Esta Guerra (Tagalog Version)

Chapter 22:Mga Anak Natin



Gumala ang mga mata ko sa mga kapwa kong magsasaka habang nakain kami ng sabay-sabay sa iisang hapag. Ang iba sa amin ay sa labas na ng kubo kumain dahil hindi na kami nagkasya sa loob. "Mabuti na lang at dinalhan tayong muli ni Senyorita ng makakain. Sakto at wala akong pang meryenda ngayon", sabi ng isa sa aking mga kasama. Isa rin siya sa mga matatandang nag tra-trabaho dito. Hindi katulad ni Mang Imben ay nakamit niya ang hustisya.

Napag alaman kasi nitong walang kinalaman ang mga Roshan sa pagkamatay ng kanyang asawa. Matagal na siyang byudo ngunit mas nauna siyang nawalan ng asawa kaysa kay Inay.

"Nako! Eh ampon! Kaya magkaiba talaga ang dugong nanalaytay sa batang yan!", nagtawanan sila sa sinabing iyon ni Aling Amalia. Isa rin sa pinaka matandang magsasaka sa bukid na ito. Halos magkanda kuba-kuba na siya sa pagtatanim pero wala pa rin sa bokabolaryo niya ang tumigil.

"Kuya, sana mas tumagal pa si Ate dito. Para naman palaging may pa meryenda. Ang sarap talaga ng sopas na dala niya. Siguro mas lalo kang humanga sa kanya", ngiting-ngiti sinabi ng kapatid ko habang pa simpleng kumuha ng isa pang kadlo ng sopas.

Parte-parte ang ginawang sopas nila Piper kaya nakalagay iyon sa plastik. Kada isang plastik ay isang tao ang katumbas pero hindi iyon ang aming sinunod dahil ang ibang magsasaka ay hindi naman madaming kumain. Ang iba kasi sa kanila ay dala ng katandaan hindi agad sila matunawan ng pagkain.

"Sinabi mo pa!", humalakhak na pag sang ayon ni Kruso. Isa sa din magsasaka. Nasa mid 40's na siya at magaling siyang makisama kahit kanino. Kaya isa siya sa mga tao dito na hindi napapag initan ni Mang Gracio.

"Pamilyar ang dalagang yan. Hindi ko lang mawari kung saan ko siya nakita", kumamot sa ulo ang matandang babaeng nakaupo din sa sahig katulad namin. Pinagmamasdan ko lamang si Piper habang nakikipagkwentuhan kay Mang Gracio. Samantalang si Letty naman ay salubong ang kilay tila inis sa pinag uusapan ng dalawa.

"Nako! Lola Amalia, baka imahinasyon mo lang yun!", sabi ng sarili niyang apo na si Umeng. Siya naman ay kasing edad ko pero hindi siya nagkaroon ng tsansang makatapos ng pag aaral.

Nang minsan ko siyang makakwentuhan sa inuman sinabi nitong hindi na siya kayang pag aralin ng kanyang Lola. Ang mga magulang kasi nito ay maagang pumanaw dahil sa sakit na hindi nila naagapan. Hindi rin siya nakakuha ng tulong pang pinansyal sa gobyerno.

"Umeng, kailan pa ko nag imahinasyon? Itong apo ko talaga ay laging tutol sa sinasabi ko. Basta't alan kong napanood ko na siya sa isa mga teleserye. Hindi ko lang maalala kung saan", kunot-noo siyang nag iisip habang nakahawak sa kanyang baba.

Napangiti ako dahil alam kong totoo ang tinutukoy niya. Kung meron lamang telebisyon ang karamihan sa kanila tiyak na makikilala agad nila si Piper. Bihira lang magpakita sa commercial ads ang isang ito. Parang dalawa hanggang tatlong commercial advertisements ko lang siya nakita. Matapos nito ay wala na. Hindi na iyon nasundan hanggang sa nagbago na ang endorser.

"Di naman kami nakakapanood sa TV kaya wala kaming maintindihan", sabi ng ilan pang matatanda doon na hindi ko nahimigan kung sino.

Nakatingin lamang ako kay Piper hanggang sa matapos akong kumain.

"Kamukha niya nga yung babaeng nasa Wayldest Drems ba yon, Umeng?", akala ko'y tapos na ang usapan nila tungkol kay Piper pero hindi pa pala pilit na giniginiit ng matanda ang opinyon nito.

"Wildest Dreams, La. Pero hindi ko iyon napanood. Alam mo namang wala kong hilig manood ng TV", pangangatwiran ng apo niya.

Napailing na lang ang mga magsasakang nakikinig sa usapan nila. Patuloy pa rin silang nagtatalo hanggang sa matapos ang lahat na kumain. Tumayo na ko sa aking kinauupuan at tumulong sa pag iimis. Hindi ko namalayan ang paglapit sa akin ni Piper kaya muntik pa niyang mabangga ang isang matandang malapit sa kanya. Kundi ko pa siya tinulak ay hindi siya makakaayos ng tindig.

Paano'y nawalan siya ng balanse sa paglalakad. Hindi siya sanay sa ganitong kahoy na tindigan.

"Pwede mo na kong bitawan", nakataas ang isang kilay niya. Saka ko lamang napagtantong nakahawak pala ko ng mahigpit sa kanyang bewang.

Kahit lalaki ako ay nakaramdam ako ng tila kilig sa aking puso. May kung anong kumiliti sa akin.

"Makatingin ka, Casimiro. Akala mo naman talaga...", hindi niya tinuloy ang kanyang sinabi dahil sa paglapit sa amin ni Letty. Tumulong din siya sa paglilinis ng pinggan at inagaw kay Piper ang mga iyon.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Ako ng maglilinis. Makita ka pa ni Mang Gracio ay malilintikan ako", simpleng sinabi nito saka diniretso sa kusina ang mga tray na pinaglalagyan ng pinggan na pinasa ni Piper sa kanyang mga kamay. "Please Letty! Ako na!", pagmamatigas nito at hinabol si Letty sa muntik lababo ng kubo. Sumunod naman ako ng makitang hinayaan siya ni Letty.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Letty bago siya tuluyang lumabas sa kubo. Si Mang Gracio naman ay tinanaw ko mula sa bintana. Nakapamewang ang isang kamay nito habang may kausap sa telepono.

"Bakit ikaw ang naghuhugas ng pinggan? Hindi mo gawain yan", inagaw ko sa kanya ang hawak niyang espongha. Nagtagpo ang kilay niyang ginuhit gamit ng lapis. Inagaw niya ang espongha sa akin bago tinuloy ang kanyang ginagawa. Tahimik lamang akong nanonood sa kanya hanggang sa siya na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Kailan ka ba titigil kakatitig dyan? I really hate it. Akala mo naman ay hindi ako maalam ng ganitong gawain", nananatili pa rin akong nakatingin sa kanya.

"What!?", padabog niyang binitawan ang espongha na nilagay niya sa palanggana.

"Ako ng gagawa nito", pinatabi ko siya at saka niya ko matamnan na tinignan.

"Kaya kong maghugas ng pinggan! Anong akala mo sa akin palamunin lang?", pagmamaktol nito. Wala naman akong sinabing ganon pero hindi ko alam kung bakit yun ang inisip niya.

"Hindi naman sa ganon. Ayoko lang alilain ka", dahil prinsesa kita.

Nakakrus ngayon ang kanyang mga braso saka nakasandal sa kahoy na pader habang pinagmamasdan ako.

"Gusto kong masanay sa gawaing bahay. Sabi kasi sa akin ni Letty ang gusto ng mga lalaki ay ang mga babaeng sanay sa mga ganong gawain", nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Napangiti ako ng makita kung paanong namula ang pisngi nito. Siguro ay nahihiya siya.

"Paano ako magiging ideal wife ng asawa ko kung simpleng paghuhugas ng pinggan ay hindi ko kaya?", dugtong pa nito.

Natutuwa ako sa reaksyon niya. Seryoso nga siya at dapat niyang malaman ang nasa isip ko.

"Kung ako ang magiging asawa mo hindi mo na kailangang matuto ng ganyang gawain. Ang kailangan mo lang ay maging mabuting asawa. Mahalin ako pati ang magiging anak natin", sandali siya natigilan sa sinabi ko habang ako naman ay nagpatuloy lang sa ginagawa ko.

Nang makahuma na siya sa sinabi ko ay umayos siya ng tayo. Namumula pa rin ang pisngi nito saka inayos ang iilang buhok niyang humarang sa kanyang mukha.

"Anak natin", tumawa siya ng kaunti.

"Bakit ayaw mo ba ng anak lang? Sige. Ilan bang mga anak ang gusto mo?", diniinan ko ang sambit ko sa salitang mga.

Humahalakhak ako ng hindi niya na kinaya ang sinabi ko. Tinanaw ko siyang lumapit kay Letty. Parang nagasumot na papel ang mukha nito. Pilit siyang kinausap ng kaibigan niya pero tila wala siyang naririnig.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.