Finding Mommy

Chapter 40: Bantayan



Nakatulog Ako kagabi na may Galit sa aking puso. Ang kailangan Kong Gawin Ngayon ay mag isip kung paano makakaalis sa Lugar na ito. Wala akong maasahang tulong Maliban sa Sarili ko.

Sinusubukan kong kinalas Ang Tali sa kamay ko. Kagabi ko pa ito sinubukan pero Hindi ko pa Rin nagawa Hanggang sa napagod ako kaya natulog muna ako.

Kahit papano medyo lumuwag Naman Ang Tali kaya pwersahan Kong hinila Ang kamay ko. Nagtagumpay Naman Akong matanggal Ang Tali pero nagkasugat sugat Ang kamay ko. Di bale na, Ang importante makatakas. Pinapakiramdaman ko Muna Ang mga lalaki. May naririnig akong nag uusap Kaya sumilip Ako sa pintuan. Nakita ko Silang nag iinuman. Kaya nagkaroon Ako Ng pagkakataon na tingnan Ang buong kuarto kung may pwede akong malabasan. Nanlumo Ako nang makitang Wala akong pwedeng labasan. Sunod Kong tiningnan Ang Cr. May Nakita akong maliit na bintana. Tumuntong Ako sa inodoro at sinilip Ang labas. Napalunok ako nang makitang medyo mataas ito. Kung tatalon ako dito baka may mangyaring masama sa anak ko.

Bumaba Ako at lumabas Ng Cr. Naghanap Ako Ng pwede Kong magamit para makababa. May Nakita akong lagayan ng damit. Nakita ko ang Ilang damit kaya kinuha ko ito. Sinilip kol ulit ang mga lalaki at Nakita kong lasing na Ang mga ito dahil Nakita ko yong Isa nakayuko na sa mesa.

Nagmamadali Akong pumasok ulit sa cr at pinagbuhol buhol Ang mga damit. Nang matapos ito ay itinali ko Naman ito sa bakal Ng bintana. Inumpisahan ko ng umakyat. Mabuti nalang payat ako kaya nagkasya Ako sa bintana. Hindi pa man Ako tuluyang nakababa nang may sumigaw sa itaas. Nanginginig na Naman ako sa takot nang Makita ko ang lalaki kaya tumalon na ako. Mabuti nalang Hindi na Ganon kataas. Nagmamadali akong tumakbo. Nadulas dulas pa ako dahil umuulan. Hindi ko alam Ang tinatahak ko Basta lingon takbo Ang ginagawa ko habang umiiyak.

"Baby please kumapit ka. Tulungan mo ako anak. Lord please iligtas Mo po kami." Usal ko habang walang tigil sa pagtakbo. Hinihingal na Ako samahan pa ng lamig sa katawan dahil sa ulan.

Pagod na Ako. Masakit na Ang mga paa ko. Hindi ko alam kung Anong Lugar itong pinagdalhan sa akin. Wala man lang kabahayan. Hindi ko pwedeng sumuko Ngayon. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo.

Nabuhayan ako Ng loob ng makarating ako sa kalsada pero nanlumo din dahil Wala man lang mga sasaktan Ang dumaan Dito. Pinagpatuloy ko pa Rin Ang pagtakbo habng umuusal Ng panalangin na sana may makasalubong akong sasakyan na mahingan Ng tulong.

Ngunit Wala pa Ring sasakyan. Sobrang pagod na Ako. Hindi na ako makatakbo. Kinakapusan na Rin Ako Ng hininga. Pakiramdam ko anumang Oras bibigay na Ang katawan ko.

Nabuhayan ako ng loob nang may Makita akong ilaw na papalapit sa kinaroroonan ko. Winagayway ko Ang mga kamay ko para parahin ito. Ngunit lumampas lang ito sa akin. Kaya napaluhod Ako sa kalsada.

"Maawa na Po kayo. Tulungan niyo Ako." Mahina Kong sambit. Nanghihina na talaga Ang katawan ko. Alam kong imposibleng marinig nito ang boses ko. Pero biglang huminto Ang sasakyan at umatras. Pinilit ko namang naglakad palapit Ng sasakyan. Nakita Kong may bumaba pero Hindi ko na ito maaninag dahil nanlalabo na Ang paningin ko.

"Maawa na Po kayo. Tulungan niyo po ako. May humahabol po sa akin." Huling Sabi ko Bago ako nawalan Ng malay.

***

Third Person POV

Nasa boutique Ngayon si Venice para i-fit Ang kanyang dress. Habang naghihintay siya sa waiting area tumunog Ang kanyang cellphone. Nagmamadali itong lumabas at pumasok sa sasakyan Niya at sinagot Ang tawag. "Hello! Ano na? What! Mga Tanga! Bobo! Sabi Kong takutin nyo lang! Saan nyo Siya dinala?" Galit itong pinatay Ang cellphone. Nagtext Muna Siya Kay Liam Bago pinaharurot Ang kanyang sasakyan.

Medyo malayo layo Ang binyahe ni Venice kaya Gabi na nang makarating sa pinuntahan. Sinalubong Siya agad ng dalawang lalaki.

"Mga bobo kayo! Di ba kayo nakakaintindi Ng simpleng instruction?" pinaghahampas Naman agad ni Venice Ang dalawa

"Pasensya na Po Ma'am. Nakita Niya Po Kasi Ang mukha ko." Paliwanang Ng isang lalaki

"Nasaan Siya!" Singhal nito

"Nasa kuarto Ma'am. Tulog pa❞ nagtungo Naman ito sa sinabing kuarto. Sinilip Niya lang ito at lumabas din agad Ng room.

"Bantayan niyo siyang mabuti. Magtext kayo sa akin pagkagising Niya para tatawag Ako." Bilin nito sa mga lalaki.

"O ito Ang paunang bayad ko sa inyo. Maghintay kayo sa susunod Kong instruction. Wag niyo siyang galawin. Naintindihan niyo ba ako?" singhal nito. Nagsitanguan Naman Ang dalawa. Umalis din agad si Venice doon. Nagtungo Naman ito sa bahay ng parents nito.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Manang, si mom at dad?" Tanong nito agad sa katulong na sumalubong sa kanya pagkapasok ng kabahayan.

"Nasa kuarto na Po nila Ma'am." Sagot Ng katulong. Bakas sa mukha nito ang takot.

"Tawagin mo bilis!" utos nito. Nagmamadali Naman Ang katulong sa pagpunta sa room ng amo. Kilala nila Ang anak ng Amo na maldita.

"Maam, nariyan Po si Ma'am Venice sa baba." Saad nito pagkabukas Ng pinto. Ang babaeng amo Ang nakapagbukas nito at kita sa Mukha Ang pagkagulat dahil sa narinig. "Sige. Baba na kami. Salamat." Pagkasabi non ay nagmamadali itong pumasok at ginising ang kakatulog lang na Asawa

"Hon, gising. Venice is here!"

"What?" Napabalikwas ito Ng bangon ng marinig Ang pangalan Ng anak. Nagmamadali Silang bumaba at nadatnan nila Ang anak na prenteng nakaupo sa sofa.

"Hi Mom, Dad!" tumayo ito at nagbeso sa mga ito. Nakatulala lang Ang magulang nito sa kanya. Parang Hindi makapaniwala sa Nakita.

"Anak, where have you been? Bakit Ngayon ka lang nagpakita?" Tanong Ng Ina nito nang mahimasmasan ito.

"I'm sorry Mom, Dad. Inayos ko lang Ang Buhay ko bago Ako bumalik Dito" hinawakan nito ang kamay ng ina. Mangiyak ngiyak Naman Ang Ina nito.

"I'm happy you're back anak! I really missed you!" iyak Ng Ina at niyakap Ng mahigpit Ang anak

"Me too Mom!" Saad nito at yumakap din. Samantala Ang ama nito ay tahimik lang na pinagmasdan Ang mag Ina.

"Stop crying Mom." Pinahid Naman nito Ang luha Ng Ina."By the way Mom, Dad, I want you to attend on my engagement party tomorrow" masayang Saad nito. Nagulat Naman Ang kanyang mga magulang.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"What? Engagement party? You're getting married?" Hindi makapaniwalang tanong ng ina nito.

"Yes mom. Ikakasal kami ni Liam this month." Lalong nanlaki Ang mga mata ng magulang nito.

"I thought you and Liam end up 2 years ago iha❞ Tanong Ng ama nito na naguguluhan din.

"Yes Dad, but we're back together and decided to settle down." Saad pa nito na nakangiti. Nagkatinginan Naman Ang mag asawa na parang Hindi makapaniwala.

"We're happy for you anak. We'll be there anak" Saad nito sa anak na may ngiti sa labi.

"Thanks Mom, Dad!" niyakap Niya ulit ang mga ito. Pagkatapos nilang mag usap ay nagpaalam na ito sa magulang. Umuwi ito sa condo nito para doon magpahinga at Maaga Naman pupunta sa hotel kung saan gaganapin Ang party para maasikaso Ang mga kakailanganin sa party.

Pagkadating Niya sa condo may tinawagan Muna ito.

"Gising na ba?" Tanong nito sa kausap.

"Opo Ma'am."

"Pumasok ka doon sa room. Banggitin mo lang Ang Boss Liam para isipin Ng babaeng Yan na ito Ang nagpadukot sa kanya. Naiintindihan mo ba?" "Opo Ma'am."

"Bantayan niyo Siyang mabuti. Tatawag Ako ulit para sa susunod niyong gagawin." Pinatay na nito Ang tawag.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.