Chapter 38: Engagement Party
Liam POV
Nandito kami Ngayon sa office ko sa Bahay para kausapin Ang pamilya ko.
"May problema ba anak? What is it?" I know mom is worried about me. Tahimik lang Sila Dad, Lianne at Ang grandparents ko. Dumating Sila nong nakaraang Araw. Naghihintay Sila Ng sasabihin ko.
"About Po ito sa kasal Namin ni Venice." Kita ko sa mga Mukha nila ang pagkagulat.
"What? Kuya naman!" sigaw ni Lianne. I know she doesn't like Venice but I need to do this.
"Gusto mo ba talaga itong gawin mo apo? Kung masaya ka you have my full support but if not I don't want to attend to your wedding. I can't bear to see you miserable on your wedding day." Nalungkot Ako sa sinabi ni Mamita. She's right. From the day Venice showed up, my life became miserable.
"Whatever your reasons anak, we will always support you" si mom. Tiningnan ko si Dad na tahimik lang.
"I can't believe you Kuya. How about Ethan? Iniisip mo ba siya? Wala ka na ngang time sa anak mo dahil sa babaeng yon. Simula nong dumating Siya sa Bahay na ito nagkagulo Ang tahimik nating buhay. You're not the reason why she's sick. She's not your responsibility!" sigaw ni Lianne.
"I'm sorry Li, but my decision is final. We're having our engagement party this Sunday" pinal na sabi ko.
"O god. I'm out of this. I hope you will not regret this Kuya!" nagwalk out na ito. Narinig Kong nagbuntong hininga si Dad.
Pagkatapos naming mag usap dumiretso Ako sa bar ni Raine. Nadatnan ko Ang mga kaibigan Doon. Nasabihan ko Sila na magkitakita kami dito.
"What's up brad?" bungad ni Mavvy sa akin.
Pagkaupo ko tinungga ko agad Ang bote ng alak.
"Woah. Easy brad. Uhaw lang? Baka Akala mo tubig yan." si Xylex. Kahit kailan talaga tong mokong na ito mapangbuska.
"Spill it brad. Maybe we can help❞ si Brett. Sa grupo ito Ang medyo matino at may pakinabang pagdating sa problema.
"I'm getting married" Hindi man lang nagulat at natutuwa pa Ang mga mokong. "Ang bilis talaga Ng mga galawan mo brad. Napa-oo mo agad si Shey." Si Xylex "Not her. Kay Venice" nilagok ko ulit ang alak. Natigilan Naman Sila sa sinabi ko. Flashback:
Nagmamadali akong pumunta sa condo kung saan ko sinundo si Shey nong una. Nag antay pa ako Ng ilang minuto sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung kakausapin pa Niya ako pero gagawin ko ang lahat bumalik lang Siya sa akin. Bababa na sana ako ng sasakyan Ng may dumating. Bumaba Ang Isang lalaki at may inalalayan itong babae. Si Shey? Humigpit Ang hawak ko sa manibela. Yon din yong lalaki na kayakap Niya sa mall. May relasyon ba Sila? Nakita ko Ang saya ni Shey. Parang sinaksak Ang puso ko sa nasaksihan. Umalis na yong lalaki at naiwan si Shey. Tumingin si Shey sa gawi ko.
"Kailangan na ba kitang pakawalan babe?" mahinang usal ko. Biglang nagring Ang cellphone ko. Galing sa hospital ang tawag kaya pinaharurot ko Ang sasakyan papuntang hospital.
Pagkadating ko naabutan ko si Venice na nagwawala.
"Venice" tawag pansin ko sa kanya. Umiiyak Naman itong tumakbo at yumakap sa akin.
"Love, ayoko na. Nahihirapan na Ako. I want to end my life now." Iyak ni Venice.
"Don't say that. Di ba magpapakasal pa Tayo?" nahinto ito sa pag iyak at gulat na napatingin sa akin. Kahit Ako nagulat din sa nasambit ko. Kita ko Ang saya sa mukha niya. Hindi ko na mababawi Ang sinabi ko baka tuluyan na talaga itong magpakamatay.
End of Flashback:
"Hey Brad" untag sa akin xylex. "Kanina pa kami Dito nagsasalita"
"We didn't know brad na nagkabalikan Pala kayo ni Venice. I thought you like Shey" si Brian
"It's a long story brad" walang gana Kong sagot at tumungga na ulit Ng alak. This is killing me.
"C'mon brad. Do you still love Venice kaya papakasalan mo siya?" si Xylex. Seryoso na ito Ngayon.
"No. You all knew I love Shey. But I messed up. I hurt Shey. And Venice is sick kaya kami magpapakasal. Papayag lang itong magpagamot pag papakasalan ko siya" nakatanga naman Sila maliban Kay Mavvy. Kanina ko pa ito napapansin na tahimik. "Do you trust her that much brad? Si Mavvy. Naguluhan Naman Ako sa tanong Niya.
"I mean magpapagamot ba talaga Siya after niyo magpakasal?" Sabi pa niya. Pero parang may iba siyang gustong ipahiwatig.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"But brad. It's okay to help but I don't get it why you still have to marry her." Si Brett
"I don't know also brad. I feel like I have no right to be happy with someone else if I won't do anything for Venice." Sunod sunod ko Ng tinungga Ang alak. Gusto ko nalang magpakalunod Ngayon para kahit papano mawala lahat ng problema ko.
Hindi ko alam paano Ako nakauwi Ng Bahay. Siguro hinatid Ako Ng mga kaibigan ko. Tiningnan ko Muna Ang Oras. Alas dyes na Pala Ng umaga. Bumangon na Ako at nagshower. Kailangan ko pang pumunta Ng hospital Pagkadating ko Ng hospital nadatnan ko si Venice na nakabihis na. Mukha itong walang sakit sa ayos nito hindi katulad kahapon.
"Love, nandito ka na Pala. Nagpadischarge na Ako para maasikaso ko Ang engagement party natin sa Sunday" masayang Sabi Niya. Kung Hindi ko lang alam Ang sakit Niya iisipin ko talaga na Wala itong sakit sa asta niya ngayon. "Are you okay now? I mean kahapon lang nanghihina ka pa❞ takang Tanong ko
"Im trying to be okay love. Ayokong ipakita sa iba na may sakit Ako. And besides, just seeing you makes me strong. And I'm so happy and excited of our engagement party" Sabi nito na kumikislap pa Ang mga mata.
"Hindi Naman kailangan Ikaw mismo Ang mag asikaso baka manghina ka. And besides pamilya lang at mga kaibigan Ang invited dahil biglaan ito." Gusto ko Mang Sabihin Ang totoong nararamdaman ko Ngayon pero natatakot Ako sa maaaring gagawin Niya.
"Yes. I know love. Please hayaan mo na ako. Hindi Naman Ako magpakapagod" napabuntong hininga nalang Ako.
Kakausapin ko pa sana Ang doctor Niya pero umalis na daw ito kaya lumabas na kami ng hospital. Nagulat Ako paglabas Ng may nagkislapang mga camera. Tiningnan ko si Venice na Todo ngiti. Did she plan this o nagkataon lang na nandito Ang media. Tahimik lang akong nakikinig sa interview sa kanya. Masaya pa nitong binanggit Ang engagement party namin. Gusto ko man siyang pigilan pero Wala na akong nagawa kundi makisabay nalang.