Esta Guerra (Tagalog Version)

Chapter Chapter 21: Mabait



Cade's POV

"Bilisan niyong magtrabaho. Wag kayong babagal-bagal", si Mang Gracio habang nakatayo at pinagmamasdan ang ginagawa namin.

Lumapit siya sa pinaka batang anak ni Mang Imben. "Ikaw! Babagal-bagal ka!", sigaw niya sa sa batang paslit. Napailing na lang ako sa ginawa niya.

Mabuti na lamang at si Cazue na ang kasama ko ngayon. Si Dero ay iniwan na namin sa bahay upang mag aral. Hindi pa kasi mabilis magbasa ang bunso kong kapatid. "Kuya mas mabuti sana kung dumating ulit si Ate", bulong ni Cazue na tinukoy si Piper. Bakas sa mukha nito ang paghihirap habang nakayuko at nagtatanim.

"Baka hindi na siya dumating. Malayo kasi ito kumpara doon sa pinag tataniman natin", tinukoy ko yung lugar kung saan ko muling nakita si Piper.

Malayo kasi ito kumpara doon pero sakop pa rin ito ng malawak na sakahan ng mga Roshan. Tinuturing pa rin naming mga magsasaka na may parte kami sa lupang ito. Sa katanuyan nga ay malaki ang parte ng lupa namin dito. Nakilala naman siya ni Cazue noon pa man dahil alam niyang matagal na kong may pagtingin sa dalaga. Sa katunayan nga ay hindi nabago iyon kahit na alam kong may kinalaman ang pamilya niya sa ilang magsasaka na bigla na lang nawala. Ang iba naman ay natagpuan ng patay. Isa na don ang aking Ama pero hindi nagbago ang tingin ko sa kanya. Inosente pa rin siya para sa akin.

Ngunit hindi ko katulad ang ibang magsasaka na katulad ni Mang Imben na may galit sa kanya. Masyado nilang kinamuhian si Piper pero wala naman akong magagawa dahil matindi ang ginawa sa anak niyang lalaki. Mabuti sana kung pinatay siya sa madaling paraan pero iba ang ginawa sa kanya.

Alam din ni Mang Imben na may alam si Mang Gracio sa mga nangyayari at sa palagay ko ay siguro nga. Nagpipikit mata lamang siguro ang isang ito. Paano'y gawa ng perang nakukuha niya.

"Ang babagal niyong kumilos para kayong mga pagong!", sigaw muli ni Mang Gracio sa amin. Mas matapang pa siya kaysa sa taga utos nitong si Don Emilio. Simula ng pinagkatiwalaan siya nito ay nag iba ang ugali niya. "Kung siya kaya yung magtanim dito", bulong ng kapatid ko.

Lumapit ang matandang lalaki sa amin. Nangangalit ang mga mata nito at nagtatagis ang ngipin.

"Anong binulong-bulong mo dyan?", singhal nito sa kapatid kong nakangisi. Nakuha pang mang inis ng isang ito.

"Wala po", maikli nitong sagot. Mabuti na lang at hindi siya kita ng lalaki kundi malilintikan siya.

Nananikit si Mang Gracio kung minsan kapag sobrang init ng ulo nito. Hindi niya ko mapagdiskitahan. Tanging ganyan lamang ang nagagawa niya sa aming magkapatid. Dati kasi siyang kumpare ng aking Ama. "Magandang Hapon sa inyo!", tumayo ng tuwid ang kapatid ko habang ako naman ay pinalis ang sarili kong pawis.

Lumiwanag ang nangangalit na mga mata ni Mang Gracio. Ang tila apoy sa kanyang mga mata ay naapula dahil sa babaeng nakatayo sa may kubo. Kagaya ng nakagawian ay nakasuot siya ng bestida at paborito nitong mamahaling saklob. Kahit malayo ay tanaw ko ang kagandahan niya.

Sa kanyang mga bisig ay may dala siyang malaking basket at si Letty naman ay may parehas din na dala habang pinapayungan siya.

Napangiti ako ng maalala ko kung paanong wala siyang reklamo nung sinayaw ko siya ng gabing iyon. Yun nga lang ay bigla na lang siyang nawala habang kinakausap ko. Natabunan siya ng nagkakagulong mga tao dahil sa pagtulong niya sa mga mahinang matatandang naroon.

"Kuya sa tingin mo ba mabait talaga si Ate Perouzé?", iritado akong tumingin sa aking kapatid. Hindi dahil sa ibig sabihin kundi sa pagtawag niyang Perouzé sa babaeng gusto ko.

Ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng ganoon. Noon pa man ay minsan ko ng tinawag iyon sa kanya. Kahit sinuman ay walang natawag sa kanya ng ganon kundi ako. "Bakit yon ang tawag mo sa kanya?", nakangiti pa siya sa akin.

"Nagandahan lang ako", simpleng sagot nito.

"Piper na lang wag Perouzé", tumango naman siya at hindi nagtaka kung bakit.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Nako! Senyorita!", mabilis ang naging paglapit sa kanya ni Mang Gracio.

"Kuya baka si Ate katulad ni Mang Gracio at ng mga magulang niya. Kunwaring mabait pag nagkaharap pero kapag nakatalikod ay hindi naman", alam kong may sama ng loob ang kapatid ko sa kanya dahil kumpara sa amin siya ang pinaka malapit sa aking Ama.

"Cazue kahit kailan ay hindi ganon si Piper", tinapik ko ang magkabila niyang balikat.

"Dahil ba ampon siya? May sabi-sabi Kuya namatay yung magulang niya hindi dahil sa pagsilang sa kanya pero may iba pang dahilan", napakunot ang noo ko.

Saan naman niya iyon nalaman?

Alam ba ni Piper?

Kasi batay sa kwento sa akin ni Abel namatay ang magulang ni Piper dahil sa pagsilang sa kanya at wala siyang balita sa tunay nitong Ama. Magtatanong sana ako sa kapatid ko pero naudlot iyon.

"Ano pang ginagawa niyo dyan! May meryendang dala ang Senyorita", Si Mang Gracio na ngayon ay bitbit ang dalang basket ni Piper.

Parang kanina lang ay mainit ang ulo nito sa aming mga magsasaka pero ngayon ay halos mapunit ang labi nito kakangiti sa amin.

Nauna na sa akin ang ibang magsasaka pati na din ang kapatid ko. Patakbo silang lumapit doon. Kung ang iba ay laking pasalamat dahil sa pagdating ni Piper dahil sa libreng meryenda at sa wakas ay makakapahinga sila. Ang iba naman ay kasalungat nito dahil mas maaatim pa nilang walang meryenda at tuloy-tuloy sa trabaho para matapos na ang pagtatanim.

Naramdaman ko ang paglilom ng kinatatayuan ko. Kita ko ang anino ng payong at ang naghahawak nito.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Masyado ka yatang abala", nakangiti sinabi niya.

"Maputikan ka at ang mamahalin mong suot. Yung paa mo baka magkaroon yan ng alipunga", alam kong sensitibo ang balat niya dahil anak mayaman siya.

"Nakabota ako. Saka minsan lang akong maging mabait ayaw mo ba?", gumawi ang tingin ko sa paa niya. Nakasuot nga siya ng bota.

"Paanong naging minsan ang pagiging mabait mo? Halos araw-araw mo kaming dalhan ng meryenda. Nakakahiya na nga", sumingkit ang maganda niyang mga mata dahil sa pagtawa.

"Mas gusto mo bang si Mara ang magdala sa inyo ng meryenda?", bumusangot ang mukha nito. Kinagat nito ang ibaba niyang labi tila may mali siyang sinabi.

"Mas gusto mo bang si Arrow Vitale ang dalhan mo ng meryenda?", pang bawi ko. Hindi naman siya umimik at saka iniwan ang payong sa aking mga kamay. Umuna siyang maglakad na nagmamartsa.

Wala namang masama sa sinabi ko. Dahil nalaman ko noon ng minsan magkwento sa akin si Abel ay nakita niya kung paanong ipagkanulo siya ng kanyang mga magulang kay Arrow. Sinundan ko siyang maglakad habang hindi maitago ang saya ko dahil sa pagkainis niya.

"Nagbibiro lang ako", iniwas niya ang kanyang kamay dahil sa pag abot ko nito.

"Hindi na ko magiging mabait sayo. Katulad ng gusto mo kay Arrow na lang", kahit hindi ko kita ang mukha niya alam kong naninilos ang mga labi nito.

Sa tingin ko nga'y gusto talaga ako nito. Alam kong hindi lang simpleng kabaitan ang pinapakita niya.

"Gusto ko nga yung mabait ka kasi damay pati silang lahat", tinukoy ko ang mga kapwa kong magsasaka na nakangiti. Namamahinga sila habang masayang nakain.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.