Chapter 27: Birthday Party
Pagkarating Namin sa stage ay pinaupo Muna kami sa nakahandang upuan. Pati upuan katulad Ng nakikita mo sa palasyo. Napagitnaan Namin si baby. Nakaupo lang kami habang nagsasalita Ang Emcee. Dahil Hindi ako comfortable, Hindi ko na nasundan Ang pinagsasabi Ng Emcee. Nagulat nalang Ako nang hawakan Ako ni Liam sa braso at inalalayan patayo.
"Are you okay?" bulong nito sa akin nang makatayo Ako. Pinisil pisil Naman niya Ang kamay ko.
Tumango Ako at ngumiti sa kanya para Hindi Siya mag alala. Baka Ako pa makasira Ng mood Niya. Kaya pinilit ko maging masigla. Lumapit kami kung saan nakalagay Ang mga cake.
"Wow! Grabe Ang daming cake. Iba-iba Ang design pero halos lahat may mga pangalan ni baby." Manghang sambit ko sa isipan ko.
Tumayo kami malapit sa Isang malaking cake na may design na castle. Hawak ko na Ngayon si baby dahil sinindihan ni Liam Ang candle. Sa hudyat Ng emcee, sabay sabay naming kinantahan Ng birthday song si baby. Pagkatapos Namin itong kantahan sabay naming hinipan Ang candle. Nagkatinginan pa kami ni Liam pero Umiwas Ako. Hindi ko kayang salubungin Ang tingin niyang parang hinihigop Ang lakas ko.
Nagulat Ako nang may sumabog na confetti at kasunod din ang mga balloons kaya tuwang tuwa si baby. Binaba ko Muna Siya para hayaang makapaglaro sa mga balloons. May mga bata na rin kasi na nagtakbuhan papunta sa mga balloons. Nakasunod lang ako kay baby baka madapa ito o kaya mabangga Ng ibang Bata.
Nang mapagod na ito, pumunta na kami Ng table kung nasaan Sila Lianne. Binati Naman Siya Ng mga ito at pinanggigilan. Papaupuin ko na sana si baby nang lapitan kami ni Liam. Kinuha Niya si baby at kinarga.
"Join me first to look after the guests" anyaya nito at inalalayan na ako papunta sa table Ng mga guests. Isa Isa Naman itong bumati Kay baby. Ngumingiti lang Ako at nagsasalita lang kapag tinatanong Ako. Minsan nakikita ko Ang pagsalubong Ng mga kilay ni Liam kapag may kumakausap sa akin na lalaki at pasimple niyang hawakan Ang baywang ko at hapitin palapit sa kanya Lalo na nong nasa table na kami Ng mga kaibigan Niya. Benalewala ko nalang ito. Bahala siya dyan. Siya Naman nagdala sa akin dito.
Pagkatapos naming kausapin Ang mga bisita bumalik na kami sa table namin. Pinakain ko na si baby.
Kasalukuyan akong kumakain nang marinig ko si Tita magsalita.
"Are you ready Son?" nakangiti nitong Tanong Kay Liam
"I shouldn't be the one you asked that, Mom." Sagot nito at tumingin sa akin. Tumingin na din Sila lahat sa akin parang nagtatanong sila.
Huminto Ako sa pagkain at kunot noong tumingin Kay Liam.
"May kinalaman kaya ito sa sinabi niya sa akin kagabi?" sa isip isip ko. Bigla Naman akong kinabahan. Humawak Ako sa gown ko kasi namamawis Ang mga kamay ko.
"Finish your food iha" Sabi ni tita. Sinunod ko Naman ito pero para Hindi ko na kayang lunukin Ang pagkain dahil sa nararamdaman Kong Kaba. Uminom Muna Ako Ng tubig dahil parang nabubulunan Ako. Nagulat Ako nang biglang hawakan ni Liam Ang kamay ko. Magkatabi lang Kasi kami.
"Are you okay?" Tanong Niya. Kita sa mga mata niya Ang pag aalala.
"Relax Shey. Baka ma heart attack ka na niyan." Sigaw ng utak ko. Huminga Muna Akong malalim at humarap Kay Liam.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Okay lang Ako. Wag mo ako alalahanin" ginawaran ko naman Siya Ng matamis na ngiti. Ngumiti rin ito sa akin.
Nagsalita ulit ang Emcee para umpisahan Ang mga activities. Ang unang activity ay bubble show.
Sobrang nag eenjoy si baby sa mga bubbles. Pagkaumpisa pa lang Ng show nagpupumiglas na ito para makapunta kung saan ang mga bubbles. Binaba ko Naman ito. Tinanggal ko Muna Ang cape Niya at crown para makagalaw siyang mabuti. Tuwang tuwa itong inaabot Ang mga bubbles. Nandito din ang ibang mga Bata. Para na Rin akong Bata na nakikisali sa pagputok Ng mga bubbles.
Tinawag si baby kaya pumunta kami sa gitna. Tinawag din si Liam. Kinuha naman Niya si baby. Aalis na sana ako nang pigilan ako ni Liam. "Stay" aangal pa sana ako kaso may lumapit na sa amin.
Pinatayo Niya kami sa may malaking circle. Pinaliwanag Naman nito Ang gagawin Namin. Kaya ito magkaharap kami ni Liam at gitna Naman si baby.
"Sir, Ma'am.. dikit pa pa po kayo para magkasya kayo sa loob Ng bubbles." Turo nong entertainer. Hinapit Ako ni Liam sa bewang kaya napayakap Ako. Inangat ko Ang Mukha ko para tingnan sana Ang reaction Niya ngunit Mali Ang ginawa ko dahil pag angat ko ay siyang pagyuko ni Liam kaya konting konti nalang maglalapat na Ang mga labi Namin.
"Mama.. Dada" sambit ni baby na pumutol sa pagtititigan namin.
"Ayan. Okay na. Huwag Po gumalaw para di pumutok Ang bubble." Paalala ni kuya. Kaya hinawakan ko na Rin si baby dahil malikot ito. Nakangiti kaming tatlo habang nasa loob Ng bubble. Para kaming totoong happy family. Lumapit Naman sila Lianne para subukan Ang bubble. Kahit si Tita at Tito ay nakisali na Rin pati ibang guests.
Pagkatapos Ng bubble show ay Mascot Show. Naglabasan Sila Mickey Mouse, Minnie Mouse, Winnie the Pooh, Donald Duck, Bear, Minion at marami pang iba. May pa dance number pa Sila kaya tuwang tuwa Ang mga bata. Pinapunta ulit si Baby sa harap para ma Meet and greet Ang mga mascot. Sinamahan ulit namin siya ni Liam. Pero kami lang dalawa ni Liam Ang nakipagkamay sa mga mascot dahil natakot si baby. Umikot Ang mga mascot sa mga bisita mameet din Ang mga ito at makapag picture taking.
Ang last activity ay magic show. Dalawa Ang magician na nakasuot na parang clown. Pambata Ang magic kaya tuwang tuwa Ang mga Bata. Nag enjoy din si baby na nakaupo sa high chair sa gitna habang may nagmamagic. Nasa malapit lang din kami nakatayo ni Liam nakaabang baka matakot si baby. Pero tuwang tuwa Naman ito dahil sa mga toys na inaabot Ng mga magician.
Pagkatapos Ng magic show bumalik na kami sa table namin. Sobrang enjoy Ang party kahit nakakapagod. Kinarga ko na si baby dahil Maya Maya siguradong matutulog na ito dahil sa pagod. Patapos na Rin Naman Ang party kaya ok Ng patulugin. Binigyan ko nalang ito Ng Dede.
Umupo si Liam sa tabi ko at hinawakan Ang kamay ko. Nagtataka ko itong tiningnan Kasi para itong Hindi mapakali.
"Okay ka lang ba? Para ka kasing Hindi mapakali Dyan" Tanong ko sa kanya. Pansin ko talagang nate-tense siya. Kung kailan patapos na Ang party.
Tumitig lang Siya sa akin habang pinipisil Ang kamay ko. Buti nalang hindi kita Ang mga kamay Namin dahil nasa ilalim ito Ng mesa Kaya hinayaan ko lang siyang hawakan ito.
Nagsalita ulit Ang emcee para sa huling activity. Akala ko tapos na Ang activity Kasi alam ko last Ang magic show. Rinig Kong tinawag si Liam Ng Emcee.
"This is it Kuya. The most awaited part" excited na Sabi ni Lianne. Nagtaka Lalo Ako dahil Hindi ko ito alam. Kasama Naman Ako nagplan Ng party pero Hindi ko alam may dinagdag Pala Sila. Sayang tulog na si baby. Hindi Siya makasali sa susunod na activity. Games siguro ito Kasi Ganon Naman pag may mga birthday party.
Kita ko sa mukha ni Liam na parang kinakabahan ito.
"Okay ka lang ba talaga? Tanong ko ulit. Hindi niya Kasi sinagot kanina.