Finding Mommy

Chapter 41: Akin ka lang!



Masayang Masaya si Venice ngayon na inaasikaso sa pag welcome Ang mga bisita nila.

"Congratulations anak!" bati agad ng Ina nito sa kanya. Bakas sa Mukha nito ang kasiyahang nadarama para sa anak.

"Thanks Mom!" nakangiti nitong Saad

"Where's your fiance iha? Tanong ng Daddy nito nang mapansing Siya lang mag isa Ang nag aasikaso Ng mga bisita. Kinabahan ito pero Hindi nito pinahalata sa magulang.

"Papunta na Dad. Pasok na Po kayo Mom, Dad" may tinawag naman ito para mag assist sa mga magulang nito.

Samantala busy Namang nag iinuman ang dalawang lalaking nagbabantay Kay Shey.

"Ano Yan?" Tanong Ng matabang lalaki sa Kasama

"Hindi ko alam. Para itong Relo. Nakuha ko lang Doon sa babae." Sagot nito. Pinindot pindot pa nito Ang mga button.

"Oh ito na. Sayo na ito." Sabay abot nito ng baso.

"Mabuti galante Ang boss natin Ngayon. Kaya Tiba tiba tayo." Saad pa ng matabang lalaki. Tumagal pa ang pag iinuman Ng mga ito Hanggang sa bumagsak na yong Isa. Nakaramdam Ng pagkaihi Ang matabang lalaki kaya tumayo ito pumasok sa room kung nasaan Ang babae. Susuray suray itong naglakad.

Nagulat ito nang Hindi madatnan Ang babae sa kuarto. Nagmadali itong pumasok sa Cr. Nakita Naman nito Ang nakataling damit sa bintana. Kaya umakyat ito. Nakita Niya ang tumatakas na babae.

"Hoy!" sigaw nito. Sinubukan Niya itong habulin pero dahil lasing ito Hindi na nito naabutan. Bumalik na Rin ito at Hindi na hinanap Ang babae dahil hirap ito dahil maulan.

***

Patuloy pa rin sa pag welcome si Venice sa mga bisita. Nang makapasok na Ang mga ito ay nagmamadali siyang kinuha Ang kanyang cellphone para tawagan Ang kanyang fiance pero nakailang ring na siya ay Hindi pa rin sinasagot Ang mga tawag Niya. Tinitigan nito Ang cellphone na may galit sa mukha.

"Subukan mong wag sumipot Liam Hindi mo na makikita ang babaeng pinakamamaphal mo." Mahinang sambit nito.

Papasok na sana Siya sa loob nang magring ang kanyang cellphone. Masaya nitong sinagot Ang tawag sa pag aakalang Ang fiance nya ang tumawag. Nawala Ang saya nito at napalitan Ng Galit Ang Mukha.

"Mga Tanga! Wag kayong titigil hanggat Hindi nyo nakikita!" bulyaw nito sa kausap.

Nagmamadali itong pumasok ulit ito sa loob Ng venue. Naririnig nito ang mga bulong bulungan Ng mga bisita pero Hindi Niya ito pinansin. Nginitian lamang Niya Ang mga ito kahit na naiinis na ito. Kinausap nito Ang mga organizer at pagkatapos ay umakyat ito sa stage.

"Hello everyone, Thank you for being here with us. It's great to have so many people to share this occasion with us. I want to share to you the memories we have, before we decided to level up our relationship as a couple. Thank you." Pagkatapos nitong magsalita nag umpisang magflash sa screen Ang mga pictures nilang dalawa Ng fiance nito. Kasabay din ng pagdating Ng fiance nito.

Nagtaka man na magisa lang dumating si Liam ay nakangiti pa ring sinalubong ito ni Venice at masuyong hinalikan Ang lalaki sa labi pero umiwas si Liam kaya sa pisngi dumampi Ang halik nito. Hindi nalang ito pinansin ni Venice. Blanko lang din Ang binigay na reaction ni Liam.

Hinila ito ni Venice papuntang stage. Nagpatianod lang si Liam Dito. Pagdating nila sa stage, masayang ipinalibot ni Venice Ang kamay sa braso ni Liam at sabay sabay nilang tiningnan ang mga larawan na nakaflash sa malaking screen. Tuwang tuwa si Venice na pinagmasdan Ang mga ito. Maya Maya ay biglang namatay Ang screen at pumalit Ang Isang video.

Makikita sa video kung paano pinagbuhatan Ng kamay ni Venice Ang Isang Bata na nasa loob Ng crib at may Isang babaeng sumaklolo sa Bata at nagkasagutan Ang mga ito. Kitang kita sa video Ang drama ni Venice.

"Stop it...stop it.." pagsisigaw ni Venice. Ang mga bisita naman ay napapanganga dahil sa nasaksihan. Kita na Rin sa mukha ni Liam Ang pagsalubong ng kilay at pag igting Ng panga dahil sa Galit.

Pagkatapos nong Isang video ay meron ulit nagflash sa screen kung saan nagwawala si Venice sa Isang hospital.

"I said stop it!" pagwawala ni Venice. Pero Hindi man lang ito pinigilan ni Liam.

"Love, Hindi totoo Ang nasa video. May gusto lang sumira sa akin❞ natatarantang paliwanag ni Venice. Hahawakan sana nito Ang kamay Ng lalaki pero winaksi lamang ito.

"Ano pang kasinungalingan Ang Sasabihin mo Venice!" sigaw ni Liam. Kita Ang pamumula Ng mukha nito na tila galit na galit. Kaya napaatras si Venice.

Para namang nanonood lang Ng palabas Ang mga bisita dahil tutok na tutok ito sa kaganapan sa stage. Pati Ang mga media ay aligaga Rin sa pagkuha Ng videos.

"Pinaniwala mo akong may malubha Kang sakit! Para ano ha? Pinatira kita sa pamamahay ko para sana Hindi mo maramdamang mag Isa ka. Pero Anong ginawa mo. You hurt my son! Fuck! I hurt the woman I love dahil Sayo! Mas pinaniwalaan kita kaysa mahal ko dahil naaawa Ako Sayo. Nawalan Ako Ng Oras sa pamilya ko pati sa kompanya para lamang matulungan ka! Kasinungalingan lang Pala lahat yon! F*UCK! Bakit mo nagawa sa akin to Venice!" sigaw ni Liam. Naglabasan na Ang mga litid sa leeg at ulo nito. Nakakuyom na Rin Ang kamay nito.

"No.. no.. no.. please Love. Trust me.. I love you" humahahulhol nitong sabi.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Love..? Noong panahon na kelangan kita iniwan mo ako dahil Hindi kita kayang pasayahin. Naintindihan ko yon kaya pinalaya kita ng maayos dahil alam Kong Hindi ka magiging Masaya sa akin. Ngayong Nakita ko Ang taong mahal ko bigla Kang bumalik at sinira pa Ang tahimik at Masaya Kong buhay!" asik nito.

"I'm sorry kung iniwan kita noon love. Pinagsisihan ko yon kaya ngayon I'm here na. Bumalik Ako para Sayo."

"Sa totoo lang Wala na sa akin yon. Matagal Ng tapos yon. Pero Ang hindi ko matatanggap Ang ginawa mong panggagago sa akin Ngayon! Kahit Anong hingi pa ng tawad Ang Gawin mo hinding Hindi ko yon ibibigay Sayo!" galit na saad nito. Walang pakialam kahit na halos lumuhod na si Venice sa pagmamakaawa. Kulang nalang saktan nito si Venice Physically pero nagpipigil lang ito.

May lumapit namang lalaki at may ibinulong ito Kay liam. Lalong sumama Ang tingin nito na ipinukol Kay Venice. Inisang hakbang nito ang pagitan nila at hinigit Ang braso ni Venice.

"What did you do to Shey!" dumadagundong na Boses ni Liam.

"Ouch Liam. It hurt." Pilit na tinatanggal ni Venice Ang kamay ni Liam na nakahawak sa braso nito.

"Hindi ka pa nakontento sa kasinungalingan mo. Pinadukot mo pa ang babaeng mahal ko!" sigaw nito. Napasinghap Naman Ang mga bisita.

Lumikot Naman Ang mga mata ni Venice.

"Wala akong Plano na dukutin Siya! Gusto ko lang siyang takutin pero nanlaban siya!" Balikl sigaw nito. "Wag mo na siyang isipin love. Nandito Naman Ako." Lumambot ulit Ang boses nito "Hindi Ikaw Ang kailangan ko!" bulyaw ni Liam

"Akin ka lang! Walang ibang magmamay Ari Sayo kundi ako! At yong babae na yon sisiguraduhin Kong Hindi mo na Siya Makikita!" para namang baliw na humahalakhak ito. Kaya mas lalong hinigpitan ni Liam Ang paghawak niya sa braso nito.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.