Chapter 34: Bumawi
Maaga akong nagising ngayon dahil sa sobrang gutom. Hindi Rin kasi ako nakakain Ng mabuti kagabi. Nawalan ako ng ganang kumain dahil nakikita kong Todo pag asikaso ni Liam Kay Venice. Pagkatapos kong mag ayos Ng Sarili napagpasyahan ko nang lumabas para makapag almusal total tulog pa naman si baby.
Pagbukas ko Ng pinto ay Siya ring pagbukas Ng pinto sa kuarto ni Liam at iniluwa si Venice. Ito na naman Ang pagtahip Ng dibdib ko. Hindi na Ako magtataka kung Ang magiging dahilan Ng kamatayan ko ay dahil sa heart attack. "Good morning" bati niya sa akin. Kita ko sa mukha niya ang kasiyahan. So magkasama na nga sila. Hindi man lang Ako sinabihan ni Liam. Sabagay sino ba Naman ako, Isa lang akong parausan.
"G-good morning" bati ko Rin sa kanya at tipid na ngumiti
Hinihintay Kong lumabas si Liam pero sinarado na ni Venice Ang pinto. Baka tulog pa o pumasok na sa opisina.
Pinauna ko Muna si Venice. Nakasunod Naman Ako sa likuran Niya.
Nadatnan ko si Marie na nag aayos Ng pagkain. Hinanap ko Sila Tita pero Ang sabi ni Marie maaga daw Sila Kumain dahil umalis Ang mga ito. Kaya kami lang dalawa ni Venice. Uupo na Sana Ako nang marinig ko siyang magsalita. "What are you doing?" napahinto Naman ako pati si Marie.
"Ahmm, kakain?" diko Kasi Siya nagets. Obvious Naman na kakain ako.
"Hindi Kasi Ako sanay na kasamang Kumain ang Katulong" may diin pa Ang pagkasabi Niya Ng katulong. Medyo nasaktan Ako Doon. Kagabi naman magkasabay kaming lahat naghapunan. Pero ayaw ko siyang patulan. "Ah Ganon ba. Sorry. Sige Kumain ka na. Mamaya nalang Ako kakain pagkatapos mo❞ mahinahon Kong Sabi
Aalis na sana ako nang magsalita siya ulit.
"You stay here. Palitan mo siya" turo Niya Kay Marie. "ikaw Ang mag asikaso Ng pagkain" dagdag pa nito. Sasagot na sana si Marie pero pinigilan ko siya. Sinabihan ko nalang ito na tingnan si baby baka magising. Mabuti nalang at sumunod. Nakatayo lang ako naghihintay Ng inuutos nito sa akin. Hinayaan ko na siya kahit na Hindi ko Naman ito trabaho. O kahit ganito Ang trabaho ko never ko nakitaan sila Tita na ganito Ang trato sa mga katulong.
"Konting tiis lang Shey" kausap ko sa sarili. Nag aalburuto na Kasi Ang tiyan ko. Gutom na gutom na talaga Ako. Mukha Namang sinadya nito ang pagkain Ng mabagal.
"Shey, Anong ginagawa mo diyan? Bat nakatayo ka lang? Hindi ka ba kakain?" biglang sulpot ni Manang Fe. Tumayo Naman si Venice at walang paalam na umalis. Nakahinga akong maluwag. "Kakain na Po Manang. Kain na po tayo" masigla Kong Sabi
"Naku Kang Bata ka. Sige na Kumain ka lang Dyan kanina pa ako tapos kumain"
Inumpisahan ko Namang lantakan Ang pagkain. Dahil sa gutom ko sunod sunod Ang ginawa kong pagsubo.
"Dios ko pong Bata ka. Dahan dahan Naman sa pagkain. Baka mabulunan ka niyan." Sita ni Manang Fe habang sinasalinan Ng tubig Ang baso ko.
"Sorry Po Manang. Gutom na gutom na Kasi Ako at Ang sarap pa ng mga pagkain❞ nakangiting Kong sagot Kay Manang.
"Bat Kasi Ngayon ka lang Kumain? Ayan tuloy gutom na gutom ka. Saka sarap na sarap ka dyan sa kinakain mo eh fried rice, egg at ham lang Naman yang kinakain mo." Panenermon pa ni Manang. "Ang tagal mo kasing Kumain Ayan tuloy Yan nalang natirang pagkain Sayo" dagdag pa nito
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Okay na po ito sa akin manang. Ang sarap nga Po eh" umiiling iling nalang si Manang at umalis. Pinagpatuloy ko lang Ang pagkain ko.
Dalawang Araw na Ang nakalipas simula nang dumating si Venice sa mansiyon. Dalawang Araw na Rin Ako nagtitiis at nagtitimpi sa pagtrato Niya sa akin. Pikit mata ko lang itong tinanggap. Ilang Araw na rin Naman aalis na Ako. Nakapagpasa na Rin Ako Ng resume sa email Ng secretary Ng boss ko. Pero Wala pa akong natanggap na sagot. Baka busy lang Sila. Katulad Ng mga tao Dito sa Bahay busy din. Kahit Sila Tita at Lianne Hindi ko na naabutan dahil Maaga Silang umaalis. Gusto ko sanang makausap si Liam para makapagpaalam ako Ng maayos kaso Hindi ko Naman siya naabutan.
Nandito kami Ngayon ni baby sa Sala naglalaro. Inaabangan ko si Venice para makapagbonding Naman Silang magl ina. Ilang Araw na Siya Dito pero Hindi pa niya nilalapitan si baby maliban nalang kung nandito sila Tita.
Maya Maya ay Nakita Kong pababa si Venice. Pinapatigil ko Muna si baby para salubungin Namin Ang Mommy nito.
"Good morning.." bati ko sa kanya. Pero Hindi Niya kami pinansin ni baby at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad. Kaya sumunod kami sa kanya.
"What?" naiirita nitong tanong. Napayakap Naman si baby sa akin nang marinig nito si Venice. Pero kailangan Kong paglapitin Ang mag Ina para makampanti Ako pag aalis na Ako Dito.
"Ahmm.. gusto mo bang makabonding si baby?" mahinahon Kong Tanong
"Pinapabantay mo siya sa akin?" gulat Naman Ako sa naging tugon Niya. Hindi Naman yon Ang gusto kong mangyari.
"Kaya ka nga nandito di ba dahil Yan Ang trabaho mo? Bat ka pa nandito kung Hindi mo naman kaya Ang trabaho mo! Sayang lang Ang sinahod Sayo!" Panenermon pa niya. Inaalo ko Naman si baby dahil umiiyak na ito. Hindi ko inaasahan na ma misinterpret Niya Ang sinasabi ko.
"Hindi ko alam kung Anong pinakain mo sa mga tao Dito at Ganon nalang Ang pakikitungo nila sayo. Kaya lumaki yang ulo mo eh. Hindi nila nakikita Ang totoo mong ugali. Mapagpanggap ka!" bulyaw pa nito sal akin at tumalikod na ito. Sinundan ko lang Ng tingin Ang papalayo niyang bulto na palabas Ng mansyon.
"I'm sorry baby. Nagalit tuloy Ang Mommy mo. Okay ka lang? Tahan na please" pagpapatahan ko Kay baby na Ngayon ay humuhikbi pa Rin. Bumalik nalang kami sa room.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! Mabuti nalang tumahan na ito at ngayon nga ay nakatulog na ito.
"Baby, Hindi Naman Galit Ang Mommy mo sayo. Galit lang Siya sa akin. Sorry talaga baby. Wag Kang mag alala gagawin ko lahat para mapaglapit kayo Ng Mommy mo." Kausap ko Kay baby. Naaawa tuloy Ako sa kanya. Natakot siguro ito sa sigaw Ng Mommy nito. Ano kayang dahilan na nagkahiwalay Silang mag Ina?
Flashback:
"Manang, nasaan Po Ang mommy ni Baby? Tanong ko Kay Manang habang nandito Kami ni baby nagpapaaraw.
"Hindi ko Rin alam iha" sagot ni Manag habang nagdidilig Ng halaman.
"Basta Isang araw nagulat nalang kami na dumating si Liam na may dalang baby. Hindi Naman ito nagsasalita tungkol sa baby kaya tikom lang din Ang mga bibig Namin. Sinasarili lang Namin Ang gusto Naming itanong. Ganon Kasi Ang alaga ko iha. Simula noong nagbinata ito Hindi na ito masyadong nag oopen up sa akin. Hindi niya pinapakita sa Amin ang damdamin Niya. Yong dating masayahin biglang naging cold. Bumalik lang Ang saya nito nang ipakilala niya sa Amin Ang girlfriend nito. Hanggang sa bigla ulit itong bumalik sa pagkacold nito. Mas Malala pa. Hindi na rin niya dinadala Ang girlfriend niya Dito. Kaya iniisip Namin na baka naghiwalay sila. Gusto ko man kausapin Ang alaga ko non pero palagi itong umaalis Ng Bahay at ilang buwan din itong Hindi umuwi. Yon na nga Isang Araw umuwi itong may dalang baby. Simula noon bumalik Ang sigla Niya. Kahit madaming katanungan sa isipan Namin Hindi Namin magawang itanong ito sa kanya sa takot na baka bumalik na Naman Siya sa pagiging cold kaya hinayaan na namin ito." Mahabang salaysay ni Manang.
"Pero bakit po kaya Hindi Kasama ni baby Ang Mommy Niya o Hindi man lang ito pinupuntahan?" naguguluhan Kong Tanong sa kanya. Kawawa naman kasi si baby. "Hindi ko masasagot yan iha. Pero Ang iniisip Namin non nabuntis ni Liam yong girlfriend Niya pero dahil sikat na model yong girlfriend niya kaya siguro nila tinago." End of Flashback
Kung totoo man yong nakwento ni Manang non sana sa pagkakataong ito bumawi si Venice sa anak Niya. Lumalaki na si baby baka lumayo na Ang loob nito sa Mommy Niya. Sana naman piliin na niya si baby kaysa sa career nito.