Finding Mommy

Chapter 35: Paalam



Sabado ngayon kaya nakakasabay ko sa pagkain Sila Tita. Pero Wala si Liam at Lianne. Si Venice Naman ay nagpapahatid nalang daw Ng qpagkain dahil masama daw ang pakiramdam nito. Ngayon ko balak na sabihin sa kanila Ang tungkol sa pagresign ko habang nandito Sila sa Bahay. Dahil next week busy na Naman Sila.

Hinayaan ko muna Silang tapusin Ang pagkain nila. Nang matapos Sila ay nagsalita na ako.

"Ahmm.. Tita pwede ko po ba kayong makausap?"

"Sure iha. What is it? May problema ba?" kita ko sa mga mata niya Ang pag alala kaya parang gustong Kong umurong. Sobrang bait talaga nila kaya nalulungkot Ako na Hindi ko na Sila makakasama. Nangilid Ang luha ko kaya yumuko Muna Ako at huminga Ng malalim Bago nagsalita ulit.

"Wala Naman pong problema Tita. May sasabihin lang po ako. Pero Mamaya nalang Po Kasi baka magising na si baby." Pilit Kong inayos Ang pagsasalita ko at mabuti nalang Hindi gumaralgal Ang Boses ko. "Okay iha. Nasa room lang kami ng Tito mo."

"Thank you po❞ nakahinga Ako Ng maluwag.

Bumalik ulit ako sa room baka gising na si baby. Pero dahil tulog pa ito naisipan Kong iligpit Ang mga gamit ko dahil next week aalis na Ako. Niligpit ko lang Ang mga gamit na Dala ko nong unang pasok ko Dito. Iniwan ko yong iba dahil mabigat na. Hindi ko Naman kakailanganin na yong mga bigay nilang damit.

Habang nagliligpit ay nakaramdam Ako Ng Hilo kaya hininto ko muna ito. Nitong nakaraang Araw Panay na Ang pagkahilo ko. Dahil siguro ito sa stress at kulang sa tulog. Dagdagan pa ng sakit sa puso.

Tumayo Ako at pumunta sa kama. Tulog pa Rin si baby kaya humiga Muna Ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na Pala Ako. Nagising Ako sa malakas na iyak ni Baby. Paglingon ko sa gawi ni baby Nakita ko si Venice na nakatayo malapit sa crib ni baby. Kaya bumangon Ako. Nakita ko Ang paghampas Niya Kay baby kaya nagmamadali akong pumunta sa kinaroroonan nila.

"Anong ginagawa mo!" Hindi ko mapigilang sigawan ito dahil sa walang awa niyang pagpalo sa anak niya.

"Ikaw, Anong ginagawa mo ha. Imbis na bantayan mo Siya nakahilata ka pa dyan! Ano? Buhay prinsesa ka! At Wala Kang karapatang pakialaman ako dahil Yaya ka lang" dinuduro duro pa Niya Ako.

"Hindi kita pinapakialaman pero hindi ko mapapalampas Ang ginawa mong pananakit Kay baby. Bata Yan!" sigaw Kong pabalik sa kanya. Napakawalang puso niya. Kaya niyang saktan Ang Sarili niyang anak.

"Wala Kang pakialam. Gagawin ko Ang gusto kong Gawin sa batang Yan!" hahampasin na niya sana si baby pero nahawakan ko Ang palapulsuhan Niya.

"Subukan mo at Ako Ang makakalaban mo." Kahit Siya pa Ang Ina Hindi ko hahayaan saktan Niya lang si baby.

Naglalaban Ang aming titigan. Hinahayaan ko lang Siya na insultohin Ako pero Ang makitang saktan niya si baby lalabanan ko na Siya.

Saglit nitong nilihis Ang paningin sa likod ko. Nagulat Ako nang Marahas Niyang hablutin Ang kamay Niya kaya ito napaupo sa sahig. Kasabay Ang pagdagundong Ng malakas na sigaw.

"Shey!" sigaw ni Liam na nasa pintuan. Kaya lumingon Ako. Kita ko sa Mukha nito Ang matinding Galit. Tumakbo ito sa gawi ni Venice at dinaluhan ito. Parang dinurog Ang puso ko habang pinagmasdan Sila. "Are you okay? May masakit ba Sayo" rinig Kong sambit ni Liam. Kita sa mukha Niya Ang pag aalala.

Para namang nagshutdown Ang katawan ko. Gusto kong gumalaw pero di ko magawang igalaw Ang katawan ko. Gusto kong magsalita pero Hindi ko maibuka Ang bibig ko. Tanging mata lang at Tenga Ang gumagana sa akin. Dumating Sila Tito at Tita pero Hindi pa Rin Ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

"What happened son?" rinig Kong Tanong ni Tita. Tiningnan ako ng masama ni Ethan

"I'm sorry. Pinagtanggol ko lang Naman si baby" rinig kong sabi ni Venice habang umiiyak. Nanlaki Naman Ang mga mata ko sinabi niya. Nagtatakang napatingin si Liam Kay Venice "What do you mean?" si Tita na nagtataka Rin

"Narinig Kong umiiyak si baby kaya pumasok Ako Dito. I was shocked when I saw Shey na pinapalo si baby kaya sinaway ko siya. Nagkasagutan kami then bigla nalang Niya akong tinulak" "H-hindi totoo Yan!" sigaw ko. Napakasinungaling Niya.

"Shut up!" dumadagundong na boses ni Liam.

Napasinghap Sila Tita. Nakita ko sa mga mata nila Ang disappointment habang nakatingin sa akin. Parang gripo na Ang mata ko dahil sa bilis Ng daloy Ng mga luha ko. Sobra akong nasasaktan. Hinusgahan na nila Ako Hindi pa man nila narinig Ang paliwanag ko.

"Hindi ko magagawa yon❞ pahina ng pahina Ang boses ko.

"Love.." tawag ni Venice Kay Liam na parang nanghihina

"Don't talk now. I'll bring you to the hospital" Natatarantang Sabi ni Liam at kinarga si Venice

"Mom, kayo Po Muna bahala sa anak ko" bilin pa nito at nagmamadaling lumabas. Kinuha Naman nila Tita si baby at lumabas na rin. Nang matauhan Ako ay napatakbo na Rin Ako para habulin si Liam. Hindi ko alam Ang nangyayari. Bakit may sinabi itong hospital.

Naabutan ko sila sa may Sala karga pa Rin niya si Venice.

"Liam.." tawag ko sa kanya. Lalapit Sana Ako sa kanya pero tiningnan niya akong masama kaya napahinto ako.

"Go away! I can't believe we let a heartless person stay in this household" sambit nito na lalong nagpadurog Ng puso ko. Naiwan akong nakatulala na nakatanaw lang sa kanila na papalayo. Walang humpay Naman Ang pagtulo Ng luha ko. Ganon ba Ang pagkakilala nila sa akin. Hindi ko na yata kaya Ang sakit. Napasalampak Ako sa sahig habang humahagulhol.

"Iha, Tama na" si Manang Fe. Tumingin Ako sa kanya.

"Manang, hindi ko po magagawa yon. Hindi ko kayang saktan si baby. Mahal na mahal ko Siya Manang." Hagulhol ko sa kanya.

"Alam ko iha. Kaya tumahan ka na. Naniniwala Ako Sayo." Pag aalo ni Manang Fe sa akin. Dumating Naman si Marie at inabutan ako ng tubig. Tinulungan nila ako pabalik sa room. Nang makahiga na Ako sa kama ay lumabas na sila. Nakatitig lang Ako sa kisame habang inaalala Ang nangyari kanina. Ano bang nagawa ko. Bakit ito nangyayari sa akin. Pinagtanggol ko lang Naman si baby bakit Ako pa Ang napasama. Gusto ko sanang umalis ng maayos pero sa nangyari hindi ko alam paano ko pa Sila haharapin. Ang sakit na hinuhusgahan na nila ako kaagad.

Bumangon Ako at kinuha Ang aking mga gamit. Hindi ko na hihintaying palayasin pa nila ako.

Tiningnan ko Muna ang buong kuarto bago tuluyang lumabas. Malapit na ako sa gate Ng may tumawag sa akin.

"Dios Kong Bata ka.. saan ka ba pupunta?" sambit ni Manang Ng maabutan Niya ako.

"Aalis na po ako Manang. Nagresign na Rin Po ako sa trabaho ko❞ mahinang saad ko habang tumutulo Ang luha. I

"Iha, wag Kang padalos dalos. Pahupain mo muna ang sitwasyon. Baka Dala lang Ng Galit kaya napagsalitaan ka ng ganon. Hintayin mo Muna Sila ha. Saka ka magpaalam Ng maayos" pagpipigil ni Manang Fe sa akin. "Manang, hindi ko Po Sila kayang harapin, nasasaktan ako Manang. Nahihirapan na Rin Po ako. Pasensya na Po pero gusto ko ng umalis." Tumalikod na Ako at lumabas.

Tiningnan ko ang mansiyon sa huling pagkakataon. Hindi ko akalain na lilisanin ko Ang Lugar na ito na mabigat sa damdamin.

"Paalam..." mahinang sambit ko at tuluyan Ng naglakad palabas. Hindi pa man Ako nakarating sa may labasan Ng subdivision nang bigla akong nahilo kaya huminto Muna ako. Pero lalong lang umikot Ang paligid ko. Ang huli Kong narinig ay tawag Ng Isang babae bago Ako tuluyang nawalan Ng malay.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.