Chapter CHAPTER 11
Isla's POV
"Huwag naman pong ganyan," hindi ko mapigilang sambitin dahil pagkarating ko sa apartment ay nilalabas na ng landlady ko ang mga gamit ko. "Magbabayad naman ho ako." Napakamot pa ako sa ulo dahil nga desidido na talaga itong palayasin ako.
"Hindi ko rin gustong palayasin ka, Isla. Pero kailangan ko rin naman ng pera, may anak din akong pinapaaral," sabi niya sa akin.
Pakiramdam ko ay konting-konti na lang ay maiiyak na ako dahil nga sa pagpapalayas nito sa akin. Wala naman akong mapupuntahan kung sakali. "Kahit sa bodega na lang ho ako." Hinawakan ko pa ito sa braso.
"Wala akong bodega, Isla. Pasensiya ka na. Tatawagan na lang kita kapag nagkaroon na ulit ng bakante pero sa ngayon, hindi na muna puwede dahil nakabayad na 'yong uupa," sabi niya sa akin na halos na ilabas na lahat ng gamit ko. Napahilamos ako sa mukha dahil hindi ko na alam ang gagawin. Wala rin naman kasi akong pera para maghanap ng ibang apartment, gabing-gabi na rin ngayon. Ngayon lang ako umuwi kaya ngayon lang naialis ng landlady ko ang mga gamit. Mabuti nga't hinintay pa ako nitong umuwi kahit paano.
"Grabe, ipagpapalit niyo na lang ho ba ang pinagsamahan natin sa pera?" hindi ko mapigilang sambitin, pinapakonsensiya ito. Natawa naman siya sa tinuran ko.
"Ab, ang pagkakaalam ko, Isla, ay wala tayong ginawa kung hindi ang magtagu-taguan," sabi niya na napailing.
"Pero huwag kang mag-alala, tatawagan ulit kita kung may bakante na. Sa ngayon, umalis ka na muna sa apartment kahit na huwag mo ng bayaran 'yong upa mo no'ng nakaraan." "Mag-ingat ka sa pag-alis."
"Hindi man lang po ba kayo maawa sa akin? Gabing-gabi na ho," sambit ko pa ngunit napailing na lang itong umalis sa harap ko. Napasabunot na lang ako sa ulo habang paalis ng apartment, dala-dala ang mga gamit ko.
Lumabas ako. Hindi ko alam kung paano ko tatawagan si Alice, panigurado kasing kapag tinawagan ko ito'y hindi na 'yon mapapakali at hindi na alam kung pipilitin ba ang ina na patuluyin ako sa kanila. Makokonsensiya naman 'yon kung sakaling hindi niya ako mapapatuloy sa bahay nila at baka mamaya ay magdrama pa.
Napaupo na lang ako sa hagdan, hindi alam kung sino ang tatawagan dahil wala naman na akong ibang kaibigan maliban kay Alice.
Sa totoo lang ay naiiyak na talaga ako kaya lang ay wala namang magagawa ang pag-iyak ko kung sakali kaya pinanatili ko na lang na kalmado ang sarili. Napabuntong hininga ako nang maisip na baka rito na lang ako sa kalsada matulog sa ngayon, mahirap din makahanap ng apartment na mura katulad dito sa apartment na tinutuluyan ko.
Isa pang beses na napahilamos ako sa aking mukha. Pinigilan ko ang nagbabadyang luha nang makitang tumatawag si Alon sa akin.
"Hello." Pinanatili kong kalmado ang boses.
"Ano? Naayos mo na ba 'yong report mo? Baka inaantok ka na naman. Magkape ka na, kailangan mong matapos," sabi niya sa akin. Hindi ko alam pero unti-unti ng tumulo ang luha ko pagkarinig ko pa lang ng boses nito.
May usapan kasi kami na tatawagan niya ako ng ganitong oras ngayon dahil baka makatulog ako bigla at may kailangan pa man din akong tapusin.
"Umiiyak ka ba? Bakit? Masiyado bang mahirap 'yang report mo? Pupunta ako riyan. Dadala akong pares. Teka lang," sabi niya na hindi rin naman binababa ang tawag. Naririnig ko na agad ang ingay mula sa eskinita nila. Naririnig ko na may iilang nagtatanong kung saan siya pupunta ngunit hindi ko narinig ang boses nito na sumagot sa mga tanong nila.
Pinipigilan kong palakasin ang paghikbi dahil naririnig kong natataranta na ito. Hindi ko siya pinigilan dahil I know deep down that I need someone to talk with.
Mas lalo lang akong napaiyak nang makita ko siyang nasa tapat na ng apartment. Ni hindi nga kami ganoon magkakilala pero nandito siya ngayon, nakatingin nang seryoso at nag-aalala sa akin. "Anong nangyari?" Hindi niya mapakaling tanong na pinatay na ang tawag.
"Bakit ka umiiyak? Bakit nakalabas 'yang mga gamit mo?" sunod-sunod ang tanong nito at nilapitan ako. Hindi ko napigilang mas lalo pang napaiyak nang yakapin ako nito. Matagal lang kaming ganoon, hinihintay rin nito na kumalma ako. "Shh..." Lumayo na rin naman siya sa akin nang medyo kumalma na ako. Nginitian ko lang siya nang tipid nang matapos ako sa pag-iyak. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pamamaga ng mga mata ko habang todo lang ang titig niya sa akin, mukhang alalang-alala.
"Napalayas na ako, walang pambayad," natatawa kong saad kahit na kagagaling lang sa iyak. Nakatingin lang siya sa akin. "Pasensiya ka na, pati ikaw nadamay pa."
"Anong nadamay? Magkaibigan tayo. Natural lang 'yon."
"Ayos na ako. Salamat, ha? Salamat sa pares... Salamat kasi one call away ka talaga," sabi ko na ngumiti pa ulit sa kanya. "Sige na. Ayos lang sa akin kung umuwi ka na, ayos na ako," sabi ko na nginitian siya.
"Paano ka?" tanong niya na nakakunot ang noo.
"Ayos na nga ako," sabi ko at ngumiti pa sa kanya.
"Saan ka matutulog?"
"Hindi ko rin alam," sabi ko at ngumiti nang mapait.
"Kaibigan?"
"Hindi ako pwede roon, baka maski siya mapalayas ng nanay niya. Iisa lang naman kaibigan ko," sabi ko sa kanya.
"Anong tawag mo sa akin?" tanong niya ng napanguso.
"Bakit? Patutulugin mo ba ako sa bahay mo? Willing naman ako kung gusto mo," natatawa kong biro kahit na alam ko naman na ayaw ako nito sa bahay niya dahil ilang beses niya na kaya akong pinaalis do'n. "Tara," sabi niya na tumayo na. Dala-dala ang mga gamit ko.
"Huh? Akala ko ba ayaw mo ako sa bahay niyo?!" gulat kong tanong sa kanya.
"Hindi ako mapapanatag kung nasa bahay ka pero mas lalo naman akong hindi matatahimik kung dito ka sa kalsada matutulog," sabi niya sa akin na inalalayan na rin akong tumayo.
Hindi ko alam kung tamang desisyon ba ito pero kaysa naman matulog ako sa kalsada ngayon, 'di ba?
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Pagkarating namin sa eskinita nila ay agad na nakatingin sa amin ang ilang gising pa ngunit gabing-gabi na.
"Ano 'yan, Alon? Ibabahay mo na?" tanong ng isang lalaking mukhang lasing na lasing na. Sa mukha pa lang nito, mukhang kanina pang umaga umiinom. "Mag-aasawa ka na, Alon?" malakas nitong tanong at naghiwayan.
"Kung mag-aasawa ho ako, pakakasalan ko muna."
"Mataas talaga ang pangarap mong bata ka, tatawanan ka na lang namin kapag hindi mo natupad." Nagtawanan naman ulit ang mga ito. Napailing na lang ako. Wala lang naman 'yon kay Alon at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.
"Ayan ba 'yong babaeng nagpunta din diyan noong nakaraan?" Sari-saring bulungan na ang maririnig mula sa mga kapit bahay ni Alon na chismosa.
Nang makarating kami sa bahay nila ay agad niyang nilapag ang mga gamit ko na dala-dala niya.
"Kapag nakahanap ka na nang malilipatan mo, kunin mo na lang dito."
"Grabe ka naman! Pinapalayas mo na ba agad ako? Ni hindi pa nga ako nakakatulog," natatawa kong saad. Napailing naman siya ngunit inayos naman ang pagtutulugan ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang kalmado ko ngayon. 'Yan panay ka nga landi, Isla.
"Dito ka na sa papag. Ako na riyan sa semento," sabi niya sa akin at nilagay pa ang foam na dapat ay sa baba na lang. Kumuha na lang siya ng karton na magagamit niya na paghigaan.
"Ayos lang kung akin na lang 'yang karton, ito na sa 'yo tutal ako naman 'tong nasa papag at nanggugulo sa 'yo ngayon," sabi ko at napanguso. Hindi niya pinansin at suhestiyon ko dahil nanatili siyang nag-aayos. Inabutan naman ako nito ng unan at kumot. Infairness, amoy downy. Ang bango, ha?
"May tatapusin ka pa, 'di ba? Gawin mo na, hindi 'yong tinititigan mo ako riyan," natatawa niyang saad. Napanguso naman ako at napatango.
Kinuha ko ang laptop ko at tinapos ang draft na kailangan kong gawin. Pakiramdam ko ay hindi na ako makakatulog nito dahil sa sobrang dami.
"Kape?" tanong ni Alon nang mapansing inaantok na ako.
"Teka, konti na lang 'to. Okay na. Matulog ka na. May trabaho ka rin bukas, 'di ba?" tanong ko sa kanya.
"Hihintayin na kita," sabi niya na tumango pa sa akin. Napanguso naman ako para pigilan ang ngiti. Kahit paano'y nawala sa isipang napalayas ako. Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa. Napasilip naman ako kung anong ginagawa niya sa keypad niyang phone, akala ko'y may ka-text, 'yon pala'y naglalaro lang ng snake snake.
"Ano?" Sinimangutan niya ako nang matawa ako sa kanya.
"You can use my phone, mas maraming mapaglilibangan doon."
"May cellphone naman ako. Bakit kailangan ko pang manghiram sa 'yo? Ituloy mo na nga lang 'yan," sabi niya sa akin. Natatawa naman akong tinuloy ang ginagawa. Medyo nabuhayan din naman ako sa kanya kaya ayos na rin 'yon kahit paano. Napainat pa ako nang matapos ko na ang kailangan gawin. Konting-konti na lang ay makakatulog na siya sa paghihintay sa akin kaya naman napangiti ako. "Tulog na tayo, tapos na ako."
"Hindi mo ba tatawagan 'yong kaibigan mo? Ipaalam mo lang na wala ka sa apartment mo," sabi niya sa akin.
"Tulog na 'yon at baka mag-aalala pa, hindi na makatulog nang maayos," sabi ko sa kanya. Tinignan niya lang ako saglit bago tumango.
Kakabahan talaga 'yong si Alice kaya mas ayos na sa akin na bukas ko na lang sabihin sa kanya.
"Anong oras ang pasok mo bukas?"
"8:30." Tumango naman siya.
"Good night, Isla," sambit niya at pinikit na ang mata.
"Good night, Alon," sabi ko naman sa kanya at kusa na lang napangiti.
Sa pag-iisip, hindi ko naman na namalayang makatulog ngunit nagising ako sa isang marahan na paggising.
"May pasok ka pa, bangon na," sabi ng namamaos na tinig, pagkamulat ko ng aking mga mata, agad kong nakita ang mata nitong asul. Nginitian ko naman siya. "Good morning, Alon," hyper na saad ko.
"Maligo ka na, ipinag-igib na kita ng tubig," sabi niya sa akin. Wala kasi silang tubig dito at kailangan mo pang mag-igib sa poso.
"Kumain ka na pala muna. May pagkain na akong niluto riyan," sabi niya sa akin. Palihim naman akong napangiti. Usually kasi kapag ganitong papasok ako, minsan ay nale-late pa dahil wala naman akong taga gising at wala pang laman ang tiyan ko kapag pumapasok dahil wala rin namang magluluto.
"Ano? Tutunganga ka lang diyan, Isla? Male-late ka niyan, ikaw rin," sabi niya sa akin.
"Opo, Itay." Sinamaan niya naman ako ng tingin dahil sa sinabi ko. Napatawa lang ako nang mahina at saka umupo na ulit sa upuan para kumain.
Itlog 'yon at sinangag, sinabayan niya rin naman ako. Sarap naman gumising kapag ganitong may pagkain ng nakahanda tapos may gwapo ka pang kasabay sa pagkain.
"Natulog ka ba? Bakit ang dami-dami mo naman nagawa," sabi ko nang natatawa.
Nang matapos akong kumain ay naligo na rin naman ako sa cr niya dito sa likod bahay. Agad naman nanlaki ang mata ko nang makitang maski ang uniform ko ay plantiyado niya na rin. Aba't mas maayos pa siyang magplantiya sa akin. Nang makaayos na ako ay agad akong lumabas. Hinanap ng mga mata ko si Alon na siyang mukhang nakikipaglwentuhan na sa labas dahil wala ng tao rito. Kinuha ko na lang ang sapatos ko at sinuot na 'yon. Mukhang hindi ako male-late ngayon, ha?
Napatingin naman ako kay Alon na agad napatingin sa akin pagkalabas ko.
"Teka lang, hatid ko lang si Isla," paalam niya sa mga kausap.
"Halika na," sabi niya at nginitian ako. Pucha. Delikado na ako.
"Grabe ka naman. Bakit halos lahat naayos mo na? Bahala ka riyan, baka hindi na ako umalis sa bahay mo," natatawa kong biro sa kanya. Natatawa naman siyang napailing sa akin. Baka mamaya totohanin ko 'yan, ang sarap kaya ng may nag-aalaga.