Chapter 43: Sulat
"I'm okay you dont need to this", ani ko kay Arrow. Nadatnan niya kong nakain sa kusina.
Nilagay niya sa plato ang hiniwa niyang mansanas at mangga. Humalumbaba siyang tumabi sa akin para bang isang specime ako na ineeksamina niya.
"Pinagluto ka ni Manang Evy ng sopas?", nakatitig pa rin ang mga mata niyang itim sa akin.
Tumango nga lang ako.
"I thought your busy? Hindi ba't may ginagawa kang projects para sa mga Mondal"
Tinukoy niya ang tungkol sa project na iyon nung kasama namin sa dinner ang pamilya niya. Yun ang isang dahilan niya kung bakit siya umuwi dito. Maliban sa gusto niyang magpatuloy na manligaw sa akin. Ang sabi niya ay gusto niyang ikasal sa katulad ko. He couldn't sacrifice and give up everything for me. But I won't buy that. Kilala ko siya maluho siyang tao.
"Pero gusto kitang isingit sa schedule ko", sabi nito saka bumawas sa ubas na dinala niya rin para sa akin.
Pinaglagay niya ko ng tubig sa baso saka pinainom iyon sa akin. Para bang pagkabaldado ang sakit ko dahil sa inaasal niya. "Akala ko ba ay ayaw mo sa mga Mondal?"
Kababata niya ang dalawang Mondal pero hindi ko alam kung bakit biglaan ang pagkamuhi niya sa mga iyon. Especially to Rendelle, ang panganay sa dalawang magkapatid.
Childhood bestfriend sila, my Mom told about that story to me. Akala niya nga ay kay Sabrina magkakaroon ng feelings itong si Arrow. Hindi kasi ako pansinin noong bata ako. I'm not beautiful when I was in elementary days. Palaging hanap ni Arrow si Sabrina, ang nakakabatang kapatid ni Rendelle.
"Business is business. It doesn't matter to me anymore. Saka mga magulang naman nila ang magbabayad sa akin hindi sila"
Inalalayan niya ko sa pagtayo dahil sa muntik kong pagkatumba.
"Oh! Looks who's here?!", Mom said. She's wearing a cream Pierette dress. Para siyang isang taong may royal blood dahil don. I'm a little bit stunned because my Mom still looks younger kahit pa nasa 40's na ang edad nito.
I love how she drew her own eye lashes it's a classic style. Binagayan niya iyon ng light make up.
"Tita! You look gorgeous", bati ni Arrow na nakipagbeso-beso sa kanya.
"Ma, bakit hindi yata business matters ang pakay niyo sa pupuntahan niyo?", para bang bisita siya sa engrandeng okasyon.
"Kasama na rin iyon, Anak. Kinasal kasi si Charlotte sa bago niyang asawa", ang nanay ni Guinevere. Hindi ko alam kung nakailang asawa na siya. Ang huling kasal na inimbita niya ko ay nung nag aaral pa ko ng kolehiyo. Parang kailan lang naiyak siya kay Mama pero ngayon ay ikakasal na siya.
Parang natural na sa kanya ang papalit-palit ng asawa. Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ni Guinevere. Kung sabagay hindi naman kami close.
"Gusto ko sanang isama ka dahil ang reception ng kasal ay sa country club natin", aniya.
Maaliwalas ang mukha nitong nakatingin kay Arrow. Palagi namang ganito siya kapag si Arrow ay nasa tabi ko.
"Pero mabuti na lang nandito ang binatang ito para alagaan ka", nagtawanan silang dalawa. Mahina ang paghampas ni Mama sa braso niya. Habang ako ay nabuburyo sa sinabi niya. Mas lalo yata akong magkakasakit dahil sa ginigiit niya.
"Where's Papa? Hindi ba siya sasama?", kakasabi ko lang ay nakasunod siya sa likod. Inayos ni Mama ang coat ng tuxedo niya. Their clothes match together.
Malinis ang pagkakaayos ng buhok ni Papa kaya siguro siya natagalan. Ang pabangong malambing sa ilong ni Mama ay natalo ng pabango niyang mamahalin.
"Arrow, ingatan mo si Piper. We'll be back before dinner. Kung gusto mo ay dito ka na maghapunan"
Sandaling nanlaki ang mga mata ko. Agad kong pinulot ang ubas na nalaglag ko. Wrong idea! Dahil gusto kong makita si Cade mamaya. Hindi siya pwedeng magtagal dito.
Umayos ako ng upo sa paghihintay ng isasagot ni Arrow.
"Hindi na po, Tito. Maybe next time"
Para bang nabunutan ako ng tinik.
"Nagpunta din ako Tita kasi gusto ko sanang manghiram ng libro about business"
Madaming librong ganon ang aking mga magulang. Dun nila natutunan kung paano magpatakbo ng negosyo. Pero mas mahilig si Mama magbasa kaysa kay Papa. Mas gusto kasi ni Papa na pinapanood kaysa binabasa... "Anak samahan mo na lang siyang maghanap. Hindi ko na rin kasi tanda kung saan bang bookshelf iyon na nakalagay", aniya Mama.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Okay. Then Aalis na kami. Don't forget to drink your medicine", sabi ni Papa saka hinalikan ako sa pisngi bago sila umalis. Ganon din ang ginawa ni Mama.
Naubos ang dalawang oras ni Arrow sa panonood ng TV sa aking kwarto. Gusto ko sanang sa living room na lang siya perp ayaw niyang pumayag. Gusto niya kong bantayan. Bumangon ako saka hinipo ang sarili kong noon. "Thanks, God"
Hibas na ang sinat ko.
Pinatay ni Arrow ang TV ng makita niyang lumabas ako. Sumunod siya sa akin ng iginaya ko siya sa opisina ni Papa. May iilan pang talulot ng puting rosas na kanina kong nakita. Nasaan na kaya iyon? Sayang naman kung tinapon lang.
"Hindi ko akalain na ganito kaganda ang silid-aklatan ng Papa mo", his jaw dropped because of the classic spanish vibrants that can be seen to the walls and ceilings of it. "Dun ka sa kabilang side maghanap ako naman dito", hindi naman siya tumutol sa sinabi ko.
Kasabay ng paghakbang ko ang pagbagtas ng mga daliri ko sa librong nakasalansan pa-alpabetiko.
Hindi ko naman lahat tinignan ang pamagat ng lahat ng libro. Panay kasi mga tungkol sa pag ibig, pagkamuhi at pagbubuyo sa buhay ang nandoon.
Tumigil ako ng may nakitang librong may iba ang pagkakabalat. Kumpara sa mga nandoon ay may kalumaan ito.
"Romeo and Juliet", pagbasa ko sa pamagat.
Iilang pahina palang ang natignan ko ng may mga litratong bumagsak sa sahig galing doon. Kasama nito ang papel na pinaglumaan ng panahon.
Sumilip ako sa pagitan ng bookshelves tinignan kung tapos na si Arrow sa kanyang paghahanap. Nang mapagtantong hindi pa ay umupo ako sa sahig para basahin ang sulat.
Sa Aking Sinta,
Prescilla hindi ko akalain na aabot tayo sa ganito. Malaki ang pasasalamat ko kay Leonora. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi tayo tatagal. Mali ang pag aakala ko sa kanya sa una nating pagkikita pero ng tumagal ay iba pala siya. Magkasing bait kayo aking Sinta
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Matagal-tagal din tayong hindi nagkita kaya't ramdam ko ang pangungulila. Kumusta ang pagbubuntis mo?
Huwag kang mag alala pag uwi mo ng probinsya ay maipagmamalaki mo na ko.
Binalita sa akin ni Flora ang nangyari. Sana ay ayos ka lang. Huwag mo kong intindihin nakakasama iyan para sa ating anghel.
Si Josefina ay kakandidato bilang bagong puno ng El Preve. Hindi niya nais na maging kaaway ka. Ngunit bilang kaibigan ay gusto niyang igalang mo ang desisyon niya. Hindi niya rin nais na makuha ang iyong suporta ng sapilitan. Nasa sa iyo ang desisyon yun ang nais niyang ipabatid.
Ano nga palang ipapangalan mo sa ating anak? Nanabik na kong makita siya.
Kagaya ng napagkasunduan natin ay sa bukirin tayo titira, o hindi kaya naman sa kabundukan kung saan malayo ang paghuhusga.
Muli akong susulat matapos ang isang buwan. Maghihintay ako sa iyong pabalik na pagsulat.
-Nagmamahal Rafaello
Nanuyo ng biglaan ang aking lalamunan kasabay ng pagsikip ng aking dibdib.
"Piper? Nahanap ko na yung libro. Nasaan ka?"
Papalapit ang paghakbang niya kung nasaan ako. Kaya nagmadali akong imisin ang nakita ko. Binalik ko iyon sa pwesto kung saan ko nakita.
Malaki ang pag ahon at sulong ng paghinga ko ng makita siyang nasa harap ko. Nakaipit sa pagitan ng kanyang braso ang libro niyang hinanap.
"Bakit parang nakakita ka ng multo?"
Inayos ko ang aking buhok.
"Hindi naman. Nagulat lang ako sayo"
Umuna siyang maglakad sa akin habang ako ay nag iisip kung paano ko makukuha ang librong iyon. Gusto kong makita ang mga larawan na nandoon. Kung hindi lang dumating si Arrow ay matitigan ko kung sino ang mga nandoon. Pero mas lalo akong nahiwagaan sino sila Prescilla at Rafaelo.
Ano ang ibig sabihin ng sulat?