Chapter CHAPTER 13
Isla's POV
"Saan punta niyo?" tanong ni Deo nang makita kaming magkasabay palabas ni Alice ngayon. Itong kaibigan kong 'to hanggang ngayon hindi pa rin nagsasabi kung ano ng namamagitan sa kanila ni Deo.
"Maggo-grocery 'tong si Isla," sagot naman ni Alice. Napangisi na lang ako at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Bibili kasi ako ng stock sa bahay ni Alon dahil nakakahiya naman na siya na lang halos lahat ang gumagastos do'n. "Hatid ko na kayo," sabi ni Deo. Aangal pa sana si Alice kaya lang ay ako na mismo ang nagsalita.
"Sige," sabi ko at ngumiti. Gusto ko lang asarin ang pesteng kaibigan.
Nang makarating naman kami doon, niyaya ko si Deo na sumama kahit na siguradong magiging third wheel lang ako sa kanila.
Madali lang din naman kaming nakabili ng mga kailangan kong bilhin. Kaunti lang din naman 'yon dahil wala naman akong malaking pera para bumili ng marami. Ako na ang inuna nilang inihatid, baka magde-date pa. "Hoy! Ingat sa date," sigaw ko. Pinamulahan na agad ng mukha ang kaibigang kong si Alice. Napangisi na lang ako habang dala-dala ang mga pinamili.
Nasasanay na rin naman ang mga tao sa eskinita na ito na madalas akong makita.
"Wow, may pamalengke si Misis," sabi ng ibang nadadaanan ko. Hindi ko naman alam kung anong magiging reaksiyon ko kaya naman napakibit na lang ako ng balikat at ngumiti na lang sa kanila.
'Yong iba napapatingin pa rin sa akin kapag dumadaan ako pero 'yong iba mukha namang nasanay na sa akin. 'Yong Kakay lang talaga ang madalas mangmaldita sa akin, siguro'y dahil na rin may gusto kay Alon. Pagkapasok ko ay nadatnan ko si Alon na naglilinis ng bahay. Babatiin niya sana ako kaya lang ay nakita ang mga dala ko.
"Stock." "Yong nakangiti niyang mukha kanina'y napalitan ng seryoso.
"Bakit bumili ka pa?"
"Duh, nakakahiya naman na wala akong naiaambag dito sa bahay mo," sabi ko na napanguso. Seryosong seryoso pa rin ang mukha nito.
"Hindi ka na sana nag-abala pa," sabi niya na nakasimangot. Pinagpatuloy niya na lang ang paglilinis na tila ba hindi natuwa sa ginawa ko.
"Grabe, bumili na nga ako ng pagkain natin."
"Sana inipon mo na lang kasi 'yang pera mo para makalipat ka na sa ibang apartment," sabi niya kaya napatigil naman ako do'n samantalang nagtuloy lang siya sa pag-aayos.
"Ah, Oo nga pala. Kailangan ko nga rin palang umalis dito," sabi ko na napangiti na lang nang mapait.
"Kung ganoon, aalis na lang siguro--" Agad niya namang pinutol ang sasabihin ko.
"Hindi sa ganoon, wala akong sinasabing ganyan."
"Ayaw ko lang manatili ka rito dahil alam mo naman kung gaano kagulo ang mundong nakasanayan ko. Deserve mo nang mas maayos, Isla."
"Sa tingin mo ba matatakot akong pasukin ang mundo mo? Sa totoo lang mas nararamdaman ko pa nga na bahay 'tong bahay mo kaysa sa apartment ko but I guess I was just really asking for to much. Pasensiya na kung masiyado akong selfish..." "Hindi nga kasi sa ganoon. Gusto kitang alagaan, katulad mo, ngayon ko lang din naramdaman na bahay rin pala ito pero hindi mo naman kailangan bumili ng ilang stock para sa akin."
"Duh! Hindi lang naman para sa 'yo 'yan! Ang akin lang nakakahiya naman na nakikitira ako rito pero hindi man lang ako gumagastos."
"Of course, you won't. Wala ka pa namang sahod. Saka hindi na kailangan," sabi niya naman na nagkibit pa ng balikat.
"Pwes, sa akin kailangan," sabi ko naman sa kanya at dumeretso na sa kusina para ilagay 'yong mga pinamili ko sa taas.
Inirapan niya lang ako ngunit tinulungan na rin naman ayusin ang pinamili. Napatawa na lang ako nang mahina dahil sa kanya.
Pareho naman kaming napakunot ang noo nang makitang may kumakaluskos mula sa pintuan, lumapit kami pareho ni Alon doon.
Gulat naman naming tinignan ang mga kaibigan niya na nakatutok ang tenga sa may pintuan. Mga chismoso't chismosa nga naman. Pati si Aling Pasing!
Napatayo naman sila ng diretso nang makitang bumukas ang pintuan.
"Ano pong ginagawa niyo riyan?" gulat kong tanong.
"Nako, wala, chine-check lang namin 'tong pintuan niyo't baka may makapasok na masamang damo," sabi niya na nakangiti pa. Palihim na lang akong napailing.
"Wala po, Aling Pasing. Pero chismosa po siguro meron," sabi ni Alon kaya napatawa ako nang mahina. Nasa loob na kasi ngayon si Aling Pasing.
"Aba't sinasabi mo bang chismosa ako, Alon, ha?" tanong naman ni Aling Pasing sa kanya.
"Hindi po," sagot naman ni Alon dito.
"Pero ano ba 'yong pinagtatalunan niyo, ha? Bakit parang naririnig kong aalis ka narito, Isla?" tanong niya pa sa akin.
Napatawa namam ako nang mahina dahil kanina lang ay sinasabi nitong hindi siya chismosa ngunit tignan mo nga naman ngayon kung makapagtanong.
"Ah, hindi po, mali lang po siguro kayo ng pagkakarinig," sabi ni Alon na lang na napapailing. Napatingin naman ako kay Kakay na isa pang chismosa, pinagtaasan pa ako nito ng kilay tila may ginawa akong masama sa kanya. Aba't talaga namang sinusubaybayan nila ang buhay namin dito. Hindi ko na lang maiwasang mailing.
"Sige na po't umalis na kayo, walang masamang damo rito," sabi ni Alon sa kanina, napatango naman ang mga ito at umalis na rin.
Napaaling na lang talaga akong bumalik sa kusina.
"Anong gusto mong ulam? Magluluto ako," tanong ko sa kanya. Nagsabi lang naman siya ng gusto niyang ulamin kaya naman naghiwa na ako para do'n.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Ay pucha." Hindi ko mapigilang magreklamo nang masugatan ang sarili.
"Ano? Anong nangyari? Bakit?" tanong niya na natataranta. Nataranta rin tuloy ako sa kanya. Agad-agad itong kumuha ng band aid na naka-stock dito sa bahay niya. Nagpatuloy na lang din ako sa pagluluto habang nakabantay at nanonood siya.
"Pwede na," sabi niya nang ipatikim ko ang niluto.
"Sus, ayaw pang aminin masarap," natatawa kong saad ngunit inirapan ko lang siya.
Ganoon lang madalas ang mangyari. Unti-unti na rin akong nasasanay sa presensiya nito.
"Oh." Abot niya sa laptop ko na hawak hawak niya kanina habang nasa jeep kami. Inihatid ulit ako nito sa school.
"Thanks! Bye! Ingat!" sabi ko at kumaway pa sa kanya. Napangiti na lang ako habang papasok.
"Hey," bati sa akin ni Wendy.
"You know him? You know that guy?" tanong niya na nilingon pa si Alon para tuloy gusto ko na itong bakuran bigla. Aba't marami-rami ring nagkakagusto sa kaniya. Matinik sa babae kahit wala namang pera. "Anong name? Kaano-ano mo?" sunod-sunod niyang tanong. Alam ko naman na pinapahanap niya rin ito simula nang makita niya sa party ni Deo.
"Alon," sabi ko na lang at nagkibit ng balikat.
"Saan ko ba siya makikita? Araw-araw ka ba no'n inihahatid? Bakit? You like him ba?" sunod-sunod niyang tanong. Buong maghapon niya akong ginugulo. Ni hindi ko nga alam kung matino ba ang mga naging sagot. "Pak, ganda ni Wendy. Haba ng hair ng crush mo," natatawang saad sa akin ni Alice.
"Ang ganda nga niyang si Wendy. Gagi, paano kapag tumiklop si Alon. Ang yaman pa niyan, anong laban ko? Ganda lang ang meron ako!"
"Grabe ka! Ganyan ba tingin mo kay Alon? Ang dami kayang humingi ng number no'n sa party ngunit walang ni isang binigyan 'yon," sabi niya sa akin. Napanguso naman ako. Magsasalita pa sana ako nang may magsalita sa gilid ko. "Hey," bati ni Seven nang makita ako.
"Seven," bati ko rin at nginitian siya. Wala naman na akong nararamdaman ngayon kay Seven. Sobrang mild lang no'ng pagkagusto ko sa kanya noon kumpara sa pagkagusto ko kay Alon ngayon.
"Gusto mo bang sumabay na?"
"Alis na ako," paalam ni Alice sa akin. Hindi na rin naman ako nito tinutukso dito dahil nga wala na. Hindi ko na siya gusto.
"Sige," sabi ko na lang at sumang-ayon. Hindi ko naman mapigilang isipin ang mga pinagsasabi sa akin ni Alice no'ng nakaraan, ang sabi nito'y may gusto sa akin si Seven ngunit hindi ko naman magawang maniwala dahil nga ang taas-taas nitong taong 'to tapos bigla na lang may gusto sa isang dukhang tulad ko?
"Hey, you okay?" tanong niya na nginitian ako.
"Ah, oo naman," sabi ko at simpleng tumango sa kanya. Siguro noon nahihiya pa ako na makisabay-sabay sa kanya sa kotse niya dahil nga gusto ko siya noon pero ngayon? Magkaibigan naman na kami.
Nang majarating kami sa fast food chain, agad akong bumaba ng kotse niya.
Kumaway naman ako sa kabilang fast food chain nang makita ko si Alon na nakatayo do'n. Tinignan niya lang ako ngunit agad ding pumasok sa loob, baka tinatawag na. Napanguso na lang akong pumasok ng fast food chain. Naging abala na rin ako sa trabaho dahil ang dami rin talagang customer.
"Hoy, Isla, pinapabigay ni Alon," sabi ni Kenneth na binigay ang dala-dalang pagkain na galing kay Alon. Agad naman akong napangisi dahil madalas na talaga ako nitong pagdalhan ng pagkain. Iniabot niya ito nang mag-break. "Sana all, ha?" natatawang sambit ni Kenneth na umalis na sa tabi ko.
Kumain lang ako sandali bago napagpasiyahang magpatuloy na sa pagtatrabaho.
"Sabay ka na sa akin sa pag-uwi, Isla," sabi ni Seven sa akin nang makalabas mula sa fast food chain.
"Ah, hindi na, Seven. Sa iba na kasi ako nakatira. Pinalayas ako sa apartment," sabi ko at nginitian siya. Nagulat naman siya doon.
"Pero ayos na rin naman ako. Kay Alon ako nakatira ngayon," sabi ko at tinuro si Alon na siyang papunta sa gawi namin. Mas lalo naman siyang nagulat doon.
"Really..." Tila hindi 'yon tanong. Tinitigan niya lang ako bago siya napabuntonghininga.
"You can also call me in case something like that happened," mahinang saad niya.
"Ihahatid ko na kayo," sabi niya na nginitian pa ako pagkatapos magulat.
"Hindi na. Ayos lang," ani ko na ngumiti pa sa kaniya.
"I insist, Isla..." aniya.
"Sige," sabi ko na lang. Seven is just really nice.
"Alon, sabay na tayo kay Seven. Halika na," sabi ko sa kanya. Seryoso niya lang akong tinignan bago napipilitang napatango.
Tahimik lang siya buong byahe samantalang kinakausap ko naman si Seven tungkol sa school works namin. This past few months ay hindi na ako naiiling sa kaniya kaya nagagawa ko na ring makipagkwentuhan. Sigurado dahil tapos na ako sa phase na gusto ko ito.
"Mukhang hindi na kita kailangan sabayan, ha?" nakangiting sambit sa akin ni Alon nang makababa mula sa kotse ni Seven. Pinagkunutan ko naman siya ng noo.
"Mayroon ka naman ng crush na maghahatid sa 'yo," sabi niya na nauna ng maglakad papasok ng eskinita.