Flaws and All

Chapter 33- Perfect



"How was it?" he asked as he wrapped around his arms around me.

"Great. I somehow felt healed" inikot nya ako at hinarap sa kanya

"Ano ba pinagusapan nyo?"

"Ikaw, ako. Tayo. Advices that I need to hear."

"Hindi ko alam na kakausapin ka ni Mommy" he's swaying our bodies to the rhythm of Perfect by Ed Sheeran.

"I don't deserve this darlin' you look perfect tonight" he whispered to my ear while rubbing my back.

"Zarette nakatingin silang lahat sa atin" nahihiya kong sabi.

"Let them stare hal, let's forget about the world for a while" I closed my eyes and pressed my head on his chest. I can feel and hear his heartbeats this way. "Mahal na mahal kita Madox" It feels so right to hear those words. Parang walang bahid sakit, wala na yung dating pait.

And my heart beats so peacefully, as if telling him "Mahal na mahal rin kita"

"Zarette eto? Gusto mo ba to?" pinakita ko sakanya ang suit na napili ko para sa kanya sa birthday nila ni Prim. He's turning twenty one this year!

"Okay na yan hal." kinuha nya ang suit at tinapat sa katawan nya saka sumilip sa salamin.

"Neck tie or bow tie?" sumilip ako sa lalagyan para pumili.

"Bow tie" simple nyang sagot. Naghanap naman ako ng babagay na bow tie para sa suit nya

"Do you have something to wear na hal?"

"Sabi nila Prim sila na bibili since they're my stylist."

"I don't trust them with those kinds of stuffs. They will make you wear sexy dress for sure" nakanguso nyang sabi.

"They won't ano ka ba. Just trust them okay?"

Tumango lang sya at sinandal ang kamay sa balikat ko. Kita mo to, ano ako? Sandalan? Hays.

"Hal, ano sa tingin mo? I want to organize a party for a kids foundation. Two days before my birthday"

"Talaga?" Na-excite ako sa sinabi nya lalo na at mahilig ako sa mga bata.

"Yes. Gusto mo sumama?"

"Of course! I would love to!" sa sobrang excitement ko pinapanalangin ko na sana wednesday na!!

Today is the day! I am so excited, ngayon kami magpapaparty with the kids from a child foundation. Sila yung mga may bata na nakatira sa iisang foundation dahil una wala silang mga magulang, pangalawa mga pinaampon ng magulang or pangatlo yung mga batang pagala gala nalang sa kalsada.

Hindi naman sya malaking party, simpleng party lang for the kids na sure na sure akong maeenjoy nila.

Convoy nalang kami ni Zarette since sasama rin sila Prim at sila Kiko.

Pagkatapos kong mag ayos kinuha ko na ang mga loot bags na para sa mga bata at ang aking sling bag. Nasa baba na sila Zarette at naglalaro ng ps4.

"Tara na" aya ko habang pababa ng hagdan. Agad namang tumayo si Zarette at pinatong sa lamesa ang controller. Sumunod ding tumayo sila Kiko, Ely, at Ryan.

"Girls, tara na" sigaw ko pagkadungaw ko sa kusina.

"Okay, coming"

"Where's your car keys?" sabay halik sa akin ni Zarette sa pisngi. "Car keys not car and kiss" sabi ko pagkatapos harangan ang bibig ko.

Inabot nya ang susi ko at humalik ulit sa pisngi ko saka sya tumawa ng malakas.

"I love you" he winked at me bago tumakbo palabas, napailing nalang ako habang nakangiti.

"Anong ginagawa mo dyan? Diba convoy tayo?" nakasakay na sya sa kotse ko at nasa driver's seat pa.

"Mapapagod ka sa byahe, so I'll drive"

"Are you serious mal? Kalapit lapit lang" hinawakan nya ako sa magkabilang balikat habang tinutulak ako bahagya papunta sa passenger's seat.

"Yes hal, let me drive" inilagay nya ang seat belt at hinalikan ako sa noo nang akmang papalag ako.

He jogged his way to the driver's seat, pagkasakay ay kinabit rin ang seat belt at sinindi ang makina.

"Wait lang, yung kapatid mo pa"

Sya namang labas ng service van nila na mukhang puno na, Ely was the one driving habang nasa tabi nya naman si Kiko. Nakita ko rin sa likod sila Prim na kumakaway.

Nag businahan sila bago diretsong tinahak nila Ely ang daan papunta sa venue. Naisahan na naman ako ni Zarette!!

"Okay let's go hal" masaya nyang sabi, kinuha ko ang kamay nya at kinagat "Aray mahal"

"Heh! Naisahan mo na naman ako. Kainis!"

"Minsan ka lang masolo eh" umakbay sya sa akin at niyakap ako ng bahagya.

"Sige na, magdrive ka na" I can't help but smile.

Zarette and his ways.

"Mga bata meron tayong bisita ngayon. Sila yung mga nagpapadala ng mga laruan every year. Nandito sila para icelebrate ang birthday ni kuya Zarette ninyo" tinulak ko sa gitna si Zarette, he's shy but there's a huge smile plastered on his face. Aww my baby.

"Nagdala sila ng maraming maraming bagong laruan at mga pagkain. Anong masasabi nyo sa kanila?"

"Thank you po ate, kuya" nakakataba ng puso ang mga ngiti nila kahit yung iba sakanila ay nakasuot ng mask dahil ang ilan ay may sakit.

"Anong sasabihin nyo kay kuya Zarette?"

"Happy birthday kuya Zarette. We love you" may kung anong humaplos sa puso ko nang lumingon sa akin si Zarette at ngumiti.

Nag simula ng kumain ang mga bata habang nanunuod ng magic show. Kinuhanan na rin ako ni Zarette ng food.

Magkakatabi lang kami lahat at nakaupo sa pambatang upuan.

Nagulat ako nang may batang umiyak nalang bigla, hawak hawak nya ang binti nya marahil dahil sa sakit.

Zarette kneeled down and asked the kid. Hindi ko man maintindihan ang pinaguusapan nila ay batid kong tinatanong ni Zarette kung okay ba ang bata. Tumango tango naman ito

Iniihipan nya ang sugat ng bata nang daluhan na sila ng mga taga alaga ng mga bata at may dala dala ng first aid kit.

Nang masigurado ng okay ang sitwasyon ay binigayan nya ng ice cream ang bata. The kid smiled at him and he smiled back, I felt a warm feeling in my heart.

Ilang beses ko na bang tinanong ang sarili ko kung handa na ba si Zarette sa responsibilidad bilang isang ama at heto na ngayon sa harap ko ang sagot.

"Hey, sorry natagalan yung food" nakangiti syang umupo sa stool. "Baka masira ko tong upuan" natatawa nyang sabi. I didn't say anything basta nakatitig lang ako sakanya

"The kids here are cute. Naiisip ko tuloy kapag magkakaanak tayo kasing cute rin ng mga bata dito."

I adore how he grew up to be a man. Bihira lang ang mga lalaki na ganito lumaki, na handa sa magiging responsibilidad nya habang tumatanda. And with that realization I held his hand.

"Hal, magkakaanak tayo ah. Madaming madami. Kasing dami ng mga bata dito"

"Sira ka! Ang dami kaya ng mga bata dito tapos gusto mo magkaanak ako ng marami. Triplets nga lang... I mean mahirap manganak ng ganito karami lalo pa at yung mga nabubuntis ng triplets, twins" Oh God.

"May lahi pa naman kami ng twins ang pinapanganak" tuwang tuwa nyang sabi. "Malay mo twins rin unang anak natin, or triplets or quadruplets mas better"

"Ikaw na manganak Zarette." sabay pahid ko ng icing sa mukha nya na hindi naman sya nagreklamo dahil ang ending... Icing fight.

"Hay ang lagkit lagkit ko na. Yung dalawa kasi dyan parang bata" sabi ni Bree habang pinupunasan ang mukha nyang may icing. May mga bata pang nakigulo at nakipahid ng icing sa amin. Damit, braso, mukha hanggang leeg ko may icing!

"Ikaw kasi inumpisahan mo" sisi sa akin ni Zarette habang pinupunasan nya ng panyo ang mukha ko.

"Bakit mo kasi ako pinatulan? Kasalanan mo din" bumelat ako sakanya. Nilabas ko ang panyo ko at pinunas ko rin sa mukha nya

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"This is my happiest birthday hal. Thank you for being here" bulong nya habang pinupunasan parin ako.

"Thank you, napasaya rin ako"

"Tama na landian pinapanuod kayo nung mga bata" sita sa amin ni Aveline.

"Sabihin mo gusto mong landiin rin kita" natatawang sabi ni Kiko. "Halika dito magpunasan rin tayo" ayun naghabulan na silang dalawa. Natawa nalang kami habang pinapanuod sila. "Napagod ka ba?" he asked while driving, pauwi na kami.

"A little bit. Ang saya makipaglaro sa mga bata. Ikaw?" he nodded his head before kising the back of my hand.

"You know what, I've been wanting to taste your lips since you came back" he said out of the blue. Napakagat tuloy ako sa labi ko habang iniisip ang labi nya. My God!

"I will only kiss you if you let me." tumigil ang kotse sa tapat ng bahay nya, yung bahay na malapit lang sa amin.

He learned forward but he kissed my cheek instead.

"Dito ka muna. You can play ps4 if you want. I'll just take a shower hal"

"Okay I will watch nalang." maikli kong sagot. Sinaksak nya ang tv at inabot sa akin ang remote.

Yumuko sya sa harap ko at niyakap ako.

"Mamimiss kita agad" aniya, humalakhak ako at yumakap pabalik. "Hindi ako mawawala"

Patakbo syang umakyat sa kwarto nya, kinuha ko naman ang remote at naghanap ng mapapanuod.

"Mahal gutom ka na ba? Gusto mo magpadeliver tayo ng food?" pababa na sya ng hagdan habang inaayos ang tshirt nyang kasusuot nya lamang.

He found her lying on his sofa bed, sleeping. Umupo sya sa harap nito at inayos ang mga buhok na tumatakip sa mukha nito.

"Mahal na mahal kita Madox, mula noon hanggang ngayon" she moved a little bit, perhaps looking for a pillow to hug.

"Hilig talaga nito ng hotdog pillow" inabot nya sa gilid ang throw pillow at pinatong ito sa dibdib ng dalaga para ito ang magsilbing unan na kayakap nito.

But she pulled him instead, unintentionally his lips landed on hers, agad din naman sya lumayo because he promised her he won't kiss her unless she wants to. "Heaven" he described the way her lips tasted while watching her sleep.

Ha sat down near her and snuggled his head on the crook of her neck and tried to sleep.

Naalimpungatan nalang sya sa tunog ng alarm clock nya. Teka, hindi sya nagaalarm para magising for work but she did to remind her of Zarette's birthday. Napadilat sya agad at akmang babangon nang may maramdamang mabigat na nakapatong sa braso nya. Si Zarette na nakaunan sa braso nya at nakayakap sa kanya.

She then realized that she's in his room. Marahil ay binuhat sya nito kanina mula sa sofa.

Kinapa nya nalang ang cellphone nya para patayin ang nakakaistorbong alarm. Nagising ang pagkatao nya sa ingay non kaya naman kelangan nyang mapatay yun bago pa magising si Zarette. Nang mapatay ay hinaplos haplos nya ang buhok ng katabi, he sniffed his hair and planted a kiss on his head.

"Happy Birthday mahal" she whispered before closing her eyes again to sleep.

"Ano ba wag kayong maingay" sita ni Prim habang unti unting sinasara ang pinto ng kwarto ng kuya nya.

Surprise sana pero mas nasorpresa sila na makita ang dalawa na natutulog at magkayakap.

"Baka napagod kagabi" sabi ni Kiko.

"Gago ka ba? They won't do that" depensa ni Prim

"Sa birthday party with the kids. Dumi ng utak mo" natatawang sabi ni Kiko. Umirap lang ang dalaga at nilagay ang cake sa mesa.

"Laro nalang tayo xbox o play station" aya ni Ely habang inaayos ang mga controllers. "Nuod nalang tayo girls" sabi naman ni Bree na nagdala ng laptop nya.

"Zarette" marahan nyang tinapik ang binata, rinig na rinig na nya ang ingay sa baba. "Nasa baba na yata sila Ely, Za" antok nyang sabi.

He hugged her tightly as an answer, he didn't want to move and break their hug. Its his birthday might as well enjoy his greatest birthday gift from above. "Zarette ang ingay ingay nila, bangon ka na please?" iritado nyang sabi. "Okay wait up. Yakap muna ten minutes mahal" he said in a husky bedroom voice. Nang magising ng tuluyan ay bumango na ito para maligo.

"Ang ingay ingay nyo guys mamaya yung dalawa sa taas naiistorbo" sita ni Aveline.

"Para magising sila, anong oras na oh?" sabi naman ni Ryan. Sakto namang labas ni Zarette sa kwarto, bagong ligo na.

"Ingay nyo, natutulog pa si Madox" aniya. "Prim did you bring her some clothes?" tumango naman ang kapatid nya sa kanya sabay nguso sa bag na nasa gilid ng table. Kinuha nya iyon at pumanhik ulit sa taas.

"Hal nagpadala ako ng damit mo. Pag gising mo maligo ka na okay? Baba lang ako so I can prepare our food" humalik pa sya sa noo ng dalaga na tulog na ulit. "Staring at two different views on your window ledge

Coffee has gone cold, it's like time froze"

Napakamot nalang sya sa ulo dahil sa ingay na nagmumula sa baba.

"There you go wishing, floating down our wishing well

It's like I'm always causing problems, causing hell

I didn't mean to put you through this, I can tell

We're gonna sweep this under the carpet"

"Zarette, patahimikin mo please?" sabay takip ng unan sa mukha nya.

"I hope that I can turn back the time To make it all alright, all alright for us

I'll promise to build a new world for us two

With you in the middle"

Napabalikwas na sya ng bangon at hinanap ang cellphone.

"Holy!! Alas dose na!" agad agad syang tumayo at sinuot ang pink na slippers na nasa gilid ng kama saka nya napansin ang nakapaper bag na damit nya.

Dali dali syang pumasok sa banyo dala dala ang mga gamit nya para maligo.

"Ano ba yan Mad, nakapag ayos na siguro sila sa baba tulog ka pa rin" sabi nya sa sarili bago binuksan ang shower.

Wala pang thirty minutes ang ligo nya, dali dali na ring nag damit at bumaba ng kwarto. Wala ng suklay suklay, wala ng make up make up dahil wala naman syang nadala. She almost fell from the stairs mabuti nalang ay nahapit agad ni Zarette ang bewang nya.

"Why are you in a rush hal?" he asked, ang isang kamay nito ay nasa bewang nya at ang isa naman ay may hawak na tray ng pagkain.

"Ahh akala ko kasi nag aayos na kayo" dinala sya nito sa kusina at pinaghila sya ng upuan, saka nito nilapag ang tray ng pagkain.

"Sila Kiko lang yun, nag aayos na ng tables dyan sa labas. Naistorbo ka ba?"

"Sorry ah? Late na ako nagising" hingi nya ng dispensa bago nag simulang kumain.

"No need to say sorry hal, its okay."

"Syempre hindi kita nabati agad" she pouted.

"You did, narinig ko kagabi" he smiled at her before kissing her head.

"Gising ka kagabi?" gulat nyang tanong.

"Narinig ko lang hal, thank you" he smiled at her again, hulog na hulog sya sa babae na nasa harap nya.

Wala syang balak umahon mula sa pagkahulog na yun. Handa syang magpakalunod sa pagmamahal nya kay Madox.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.