Chapter 32- Thank you
"Mas gusto ko nito" turo ko sa kulay cyan. Gusto nya kasi ay black and white ang kulay ng pader ng restaurant.
Mas okay ang black at cyan para sa akin, masyado na kasing mainstream ang black and white.
"White and cyan? Or Black and cyan?" he asked.
"A combination of the two nalang? What do you think, Mal? Sa walls yung white and cyan, sa table cloth ang black and cyan?"
He nodded his head as a response, dinampian nya din ng halik ang ulo ko.
"How about the menu board? Gold and Navy blue?" tumango ako pagkatapos pagtabihin ang color gold at navy blue na nasa harap namin.
"Zarette" rinig kong tawag ng baritonong boses mula sa likod naming dalawa. Its Tito Zero. Napatayo ako ng wala sa oras at napayuko. He chuckled and tapped my shoulder.
"Good morning, Xochitl." he nodded his head before tapping Zarette's shoulder. "Dad" sabi naman ng isa pagkatapos niyang i-fist bump ang ama.
"Don't forget the family dinner later. Bring your... girlfriend too" tinapunan nya ako ng makahulugang tingin bago ngumiti.
Kaklaruhin ko palang sana na hindi ako nobya ng anak nya nang sumang ayon na si Zarette.
"I will surely bring Madox, dad. I'll bring the boys too. Yun lang ba dad?"
Tito Zero is so dreamy, no wonder bakit napakagwapo rin naman ni Zarette. Its all in the genes.
Napangiti nalang ako sa isip ko lalo pa at bigla nalang tumakbo sa utak ko ang mga ngiting iyon. So cute.
"Wear something black or white, hal. I'll pick you up at seven"
"Hindi ba nakakahiyang pupunta ako? I mean, yung pag iwan ko sayo? Alam mo na."
"It's alright hal, alam naman nila na may kasalanan din ako dun. Mom missed you so much even Zades and Zephrine are looking for you" I sighed and bit my lip.
"Okay mal. I'll see you in an hour and half" humawak sya sa pisngi ko at humalik sa noo ko.
"Oh? Kakadating mo lang? May party tayong pupuntahan." nakaayos na silang tatlo habang ako kakadating ko palang ng bahay.
"Hindi naman kasi ako kasing tagal nyo maligo" I grinned.
"Nagsalita! Halos dalawang oras ka sa banyo girl, ano gora na!" sabay tulak sa akin sa banyo ni Aveline.
"Kami na bahala sa damit mo" sigaw ni Bree mula sa labas ng banyo.
Agad agad akong nagkarga ng tubig sa bath tub at naglagay ng paborito kong bubble bath. Kahit magbabad muna ako for thirty minutes.
Sinet up ko ang timer ko for thirty minutes para hindi ako mapasobra.
Maraming tumatakbo sa isip ko habang nakatingin sa kisame ng banyo ko na may mga glow in the dark stickers.
Iniisip ko kung tamang panahon na ba ito para sa amin? Ito na ba yung gusto ng tadhana namin?
Are we meant for each other? O nagkakilala lang kami pero hindi kami ang para sa isa't isa?
Mas ginusto kong isipin na kaming dalawa ang para sa isa't isa. We just have to give it another try. Last na ito, I will choose to give my all to make it work. "Maddie! Madox, huy gising na dyan sa loob!" napabalikwas ako ng bahagya sa lakas ng kalampag at boses ni Aveline mula sa labas ng banyo.
Inabot ko ang phone ko at pinatay ang alarm, napasobra ako ng sampong minuto.
"Oo na, mag babanlaw lang" dumiretso na ako sa shower at doon nagbanlaw.
"Black shirt lang naman suot ni kuya kaya don't worry with your top"
"Paano mo nalaman na naka black shirt lang sya? Ikaw nga oh, akala mo may outfit of the night reward."
"Nasa baba na po kasi ang sundo mahal na reyna." sagot ni Aveline.
"Seryoso?" tumango naman si Bree "Pikit ka teh, kung ayaw mo mag smudge yang winged eyeliner mo" aniya. Pumikit naman ako at pinaypayan ang mata ko. Naramdaman kong may nilagay si Prim sa aking buhok pagkatapos nyang kulutin ang dulo nito.
Dumilat ako nang pakiramdam ko ay tuyo na ang eyeliner, sinuotan pala nya ako ng flower crown.
My tres marias didn't fail me. I am blessed with talented hands, hindi ko napigilang yakapin sila and they giggled while patting my back.
"Okay, let's go downstairs na" aya ni Prim. I grabbed my sling bag and switched my lights off.
Napatayo si Zarette nang makita kaming pababa ng hagdan, I smiled and he smiled at me too.
Tumango sya nang mag hi ang mga girls sakanya, Prim tapped his shoulder and he kissed her head. I smiled just by looking at them, sobrang close nilang magkapatid.
I envy their sibling relationship, wala akong kapatid na kasamang lumaki.
Mabuti nalang ay lumaki akong kasama si Prim, Zarette, Kiko, Ryan at Eli na para ko na ring mga kapatid. Hindi ko naman akalain na mas hihigit pa sa pagiging kapatid ang magiging pagtingin ko kay Zarette.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Napaigtad ako nang biglang bumukas ang pinto sa tapat ko pagkatapos i-park ni Zarette ang sasakyan wala pa kasing bumababa ni isa sa amin. "Zades" gulat kong sabi.
"Namiss ka nyan" sabi ni Prim.
"Brother, akin yan" habol ni Zarette na kakababa lang at naglalahad na ng kamay sa akin.
Inabot ko ang kanya at tinapik naman ang braso ni Zades.
"I missed you ate Madox" nakangiting sabi nya sa akin. Ngumiti rin naman ako kahit na humigpit ang hawak sa akin ni Zarette.
"Easy bro, hindi ko aagawin. Aside from you, my siblings, isa sya sa mga close sa akin" he winked at me. Napasandal na lang ako sa dibdib ni Zarette.
"Oh, Madox you're finally here" masayang bati ni Tita Penelope, nakaramdam ako ng hiya lalo pa at may nagawa ako sa anak nila.
But she hugged me and whispered words that made my heart jump in happiness.
"Welcome home, anak" my heart swelled at kung may labi lang ang puso ko ay baka ngiting ngiti ito.
Nag iisip ako kung sa paanong paraan ko madidigest ang kinain ko ngayong gabing ito.
Zarette won't let me finish eating, lagay sya ng lagay sa pinggan ko kahit ilang beses ko na syang tinignan ng masama!
Nagkikibit balikat nalang sya at pinapanuod akong kumain. Sinipa ko rin ang paa nya sa ilalim ng table but he didn't budge, nginitian pa ako.
"Enjoying the food?" tumango tango ako "Pero busog na ako ano ka ba!" bulong ko sa kanya.
"I cooked that for you kaya pinapakain kita ng madami" he whispered back. Lumabi ako at tinuloy nalang ang pag kain. The foods are great naman, busog lang ako talaga. Ilang minuto na akong nakatayo habang pinapababa ang kinain ko, busy si Bree na kumuha ng litrato namin gamit ang camera nya.
Napapitlag ako nang biglang sumulpot si Zarette sa likod ko at humawak sa bewang ko.
"Okay picture naman kayong dalawa" sabi ni Bree.
Humarap naman kami sa camera at ngumiti, ilang shots rin iyon. Mamaya ay titignan ko yun para mai-send nya sa akin.
"Can I borrow Madox for a while?" napalingon ako at nakita si Tita Penelope, I can't help but feel nervous kahit pa umabot sa mata nya ang kanyang ngiti.
"Sure mom" hinigpitan ni Zarette ang hawak nya sa kamay ko bago iyon binitawan, gusto ko mang hilain ulit ang kamay nya ay hindi ko na nagawa.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Umupo si Tita sa swing dito sa may play ground nila, I sat beside her and calmed my self.
"Gusto ko lang magpasalamat dahil umuwi na ulit ang anak ko"
"Po?" she smiled and reached for my hand.
"For almost three years Madox hindi si Zarette ang umuuwi sa bahay namin. I mean he's Zarette but not our Zarette. Now he's back to his old self, tunay yung ngiti, yung ngiting kikislap pati mata..." "I thank you for bringing him back, anak."
"Even if I'm the one who caused him to be like that?" naiiyak kong tanong. "I don't deserve your thank you, what I deserve is hate, ako ang dahilan kung bakita sa halos tatlong taon na yun ay naging stranger si Zarette sa inyo."
"How can I be mad at you when I know that you can bring him back to his old self again? I have faith in you, naniniwala ako noon pa man, kahit pa iniwan mo ang anak ko na ikaw ang bubuo sa kanya. So how can I hate my son's happiness" "Tita" my voice cracked, my heart swelled, and my eyes teared up.
"You left him because he hurted you, that's valid, sa anak ko ako dapat magalit hindi ba? He broke you, you left and that broke him. Lahat ng desisyon mo nirerespeto ko, naintindihan ko kahit ikabaliw pa ng anak ko."
"Ang pag ibig, hindi yan nadadaan sa unang subok mong mag mahal. Masasaktan ka, babangon at uulit ulit mag mahal." nakinig lang ako at tahimik na humihikbi, inilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang luha ko. "Hindi rin naging madali ang lahat sa amin ng Tito Zero mo. Our relationship failed countless times. I lost him for five long years too"
"Po? Bakit po?" usisa ko.
"Plane crash incident. Everyone thought he's dead, but I didn't. Alam kong babalik sya para sa akin, and yes he did. Pero hindi na sya sa akin. He lost his memories and he loved someone else." tinanaw ko sa malayo si Tito Zero na katabi si Zarette.
"I fell in love with your Tito Jairus too" she chuckled.
"But it has always been my Zero. We tried again, alam ko dito sa puso ko that he's the one for me. Kahit pa ilang ulit, kahit pa masakit na, I will always give us another chance. And its all worth it. That is love, Madox."
That hit me big time. A moment of pain is worth a lifetime of happiness.
"Hindi ko sinasabi ito para maisip mo na pag bigyang muli ang anak ko. Choose your battles wisely, anak. Fight for someone who's worthy of the pain"
"Paano ko po malalaman kung si Zarette yung para sa akin?" I asked innocently.
"Your heart can only answer your question." She said aftee a silent sigh.
"Sa dinami rami ng sakit na naranasan ko sa pagmamahal, isa lang ang natutunan ko. That love is like survival of the fittest, matira matibay. You always have to risk everything, even if it means risking your heart to have that lifetime happiness. Masasaktan tayo, oo, but what matters is after the struggle meron at merong tao sa dulo ng finish line na yayakap sayo at sasabihing 'finally babe' "
I felt the goosebumps on my skin, there goes the 'finish line' again. Naalala ko ang sinasabi nya na kahit anong takbo ko, kahit ilang liko pa, sya at sya ang laging nasa finish line.
Niyakap ako ni Tita Penelope bago nya ako inayang pumasok ulit ng bahay, pakiramdam ko ay may parte ng pagkatao ko ang nabuo ng usapang iyon.