masiyado, Ate, nagising tuloy ako."
"Nako, pasensiya na!" natataranta kong saad.
"Totoy." Napatigil naman kami nang makita si Alon na siyang may buhat na dalawang timba sa magkabilaang kamay. Pati ba naman sa pagbubuhat ng timba ay gwapo pa rin ito? Kitang-kita ang mga muscle nito dahil na rin nakasando lang ito. "Kuya?" tanong naman ni Totoy sa kanya.
"Anong ginagawa mo riyan? Ginugulo mo ba si Isla?"
"Hindi naman, Alon, kinakausap lang naman niya ako."
Ibunuhos niya naman na ang tubig sa batsa kaya sinimulan ko nang magkusot. Samantalang nag-igib ulit siya para sa sa pangbanlaw, ang bilis nga lang nitong makaigib. Mahirap din pala talaga kapag wala kayong gripo o sariling poso. Hindi ko naman maiwasang mapanguso dahil nga siya 'yong palaging nag-iigib ng tubig sa drum sa cr para lang may pangligo ako.
Nang dumating siya ay tumulong pa siya sa paglalaba ng damit namin. Sinabuyan ko siya ng bula dahil halos lahat ng damit niya na kukusutin ko ay inaagaw niya.
"Tang--" Hindi niya na tuloy ang mura niya dahil sinabuyan ko ulit siya ng tubig. Napatawa ako nang mahina.
"Subukan mo!" banta ko sa kanya nang sinibukan niya rin akong sabuyan ng tubig. Natatawa niya namang tinuloy.
"Pucha ka!" sigaw ko ng buong mukha talaga ay nabasa niya, sa laki ba naman kasi ng kamay niyan.
"Lintik lang ang walang ganti," natatawa kong saad at sinaboy rin sa kanya ang bula na nasa banda ko.
Nagtatawanan lang kami habang naglalaba kaya lang ay agad kaming napatigil nang makitang may isang matandang babae na nakatayo sa gilid, si Aling Pasing! 'Yong tumulong sa akin noong nakaraan.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Nako naman. Panay landian na naman," sabi niya na napailing-iling pa.
"Sa umpisa lang 'yan masaya, ganyan din kami ng Mister ko noon pero ngayon? Kita mo nga naman, iniwan na ako ng hayop na 'yon," sabi niya pa. Nagkatinginan naman kami ni Alon at pareho ulit na natawa. "Aba, huwag niyo akong matawan-tawanang dalawa riyan, nagsasabi ako ng totoo."
"Kayong dalawa, ang iingay niyo, ang aga aga pa!" reklamo pa nito ngunit pumasok na rin naman sa bahay nila nang nakangiti.
"Ingay mo kami," natatawa kong saad kay Alon. Natawa lang din siya.
"Mag-iigib na naman tuloy ako, kulit mo," sabi niya na napatawang tumayo.
"Wow, hiyang-hiya naman ako sa 'yong halos paliguan na ako rito," sabi ko sa kanya. Inirapan niya lang ako nang natatawa at nag-igib na ulit ng tubig.
Nakangiti lang ako habang kinukusot ang mga damit naming dalawa. Napanguso ako nang makitang papaliwanag na rin at paniguradong hahanapin na kami ni Aling Linda kung sakaling sabay pa kaming male-late. Nagkukwentuhan pa rin naman kami habang naglalaba ngunit hindi na nagharutan pa dahil male-late na rin kami.
"Ikaw lang ang naglalaba ng damit mo?" tanong ko sa kanya. Napatango naman siya. Hindi na rin naman ako magtataka dahil halos mas malinis pa ito kung magkusot sa akin.
Nang matapos kaming maglaba ay tinulungan niya rin naman akong magsampay. Inayos lang namin 'yon bago kumain ng almusal na niluto ko.
"Choco!" natutuwa kong saad nang tumalon sa akin ang aso ni Alon.
"Pakainin mo na anak mo, hoy," sabi ko kay Alon habang nagliligpit ako ng pinagkainan namin.
"Maligo ka na. Kanina pa tayo hinintay ni Aling Linda, panigurado."
"Yes, Boss."
"Dalian mo!" Nagmamadali kong saad habang inaayos ang suot na sapatos nang matapos kami sa lahat ng ginagawa.
Pareho kaming late at talaga namang nagmamadali kami pagkarating sa shop dahil nakaabang na talaga si Aling Linda habang nakahalukipkip.
"Aba, sabay pa talaga kayong pumasok dalawa. Anong meron? Late na late na kayo, ha?" nakataas kilay na tanong nito. Pareho naman kaming napayuko ni Alon.
"Pasensiya na po, Aling Linda."
"Nako, dapat talaga hindi ako kumukuha ng magnobyo rito dahil paniguradong maglalandian lang nang maglalandian," sabi niya na umiiling iling pa. Agad naman akong napanguso do'n dahil hindi naman kami ni Alon. Buong araw kaming nadakdakan ni Aling Linda. Galit na galit ito dahil na rin sa kalandian namin.
"Hoy!" Agad akong napatingin sa best friend kong si Alice nang makitang nandito siya sa shop. Kakatapos lang namin sa trabaho at pauwi na rin sana.
"Ano?" tanong ko na pinagkunutan siya ng noo.
"Akala ko ba isasama mo ako sa bahay ni Alon?" tanong niya sa akin. Hindi pa naman sila pormal na nagmimeet ni Alon pero akala mo naman ay close na silang dalawa dahil sa kaingayan ng bestfriend ko. Ngayon lang sila nagkita dahil noong nakaraan, sabog talaga si Alice.
"Alon, si Alice. Alice, si Alon," pagpapakilala ko sa kanila.
"Ay bongga! Gwapo nga, ha!" nakangiting sambit ni Alice. Sinamaan ko siya ng tingin. Parang no'ng nakaraan lang ay sinasabi nitong huwag akong mahulog sa snatcher na 'to.
"Baka gusto mong tawagan ko si Deo ngayon, Alice?" Pinagtaasan ko pa siya ng kilay.
"Tawagan mo! Pakialam ko sa kanya," sabi niya at umirap pa. Napatawa naman ako nang dahil doon.
"Is it okay kung bibisita ako sa bahay niyo?" tanong niya kay Alon, walang halong kalandian. Napatingin naman ako kay Alon na hindi alam ang sasabihin. "Hmm, magulo roon," sabi niya lang at napakamot pa ng ulo na nilingon ako.
"Ayos lang 'yan kay Alice."
"Huwag ka na kayang pumunta," bulong ko kay Alice.
"Sige na nga. Pero paano kita pupuntahan kung may mangyari mang masama sa 'yo?" tanong niya sa akin.
"Kung mas mapapanatag ka, ayos lang naman na pumunta sa bahay," sabi niya kay Alice. Aba't no'ng ako ang pupunta halos ayaw niya akong papuntahin.
"Huwag na, Alice. Nakakahiya kay Alon," sabi ko sa kanya ngunit pinagtaasan niya lang ako ng kilay.
"Bakit? Bahay mo ba 'yon?" tanong niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran.
"Tara," sabi ni Alon. Nauna na siyang naglakad. Sinabayan ko naman 'tong bestfriend ko na kung ano-anong pinagsasabi.
"Infairness, Girl, ang gwapo nga talaga! Puwedeng-puwede na. Tignan mo ang katawan, grabe, nagwo-work out ba 'yan? May abs kaya?" tanong niya pa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya umakto siyang sinizipper ang bibig. "Oo na! Grabe ka naman," sabi niya at napanguso.
"Blue eyes nga, Girl. Ganda ng mata, ha?"
"Alam mo ikaw, bubusalan ko na 'yang bibig mo, mahiya ka naman!" inis kong sambit sa kanya. Tumawa lang siya sa akin. Nang makarating kami sa bahay ni Alon ay nakatingin na agad sa amin ang ibang tao lalo na't may kasama pang iba. "Wow, medyo creepy silang tumingin, ha?" bulong niya. Siniko ko naman siya dahil walang preno ang bunganga nito. "Nakakatakot naman dito. Buti natatagalan mo?" tanong niya pa. Minsan gusto ko na lang talagang kumurot ng kaibigan.