Chapter 45: Napaibig
"Anak hindi na", sabi ni Mama habang binabasa ang dokumentong iniwan ng abogado nito sa kanya.
Nasa may opisina kami ni Papa.
Nakaupo ako sa isa sa mga mahabang upuang nandoon.
"Ma please! Malapit na kong umalis. Isa at kalhating buwan na lang", pagpupumilit ko. Ayaw niya kong bumalik kila Letty dahilan niya ay mapanganib doon. Nalaman niyang may mga rebeldeng grupo muli ang nagpakita sa baryong iyon. Nagpaalam din ako kay Papa pero ang sabi nito ay na kay Mama pa rin ang desisyon. Ngunit heto nahihirapan akong kumbinsihin siya.
Napag usapan pa naman namin ni Cade na mamasyal kaming perya mamayang gabi.
"It's dangerous for you anak. Makinig ka na lang", tumayo siya matapos pirmahan ang ilang papeles. Si Atty. Tecson naman ay may binulong sa kanya.
"We'll talk about it later", sabi ni Mama at tumango ang lalaking malinis ang pagkakagupit.
"Piper listen to me okay? You should come back in Laguna. Hindi na maganda ang ihip ng hangin ng lugar na ito. It's for your safety", hinaplos niya ang buhok ko saka niyakap sandali.
Her eyes looks tired. Hindi na lamang ako nakipagtalo. Mapapagod lang ako. Saka may isa pa naman akong binabalak. Sa isip ko ay napangiti ako.
"Sige, Ma hindi na ko pupunta doon. Pero hindi pa rin ako babalik ng Laguna"
Ngumiti ako sa kanya saka iniwan siyang hinahaplos ang sariling sentinido.
"Hindi yon pwede", pagmamatigas ni Letty ng inagaw niya sa akin ang kobre kamang nilabhan niya.
"Letty? Please?", ngumuso ako saka pinagkrus ang kamay ko pero parang walang talab sa kanya. Patuloy lang siya sa pagsasampay. "Just for once!", pagmamaakawa ko.
"Sabihin mo na lang kay Cade na hindi ka pwede. Maiintindihan niya yon", tamad siyang tumingin sa akin pero hindi ko pa rin siya tinigilan.
Natulog akong maghapon. Hindi rin naman natawag si Cade kaya inip ako. Ayoko rin manood ng TV dahil puro kaplastikan ang nandoon lalo na yung tungkol sa showbiz.
Ilang beses akong bumangon sa kama bago nag isip-isip. Siguro si Abel na lang ang isasama ko. Pero hindi rin siya sumasagot sa tawag ko.
Dumating ang gabing iniintay ko. Sabay-sabay kaming kumain nila Papa. Masaya silang nag uusap ni Mama sa mga bagay na tungkol sa mga ka-sosyo namin sa negosyo.
Bawat pagsubo ko ng pagkain ay nakatingin ako sa wall clock. The sound of it gives an exciting feeling to me.
"Hey? Focus on your food", aniya Papa. Nagtaka akong napatingin sa pagkain kong kaunti lang ang bawas.
"By the way hindi ba nabanggit sayo ni Arrow na ang pamilya niya ang mag aasikaso for your upcoming birthday?", sambit ni Mama saka pinaglagay ng tubig si Papa sa baso nito.
Oo nga pala. Anong araw na ba ngayon? Hindi ko namalayan na malapit na ang birthday ko. Parang kailan lang ng nagpunta ako dito. Bumibilis ang araw kasabay nito ang pagkonti ng oras namin ni Cade ng magkasama. "Senyorita!", aniya Sandra isa sa aming kasambahay. Hindi ko alam kung bakit alas otso ng gabi ay nandito siya sa labas.
Ilang beses akong dumungaw kanina pero hindi ko siya napansin.
"Saan ka pupunta, Senyorita?", napansin niya ang bestida pang alis saka ang bucket hat ko.
"Sa perya. But please don't tell anybody okay? At saka...", tumingin ako sa paligid. Nasulyapan ko ang lalaking kumamot sa ulo bago kumaway sa akin.
Lumapit siya dahil sa pag senyas ko. Hindi ko siya kilala. He's wearing an extra size shirt and maong pants.
"Boyfriend ko pa siya", hagikhik ni Sandra. Nahihiya pang tumango ang lalaki.
"Ako po si Betong", pagpapakilala niya.
"Nice name. Anyway, pwede alam mo ba ang papuntang perya?"
Nagkatinginan silang dalawa saka nagsikuhan bago si Betong sumagot.
"Opo, Senyorita. Pero malay iyon dito baka kung anong mangyari sa inyo", banta nito. Akala niya yata ay makukumbinsi niya ko.
"Samahan mo ko. Kung gustong sumama ni Sandra ay ayos lang sa akin. Magdate kayo while I'm doing my own business", ngumuso siya sa sinabi ko at tila nagliwanag mga mata.
"Matagal-tagal na rin tayong hindi nakakapagdate", bulong ni Betong sa kasintahan niya. Ako naman ay inip na pinagmamasdan ang relo sa aking palapulsahan.
Hindi kaya nandoon na si Cade? Wala manlang siyang text sa akin.
"Don't worry. It won't take long. We'll go home before midnight ", probably my Mom will gonna check my bed that time kaya dapat nasa bahay na ko non. Madalas niyang gawin iyon to make sure that I have a good night sleep. Noon kasi ay madalas akong makaisip ng kung anu-ano kaya hindi ako makatulog.
May oras pang tinitimpla niya ko ng gatas o hindi kaya si Manang Evy.
"Nako! Sinasabi ko na sa inyo. Malilintikan ako nila Donya at Don kapag wala pa tayo sa bahay saka kapag may nangyari sa inyong masama", natutulig na nga ako sa ingay ng tricycle ay dinagdag niya pa. Siguro ay dapat i-record ko ang sasabihin niya para hindi siya paulit-ulit.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Wag kang makulit Sandra. It won't take long. Ilang ulit ko pa bang dapat sabihin iyon sayo? Saka di ba kasama natin si Betong. Walang mangyayaring masama", kumalma naman siya sa sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nanginginig. Ang lamig nito ay gumapang sa aking palad. Totoo ngang nag aalala siya.
Hindi ko alam kung dahil ba ito sa akin o baka kinabukasan ay mawalan siya ng trabaho.
"Akong bahala kung sakaling mabuking tayo", sambit ko.
Pagkababa namin ng tricycle ay saka lang ako nakareceive ng text kay Cade.
Liyag:
Nasa puno ako ng Narra naka saklob.
Hinanap ko ang puno ng Narra. Marami ang tao kung kaya't natatakluban ang kung sinong nakatayo doon.
Para bang kusang humawi iyon ng lumakad papunta sa pwesto. I can hear my heartbeats fast. My sweat suddenly became cold.
I heavily breathing as I saw him smiling at me.
"Totoo pala ang winika ng ilang magsasaka Senyorita", sabi ni Sandra sa tabi ko.
Si Betong naman ay gulat ng makita si Cade.
"Winika ng tungkol saan?", tanong ko sa kanya pero hindi pa rin napuputol ang tingin ko kay Cade.
I'm crazily into him.
"Na napaibig ka raw ng isang magsasaka", ngumiti ako sa dinugtong niya.
"Gusto ko kung paano silang magtanim ng pag ibig at alagaan ito kagaya ng isang palay", hindi ko alam kung kailan pa ko natutong magtalinhaga ng mga salita.
"Pero Senyorita mag iingat kayo. Nauulit ang mga bagay", sabi niya kaya't napatingin ako.
"Nako! Wala iyon. Aalis muna kami ni Betong. Mag ingat kayo, Senyorita. Magtext ka sa akin ha", aniya saka hinigit palayo ang kasintahan papunta sa carousel. Sinalubong agad ako ni Cade ng matamis niyang halik. Sandaling haplos ng labi niya sa akin.
"Nasaan si Letty?", naghanap siya sa likuran ko.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Mahabang kwento pero wag kang mag alala. Si Sandra ang kasama ko pauwi", tila hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.
"Ihahatid kita", pero umiling ako. Hindi iyon alok kundi kagustuhan niyang ihatid ako.
"Cade wag na", sabi ko.
"Payagan mo ako. Gusto kong ligtas ka. Gustong-gusto kitang sunduin sa bahay ninyo pero ayaw mo. Kaya sana sa paghatid sayo, payagan mo ako" Nagkatitigan kaming dalawa. Ang magandang ilaw ng buwan ay kitang-kita ko sa itim niyang mga mata.
"Sige", ngumiti ako sa ikapapanatag ng loob niya.
"Mag mask ka. Baka makilala ka ng mga tao dito", bulong ni Cade.
Mabuti nga't madilim ang pwesto kung nasaan kami.
"Pare!", aniya Abel biglang sumulpot sa likod ni Cade. Kasama ang isang pamilyar na babae.
"Lois!?", hindi ko napigilan ang pagkagulat ng makita silang magkahawak kamay. Naguluhan ako.
"Tamang-tama double date ito", sabi ni Abel pero mariin ang pag iling ng kaibigan niya.
It means they are officially dating?
Alam ba ito ng pamilya niya? O kahit manlang ni Arrow?
"Ayoko. Gusto kong masolo ang oras ko sa kanya", nagkibit-balikat si Abel sa sinabi ni Cade.
"That's so romantic!", hagikhik ni Lois sa isang tabi.
"Romantic din ako ah? Hindi ba ko romantic?", tanong ni Abel.
They looks sweet! Akala ko pa naman ay magkaaway sila noon.
"Tara iwan na natin ang dalawang yan", bulong ni Cade habang naglalambingan ang dalawa.