Chapter 31-Take me back
"Hindi.... Hindi mo anak?"
"Yes, Madox. Hindi ko anak yung dinadala ni Amaryllis noon. Wala na akong pakelam kung may nangyari ba o wala noong lumabas ang resultang iyan"
Nanginginig ang kamay ko habang hawak hawak ang papel na naglalaman ng resulta ng DNA test nya kasama ang pinagbubuntis noon ni Amaryllis.
"She tried to give me a fake copy of the result, gusto nyang palabasin na anak ko ang dinadala nya. That was the day when you went to our house, sobrang devastated ako that I opted to push you away to give my self a break" "Ryan hacked the system, hanggang sa nahanap nya kung ano ba talaga yung resulta, at kung paano namin nakuha nandyan yan lahat sa envelope na nasa harap mo. You can watch it anytime, hal"
Tila kinukurot ang puso ko habang paulit ulit na binabasa ang nakasulat sa papel na hawak ko.
"This means that Mr. Zacchaeus Everette Yu O'brien is not the Biological father of Zac Evander Contreras"
Nakatulog ako sa kandungan nya dahil na rin sa pagod kakaiyak. Tumingala ako at nakitang nakatulog rin sya at nakasandal sa throw pillow.
Gumalaw sya ng bahagya nang bumangon ako, ngunit nanatili syang nakatulog.
"I'm sorry. I'm sorry."
Hindi ko sya pinaniwalaan, tinalikuran ko sya, iniwan. Alam na alam ko rin yung sakit sa bawat insulto, mura at masasakit na salitang nasabi ko sa kanya.
Hindi ko man lang sya pinakinggan. Hindi ko man lang inisip na baka, baka lang naman biktima lang rin sya.
Namuo sa puso ko ang galit para kay Amaryllis, I want to give her a bitch slap, yung magkabilaan. Gusto ko syang bigyan ng international na sampal, yung tipong iikot ng three hundred sixty degrees yung ulo nya dahil sa lakas ng sampal ko. But that won't do me any good.
May kasalanan rin ako. I left when he was broken, I left when he needed me the most. I judged and I've wronged him.
But he's here, asking me to forgive him. When I should seek for his forgiveness too.
Hindi ko maimagine yung sakit na pinagdaanan nya para maayos kami, para mabuo nya ulit yung sarili nya. He lost me and he lost himself. Hindi ko alam kung matino pa ba ako kung ako yung nasa kalagayan nya.
Halos hindi ko rin alam kung paano ako aahon magisa noon. I was broken too when I saw them at the extention room. Nakayakap sakanya ai Amaryllis habang tulog na tulog, they were both naked.
Nanlamig ako at nanghina, I can't even utter a single word. Tumatakbo lang sa isip ko noon ay gusto kong magwala at pagmumurahin silang dalawa but I was too weak, sa sobrang sakit parang nanghina ang katawan ko.
I ran away, nagkulong ako sa kwarto, ilang araw akong walang tulog kakaiyak. Sa mga kung ano lang na nasa mini ref ko sa kwarto ang kinakain ko.
Bumagsak ang katawan ko, may morning sickness ako nagsusuka kapag umaga, hilo buong araw. Nakakulong lang ako sa kwarto dahil alam kong nasa labas lang sya at naghihintay.
He comfronted me once, lumuhod sya sa harap ng maraming tao, he tried to explain, he cried, he begged but I was expressionless.
I left him there alone, on his knees, crying.
Sa classroom noon nagdala sya ng paborito kong cake at balloons, binalibag ko sa kanya yung cake. Ang malinis na si Mr. Serious Black dinumihan ko.
Alam na alam kong badtrip na sya noon, but he smiled bitterly at me.
"Magalit ka lang, hal. Kahit magalit ka lang basta may nararamdaman ka para sakin. Kahit galit lang yun. Okay na ako." and he left the room, ang sama sama ng tingin ng lahat ng mga kaklase namin. Hinabol sya ni Prim noon, inilingan lang ako ng mga kaibigan namin.
Wala naman akong pakealam noon, kung nasasaktan sya noon ano pa ako? Nasaktan rin naman ako, triple pa ng sakit sakanya. Hindi madaling magalit sa taong mahal mo.
Yung nararamdaman ko lang ang importante sa akin. You cheated on me, you had sex with Amaryllis. Kahit ang paliwanag mo sa akin noon ay hindi mo alam kung totoong may nangyari naniwala na ako na meron at hindi na yun nagbago. Yung galit ko sayo nadagdagan pa nung sinabi ni Amaryllis na buntis sya, ikaw yung ama. You tried to disown the child. Sabi mo hindi sayo, sabi mo hindi ka sigurado.
Lumuhod ka sa harap ko, sabi mo you'll prove me wrong. But its too late. I had enough.
I tried to give you another chance but you sent me off. Dahil sabi mo kelangan mo rin magpahinga, pagod ka na sa paulit ulit kong pagtapak sa pagkatao mo, sa pagiging cold ko, sa pananakit ko sayo.
I left.
Pero lagi pa rin kitang kasama.
Sa Las Vegas ko na realize na peke lang ang lahat ng galit ko sayo, dahil sa gabi iiiyak ko lang habang hawak yung litrato nating dalawa.
I keep on denying but I still love you, my Zarette. Kada gabi pinagsisihan ko lahat ng pangaapak ko sa pagkatao mo.
I blocked you and tried to cut all the connections but I lowkey watch your interviews, videos about you, I stalk your facebook using a fake account.
Tama nga sila, ang totoong pagmamahal kahit masakit na, kahot hirap na mamahalin mo parin.
I still love you even if it hurts.
Mali na siya ang sinisi ko. He didn't broke my heart intentionally, the lies that I used to believe in did. I was the one who broke him.
"Hal ano gusto mong pagkain? I'll cook"
"Wala kang househelps?" nilibot ko ang paningin ko sa bahay nya. Three houses away from ours, nakabili sya ng house and lot malapit sa amin at pinarenovate nya. Ang dahilan nya "Para kapag umuwi ka alam ko agad at para mabantayan na rin kita"
"Meron, nasakto lang na day off nila ngayon." umupo ako sa high chair habang pinapanuod syang mag ready ng mga ingredients para sa baby back ribs.
Nagtalumbaba ako habang nakanguso at nanunuod. Bakit sya marunong magluto? Ako hindi. Hehe
"Why are you pouting hal? Gusto mo kiss?" sabay nguso nya
"Hindi. Iniisip ko lang saan mo natutunan magluto?"
"Kapag nagluluto sa bahay o si Chef na nunuod ako" tumango tango naman ako kahit hindi ako makarelate. Prito at mga madadaling iluto lang ang kaya kong gawin. Wala kasi akong gagawin ngayon sa office kaya nag day off muna ako. I want to let what happened yesterday sink in.
Paternity test palang ang nakikita ko at hindi pa ang ibang laman ng brown envelope. Masaya ako na hindi anak ni Zarette ang bata but I feel sorry for the kid. Nadamay pa sa gulo. He'll grew up assuming that his father is Zarette. Depende nalang kung ipinakilala ni Amaryllis ang totoong ama ng bata. Which I doubt.
"Ihipan mo kasi hal. Subo lang ng subo e umuusok pa nga diba?" inabot nya sa akin ang bucket na may yelo kumuha ako ng isang ice cube at sinubo iyon.
Mas lumobo tuloy ang pisngi ko dahil sa ice cubes tuwang tuwa syang pinisil pisil ang pisngi ko.
"Ano ba, Za?"
"My baby is so cute" pagbababy talk nya, ni hindi ko maimagine na kakausapin nya ako sa ganitong boses.
"Why are you baby talking?" natatawa kong sabi.
"Nothing. Practicing perhaps. Magkakaanak naman tayo, hal." he even winked at me. Napaubo ako at ngumiti nalang.
"Let's get married?"
"Kasal? Kasal agad?"
"After we settle our issues" kampante nyang sabi.
"And... what made you think magpapakasal ako sayo O'brien?"
"Why would you say no, hal? Hindi mo na ako mahal?" he pouted and his eyes began to water, nataranta ako ng pumatak ang isang butil ng luha mula sa mata nya.
I held his face and wiped away his tear.
"Biro, biro lang Zarette"
"Jokes are half meant" he rubbed his eye and made a sad face.
"Why are you so vulnerable?" I asked. "I am when its you." sagot nya.
"Pero magaling ba acting ko?" natatawa nyang sabi, napairap nalang ako at tinuloy ang pag kain.
"Ay ano ba?!" kinikilig kong sabi nang itulak ni Cherry Pie si Gab kay Dos. Kainis ha, di ako prepared don! Wala man lang pasintabi, yung puso ko jusko. Tinatawanan lang ako ni Zarette. "Misis ko" tawag nya sa akin nang matapos ang movie na pinapanuod namin. Nagpunas lang ako ng luha dahil sa ending.
Ikinasal sila even after all the hindrances that they faced. Kahit pa merong unang fiancé si Gab.
A night can change your life indeed, sinong magaakalang sa sobrang pagkalasing nilang dalawa ay kinasal pala sila. At yun ang bumago ng buhay nila.
Hindi ko talaga makakalimutan si Alpen Rose. Di ko alam kung anong mararamdaman ko sakanya. Natatawa nalang ako.
"Misis ka dyan. Zarette, bakit nga ba hal?"
"Mahal nga. Mahal na mahal nga kasi kita" umakbay sya sa akin at sininghot ang balikat ko.
God he's so vocal with what he feels for me, even after the hard years.
"So dapat may tawag rin ako sayo ano? Hali kaya?"
"Kasi? Hahalikan mo ako? Sige nga sige nga" may halong kilig nyang sabi, I rolled my eyes and leaned to his shoulder.
"Hindi, panget pala. Ahm Mal nalang para magkatunog, kahit walang meaning"
"Hali nalang, para hahalikan mo ako"
"Zarette" natatawa kong sabi, but I kissed him still. Sa cheeks.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Kita mo yun? May inabot sya sa nag conduct ng test bago sila pumasok sa office." turo ni Ryan, pinapanuod namin ang video na kuha ng cctv.
Kinuha ko na ang usb na nasa envelope. Meron pang papel na laman yung envelope which I will read later.
"Yan yung bata?" tumango lang si Ryan, naawa ako sa bata ng sobra yung galit ko kay Amaryllis nadagdagan na naman.
"He doesn't look like Zarette at all though, but he's cute" singit naman ni Eli na kumakain ng burger nya.
"Pagkalabas she even kissed him siguro hindi nya nakita yung cctv sa harap nila, and he slapped her butt."
"Yan yung di pa lumalabas yung resulta. I think they had sex in exchange for falsification of the result"
"Good thing I got a sample from the baby. Kinuha ko yung teether nya noong nakita ko sila sa mall. And Ryan already hacked the system bago pa man sila nagpatest." mahabang sabi ni Eli habang ako titig sa monitor ng laptop ni Ryan. "Duda na ako noon palang eh, kasi Zarette was wearing his shorts. Siguro hindi mo lang nakita napansin kasi nauna mong nakita si Amaryllis na alam mo na, naked" singit ni Kiko.
I saw him shirtless, nakakumot ang pang ibabang bahagi ng katawan nya. Nakatalikod si Amaryllis nang pumasok ako ng extension room, she's completely naked kaya naman paniwalang paniwala ako.
"Naalala mo nung lumabas ka? Papasok ako non ng office kaya naman I figured out that something happened. Tulog sila pareho nung dumating ako but I woke Zarette up. Nakita ko Madox, may suot sya nun kaya imposible" ani Kiko "Beer?" alok ni Zarette sa mga barkada nya habang ako tutok sa monitor. Naramdaman ko ang pag upo nya sa tabi ko at nilapag ang isang bote ng malamig na beer.
"Isa lang hal" aniya nang tinitigan ko sya.
"Wala akong sinabi" I smiled.
"Shet na everwing!! Inaaway tuloy ako ni Aveline. Boom rhymes 1 2 3 a b c!" kulang nalang i-high five ni Kiko sarili nya.
"Napanuod mo na?" bulong sakin ni Zarette, amoy ko na ang amoy ng beer mula sa hininga nya but it smelled so manly. "Yup."
"Hindi ako tumabi baka sabihin mo biased ako sa masasabi ko tungkol sa video."
"Bakit mo naman iniisip na ganun ang sasabihin ko?
"Syempre I was the one involved in the video, I want that proof speak for me. You be the judge hal"
"Naniniwala naman ako mal. Wala naman akong sinabi"
"Paano mo nakaya?" bulong ko.
"Basta para sayo, hal. Pero hindi ko na kaya kapag mawawala ka sa akin ulit."
"I won't leave again, aayusin na natin. Okay?" he smiled at me kahit pa may bahid ng luha ang mata nya.
Hindi ako kelanman masasanay sa Zarette na mababaw ang luha, I know him too well, he's guarded with thick walls pero parang mawala lang ako sa paningin nya ay magigiba ang pader na yun.
"I don't want this Zarette. I want my Zarette back, my serious black. My lion hearted Zacchaeus Everette."
"You just have to take me back Madox. I am who I am when I'm with you"