Finding Mommy

Chapter 14 Kamay



Nandito kami ni baby Ngayon sa may pool area para magpaaraw. Ang aga kasi ni baby nagising kaya nag paaraw nalang kami. Karga karga ko Siya habang nakatingin sa iBang katulong na naglilinis sa pool. Napakilala na rin sa akin lahat ni Manang Fe Ang mga kasamahan namin dito. Mabuti nalang mababait Sila.

"Good morning Ate Shey at Baby" bati ni Marie at lumapit sa Amin. Napansin Naman Ng iba na Hindi umiiyak si baby kayak nagsilapitan na Rin Sila.

"Ang cute mo talaga Baby. Mabuti nalang Hindi ka na umiiyak tuwing lumalapit kami sayo." Saad ni Marie.

"Para talaga kayong mag Ina Shey" singit Naman ni Madel. "Mabuti nalang dumating ka kasi nalalapitan at nalalaro na Namin si baby. Biglang sumaya tuloy Ang mansiyon." Dagdag pa nito. Ngumiti lang ako sa kanila.

Nakikipaglaro pa Sila Kay baby. Buti nalang maganda ang mood nito dahil tumatawa pa ito Lalo na Kay madel na nakakatawa talaga dahil sumasayaw sayaw pa ito.

Nang magsawa na pumasok na Rin kami sa loob. Pagkapasok Namin may Nakita akong magandang Babae na nakaupo sa sofa. Busy ito sa cellphone kaya di nya kami napansin na papalapit. Nang nakalapit na kami nakilala ko yong babae. Siya yong Nakita ko sa office na nagbilin sa akin Kay baby. Tumingala Naman ito sa Amin.

"There you are little brat. I was looking for you." Saad nya na nakatingin Kay baby. Na startruck ulit ako sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Grabe talaga Ang Ganda Niya. Matangkad ito at Ang sexy. Parang Ang sarap mangarap na maging Ganon din ako kaganda at kasexy. Pero kontento na Ako sa kung Anong meron ako.

Hindi ko napansin na nakalapit na Pala ito sa Amin. Lalo akong nastarstruck Ng Makita ko Siya malapitan. Ang amo Ng Mukha niya. Ngayon ko lang napansin na magkamukha Sila ni Liam. Ang Kaibahan lang si Liam palaging seryoso at strikto Ang Mukha samantalang ito ay palangiti. Kiniss niya si baby.

"Hi. Nagkita din Tayo ulit." Nakangiting Sabi nito

"Hello po. Good morning" bati ko Naman sa kanya.

"Thank you nga pala and sorry na Rin Kasi iniwan nalang kita Doon Basta basta. I really have an important meeting that time and I can't leave baby alone. Thanks God dumating ka." paliwanang Niya. Namangha lang Akong nakatingin sa kanya habang nagsasalita Siya kahit walang naiintindihan ay tumatango tango lang na parang temang.

"By the way, I'm Lianne sister of Kuya Liam and you are?"

"Shey Po Ma'am.." Kapatid Pala Siya ni Liam. Napagkamalan ko pa syang mommy ni baby noon. Mas Bata cguro ito sa akin 25yrs old na kasi ako. Tantya ko Naman sa kanya 20-22yrs old lang ito pero mas matangkad siya sa akin. "Don't call me Ma'am. Lianne nalang. And can I call you ate?" nakangiti niyang Tanong

"Ok Po" sagot ko nalang. Mas matanda Naman Ako eh.

"And that po, duh Ang bata ko pa kaya para mag po ka sa akin" pagtataray Niya. Natawa Naman Ako sa facial expression Niya. Ang cute lang. Para itong Isang brat na Hindi pinagbigyan Ng gusto.

"So Tama nga Ang sinabi ni Kuya. You can tame this little brat. You know I'm very thankful to you Kasi may katulong na si kuya sa pag aalaga Kay Ethan. At least my time na siyang makapagpahinga Ng maayos." Madamdamin niyang Sabi "Wala Po yon Maam-I mean Lianne. Thankful din Ako Kasi nagkaroon Ako Ng trabaho" Masaya talaga Ako sa trabaho ko. Kung Hindi niya iniwanan si baby sa akin non baka dko rin makuha Ang trabahong ito. Hinila Naman Niya Ako at pinaupo sa sofa. Karga karga ko pa rin si baby.

"Nga Pala Ate Shey, how's kuya? Ok ba siya Sayo? I mean, mabait ba Siya Sayo? Maganda ba pakikitungo Niya Sayo?" Tanong Niya. Nagtataka Naman Ako sa sunod sunod niyang Tanong.

"Ok Naman" tipid Kong sagot

"Ay ano ba Yan ate. Elaborate please. Panong ok?" pangungulit Niya pa

"Well, Hindi maganda ang unang pagkikita Namin kahit noong pagkikita Namin sa office dahil-"

"Wait, nagmeet na kayo before yong sa office" putol Niya sa sinasabi ko. Medyo may kakulitan Siya ha at madaldal

"Oo. Sa bar" namilog Naman Ang mga mata nito

"Pero Sabi mo Hindi maganda Ang pagkikita nyo? What happened?" Wala Naman akong nagawa kundi ikwento lahat Ang nangyari noon sa bar. Para kaming close friend Ngayon. Nang matapos ko Ang kwento ko ay humagalpak naman ito ng tawa. "Hahaha.. I can't believe it. Nautakan mo si kuya dun ah. Served him right." Saad niya habang tumatawa. Napangiwi Naman Ako. Hanggang Ngayon nahihiya pa rin ako sa ginawa Kong yon Lalo na't boss ko na Siya Ngayon.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Pano Yan Ate e dil turned off ka na sa kanya Ngayon❞ malungkot Naman niyang sabi. Nakakapagtaka. Kanina lang tumatawa Siya Ngayon Naman naging malungkot Siya. Pero mas nagtaka Ako sa sinabi Niya "Ha?" sagot ko na nakakunot Ang noo. Hindi ko kasi nagets ang sinabi Niya

"You know what Ate baka Kasi misunderstanding lang Ang nangyari sa inyo ni Kuya. Kahit mukhang suplado pero mabait Naman yon. Baka mainit lang din Ang Ulo non tsaka baka di ka niya talaga napansin non. You better talk to him about that para magliwanagan kayo." Pangungumbinsi Niya. Nahihiya Naman Ako mag open up Kay Liam about dun sa nangyari. Gusto ko rin naman talaga para makapag sorry din ako sa nagawa ko.

"I really like you Ate. Pero Ate naguapohan ka ba Kay Kuya?" Nagulat Naman ako sa tanong niya pero Bago ko pa man masagot ay bigla nalang sumulpot SI Liam.

"Hey Li, kaaga aga nagdadaldal ka na" cold na Sabi nito sa kapatid Niya

"Good morning Kuya." Tumayo Naman ito at hinalikan Ang kuya niya. Parang gusto ko ding gayahin Ang ginawa Niya pero gusto ko sa lips charot. Umiral na Naman Ang kalandian Ng utak ko. "Good morning Liam" yon nalang nagaya ko baka Kasi ilampaso Niya ako pag ginawa ko yong huli

Lumapit Naman Siya sa akin at hinalikan si baby.

"Ako Rin gusto Ng morning kiss" sigaw Ng maharot Kong utak. Ipinilig ko nalang Ang ulo ko para maalis Ang kalandian baka masambit ko pa mahirap na.

"Good morning Shey" bati niya habang nakatingin sa akin. Bigla namang kumalabog Ang puso ko.

"Gosh Ang guapo niya talaga. Ang sarap ng umaga ko pag ganito Lagi Ang bubungad sa akin" Ano ba Yan. Kung ano ano nalang naiisip ko. Hindi na talaga maganda ito. "OMG, Ang sarap nyong panuorin. Para kayong complete happy family" tili ni Lianne

"Shut up Li" saway Niya Kay Lianne. Nakanguso Naman si Lianne sa kanya

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "I'm sorry about that. Don't mind her" Sabi Niya sa akin.

"Ano ka ba, ok lang. Gusto ko Naman. Ang sarap ngang pakinggan eh" gusto ko sanang isagot. Pinigilan ko lang. Baka mawalan na talaga Ako Ng trabaho.

"It's time to give Ethan a bath" rinig Kong Sabi Niya. Oo nga nakalimutan ko na Ang dahilan kung bakit ako nandito. "Ano ba Kasi Shey, magfocus ka nga" kastigo ko sa sarili ko

Iniwan na Muna Namin si Lianne sa Sala para mapaliguan si baby. Pagkadating Namin sa room ay kinuha Niya sa akin si baby para makapagprepare Ako Ng mga gagamitin.

"Ako na Muna magpapaligo sa kanya. Mag observe ka Muna para next time alam mo na Ang gagawin."

"Okay" Nag umpisa Naman itong paliguan si baby. Namangha na Naman Ako habang nakatingin sa ginagawa Niya. Ang lumanay Ng mga galaw Niya. Halatang sanay na sanay na Siya sa ginagawa Niya. Ang galing Naman. Ngayon lang Ako nakakita ng lalaki na hands on sa pag aalaga Ng baby. Kung titingnan mo si Liam parang Wala sa hitsura Niya Ang makagawa Ng ganito. Ang sarap niyang pagmasdan.

"Did you get it?" pero Wala sa sarili akong nakatitig sa kanya habang nakangiti.

"Hey!" untag Niya sa akin Ng Wala Siya marinig na sagot

"Ha?" Takang Tanong ko. Wala kasi akong narinig sa sinabi Niya. Pano ba Naman Kasi nakatunganga lang ako sa kanya.

"Are you with me? It seems like you're not paying attention to what I'm doing" suplado Niyang sabi

"Nakita at nakuha ko Naman kung paano Gawin" sagot ko nalang na may. Pwede Naman Niyang Sabihin ulit. Ang suplado nya ha. Sarap din niyang lunurin sa tub ni baby ha. Gigil si ako.

Nakita kong tapos Niya Ng paliguan si baby Kaya kinuha ko na Ang towel sakto din Naman na kinuha Rin niya ito kaya dumantay Ang kamay Niya sa kamay ko. At nagkatinginan kami. Naramadaman Kong bumilis Ang tibok ng puso ko at uminit Ang Mukha ko, paniguradong pulang pula na ako. Kaya mabilis kong tinanggal Ang kamay ko tila para Akong napaso. Nakita ko siyang umiiling iling kaya yumuko nalang Ako para maitago Ang pamumula ko.

"Haist ano ba itong nangyayari sa akin. Para hawak lang eh. Kung makadagundong naman itong puso ko Akala mo nasa hatulan Ako." Maktol ko sa sarili ko. Pero in fairness ha Ang lambot Ng kamay Niya talo pa Ang kamay ko.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.