Esta Guerra (Tagalog Version)

Chapter Chapter 23:Hindi kayo bagay



Masaya akong sinalubong ng mga estudyante ko ng makatapos na silang magpractice. Si Siege naman ay naabutan kong iniinis ang isa sa mga babaeng ka-grupo niya.

Paulit-ulit niyang ginugulo ang dalagang iyon. Iritado tumayo ang babae saka binuhat upuan nito palayo kay Siege. Kung hindi ako nagkakamali kapatid bunsong kapatid siya ni Mara at Mariel ang pangalan niya. "Sir, bakit po tanghali na kayong dumating?", bungad ng presidente nila.

"Hinintay ko pa kasi ang aking Ina galing sa palengke. Walang magbabantay sa bunso kong kapatid", tinukoy ko si Dero na nagsimula ang bakasyon nung isang linggo pang nakakaraan. Kung hindi ako nagkakamali ay malapit na ang graduation nila Abel.

"Marx, aalis na ko para sa isa ko pang klase. Sabihin mo sa mga kaklase mong ipasa na ang script na nagawa hanggang bukas", walang atubiling tumango ang estudyante ko sa aking sinabi.

"Sir, ayos lang po ba kung hand written? Wala kasi pang ambag ang iba kong kaklase. Yellow pad lang ang meron kami", sabi ng isa sa kanila. Ang isa sa mabait kong estudyante. Naka pony tail siya at may bakas pa ng pulbos sa mukha nito. Pinagmasdan ko ang ilang estudyante kong sumalubong sa akin kanina kita sa mga mata nila na totoo nga ang sinabi ng kanilang kaklase.

"O, sige. Basta ipasa niyo na lang bukas", iniwan ko silang may kanya-kanyang ginagawa upang makahabol sa susunod kong klase.

Alam kong pribadong paaralan ito pero naiintindihan kong hindi lahat sa kanila ay mayayaman at may sapat na pera para matutustusan sila ng kanilang mga magulang. Ang ilan sa kanila ay nakapasok lamang dito dahil sa scholarship na inalok ng eskwelahan.

Hindi katulad ng Del Pilar. Ang unang section ng Junior High ay tahimik kaya naging madali lamang ang klase ko sa kanila. Notebook at portfolio lamang ang requiremens ang tangi kong hiningi lamng sa kanila. Naging mabilis ang oras kaya't pauwi agad akong nag tricycle pauwi sa amin. Hindi ko na nagawang intayin pa si Cazue dahil paalam nito ay magagawin siyang proyekto kasama ang kanyang mga kaklase.

Naabutan kong nakatayo si Mara sa may tapat ng aming bahay. Patakbo akong lumapit ng makitang nagsusubukan sila ng tingin ni Piper. Sa tantya ko ay kanina pa sila nandon.

"Artista ka pala?", narinig kong tanong ni Mara sa kanya. Pilit ko siyang nilayo doon pero hindi ko siya mahigit sa kanyang braso.

"Bakit? Anong problema mo kung artista ako?", nagtatagis ang mga ngipin ni Piper. Kung bakit kasi pumunta ng walang pasabi si Mara. Naagapan ko sana ito.

"Problema ko? Wala naman. Ikaw itong may problema. Kundi ako nagkakamali ikaw yung nag post sa Instagram na mali-mali ang grammar? Tapos ang lakas mo pang mag explain eh hindi ka naman maintindihan ng mga tao. Mag tagalog ka na lang sa susunod para hindi ka mapahiya", hinigpitan ko ang hawak kay Mara upang malaman niyang dapat hindi niya na sinabi ang ganong bagay.

"Hindi kayo bagay ni Cade. Bobita ka. Puro ka lang ganda", dagdag pa nito.

Pumikit ng mariin si Piper sa sinabi sa kanya. Kita sa mga mata nito ang pagpipigil ng galit.

"Artista nga ako. Pero tao pa rin ako at nagkakamali. Wala kang karapatang husgahan ako. Okay. Sige. Bobita ako at puro lang ganda. Ikaw bobita ka na nga di ka pa maganda. Isama mo pa yang ugali mong kasing itim ng kili-kili mo", tinignan ko tinukoy ni Piper. Oo nga't kita iyon dahil sa naka sleeveless lang ang babaeng ngayon ay hinawi ang pagkakabitaw ko sa kanya.

"O! Ayan! Dinalhan kita ng makakain. Akala ko kasi ay nakauwi ka na kanina pa! Pero itong malanding ito ang naabutan ko!", iniabot niya sa akin ang hawak niyang plastik ng saging saka sumakay ng tricycle. Ni hindi manlang siya nagsabing aalis na siya.

Si Piper naman ay hindi manlang umalis sa kanyang kinatatayuan. Pinagmamasdan niya ang iniabot sa akin ni Mara. Nangangalit ang mga mata nitong tila may apoy.

"Wag mo na lang patulan si Mara, Liyag", iniwas niya ang kamay niyang dapat sana ay hahawakan ko.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Liyag? Bakit ngayon mo lang ako ulit tinawag na Liyag dahil ba nakita ko yung babae mo?", pagmamaktol niya pauwi kila Abel.

Ayoko sanang makipagtalo dahil pagod ako pero hindi ko magawang pigilan ang sarili ko. Ang makita siyang galit sa akin ay hindi ko makaya kahit pa hindi ko maintindihan kung anong kinagalit niya. "Babae ko? Ikaw lang ang babae ko, Liyag"

Ngayon ay tinulungan ko siyang buksan ang pultahan. Tinulak niya kong bahagya ng mabuksan iyon. Sandali siyang tumigil saka pagalit na tumingin sa akin.

"Sabihin mo nga. Ano ba ko sayo at ano si Mara sayo?", parang naiintindihan ko na ang pinagmulan ng galit niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Umiwas siya ng tingin ngunit hinawakan ko ang baba niya upang magtagpo ang aming mga mata. Malamlam yun na nakatingin sa akin.

"Wala tayong label pero gusto kita", nasilayan ko ang pag ngiti ng mapula niyang labi. Kung pwede lang sana ay hinalikan ko na iyon.

"Alam mo pala yung label?", natatawa niyang tanong.

"Bakit anong akala mo sa akin? Kahapon lang pinanganak?", natatawa ko din na tanong.

Bumitaw siya sa aming pagtitig saka naglakad ng tuluyan paloob ng bahay. Kusang napangiti ang labi ko kahit na nakatalikod na kaming dalawa sa isa't-isa. Gusto kong isipin na nagseselos siya pero sa isang parte ng isip ko ay baka binibigyan ko lang iyon ng malisya.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Ngiting wagas, Pre", muntik na kong atakihin sa puso dahil sa pagbungad ni Abel sa harap ko.

"Bakit parang nakakita ka ng multo?", tanong nito habang nailing-iling.

"Hindi multo ang nakita ko kundi gamit na pinaglumaan", humalakhak ako sa sarili kong sinabi. Ilang segundo ay naramdaman ko ang pagsuntok nito sa aking braso. "Cade, wag namang ganon", ngumuso ang kaibigan ko. Alam ko namang masakit pa rin ang puso ng isang ito. Inakbayan ko naman siya saka ginulo ang buhok.

"Oo na. Wag ka kasing magmadali", payo ko sa kanya.

"Palibhasa. Ikaw kuntento ng walang label", tumakbo siya kaya't hindi ko na siya hinabol.

"Anong sabi mo! Hoy!", hindi ko alam kung sumagot ba siya dahil katulad ni Piper ay nasa loob na siya ng bahay.

"Ligawan mo daw kasi si Senyorita", bigla na lang sumulpot parang kabute si Letty sa harap ko. Magkapatid nga silang dalawa.

"Wag niyo kasi akong pangunahan", hindi ko na tinignan ang reaksyon niya dahil tumakbo na kong pauwi sa bahay.

Naabutan kong nag aayos ng kasangkapan si Inay sa kusina.

"Mabuti naman at napapalapit na ang loob mo sa kanya. Pero anak tandaan mo hindi kayo bagay", seryoso nitong sabi ng kinuha niya ang lumang damit saka iyon tinastas.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.