Chapter 39: Tumakas
Lindsey POV
Nababagot na Ako Dito sa condo ni Ems. Kain tulog lang ginagawa ko Dito. Ayaw Naman ni Ems na gumalaw ako. Kaya nag browse nalang Ako sa laptop. Para makahanap ng trabaho. Tinutuloy ko na Rin Ang pagiging freelance ko pero gusto ko Ng full time pero home based. Mahihirapan Ako maghanap Ng trabaho Lalo na ngayon na buntis Ako. Napagod na ako kakabrowse kaya nagpahinga Muna ako. Ako lang mag Isa Ngayon dahil may binili lang si Ems.
Kumuha ako Ng mameryenda sa ref. Pizza Ang lagi Kong nilalantakan. Dinala ko ito sa Sala para manood Ng tv habang kumakain. Palipat lipat pa akong channel dahil Wala akong nagugustuhang palabas. Hanggang sa nakita ko Ang interview ni Venice Kasama si Liam. Para Naman Akong nanigas sa kinauupuan ko. Nakatulala akong nakatutok sa tv.
"Ikakasal na Pala Sila?" piping Saad ko. Pumatak na naman Ang mga luha sa mata ko. Akala ko naiyak ko na lahat Ng sakit pero ito na naman. Bakit Ganon? Bakit nasasaktan pa Rin ako? Humawak Ako sa dibdib ko dahil parang nahihirapan na akong huminga.
"Sinabi ko na sayong magpahinga ka bhest. Bakit ba Ang tigas ng ulo mo!" sermon ni bhest at pinatay Ang tv. Hindi ko namalayan na dumating na pala Siya. Kaya niyakap ko Siya at humagulhol. Para akong Bata na Hindi pinagbigyan Ng gusto.
"Bhest, Anong gagawin ko? Ikakasal na Siya." Iyak ko
"Akala ko ba kakalimutan mo na Siya. Nakita mo lang Siya sa tv nagbago na Ang isip mo." Napaiyak Ako Lalo.
"Hindi ko kaya Bhest. Mahal na mahal ko Siya" tinanggal Niya Ang pagkakayakap ko sa kanya at Mariin Akong tinitigan.
"Bhest makinig ka. Hayaan mo na Sila. May pamilya na yon. Ikaw Ang nagsabi na gusto mong makompleto Ang pamilya Ng alaga mo. Please tumahan ka na. Isipin mo nalang Ang anak mo. Hindi makakatulong Sayo Yan." Bakas sa mukha nito ang pag alala. Kaya napahinto Ako sa pag iyak. Tama Naman Ang sinabi Niya. Kailangan ko na sigurong magpakalayo layo pero saan naman ako pupunta. Hindi ko pa kayang umuwi sa probinsya namin.
Kinabukasan umuwi na ako sa boarding house ko. Ayaw pa sana ni Ems pero nagpumilit na ako. Nahihiya na Rin Kasi ako sa kanya. Nagleave pa ito para masamahan Ako.
Naglinis at inayos ko lang Ang mga gamit ko tapos na agad Ang Isang araw. Alam na Rin ni Nanay Perla Ang sitwasyon ko kaya lagi niya akong pinahatiran ng pagkain Dito. Tinatanong pa Ako kung ano ang gusto kong kainin. Nakakahiya pero Masaya Ako sa kanila na nagmamalasakit sa akin.
Ngayon hinihintay ko Sila bhest dahil ihahatid nila ako sa clinic Ng OB para check up. Yon Ang nakalagay sa schedule ko. Gusto pa nila akong samahan at hintayin pero pinauwi ko na Sila dahil may mga trabaho pa ito. Lalo na si Kuya Yael na inaasikaso Ang pagbukas Ng kanyang Café.
Ako na Ang tinawag kaya pumasok na Ako sa room.
"Good afternoon Po doc" bati ko Kay Doc Miles
"Hi. Good afternoon. Please have a seat" sumunod Naman Ako. Kung anu-anong tinatanong ni doc tungkol sa pagbubuntis ko. Minsan pa kung saan-saan na napunta Ang topic Namin. Ang bait Kasi ni Doc. Ang sarap kausap dahil makwela Kaya puro lang kami tawanan. Hindi ko alam kung wala na ba itong pasyente.
Marami pa itong binilin sa akin bago Ako umalis. May Nakita akong Isang park kaya Doon Muna Ako pupunta bago umuwi.
May Nakita akong bilihan Ng fishball. Bumili Muna Ako at naghanap ng mauupuan. Umupo Ako malapit don sa may mga batang naglalaro. Ang saya nilang panoorin. Naiimagine ko tuloy Ang anak ko na nakikipaglaro sa ibang bata. "Excited na Ako baby sa paglabas mo" kausap ko sa anak ko at hinimas ko pa ang tiyan ko.
Nang magsawa na ay nagpasya na akong umuwi. Habang naglalakad narinig kong nagring Ang Ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag at sinagot.
"Bhest, napatawag ka?"
"Nasaan ka ba? Sabi ni Tita Hindi ka pa daw nakauwi?" Sigaw Niya sa akin kaya nailayo ko Ang cellphone sa Tenga ko. Talaga itong kaibigan ko, pati ba Naman dito sa cellphone tatalakan ako.
"Relax okay. Pauwi na ako. Eto na nga naghahanap na akong masasakyan. Huminto lang Ako saglit dahil sa tawag mo❞ nakasimangot Kong Sabi kahit do Naman into nakikita.
"Siguraduhin mo lang ha!" Singhal pa Niya pero Hindi ko na ito nasagot nang may biglang humila sa kamay ko Kaya nabitawan ko Ang cellphone ko. Nilukob Naman ako ng matinding takot dahil nakatakip Ang mga mga mukha nila. Sapilitan nila akong hinila kaya nagpupumiglas ako.
"Ano ba. Bitiwan niyo Ako" kalmot at sipa na Ang ginawa ko sa kanila. Nagsisisigaw na Rin Ako ng tulong pero sa kasamaang palad walang katao tao dito. Isang lalaki itong nakahawak sa akin dahil yong Isang lalaki ay may kausap sa cellphone. Pinagsisipa ko Ang lalaki at hinampas. Nahawakan ko Ang takip sa mukha nito kaya nakita ko Ang Mukha Niya.
"Sino ka? Bat niyo Ako kinikidnap?" Bigla itong may nilagay sa bibig ko Kaya nanghina Ako. Narinig ko pa ang pag uusap nila bago ako nawalan Ng Malay.
***
Nagising ako dahil sa naririnig Kong ingay na parang nag uusap. Dahan dahan kong binuksan Ang aking mga mata at tiningnan Ang buong paligid. Medyo masakit pa Ang aking ulo. Ginalaw ko Ang aking katawan at napagtanto na nakagapos Ang kamay at paa ko. Napadako Ang tingin ko sa pinto nang marinig Ang papalapit na yabag. Bumungad Ang Isang lalaki.
"Mabuti Naman at gising ka na" wika nito
"O ito. Pagkain mo!" nilapag nito Ang Plato malapit sa akin.
"Sino ka? Bakit mo ito ginagawa sa akin? Anong kasalanan ko Sayo?" Tanong ko sa lalaki habang umiiyak.
"Sa akin Wala Kang kasalanan. Pero sa boss ko malamang Meron" nakangisi nitong Saad.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Pakawalan nyo po ako. Maawa Po kayo. Wala Naman Po akong ginawa sa inyo" nakaramdam ako Ng takot para sa anak ko.
"Manahimik ka at Kumain ka nalang diyan! Wag Kang maingay at makakatikim ka sa akin!" banta pa nito. Dahil sa takot napasiksik ako sa sulok habang humihikbi. Sigurado akong nag aalala na Ang mga kaibigan ko ngayon. Sino Naman kaya Ang nagpadukot sa akin? Wala Naman akong maalalang nakaaway.
"Diyos ko.. wag niyo Po kaming pabayaan Ng anak ko. Sana po tulungan niyong maliwanagan Ang taong may pakana Ng pagdukot sa akin." Mahinang usal ko.
Tiningnan ko Ang pagkain na nilapag sa higaan. Mukha Naman itong malinis. Kailangan Kong Kumain para sa anak ko at para magkaroon Ng lakas para makatas Dito. Hindi pwedeng magmukmok lang Ako Dito.
Para akong Isang aso habang kumakain dahil nakatali pa Rin Ang aking mga kamay. Kahit nahihirapan Ako kailangan Kong tiisin.
Saktong natapos akong Kumain may pumasok na namang Isang lalaki. Kasamahan siguro ito nong Isa Kanina. Meron itong kausap sa cellphone.
"Opo boss Liam.. huwag po kayong mag alala, binabantayan Po naming mabuti para Hindi po siya makapanggulo sa inyo." Ring Kong Sabi nito. Nanigas at nanlamig Ako sa kinauupuan ko nang marinig ko Ang binanggit nitong pangalan na boss nito.
"Tama ba yong pagkakarinig ko. Si Liam Ang boss Niya? Pero bakit? Para paghigantian Ako? Iniisip ba niya talaga na Ako Ang nanakit sa anak niya?." Nag unahan sa pagtulo Ang mga luha ko. "Bakit kailangan Niyang Gawin sa akin to. Kahit Sabihin niyang lumayo Ako sa kanila gagawin ko." Hilam na sa luha ang Mukha ko kakaiyak. Sobrang sakit nitong ginawa Niya sa akin.
"Hoy babae! Wag na wag mong tangkain na tumakas kundi yari ka sa akin! Kung hinayaan mo nalang sanang sumaya Ang boss ko at Hindi mo na Sila ginulo Hindi mo sana sinapit itong nangyari Sayo Ngayon!" bulyaw pa nito. "Anong ibig niyang Sabihin? Hindi ko Naman Sila ginugulo. Gusto ko nga mabuo Ang pamilya Nila." Kausap ko sa sarili. Hindi ko akalain na kayang Gawin ni Liam ito sa akin. Pwede Naman niya akong kausapin. Madali Naman Ako kausap. Bakit kailangan pang paabutin sa ganito. Napakuyom Ang mga kamay ko. Kapag may mangyaring masama sa anak ko Hindi ko Siya mapapatawad.