Chapter 20: Meryenda
"Yan ba ang dahilan kung bakit nawala ka matapos ng ilang taon?", halos mabasag ang boses ni Letty ng tinanong nito ang kanyang kaibigan.
Kung hindi ako nagkakamali siya yung kaibigan ni Letty. Yung naging crush ko dati nung elementary ako. Isa rin si Loel sa naging dahilan kung bakit hindi ko naging kasundo si Letty noon. Sa pag aakalang magkasintahan sila. Lumapit si Loel sa kanya ngunit bahagya siyang umatras.
"Ang kapal mo. Magpapakita ka lang para manghingi ng ulam!", hindi ko alam kung dapat akong matawa sa sinabi ni Letty pero mas pinili kong hindi. Masyadong seryoso ang usapan nila. Mapag akalaan pang chismosa ako. "Bunso. Ang totoo niyan matanggal ng nahingi dito si Loel kagaya ng mga kasama niya", depensa ni Abel.
Kung sabagay, paano naman iyon malalaman ni Letty kung mas madalas siyang mamalagi sa mansyon at tanging si Abel lamang ang nandito.
"Anong nangyari sayo? Ni hindi ka manlang nagpasabi sa akin na mawawala ka", malungkot ang mga mata ni Letty ng diretsong tumingin sa mga mata ni Loel.
Minsan niyang nabanggit ng nag usap kami sa Facebook na namimiss na nito ang kaibigan niya. Hindi niya malaman kung iniwan na siya nito o sadyang wala lang oras para kausapin siya.
"Kailangan kong maging bihasa sa paghawak ng armas", sabi nito habang pinagmamasdan ang mahabang baril na hawak niya.
"Sa tingin mo ba makakamit niyo ang hustisya sa ganyang bagay?", dismayadong sinabi ni Letty.
"Hindi naman palaging dahas ang sagot. Namatayan din ang ibang taga rito pero hindi nila kinailangan maging rebelde", may kung anong parte sa puso ko ang tila sumakit sa sinabing iyon ni Letty. Hindi ko man maintindihan kung ano yung bagay na mismong pinag uusapan nila pero bakit parang ako rin ay damay?
"Aalis na ko", hinawakan ni Abel ang braso nito saka kumuha ng gulay at karne sa refrigerator. Nilagay niya iyon sa plastik at binigay sa kanya.
"Pati ba siya kailangan mong idamay?", pumatak ang luha ni Letty kaya agad siyang inalo ni Abel.
Mapait na ngumiti si Loel sa kanya. Hindi lang pagkirot ng puso ang nararamdaman ko ngayon kundi bigat ng dibdib. Nasasaktan ako sa kung anuman ang pinag uusapan nila.
"Bakit ko naman siya idadamay? Alam ko naman na wala siyang kinalaman dito. Wag kang mag alala para sa kanya", tinapik ni Loel si Letty bago tuluyang umalis.
Nasaksihan ko kung paanong nanlambot ang mga tuhod ng kaibigan ko. Gusto ko man siyang damayan pero pinili kong hindi dahil bilin niyang wag akong lumabas.
Ang mga hikbi niya ay sumasabay sa mga kuliglig sa labas. Hindi ko namalayan na nakatulog ako habang nakikinig sa paghikbi nito.
"Gising na! Tanghali na!", ang hampas ng unan sa aking tagiliran ang siyang tuluyang nagpabangon sa akin.
Kinusot ko ang aking mga mata saka nag inat ng likod.
"Anong oras na ba?", mukat-mukat pa ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"Alas dose na ng tanghali", pagkasagot niya nito ay walang atubiling dumiretso ako ng banyo saka naligo.
Kalhating oras din akong naligo dahil hindi ko na nagawang maglinis ng katawan kagabi dahil sa pagod. Bilin kasi ni Mama sa akin ay bawal akong magbasa ng katawan kapag sobrang pagod.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Pagkatapos kong mag ayos ay pumunta agad akong kusina. Mukhang hindi nalalayo ang oras ng gising ko sa paggising nilang dalawa.
Mababakas kasi sa mukha ni Abel dahil nakatulala siya habang nagtitimpla ng kape. Hindi alintana nito na tumapon na ang laman nito. Ewan ko na lang kung may iinumin pa siya.
Si Letty naman ay abalang naghahain ng pagkain sa mesa. Ngumiti siya ng makitang nakatayo ako at iniintay silang matapos.
"Abel, bakit parang Sabado De Gloria ka dyan?", tanong ko sa kanya ng naghila ako ng sariling upuan saka ininom ang kape nito.
Mahina niyang hinampas ang kamay ko ng magbalik siya sa katinuan.
"Wala bang Sunday De Gloria?", nakuha niya pang magpatawa.
Si Letty naman ay naupo na rin sa kanyang pwesto. Ipaglalagay niya sana ako ng pagkain pero inunahan ko siya. Wala naman akong sakit. Hindi niya na kailangang gawin ito sa akin. "Pilosopo. Bakit ka kasi ganyan? Why don't you smile? Ikaw nga itong sobrang nag enjoy sa party"
Buong gabi wala siyang ginawa kundi sumayaw ng sumayaw. It seems na bibitayin siya kinabukasan. Parehas silang may tama kagabi ng kapatid niya. I wonder if Letty remembers it. Baka pagsisihan niya lang iyon.
"Nakita niya yung ex niya tapos nakita niya rin yung kaaway niya. Sinong hindi masisira ang gabi? Idagdag pang natapilok siya sa harapan nung kaaway niya. Sayang di mo nakita", paliwanag ni Letty kaya't sinamaan siya ng tingin ng Kuya niya. Kahit ganyan silang dalawa ang cute nilang tignan magkapatid. Sana manlang may Kuya din ako.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Sus. Sana manlang kapatid naalala mo yung ginawa mo kagabi!", halakhak ni Abel kaya't kinurot siya ni Letty sa braso.
"Naalala ko lang yung kalhating oras na pagsasayaw nila Cade at Piper", mapanuya nila akong tinignan.
"Sa palagay ko Letty dapat magmadali ka na", dali-dali akong kumain.
"Oo nga pala. Magdadala nga pala tayong meryenda para kay Cade este para sa mga magsasaka", natuto na siyang asarin ako porket wala kami sa mansyon at kasama niya ang magaling niyang Kuya. "Para sa lahat yun ng magsasaka hindi lang para kay Casimiro", depensa ko. Yun naman talaga ang layunin ko. Sa init ng araw at mahirap ang trabaho nila they deserve to be treated well.
"Ano ba talaga Casimiro o Cade? Madalas Casimiro ang tawag mo sa kanya. Minsan Cade. Hindi ko na maintindihan", tanong ni Letty sa akin. Si Abel naman ay parang may bumilya sa ulo ng sumagot siya.
"Kakaiba kasi kapag Casimiro siya lang ang tumatawag ng ganon sa kaibigan ko. Pabor iyon kay Cade dahil kinikilig ang kaibigan ko sa kanyang Liyag", laglag ang panga ko sa sinabi ni Abel. Paano niya nalaman na Liyag ang tawag sa akin ni Cade?
"May tawagan na pala kayo. Dalian mo ng kumain dyan Piper dahil katulad nga ng sinabi mo. Dadalhan pa natin ng meryenda ang mga magsasaka ninyo. Baka magutom sila. Sana lang hindi iyon makarating sa mga magulang mo", sambit ni Letty matapos kumuha muli ng isa pang bulos ng kanin.
"Ano naman kung makarating iyon?", nagkatingin silang dalawang magkapatid sa sinabi ko.
"Ah. Eh. Haha! Nagbibiro lang itong si Letty", pilit na ngumiti si Abel.
Sa katunayan nga, I'm sure Papa's gonna be happy dahil ang taga pagmana niya ay mabait sa mga trabahador niya.