Hoy, Mr. Snatcher!

Chapter CHAPTER 10



Isla's POV

"Aling Linda," pagtatawag ko kay Aling Linda nang hindi makita si Alon, kahapon din kasi ay hindi ko ito nakasabay sa pag-uwi.

"Wala si Alon, may sakit daw ata," sabi niya na napakibit pa ng balikat. Alam na agad nito ang itatanong ko.

"Kahit kahapon ay wala ito."

"Aling Linda, alis na po muna ako. Emergency lang."

"Nako, punyeta kang bata ka. Lalandi ka lang ata," sabi niya sa akin ngunit hindi ko na pinansin at sumakay na sa jeep papunta sa eskinita patungo sa bahay nina Alon.

Alam kong sayang ang kita ko ngayon at hindi ako sigurado kung pagsisihan ko ba 'yon pero nagmadali na ako papasok sa loob. Naririnig ko na agad ang boses ni Alice na sinesermonan ako.

May mga iilang nakatingin sa akin, as usual nakakatakot pa rin ang lugar na ito para sa akin pero nagtuloy-tuloy lang ako. Maaga pa lang pero naririnig ko na agad ang ingay rito.

May mga nagchichismisan na at mayroon din namang mga nag-iinuman at nagsusugal, ang aga pa! Ni hindi pa nga ata naghihilamos ang mga ito.

Dire-diretso lang ako patungo sa bahay ni Alon kaya lang ay hinarang ako ng isang babaeng sa tingin ko'y kaibigan ni Alon no'ng nakaraan.

"Anong ginagawa mo na naman dito, ha?" masungit niyang sambit na nakacross pa ang kamay.

"Bibisitahin ko si Alon, may lagnat daw," maayos ang pagkakasabi ko sa kanya.

"Pwes, huwag ka ng tumuloy dahil kayang-kaya ko naman 'yon gawin," sabi niya pa at tinulak pa ako.

"Kakay, ano na naman 'yang ginagawa mo?" tanong ng isang matanda na tinignan pa 'yong Kakay ng masama.

"Sinungitan po kasi ako," sabi nito ngunit napakunot lang ako ng noo dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Siya itong kusang nanggulo sa akin. "Anong ginawa mo kay Kakay?" tanong sa akin no'ng matandang babae.

"Wala po."

"Nagmamadali na po ako, pasensiya na," sabi ko at dire-diretso na sanang maglalakad patungo sa bahay ni Alon kaya lang ay agad akong hinarang ng ilan pang matanda.

"Aba't huwag mong babastusin ang anak ko," sabi niya at tinuro 'yong babaeng may sobrang pulang labi. Pinanatili ko namang kalmado ang sarili dahil kawawa ako kung sakaling manggugulo rito. Ang mga mukha pa lang ng mga ito tila magtatawag na agad ng back up kapag nakabangga mo.

"Pasensiya na po," sabi ko na lang at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

"Aba, punyeta naman!" malakas kong sigaw nang hilain no'ng babaeng sobrang pula ng labi 'yong buhok ko.

"Tangina naman! Cream silk 'yang ginagamit ko riyan, bitaw!" Wala nang pakialam kung mapaaway pa ako rito.

"Aba't minumura mo ba ako, ha?" galit na tanong naman ng nanay niya sa akin. Nawawalan na talaga ko pasensiya rito dahil hinila niya rin ang buhok ko.

"Hoy, Narcy! Huwag nga kayong masiyadong mayabang, nakita ko 'yang ginawa ng maldita mong anak!" sabi ng isang matanda. Nawala naman sa akin ang atensiyon ng mga ito kaya ginamit ko 'yon para tumakas. Agad akong nagtungo sa bahay nina Alon.

Kinatok ko naman siya, matagal bago niya binuksan ang pinto at nakapikit pa ito. Unti-unti niya namang minulat ang kanyang mata at nagulat siya nang makita ako.

"Hi."

"Anong ginagawa mo rito? 'Di ba ang sabi ko sa 'yo huwag ka ng babalik dito?" tanong niya sa akin ngunit nagtuloy-tuloy lang ako sa pagpasok.

Rinig na rinig naman hanggang dito ang sigawan nila mula sa labas. Napailing na lang ako. Paano kaya makakapagpahinga itong si Alon sa ganito kaingay na lugar?

"Anong ginagawa mo rito?" ulit na tanong niya ngunit hinila ko lang siya at pinahiga sa papag niya sa sala.

"Matulog ka na muna," sabi ko at kinapa pa ang kanyang leeg at noo. Mataas nga ang lagnat nito.

"Diyan ka na muna, ipagluluto kita ng noodles," sabi ko na lang dahil mukhang wala naman siyang stock. Noodles lang at ilang canned goods.

Hindi na siya nakaangal pa dahil mukhang masamang-masama na rin naman ang pakiramdam nito. Wala ng oras para makipagtalo pa.

Nagluto lang ako ng noodles para sa kanya. Mabuti na lang ay nakabili ako ng gamot bago dumeretso rito.

"Kumain ka na habang mainit at uminom ka na rin ng gamot," sabi ko sa kanya nang sinubukan niyang imulat ang mata para tignan ako. Ngumiti pa ako sa kanya samantalang seryoso lang itong napaayos ng upo. Pinipilit ang sariling palakasin.

"Hmm. Bakit ka nga nandito?" pangungulit niya pa rin. Wala atang balak tantanan ako.

"Ang sabi ni Aling Linda may sakit ka raw. Nakakaawa ka naman kaya pinuntahan na kita," sabi ko na lang habang inaayos ang noodles.

"Kainin mo na 'to para naman lumakas ka." Tumango naman siya sa akin. Halos sabaw pa lang ang hinigop nito pero ayaw niya na agad. Walang ganang kumain. Pinainom ko naman siya ng gamot. Pagkatapos ay nakatulog na rin agad ito. Nagpainit naman ako ng tubig at kumuha ng towel para ilagay sa noo niya.

"Hmm," mahina nitong ungol nang ginalaw ko ang braso niya para mapunasan ng towel.

Maririnig pa rin sa labas ng ingay ngunit wala naman ng maririnig na away mula sa labas. Napanguso na lang ako at sibukang maglinis dito sa bahay ni Alon kahit na malinis ito. Payapang-payapa pa rin itong natutulog kahit na sobrang ingay ng paligid niya.

Sinubukan ko na lang sagutan ang ilang kailangan kong gawin sa school nang matapos. Kaya lang ay hindi ako makaconcentrate lalo na't may ingay na nagmumula sa labas, mula sa pinto.

Binuksan ko naman ang pinto ni Alon at agad niluwa ang mga kaibigan nito. Agad silang napatikhim nang makitang ako ang nagbukas ng pinto.

"Hehe," sabi pa no'ng isa at napakamot sa ulo. Agad naman akong napailing at napakunot ng noo sa kanya.

"Ayos lang naman kung kami ang magbabantay kay Alon, Miss," sabi sa akin no'ng isang lalaki. Bakit hindi nila binantayan kanina?

"Gago, para namang magpapaalaga 'yang si Kuya Alon."

"Mamaya na lang kayo pumunta dito, natutulog pa 'yong tao," hindi ko mapigilang sambitin. I know I sounded rude pero kasi naman ang ingay-ingay na nga sa labas tapos maingay pa rito. Napatingin lang naman ako sa payapang natutulog na si Alon.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Noong nakaraan lang ay inis na inis ako rito dahil ninakawan niya ako pero kita mo nga naman, ako pa itong nag-aalalaga sa kanya ngayong may sakit siya.

Hindi ko naman namalayang nakatulog na ako sa paninitig sa kanya, nagising na lang ako sa ingay mula sa labas.

Hinanap naman ng paningin ko si Alon na siyang natutulog lang kanina. Agad ko siyang nakitang nagluluto sa kusina.

"Hoy."

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba?" Masama lang na tingin ang ibinigay niya sa akin.

"Lumiban ka sa trabaho para lang sa akin?" kunot noong tanong niya. Hindi naman ako sumagot, mukha kasi itong galit.

"Kaya ko naman ang sarili ko. Madali lang 'yon, sanay na sanay na akong itulog lang."

"Pwes, sanayin mo na ang sarili mo na nandito ako kapag may sakit ka o 'di naman kaya kung kailangan mo ako." Wow, ang bilis mo naman, Isla.

"'Di ba ang sabi ko huwag ka ng babalik dito?" tanong niya pa sa akin. Napanguso naman ako. Ayaw na ayaw niya talagang nandito ako.

"Ang sabi nina Totoy ay pinagtulungan ka nina Kakay kung hindi lang dumating si Aling Pasing ay baka napuruhan ka na sa mga 'yon," galit niyang sambit sa akin.

"Bakit ba takot na takot ka para sa akin? Kaya ko naman ang sarili ko."

"Anong kaya? Mag-isa mo lang laban sa mga chismosa kong kapitbahay," masungit niyang sambit habang nagluluto.

"Huwag ka namang ganyan habang nagluluto, papangit ang lasa niyang niluluto mo," sabi ko lara makalusot sa sermon nito. Nanatili naman siyang tahimik ngunit ang kanyang labi ay nanatiling isang linya na tila hindi talaga siya natutuwa sa akin. "Huwag ka namang magalit, gusto lang naman kitang alagaan."

"Hindi mo naman ako kailangan alagaan."

"Pero gusto ko?" tanong ko naman na nagpatahimik sa kanya. Napangisi naman ako dahil dito. Napabuntong hininga na lang siya at nilapag na ang pagkain sa lamesa. Nagluto siya ng adobo. Ang bango-bango nito at mukhang masarap. "Kumain ka na muna at ihahatid na kita pauwi."

"Okay," sabi ko na napanguso. Kumain naman ako ng tahimik. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil ang sarap nitong magluto.

"Ang sarap!" masaya kong sambit. Napanguso naman siya pinipigilan ang ngiti. Nginitian ko lang siya. Patuloy lang ako sa pagkain, aba't susulitin ko na, baka hindi na ako nakabalik sa bahay nito.

"Anong ginawa sa 'yo kanina nina Kakay?" tanong nuya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Napairap na lang siyang sumubo sa niluto niya. Partida, nakasimangot pa siya ng niluluto ito pero swak na swak sa panlasa ko.

"Wala, hinila lang ang buhok ko. Crush ka ata no'n," natatawa kong sambit habang patuloy sa pagkain. Tinignan ko naman siya nang hindi ito nagsalita, mas lalo pang dumilim ang mukha nito kumpara kanina.

"Hindi ka na talaga babalik dito," sabi niya ngunit inirapan ko siya.

"Paano kung gusto ko?" Tumawa pa ako para asarim siya.

"Tigilan mo ako, Isla. Hindi nakakatuwa," seryoso niyang smbit. Napanguso na lang ako.

Nang matapos kaming kumain ay lumabas na rin kami. Nakatingin ang ibang nagsusugal sa amin, nakita ko naman si Kakay at ang Mama nito na masama ang tingin sa akin ngunit hindi ako magawang harangin dahil kasama ko si Alon. Inihatid ako ni Alon hanggang sa apartment. Binantaan pa ulit niya ako na huwag ng babalik doon ngunit hindi ako sumasagot kaya ilang sermon pa ang sinabi bago ako hinayaan na pumasok. Ang kulit pa. Sabi ng huwag niya na akong ihatid. Mabinat pa siya niyan, eh!

"Hoy, Isla! Hindi ka na naman nagbayad," sabi sa akin ng landlady ko ng makitang dahan-dahan akong naglalakad papasok sa loob ng apartment ko.

"Magbabayad naman po ako," sabi ko nang nakangiti at nagmadali sa patakbo patungo sa loob.

"Papaalisin na talaga kita, lagi ka na lang ganyan! Hindi ka na nagbayad sa tamang due date!"

"Sorry na po. Magbabayad naman po ako. Promise po. Hindi nga lang po ngayon. Nagbayad naman po ako noong nakaraan!" Narinig ko naman na may kumausap sa kanya kaya hindi na siya nangulit pa sa akin. Mabuti na lang din ay nakapagpahinga ako nang maayos nang araw na 'yon.

"Walang hiya! Malandi ka talagang haliparot ka," sabi sa akin ni Alice nang ikwento ko sa kanya ang pangyayari kahapon.

"Ga-graduate ka pa, sinasabi ko sa 'yo."sabi niya sa akin as if naman magpapabuntis ako.

"Gaga, nag-alaga lang ng may sakit."

"Alam mo, saan pa ba tutungo 'yan? Halos araw-araw din kayong magkasama niyang si Alon saka kailan mo ba ipakikilala sa akin?"

"Boba ka ba? Wala namang kami."

"Wala pa," natatawang saad niya.

"Boba, crush pa lang naman."

"How about Seven? I thought crush mo siya?"

"Hindi na ata. Hindi na." Mas sigurado na ako nang maalala na naman ang mukha ni Alon.

"Hindi na dahil nga may iba na, foqers ka talaga."

"Gaga ka, kawawa naman si Seven. Halatang type ka no'n."

"Huh? Hindi, 'no! Ang perfect ni Seven tapos magkakagusto sa isang mahirap na wala pang ganda? Nagbibiro ka ba?" natatawa kong saad sa kanya. Napailing na lang siya sa akin. "Alice!" Agad akong napangisi nang makita ko si Deo na tinatawag 'tong kaibigan ko.

"Ngayon, sabihin mo kung sino ang haliparot sa ating dalawa. Kinain mo rin ang sinabi mo," natatawa kong sambit sa kanya. Inirapan niya lang ako kaya napatawa ako nang mahina.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.