Chapter 26: Royal Family
Nagising Ako na Wala na sa tabi si Liam. Bumangon Ako para I check si baby. Tulog pa ito kaya maliligo muna ako. Papunta na sana ako ng banyo nang tumunog Ang cellphone ko. Kinuha ko Muna ito at binasa Ang text message. From Boss:
Good morning babe. I left early. I still need to check something. See you later.
Hindi ko na ito nireplyan at tumuloy na ako sa banyo. Nang matapos akong maligo sakto Naman na nagising si baby. Pagkatapos Ng routine Namin ni baby bumaba na kami para makakain Ng agahan. Nadatnan ko Silang lahat na nakaupo sa hapagkainan maliban Kay Liam.
"Oh iha. Dito na Pala kayo. Upo na para makakain na Tayo" pagyaya ni Tita
"Good morning Po" bati ko sa kanila. Inayos ko Muna si baby sa upuan Niya.
"Kuya is very excited kaya ang aga umalis." Sabi ni Lianne na nakangiting tumingin sa akin na para bang may gustong ipahiwatig sa sinabi Niya.
"Hayaan mo na Ang kuya mo. Pinaghandaan Niya talagang mabuti Ang big day na ito." Anang mommy nito
"Yeah, I know Mom. I hope Shey will cooperate."
"She will. Right iha?"
"Po?" takang Tanong ko. Hindi ko ko magets Ang sinabi nila. Kung tungkol ito sa party ni baby matagal na Ako nag cooperate nong planning pa lang.
"Never mind iha. Basta magcooperate ka lang later sa party" tumango nalang Ako Kay tita. Kahit Hindi nila Sabihin magco-cooperate Naman talaga Ako para successful Ang party ni baby.
Ngumiti Naman Sila sa akin at ipinagpatuloy Ang pagkain. Parang iba Naman Ang ikinikilos nila ngayon. Ang pag sulyap sulyap ni Lianne sa akin na parang kinikilig at Ang pag ngiti ni tita na parang excited sa mangyayari. Hindi ko nalang Sila pinansin at pinagpatuloy nalang din Ang pagkain. Baka tulad ko ay excited na Rin Sila sa gaganaping birthday party ni baby.
Nandito kami Ngayon sa room Ng hotel kung saan gaganapin Ang party ni baby. Kasama ko Ngayon si Lianne at si baby. Naglalaro kami ni baby nang may kumatok sa pinto. Si Lianne na Ang Ang nagbukas.
Nakita kong pumasok si Jan at Ang dalawang Kasama nito kasunod din pumasok si Marie? Tinawag Naman Ako ni Lianne kaya lumapit Ako sa kanila karga ko si baby.
"Shey, you know mamang right? This is Brenda and Max. Sila Ang mga makeup Artist" pakilala nito sa dalawang Kasama ni Jan.
"Hello Darling. I'm so happy to see you again. Oh my gosh I'm so excited, I'm sure you will look dazzling on your gown" excited na sambit ni Jan
"And we will make you look more beautiful" sambit Naman ni Brenda.
"Naku Hindi na. Si Lianne nalang." Hindi ko Naman na kailangan magpaganda.
"Ano ka ba sis. Syempre kailangan mong magpaayos Kasi Ikaw lagi Ang Kasama ni baby" pangumbinsi ni Lianne.
"Akin na Muna si baby ate. Ako Muna Ang magbantay sa kanya" kinuha Naman ni Marie si baby at dinala sa kama
"Halika na girl, mag umpisa na Tayo." Wala na akong magawa nang hilahin na Ako ni Brenda at pinaupo sa may harapan ng salamin. Umupo na Rin si Lianne sa tabi ko. Si Jan Naman Nakita Kong inaayos Ang gown Namin ni Lianne. Inumpisahan na ni Brenda ayosan Ako. Si Max Naman Kay Lianne. Dahil Hindi ako sanay kaya natagalan si Brenda sa akin. Kakatapos ko lang maayusan samantalang si Lianne ay kanina pa tapos. Inayos lang ni Jan Ang suot nito. Namangha naman Ako Kay Lianne. Ang Ganda at sexy Niya talaga. Simple lang Ang suot Nito na above the knee fitted dress na nagpalitaw Ng kurba nito pero parang may buntot ito sa likod na parang peacock. Ang Ganda talaga.
"Halika na darling, isuot mo na itong gown mo." Napabaling Naman Ako Kay Jan na hawak Ang gown ko. Pero Teka. Parang may Mali. Bakit Ganon Ang gown ko.
"Hindi yata Yan Ang gown ko" Sabi ko na nagpakunot Naman Ng ulo nila
"Ito Ang ginawa kong gown para sayo darling. Kaya halika na at isuot mo na ito. Baka malate pa Tayo." Panghikayat ni Jan. Nag aalangan Naman akong sumunod. Parang Hindi ko yata kayang isuot Ang gown na ito. Pero dahil sa pamimilit nila ito Ako Ngayon sa harapan Ng salamin suot Ang gown. Isa itong royal blue v-neck ball gown na may maliliit na flower design at parang mga glitters. Ito Rin Naman yong Nakita ko nong tiningnan ko Ang box pero diko akalain na ganito kabongga Kasi diko binulatlat non. Naaasiwa pa ako dahil kita Ang likod ko. Mabuti nalang Hindi kita Ang cleavage ko. Nakasuot na Rin ako Ng 3inches heels wedge sandals na kulay silver. Pinili ko talaga ito dahil Hindi ako sanay magsuot ng matataas Ang heels baka sumubsob pa ako habang naglalakad.
Lumabas na Ako Ng room baka nainip na Sila kakahintay sa akin. Pagkalabas ko tutok Ang mga mata nila sa akin. Lalo tuloy akong naasiwa. Para kasing over dressed Ako.
"Omg! Tama Nga Ako. Bagay na bagay Sayo darling." Tili ni Jan. Lumapit ito sa akin at inayos Ang gown ko. Tumingin Naman Ako Kay Lianne.
"Li, Hindi ba parang over dressed Ako?" Hindi ko mapigilang Tanong sa kanya. Hindi talaga Ako mapakali eh. Baka Ako lang Ang nakaganito.
"Don't overthink sis. Party ito. So why are you thinking you're over dressed? Isipin mo nalang this is for baby Ethan, okay?" pangungumbinsi Niya. Tama Hindi dapat Ako mag inarte para Naman ito Kay baby. Speaking of baby, Nakita ko Naman si baby na bihis na. Ang cute niya Lalo sa suot Niyang Royal blue prince suit. May crown at cape pa ito.
"Kung ready na kayo let's go na" si Jan
"Wait lang mamang, nakalimutan Kong ilagay ito" sigaw ni Brenda. May inilagay Naman Siya sa buhok ko.
"Oh Yan. Perfect" pumalakpak pa ito. Nilagyan din Niya Pala Ako Ng maliit na crown. Para tuloy Ako si Cinderella sa suot ko ngayon.
Lumabas na kami Ng room at nagtungo sa venue. Pinagtitinginan Naman kami ng mga taong nadadaanan Namin kaya napapayuko nalang Ako. Hindi talaga Ako sanay sa atensyon Ng ibang tao. Kahit na Hindi ito direkta sa akin Kasi alam ko Naman na Kay Lianne Ang tingin nila pero diko pa Rin maiwasang mahiya.
"Chin up darling. Be confident. You're beautiful. Di ka dapat mahiya" pang chicheer ni Jan. Nagbuntong hininga muna Ako Bago sundin Ang sinabi Niya. Pagkadating Namin sa venue namangha Ako Kasi may castle sa labas. Sinalubong kami agad Ng organizer.
"Sis, Dito Muna kayo Kasi Ikaw Ang aalalay Kay baby maglakad papuntang stage, okay? Basta sundin mo lang Ang sasabihin Ng mga organizer." Pagkabilin nito ay pumasok na Sila sa loob at naiwan Muna kami dito sa labas. Binilinan Naman Ako Ng organizer sa aking gagawin.
Narinig kong nagsalita na Ang emcee hudyat na mag uumpisa na Ang party. Nakatayo kami Ngayon ni baby Dito sa arko naghihintay na tawagin si baby.
Nang tawagin na Ang pangalan ni baby ay nag umpisa na kaming maglakad. Dahil marunong na Naman maglakad ito kaya pinaglakad ko nalang hawak ko lang Ang Isang kamay Niya. Mangha Naman akong tumingin sa buong paligid dahil para itong nasa loob Ng palasyo. Kahit si baby tuwang tuwa dahil sa nakikitang mga balloons.
Napansin ko Naman Ang Isang taong naghihintay sa kalagitnaan Ng nilalakaran namin. Para nagslow motion Ang paligid ko nang masilayan ko Ang guapo niyang Mukha. Para Naman itong king sa suot niya na suit at may suot din itong crown at cape. Matikas itong nakatayo sa gitna na parang hinihintay Ang kanyang queen.
"Naku Shey. Gising. Nananaginip ka na Naman. Alalay ka lang Kay baby" saway Ng inggitera Kong utak. Ipinilig ko nalang Ang Ulo ko.
Kita ko namang titig na titig si Liam sa akin? Habang papalapit kami sa kanya. Kita ko sa mga mata Niya Ang paghanga.
Nang tuluyan na kaming makalapit sa kanya ay Hindi pa rin ito gumagalaw at nakatitig pa Rin sa akin. Kaya tumikhim Ako para makuha Ang attention Niya at Hindi naman Ako nabigo. Ngumiti Muna ito sa akin at kinuha Niya baby at kinarga. "Hello buddy. Happy birthday!" bati niya sa anak Niya. Para Naman akong naging emotional habang pinagmasdan Sila. Kung nandito lang Ang mommy ni baby Wala Sana Ako Dito. Ang sarap sanang isipin na Isa kaming totoong pamilya pero alam ko Naman sa sarili ko na para lang akong proxy habang Wala pa ang totoong mommy.
"Babe" bulong ni Liam sa akin. Hindi ko namalayang nakatulala na Pala ako. Nakita Kong inilahad Niya Ang kanyang kanang braso at ipinahihiwatig na kumapit Ako don. Tumingin muna ako sa mukha niya para siguraduhing Tama Ang intindi ko. Nang tumango Siya humawak na Ako sa braso niya. Si baby Naman ay karga niya sa kabila.
Rinig ko Ang palakpakan Ng mga bisita habang naglalakad kami papuntang stage. Para kaming Isang Royal Family dahil sa aming kasuotan.