Finding Mommy

Chapter 13 Bilin



Pagdating Namin nakaready na Ang hapagkainan. Nakita kong nilapag Niya si baby sa parang stroller.

"Iha umupo ka na❞ Aya sa akin ni Manang Fe. Ngumiti Naman ako sa kanya.

"Salamat Po"

Napansin kong nakaupo na Rin Pala Ang boss ko. Umupo na Rin Ako sa katapat Niya. Katabi ko lang si baby. Maya maya Rin umupo na Rin Sila Manang Fe at Ang ibang katulong.

"Ang galing Naman Dito. Kasabay Kumain Ang mga katulong sa amo." Manghang Sabi ko sa Sarili. "Eat." Utos Ng boss ko

"Pakainin ko Muna so baby" sagot ko pero na Kay baby Ang atensyon ko. Di Ako makatingin sa kanya eh.

"Eat first before you feed him. Di pa Naman Siya gutom❞ seryoso niyang Sabi. At binalik ulit ang atensyon Niya sa pagkain. Kaya Kumain nalang din Ako. Para Namang may dumaang Santo sa sobrang tahimik tanging tunog lang ng kutsara at tinidor Ang maririnig.

"Mamaya iha ipapakilala kita sa mga kasama natin Dito sa Bahay at pasamahan na rin kita umikot dito sa kabuuan Ng Bahay para maging familiar ka." Pagbasag ni Manang Fe sa katahimikan.

"Ok Po Manang " Sabi ko at tipid na ngumiti sa kanya

"Before that Manang, I need to talk to her first. I just have something to discuss to her." Napalunok Naman Ako na parang may bumara sa lalamunan ko. Kinakabahan tuloy Ako.

"Ano kaya sasabihin niya? Naku sesermonan niya kaya ako? pagsasabihan?" sunod-sunod Kong Tanong sa sarili ko. Nawala na tuloy Ang gana Kong Kumain. Masarap sana ang pagkain kaso Hindi ko na magawa itong lunukin dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Are you done?" takang Tanong Ng boss ko

"Ahm oo. Naparami Kasi Ang kain ko kanina kaya busog pa Ako." Mahinang sagot ko. Pero Ang totoo gutom pa ako kaso lang sa sinabi Niya kanina Hindi na ako makakain.

"Pwede na ba ako umalis para mapakain na rin si baby? Doon nalang kami sa Sala." Paghingi ko Ng permiso sa kanya

"Ok" tipid niyang sagot. Kaya tumayo na Ako at tinulak Ang stroller ni baby papuntang Sala.

Kinarga ko si baby at umupo sa sofa.

"Gutom na ba Ang baby hmm? You want this?" sabay pakita ko sa dede

Gumagalaw galaw lang mga kamay at paa niya. Binigay ko na Rin Ang Dede Niya. Habang nagdede hawak hawak Niya Ang daliri ko. Ang sarap sa pakiramdam.

Inisip ko yong sinabi ni boss na hinahanap Niya Ang Mommy ni baby. Akala ko yong nadatnan Kong babae sa office ang Mommy ni baby.

"Nasaan kaya Ang mommy mo baby? Bakit natiis ka niya na Hindi makasama at maalagaan?" mahinang kausap ko Kay baby habang nakatitig Ako sa mukha niya. Nakatingin lang din ito sa akin na Akala mo pinakinggan Ang mga sinasabi ko. Medyo nalungkot Naman Ako. Ang baby pa niya pero Hindi Niya na naranasan Ang aruga Ng Isang Ina. Pagkatapos inumin ni baby Ang milk pinagburp ko Naman ito. (Liam's POV)

Nandito kami ni Manang Fe nakamasid lang Kay Shey. Parang Hindi Naman Niya alam na nakatingin kami sa kanya Kasi busy siya sa anak ko.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Mabuti Nakita mo siya iho❞ tukoy ni Manang Fe kay Shey "Sa wakas nakakuha ka rin ng mag aalaga Kay Ethan sa dinami Dami ng sumubok mag apply. Mukha Naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan. At higit sa lahat kasundo niya Ang anak mo. Mukhang alam din Naman niya Ang ginagawa Niya" puna ni Manang Fe. Katulad din Naman Kay Manang Fe Ang nakikita ko Kay Shey. Pero kailangan ko pa Rin itong obserbahan Lalo na wala siyang experience sa pag aalaga Ng bata. Kailangan ko pang maituro sa kanya Ang mga dapat gawin.

"Oo nga Po Manang. Kaya kinuha ko na Siya agad at inofferan Ng magandang sahod para mapapayag ko ito."

"Wag ka lang masyadong suplado sa kanya iho. Pansin ko pa naman sa kanya parang natataranta siya pag kaharap ka Niya. Baka biglang umalis dahil natakot Sayo." Tatawa tawang Saad ni Manang.

"Alam niyo Naman pong ganito na talaga Ako Manang." Sabay akbay sa kanya.

"Oo nga alam ko. Pero bawas bawasan mo Naman yang pagkaseryoso mo yang pagkunot mo ng noo. Hindi Naman kabawasan Sayo kung ngumiti ka Naman. Kaya Hindi ka makahanap hanap Ng magiging Asawa mo eh. Aba, alalahanin mo iho tumatanda ka na. 30 ka na." panenermon ni Manang. Para ko na rin kasi siyang Ina. Siya Ang nag alaga sa akin Nung baby Ako Hanggang Ngayon. Pero Hindi pa Rin niya alam kung paano Ako nagkaroon Ng baby. Ako lang Ang nakakaalam at Ang secretary ko kasi yong secretary ko Ang pinapaasikaso ko sa paghahanap Ng mommy ni Ethan.

"Ayan ka na Naman Manang. Wala Nga akong panahon para Dyan. Focus ako sa kompanya at sa anak ko."nakanguso Kong sagot sa kanya.

"Naiintindihan ko Naman anak. Ang sa akin lang Wala Namang masama kung sumubok ka at isipin din Naman Ang Sarili mo total Meron na Rin Namang nag aalaga sa anak mo. At least medyo nabawasan Ang alalahanin mo."pangungulit pa ni Manang

"Si Shey. Wala ka bang nararamdaman sa kanya o naaatract man lang sa kanya?" tudyo ni Manang

"Maganda, magalang at mukhang mabait Naman Siya" dagdag pa niya

Hindi Naman Ako nakasagot sa kanya agad at nakatutok lang Ang paningin ko sa babaeng topic namin ni Manang.

"Bat dimo subukan? Kita ko Rin Naman na iba ka kung makatitig sa kanya" namula Naman Ako sa sinabi ni Manang. Para akong teenager na nabisto sa aking crush. Nagkaroon na Rin naman ako Ng mga girlfriend noon. Yong pinakahuli ko na seneryoso ko ay iniwan lang ako nang malaman niya Ang problema ko. Kaya Hindi na ako pumasok sa Isang relasyon ulit dahil Wala Rin akong kakayahang sexual na maging dahilan din para iwanan Ako.

"Ikaw talaga Manang. Kung Anu ano pinagsasabi mo. Pareho lang kayo ni Mommy" iiling iling Kong sambit sa kanya

Nang matapos kami mag usap ni Manang ay lumapit na ako Kay Shey at inaya papunta sa kuarto nila dahil may kailangan Ako I discuss sa kanya.

(Lindsey POV)

Inilapag ko Muna si Baby sa crib Niya at binigyan Ng rattle toy dahil Hindi pa ito natutulog. Nang masigurong ayos lang Siya pumunta na ako sa sofa kung saan nakaupo Ang boss ko.

"Please sit down." Seryoso nitong sabi. Diko mapigilan Ang kabahan. Hindi pa Rin Ako makatingin sa kanya dahil sa nangyari kanina. Nang makaupo na ako ay may inabot siya sa akin na sobre. Kunot noo akong tumingin sa kanya na parang nagtatanong kung ano yon.

"That's the cash advance that you've asked" seryoso niyang sagot

Nahihiya ko Naman itong inabot. "Salamat" at tipid na ngumiti sa kanya

"Your next salary will be sent to your account. If you don't have one just tell me para mapaayos ko Kay Melvin." Tukoy Niya sa secretary nito

"Meron na po ako" agap Kong sagot

"Good. Just send the details to me. You already have my number, right? Tumatango Naman Ako bilang sagot.

Marami pa siyang sinasabi sa akin like kung Anong Oras at ilang beses maligo si baby, pag inom Ng vitamins at kung Anu ano pa na may kinalaman Kay baby. Pagkatapos naming mag usap at masabi Ang mga bilin nito ay lumabas na siya. Pinatulog ko na din si baby.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.