Chapter 43: Buntis
***Flashback before the Engagement Party Liam POV
Nakita ko Ang mga katulong na may bitbit na gamit galing sa room ng anak ko pagkalabas ko Ng kuarto ko.
"Madel, Anong ginagawa niyo" tawag ko sa isang katulong Namin.
"Good morning Po Sir. Pinapaalis Po kasi ni Ma'am Venice Ang mga naiwang gamit ni Ate Shey" sagot nito. Hindi ko alam may mga naiwan pa palang gamit si Shey Dito. Lumapit Ako sa kanila at tiningnan Ang mga gamit.
"Yong mga damit ilagay nyo sa guest room sa dulo. Pero itong box na ito pakidala sa office ko" utos ko sa kanila. Umaasa pa Rin ako na babalik si Shey sa akin.
Kumain Muna ako Ng almusal Bago pumunta sa office ko Dito sa bahay. Hindi ko na hinanap si Venice dahil maaga itong umalis dahil may aasikasuhin pa daw ito. Bukas na Rin ang engagement Namin. Hindi pa rin ako kinakausap ni Lianne. Sila mamita daw uuwi bukas dahil ayaw daw nila umattend sa engagement ko. Hindi ko Naman Sila mapilit.
Pagdating ko sa office hinagilap ko agad Ang box laman Ang gamit ni Shey. Nakita ko Naman ito sa gilid Ng table ko. Kinuha ko ito Isa Isa. Mga album Pala ito. Mga pictures Ng anak ko ito simula noong baby pa. Lahat ng mga unang nagagawa ng anak ko Ang kinuhanan niya. May nakalagay itong label at date. Yong Isang album ay picture nilang dalawa ng anak ko. Yong pangatlong album ay mga pictures ko na puro stolen shots. Mapait Akong ngumiti. Kinuha ko pa Ang ibang gamit. Mga pabango yong iba na Hindi pa nabubuksan. Nakita ko Ang maliit na notebook. Binuksan ko ito at may nalaglag na papel. Dinampot ko ito at binasa Ang nakasulat. Nagulat ako nang mabasa ko Ang nilalaman Ng papel. Paulit ulit ko pa itong binasa.
"Bakit meron siya nito? Maaari kayang...?" Kinuha ko Ang cellphone ko at tinawagan Ang pinsan Kong Doctor. Siya lang Ang makakatulong sa mga Tanong ko.
Pagkatapos ko itong makausap, hinanda ko Ang gamit na pinapadala Niya. Binalik ko ulit Ang mga gamit nito sa box at nagmamadaling bumalik sa room para magbihis. Pero bago Ako umalis pinuntahan ko Muna Ang anak ko sa room nito. Mahimbing pa itong natutulog.
Nang masiguradong ayos lang Ang anak ko ay bumaba na Ako. Hinanap ko muna si Manang Fe para ibilin Ang anak ko sa kanya. Hindi ko alam Ang nararamdaman ko Ngayon. Kailangan Kong Malaman Ang Katotohanan. Kinakabahan man pero para akong nabuhayan ng loob. Possible kaya Ang iniisip ko. Pinatigil ko na Ang paghahanap noon dahil okay na Ang anak ko at ayoko na Rin magkaproblema kami ni Shey.
Pagkapark ko ng car ay bumaba Ako kaagad. Nakailang hakbang pa lang ako nang makasalubong ko si Doctor Alcatraz, yong doctor ni Venice.
Inanyayahan Muna ako nitong magkape kaya nagtungo kami sa Isang café malapit lang sa hospital.
Ito na Ang nagpresentang mag order kaya nauna na akong naupo. Hindi Rin Naman ito nagtagal. Tinanggal Muna nito ang kanyang puting blazer at ipinatong sa isang upuan.
"How's Venice Mr. De Guzman?" tanong nito kaagad sa akin
"I guess she's fine doc. Actually she's busy now" Hindi ko kasi nakikitaan ng panghihina si Venice the past days.
"That's good Mr. De Guzman. I heard your getting married?"
"Yes Doc. Tomorrow will be our engagement party."
"Wow! Congratulations. Masaya ako dahil sa case ni Venice she really need someone na magpapasaya sa kanya. Ikaw Ang makakatulong Kay Venice. Wag mo siyang hayaang mastress. And please help her encourage for therapy Mr. De Guzman. Kailangan Niya yon para Hindi lumala Ang sakit Niya."
"I will Doc" kinuha nito Ang uniform. Napasunod Naman Ako at napatingin sa nakasulat sa damit.
"Psychiatrist" basa ko dun sa nakasulat sa isipan ko. Tumayo ito.
"I'll go ahead now Mr. De Guzman. May mga pasyente pang naghihintay sa akin. Congratulations again" Paalam nito at umalis na. Naiwan Naman akong naguguluhan. Nang maalala ko ang pakay ko dito ay nagmamadali na rin akong lumabas Ng café.
Papasok Ako sa hospital Ng makasalubong ko yong kaibigan at yong lalaki na kayakap ni Shey. Nakaakbay Ang lalaki at nakahawak Naman Ang babae sa baywang nito. Napakuyom Ako sa nakita ko. Walang hiya Ang lalaking ito. Niloko Niya lang si Shey.
Sinugod ko Ang lalaki at sinuntok. Natumba ito sa lakas Ng pagkakasuntok ko.
"Oh my God" sigaw Ng babae "Ano bang problema mo?" Tinulongan Naman nitong tumayo Ang lalaki.
"Tama lang sa kanya Yan dahil two-timer Siya. Hindi mo alam na pinagsabay niya kayo Ng kaibigan mo!" Galit Kong Saad Dito.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan! Walang hiya ka. Sinaktan mo na nga Ang kaibigan ko pati fiance ko sinaktan mo rin!" nagulat ako sa sinabi Niya. Fiance Niya Ang lalaking ito? Anong relasyon Ng lalaking ito Kay Shey? Ano yong Nakita Kong yakapan nila?
"Dapat lang na iniwan ka ng kaibigan ko! Let's go hon.." napatanga lang ako sa kanila
"Huwag na huwag Kang magpakita o lumapit man lang sa Kapatid ko. Hahayaan kita Ngayon pero kapag lumapit ka sa kapatid ko lalabanan na kita" naiwan akong nakatulala habang pinoproseso Ang sinabi nila. So magkapatid Sila ni Shey? Hindi ko alam na may Kapatid si Shey dito sa manila.
"F*CK" mura ko sa isipan. Nasaktan ko Ang mahal ko dahil Nagpadala Ako sa selos. Kailangan Kong makausap si Shey. Kailangan ko munang tapusin Ang ipinunta ko dito. Pag nakuha ko na Ang result kakausapin ko si Shey.
Papunta Ako sa room ng asawa ng pinsan ko. Doon ako pinaghintay dahil nagrounds pa daw ito nang puntahan ko ito sa office.
"Hi. Si Doc Miles?" Tanong ko sa secretary nito
"Good afternoon Po Sir. May patient lang Po si Doc sa loob. Pero last na po yon. May appointment Po kayo." Nakangiting nitong saad.
"Ganon ba. Antayin ko nalang. Where's the restroom here?" magcr Muna Ako habang may patient pa si Miles.
"Doon nalang po kayo sa labas Sir malapit sa elevator. Sira po kasi Cr dito"
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Okay. Thank you" nakailang hakbang pa lang ako narinig ko ang pagbukas Ng pinto sa clinic ni Miles. Pero naiihi na ako kaya tinungo ko Muna Ang cr.
Lumabas na ako Ng Cr. Nang nasa tapat na ako ng elevator nahagip Ng mata ko si Shey? Pero Hindi ako sigurado kung Siya ba yong Nakita ko dahil sakto namang sumara Ang elevator. Hindi ko nalang ito pinansin. Impossible Namang pumunta Siya dito.
Nakita ko si Miles na kausap Ang secretary nito.
"Hi Doc Miles" bati ko sa kanya
"Hey! Napadalaw ka?" Saad nito at nagbeso sa akin.
"Dito Ako Pina derecho ng Asawa mo. May kailangan lang ako sa kanya"
"Ganon ba? Let's go inside. Doon mo na siya antayin." Sumunod naman ako sa kanya.
"I heard your getting married?" tanong nito nang makaupo na kami.
"Yeah" walang gana Kong sagot.
"What's that face? You look gloomy. Are you not happy and excited?" Hindi ako makasagot sa tanong niya. Pinakialaman ko lang Ang mga gamit Niya sa table. Napansin ko Ang Isang book na design na parang buntis. "What's this?" curious Kong Tanong