Chapter 44: Good Talk
Hindi na kami nakapagkita ni Cade kinahapunan. Ayokong pwersahin siyang pumunta dito dahil pagod siya. Matipid din ang mga texts nito. Pero may halong lambing kaya hindi naman ako dismayado. Mamaya ay babawi naman siya. Sinabi niyang tatawagan niya ko.
Dahil sa gutom nauna na kong mag hapunan kila Mama dahil wala pa sila. Hindi manlang sila nagpasabi na magpapalate sila ng uwi. Hindi niya tinupad ang sinabi niya kanina. Sinabay ko na rin sina Manang Evy at ang dalawa pa naming kasambahay.
Kahit nakain ay hindi ko maiwasan isipin ang sulat. Gusto kong kuhanin iyon. Gusto kong basahin ulit sa isang pagkakataon.
"Senyorita", nagbalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses ni Letty. Nasa tabi ko siya.
"Hindi mo ba nagustuhan ang luto ko? Ipagluluto na lang kitang bago", akmang tatayo pa lamang si Manang Evy ng hinawakan ko ang braso niya.
"Hindi na Manang. May iniisip lang ako"
Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa tatlo na lang kaming natira. Sa palagay ko ay may alam si Manang Evy tungkol sa sulat. Sa tagal niyang nanilbihan dito kasama si Mang Ben ay imposibleng wala siyang alam kahit simpleng detalye. Nagsimula ng mag imis ng mga pinggan si Letty habang si Manang Evy naman ay nagpunas ng mesa.
"Bakit hindi ka pa magpahinga?", ani Manang Evy.
"May itatanong sana ako Manang", napatigil siya sa kanyang ginagawa.
"Yan ba yung iniisip mong malalim kanina?", tumango ako.
Hindi yata ako makakatulog ng ayos kapag hindi ko kaagad ito naitanong sa kanya.
"Nay sa kwarto lang ako", aniya Letty ng natapos niya ang ginagawa nito. Siguro ay gusto niyang magkaroon kami ng pribadong usapan ng kanyang Ina.
Nagmwestra akong umupo siya sa aking tabi at yon naman ang ginawa niya.
"May kilala po ba kayong Prescilla at Rafaelo?", pabulong na tanong ko dahil baka marinig ng iba pang tao sa bahay iyon. Mahirap na dahil pakiramdam ko ay may nakakubli sa sulat na iyon. Konektado pa naman iyon kay Mama. "Hindi sila malinaw sa memorya ko pero kilala sila ng dating nag tra-trabaho dito si Digna. Taga Laguna ang isang iyon", napaisip akong sandali dahil ang pangalang iyon ay nabanggit noon ni Papa nung bago palang nila ko pinadala sa Laguna.
Narinig ko sa usapan nila ni Mama na iyon dapat ang magbantay sa akin habang nandon ako but my Mom insisted hindi ko alam ang dahilan. Ilang beses siyang pinilit ni Papa pero sa ilang pagpilit na iyon ay nagalit lamang si Mama kaya sa huli ibang kasambahay ang kinuha nila.
"Bakit mo naman naitanong ang tungkol sa dalawang iyon? Si Rafaelo lang ang kilala ko", nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Inalog ko ang balikat nito sa kagustuhan na may gusto akong malaman.
"Sino po siya Manang?", tumayo ako sandali upang tignan kung dumating na sila Papa pero wala pa naman sila. Nakahinga ako ng maluwag.
"Si Rafaelo malapit siya sa mga Abarquez. Dati siyang magsasaka sa bayan na ito. Malapit din siya sa Mama mo. Yun lang ang alam ko sa kanya"
Isa lang ang nasa isip ko ngayon kailangan kong makita ang nasa larawan at kailangan kong hanapin si Digna. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko iba ito.
"Manang maiwan ko na kayo", nagmadali akong pumunta sa library. Hinanap ko ulit iyon. Naging mabilis ang pagkilos ko. Dapat kanina ko pa itong ginawa kundi lang nagtagal si Arrow dito. Muntik pa siyang abutin ng hapon.
Pagkalabas ko ay kaagad kong nakita si Mama kasunod niya si Papa na tinatanggal ang coat ng kanyang tuxedo. Nagmadali akong nag iba ng daan. Sa may pool area muna ako sandaling naupo. Nang makitang bumukas ang ilaw ng kwarto nila ay nagmadali naman akong pumasok sa loob. Abot-abot ang kaba ko patakbo sa hagdanan. Nawala lang iyon ng ni-lock ko ang pintuan.
Pinunasan ko ang nagbutil kong pawis saka umupo ako sa aking kama. Binuksan kong muli iyon. Ang mga larawan na kanina ko pang gustong tignan ay nandoon pa rin. Malabo iyon at nalipasan na ng panahon. Hinipan ko muna upang mawala ang gabok.
Ang larawang iyon ay pagsasalo-salo. Tinitigan kong maigi ang lahat nandoon. Sino dito ang dalawang iyon? Nandito rin si Mama. Kasama din ang Si Presigo Paez ang tatay ni Cade. Mas lalo akong naguluhan.
Tinignan ko pa ang ibang larawan. Nasagot ang tanong ko kung sino sina Prescilla at Rafaelo ng makita ko ang isang picture na may tatlo lang na tao. Nasa gitna ang isang babaeng hawig ni Mama. Nakahawak ang lalaki sa bewang ng babaeng iyon habang ang ngiti nito ay napaka ganda. Kulot ang buhok niya at makapal ang kilay.
Nang tinignan ko ang likod ng larawan ay may sulat. Sulat ng isang babae dahil sa ganda ng penmanship nito.
Rafaelo tanda ko pa kung gaanong ;kasaya tayo kasama si Leonora. Kailan kaya mauulit ang isang ito?
-Prescilla
Sa sunod na larawan ay nanginig ang mga kamay ko hindi dahil sa dalawang taong nandoon kundi sa isa pang sulat na nasa likod nito.
Maganda kayong magkapatid Prescilla sana ay palagi kayong ganyan. Masayang magkasama na para bang walang problema.
-Rafaelo
May kapatid si Mama? Pero bakit hindi niya yata iyon nabanggit sa akin? Kahit ang mga Tito at Tita ko ay hindi iyon nabanggit sa akin na may kapatid silang Prescilla. Anong nangyari? Nasaan na ang babaeng ito?
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Mukha naman silang magkasundo sa picture. Alam ba ito ni Papa? Kung alam niya bakit nila itinago.
Napatalon ako sa gulat ng biglaan ang pagkatok sa pintuan pati ang boses nitong nagpalamig sa buo kong katawan.
"Anak? Piper? Sorry we're late. Have you already eaten?", si Mama iyon.
Pinakalma ko ang aking sarili. Ilang beses akong nagpakawala ng paghinga bago sumagot.
"Opo, Ma tapos na ko", nagmadali akong imisin ang nasa kama ko. Ang takot kong makita iyon. Tinago ko iyon sa drawer ko sa pagitan ng aking mga damit. Binuksan ko ang pinto saka lumabas.
"Bakit ang tagal mo yata?", sabi ni Mama.
"I took a half bath", pagsisinungaling ko. Mukha naman siyang kumbinsido.
Nang bumaba galing sa pangalawang palapag ay pasimpleng sumitsit sa akin si Letty.
"Ma kumain na kayo ni Papa masarap ang ulam ngayon", hinigit ko naman siya sa may kusina saka pinaghila ng upuan. Si Papa naman ay kanina pang nandoon habang nakikipag usap sa telepono. Lumapit ako kay Letty na nasa sala.
"Si Cade nandyan", bulalas nito ngunit mahina. Nagmadali akong lumabas.
"Nasa may pool area", pahabol nito.
Tama nga siya nakatayo si Cade sa may gate nito. Kumaway siya at nakuha niya pang ngumiti. Patakbo akong lumapit sa kanya. Hinigit ko siya sa may kubong nandoon.
"Cade! Delikado at nakuha mo pang pumunta ng gantong oras!", nakangiti lamang siya.
Lumapit siya sa akin. Ang paghinga niya ay ramdam ko sa aking noo. Para bang dinadala ako nito at nanghihina ang buong sistema ko. Nadagdagan pa iyon ng ilang bultahe ng kuryente dahil sa paghaplos niya sa aking mga braso. Napunta iyon sa aking bewang at hinigit akong payakap sa kanya.
"Nangulila ako sayo, Liyag", pagod ang paghinga niya.
Nagtama ang aming mga mata ng tinitigan ko siya.
"Pwede ba kitang halikan?", namula ako sa tanong nito. Kinagat ko ang aking ibabang labi.
"Bakit mo pa kailangang itanong?", nahiya kong sambit.
"Natatakot akong tanggihan mo ko", nakatitig pa rin ang mga mata niyang tila kinukulong ako doon.
"Hindi ako makakatanggi sayo Cade. Wag ka ng magpaalam", ngumiti ako na dahilan ng pag ngiti niya.
Sandali ang paghalik nitong nakakalasing na pinawala ako sa aking sistema. Gustong-gusto ko siya. Hindi lang yon. Mahal na mahal ko siya.
Bumitaw ang hawak niya ng dahil sa pagtawag ni Mama.
"Anak? Anong ginagawa mo dyan?"
Inupo ko si Cade sa upuan doon.
"Wag kang aalis dito", tumango naman siya na tila batang masunurin.
Lumabas ako ng kubo.
"Meron Ma. Kausap ko si Aria sa phone", ito na naman ang kabang naramdaman ko kanina lang.
"Oh, okay. Have a good talk with her"
Nang masiguradong pumasok na siya ay binalikan ko si Cade.
Mapanuya ang ngiti nito ng tumayo siya. "Have a good talk with me daw. Paano mo ba gagawin yon? Show me"
Tila ba nilipad ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinambit niya.
"Pero hindi naman ikaw ang tinutukoy ni Mama kundi si Aria", nanginginig kong sabi.