Chapter 42: Paghahanap
"Kapag may mangyaring masama sa mag Ina ko I swear I will kill you with my own hands Venice!" May sininyasan ito. Kasunod non Ang pagpasok ng Isang doctor at mga kasama nito. Meron ding mga pulis. "Dalhin nyo na Yan at wag na wag nyong hayaang makatakas." Utos ni Liam sa mga ito at marahas na binitiwan si Venice. Agad naman itong hinawakan nong mga kasama Ng doctor.
"Ano ba, bitiwan nyo ako. Hindi pa tapos Ang engagement party ko. Love tulungan mo ako!" sigaw ni Venice atpilit na nagpupumiglas ito.
"Mommy, Daddy! Help!" tawag nito sa mga magulang nito. Nakatayo Lamang Ang ama nito na nakatingin sa kanilang anak samantalang Ang Ina nito ay umiiyak.
Nang tuluyan Ng nailabas si Venice at nilapitan nito agad Ang mga magulang ni Venice at kinausap.
"Pasensya na Po Tita, Tito sa nangyari. Please sumama po kayo sa kanila para maipaliwanag Po Ng doctor ang kalagayan ni Venice. Kayo Po ang kailangan ni Venice Ngayon at Hindi ako." Nag aalala Naman ito sa ginang na umiiyak baka makasama pa itong nangyari sa kanya.
"I'm sorry din iho. Pumunta si Venice sa bahay kagabi. Akala talaga Namin okay na Siya. Alam na Namin Ang kalagayan niya 1 year ago. Nadepressed siya nang iwanan ito Ng boyfriend nito. Napilitan kaming dalhin ito sa doctor at pinarehab. Akala Namin okay na ito kaya pinayagan namin Siya na lumabas pero tinakasan niya kami. Matagal na namin siya pinahanap. Pero bigo kami Hanggang sa nagpakita Siya sa Amin kagabi. Napaniwala Niya kami na nagbago na Siya. I'm so sorry sa ginawa Ng anak namin iho. Huwag Kang mag alala dadalhin Namin Siya sa ibang bansa para Doon magpagamot. Kami Ng bahala sa kanya" malungkot na Saad Ng ama ni Venice. At umalis na Rin kaagad para sundan ang kanilang anak. Nanghingi Naman Ng paumanhin si Liam sa mga bisita dahil sa nangyari at nagpasalamat na Rin ito. Hindi na Rin ito nagtagal pa Doon at nagbilin nalang sa organizer na asikasuhin Ang mga bisita Hanggang sa makauwi Ang mga ito.
***
Samantala dumating Naman Ang mga taong naghahanap Kay Shey sa bahay kung saan pinaghinalaan nilang Dito dinala si Shey. Maingat nilang pinalibutan Ang bahay. Naabutan nila Ang dalawang lalaki na nag sasagutan. Mukhang rin itong lasing. Madali nila itong hinuli at dinis armahan.
Hinalughog Naman Ng iba Ang buong kabahayan ngunit Hindi nila Makita Ang kanilang pakay.
"Nasaan na Ang babaeng dinala niyo Dito?" sigaw Ng Isang lalaki na parang lider
"Boss Wala Po kami dinalang babae dito. Nagkakamali Po kayo" pagtatanggi nong dalawa. Pero napansin nong lalaki Ang suot nitong Relo. Iyon yong kaparehas Ng relong hawak nila.
"Saan niyo nakuha ito?" Sabay hablot ng kamay nito at pinakita Ang relo na nasa bisig. Kita na Ngayon sa mga mukha nila ang pagkataranta.
"Boss, maniwala Po kayo. Napag utusan lamang Po kami pero wala po kaming ginawang masama don sa babae." Pag Amin nong payat na lalaki
"Nasaan ngayon Ang babae?" Tanong Ng lider
"Nakatakas Po Siya boss. Hindi Po namin nahabol dahil sa lasing po kami at maulan pa po❞ pagpapaliwanag nong isang lalaki.
"Men, dalhin Ang dalawang Yan. Yong iba search the area." Utos nito sa mga tauhan. Kinuha nito Ang cellphone at may tinawagan.
"Hello bro. Positive. Dito nga dinala ang kaibigan mo pero hindi Namin Siya naabutan dahil nakatakas daw ito. Balitaan ka namin pag may progress sa paghahanap namin." Pagkababa Ng tawag bumalik ito sasakyan. Inutusan Ang mga tauhan na patuloy Ang paghahanap at magreport sa kanya sa anumang progress. Pagkatapos aylpp pinaharurot Ang sasakyan kasunod Ang ibang tauhan Kasama Ang dalawang suspek.
***
Sa mansiyon ay nag alala Naman Ang pamilya ni Liam sa nangyari. Pagkadating ni Liam ay sinalubong agad nila ito.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Anak, kumusta? Anong nangyari na Kay Venice?" bungad agad ni Mom.
"Nasa pangangalaga na Siya Ngayon Ng doctor Mom. Nakausap ko na Rin Ang parents niya at Plano nila itong dalhin sa ibang Bansa para magpagamot."
"Dapat lang. How about Shey? Ano na Ang Balita sa kanya? Nag aalalang Tanong Ng mommy nito.
"Nahanap na Ang pinagtaguan Ng kumidnap sa kanya Mom kaso Hindi nila nadatnan Doon si Shey. Nakatakas daw ito." Puno Ng pag aalala na Sabi ni Liam. Napahilot na Rin ito Ng sintido.
"Kuya, pumunta na tayo Doon at tumulong na rin sa paghahanap." Si Lianne. Hindi na Rin ito napapakali.
"I told you kuya. Something is fishy with that bitch! Kung nakinig ka lang sana Hindi nangyari ito Kay Shey" dagdag pa nito at tinukoy si Venice. Mangiyak ngiyak na Rin ito.
"We don't have time for that Li. Nangyari na Ang nangyari. Alam kong nag aalala ka. Kailangan Gawin Ngayon ay mahanap si Shey." Malungkot na Sabi ni Liam.
"Why don't we go sa hacienda Ng Lolo mo anak at magstay Muna doon while searching Shey tutal malapit lang Ang hacienda Doon." Suhestiyon Ng daddy nito.
"We will do that dad. Pero sa Ngayon kailangan Po muna dumito kayo para asikasuhin Ang kompanya. Pupunta po ako doon para tumulong sa paghahanap." Tumango tango Naman Ang daddy nito. "I will call you po pag may Balita na" dagdag pa nito
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Kuya sasama Ako" Saad ni Lianne
"No Li. Please help mom take care of Ethan" Wala namang nagawa si Lianne kundi sumunod.
"Mag iingat ka don anak ha. Please tawagan mo kami agad pag may balita ka na."
"Yes Po Mom." Iniwan muna ito ni Liam at pumunta sa room nito para kumuha Ng gamit.
Habang nag impake ng gamit, tinawagan Naman nito Ang Kaibigan ni Shey.
"Hello?" sagot ni Ems kaibigan ni Shey.
"Ems, it's me Liam. Ibabalita ko lang sa Inyo na natagpuan na Ang pinagdalhan Ng mga dumukot Kay Shey kaso lang Hindi daw nila naabutan si Shey dahil nakatamas daw ito." "Oh my God! Saan daw siya dinala? Sana okay lang si Bhest doon. Please Liam hanapin mo si Shey."
"Wag Kang mag alala Hindi ako titigil sa paghahanap hanggat Hindi nakikita si Shey. Pupunta Ako Doon Ngayon para tumulong sa paghahanap. Balitaan ko nalang kayo kapag may progress na. Pagkatapos Ng usapan nila ay nagmamadali na itong umalis Ng mansion.