Chapter CHAPTER 9.1
DAHIL nakapaglabas ng sama ng loob kay Keegan kagabi, kahit paano e pumasok ng trabaho si Lyle na magaan ang loob. Hindi na tulad kagabi na halos hindi niya maituon ang atensyon sa trabaho, ngayon e kahit paano, ganado siyang tapusin ang mga naiwang sketches na kagabi ay pinagkakatulalaan niya na lang.
"Sabi mo kagabi, pupunta ka na naman sa café no'ng kaibigan ni Ridge. Napapadalas ka ro'n, a."
Natigilan si Lyle mula sa pag-eeksamina ng mga damit nang marinig ang pagpuna sa kanya ng kaibigang si Keegan. Binisita siya nito ngayon sa trabaho dahil naka-vacation leave ito sa gym. Pagod din daw ito sa trabaho kagabi ngunit ayaw na mabagot kaya siya kaagad ang unang pinuntahan. Aalis din daw ito bukas at may dadaluhang event sa Manila, hindi niya alam kung para saan pero ang sabi ni Keegan, para raw iyon sa mga katulad niya na mahilig sa anime at laro. "Oo nga pala, binisita mo ako," natatawa niyang sabi dahil nakalimutan niya talaga ang presensya nito malapit sa kanya.
Naging dahilan ng pagbusangot ni Keegan ang sagot niya. "Tang ina, concerned pa 'ko sa 'yo at baka nagda-drama ka na naman ngayon pero limot mo na agad ako? 'Di ako display dito."
"Alam ko, alam ko. Sorry na."
Pinasadahan niya ng mabilis na tingin ang binata at tipid na ngumiti ngunit ibinalik din kaagad ang mga mata sa tinatrabaho niyang damit. Mabusisi niya itong ineeksamina dahil crucial para sa trabaho at career ni Lyle ang mga damit na idinidisenyo. Maging ang pinaka maliliit na detalye sa bawat tahi, pinupuna niya at ayaw niyang magkaroon ng aberya. Hindi pwede sa kanya ang 'pwede na'.
Ipinagkrus ni Keegan ang mga braso bago rin pinasadahan ng tingin mula taas hanggang baba ang damit na tinitignan ni Lyle ngayon.
"Tinatanong kita, napapadalas ka ngayon sa café no'ng kabarkada ni Ridge?"
"Medyo," mahinang sagot niya. Mahina rin siyang natawa, "masarap kasi ang pagkain do'n. Bukod diyan, ang ganda ng ambience ng lugar. Ilang beses ka nang pumunta ro'n, 'di mo ba napapansin na ang relaxing ng lugar?"
Humimig si Keegan, senyales na sang-ayon ito sa sinasabi niya. May bahid din ng kapilyuhan sa mga mata nito ngunit hindi iyon napapansin ni Lyle dahil ang buong atensyon e nakatuon lamang sa damit na inaasikaso. Para sa kanya, mas mainam kung dire-diretso siyang magtatrabaho para mas matagal siyang makapanatili sa café mamaya. Gusto niyang kausap si Gian dahil lumipas na ang tampo niya at ilang beses niyang sasabihin at ipagdidiinan ang ideya pero walang kasalanan ang binata sa nangyari-wala itong kinalaman sa lungkot na bumalot sa dibdib niya kagabi.
"Baka mamaya Ly, 'di pala siya 'yong may gusto sa 'yo. Ikaw pala ang interesado sa kanya."
Lyle turned to Keegan and stared at him incredulously. "Anong pinagsasasabi mo? Naaalala mo pa ba kung ano 'yong mga pinag-usapan natin kagabi?"
"Syempre naman. E kaso, ang bilis mong naka-get over no'ng bigla kang tumigil sa pagda-drama saka bumulong nang: 'di ako pwedeng makita ni Gian na ganito bukas."
Nag-isang linya ang mga labi niya at halos mapanguso pa nang maalalang sinabi nga niya iyon noong nahimasmasan na siya sa sakit. Gusto niya tuloy matawa dahil sa kahihiyan. Totoo naman kasi. Noong mga oras na nalulugmok na siya, pumasok sa isipan niyang nagkasundo sila ni Gian na magkikita ngayon tapos umatras lahat ng luha niya. Ano ba iyan, nakakahiya at si Keegan pa ang nakakita noon. Kaya pala siya inaasar ngayon. "Nagmumukmok pa rin ako, a."
"Nyenye, lokohin mo lelang mo, Villariza! Oras lang ang itinagal ng pagmumukmok mo!"
Nagtataka niya itong pinagmasdan. "Pa'no mo naman nasabing oras lang? Malungkot pa rin naman ako, e. Bearable lang."
Matapos magtanong, tinawag niya ang atensyon ni Abbie-ang nagtahi noong damit na ineeksamina niya saka niya ito ibinalik sa dalaga. Kaunting revisions na lamang ang ipinagawa niya dahil halos perpekto na ang damit. Natuwa ang dalaga dahil hindi marami ang ipinapaayos niya rito. Natuwa rin siya dahil pinag-igihan ni Abbie ang trabaho, baka bilhan niya ito ng tsokolate mamaya bilang reward.
Noong mawala na ang dalaga sa pananaw nila, bumaling ulit siya sa kaibigang noon ay nakapameywang at pinanonood pala siya. May naglalarong pilyong ngiti sa mga labi nito at halos maningkit ang mga mata upang iriin ang kalokohang tumatakbo sa isip.
"Seryoso Ly, burado na 'yong stress sa mukha mo, boy! Baka naman siya na ang bagong magpapasaya sa 'yo?"
Natigilan siya at namilog ang mga mata. Muntik siyang masamid sa sariling laway imbes na matawanan ang sinabi nitong may sayad niyang kaibigan. Umawang din ang mga labi niya. Grabe, hindi naman daw siya makapaniwalang ganyan na pala ang tumatakbo sa isip nitong isang ito!
"Sira ulo ka." Napahalakhak siya kalaunan upang itago ang hiya. "Walang kinalaman si Gian dito, Kee. Naging kaibigan ko lang 'yong tao, binibigyang malisya mo naman." Humimig si Keegan. "Pero magkatawagan din kayo buong gabi? Tinext mo pa no'ng pauwi ka na at baka kamo 'di pa natulog."
"Tumigil ka nga. Nag-aalala ako sa tao at may sakit pa iyon."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Imbes na makumbinsi na lamang sa sinabi niya at hayaan na lamang ang isyu na tangayin ng hangin, patuloy pa rin siyang inasar ng kaibigan. Nabatukan na nga niya si Keegan pero humagalpak lamang ito ng tawa dahil ang defensive raw niya. Ang sabi naman ni Lyle, paano naman kung wala siyang reaksyon? Edi iisipin din ni Keegan na may gusto siya kay Gian? Either way, the end game of this entire mischief will lead upon the idea that he might be interested on the other male. Kaibigan lang naman! Pagkakaibigan lang ang habol niya sa isa! He never saw Gian that way.
"Kaya excited ka ngayon na pumunta sa café niya dahil magaling na siya?"
"Bwisit ka talaga." Malalim na bumuntong hininga si Lyle bago napahilot ng sentido. Itong si Keegan, porket walang tulog, siya ang pinagti-trip-an e pareho lang naman silang wala pang pahinga. "Tama na nga 'yan, marami pa 'kong trabaho. 'Wag mo rin akong istorbohin, ayaw mo bang makapananghalian tayo ng maaga?"
"Ah, oo nga pala. Sige na." Bahagyang umatras si Keegan at itinaas hanggang dibdib ang mga kamay. His hand kept on doing gestures and Lyle assumes that this is his way of saying that he would behave until the moment he is finished with his pile of work. "Magtrabaho ka na riyan, baka malipasan pa tayo ng gutom sa tagal mong mag-usisa ng damit e."
Ayan. Lihim siyang napaismid. Kaunti na lang talaga e gagawin na niyang aso itong si Keegan. Masunurin lang kasi basta may kapalit.
KINAKABAHANG napakurap-kurap si Gian habang nagpapabalik-balik ang tingin kay Lyle at sa kaibigan nito. Ewan ba niya pero kanina pa siya natatakot sa kasama nitong si Lyle. Paano ba naman kasi, kanina pa ito nakangisi sa kanya at ang lakas ng pakiramdam niyang wala iyong dulot na maganda sa parte niya. Naaalala niya si Zachariel sa aura-han nito pero mas gusto kasi niyang si Zachariel ang manti-trip sa kanya dahil iyon, kinalakhan na niya ang mga kalokohan. Nasa counter siya ngayong mga oras na ito. Nagboluntaryong kukuha ng iilang orders at delivery pansamantala upang makatulong sa sarili niyang café. Wala na rin kasi siyang gagawin sa opisina, tinatamad na magbilang ng perang kinita. Maayos din ang lakad ng trabaho niya kanina hanggang sa dumating ang dalawa.
"Pasensya ka na, Gian. Wala kasing magawa 'tong si Keegan lalo na't naka-VL sa trabaho," ani Lyle bago napasapo sa noo bumuntong hininga.
Ayos lang naman sa kanya. Ang hindi niya lang magustuhan ay ang kapilyuhang ibinubuga ng pagkatao nito. Hindi naman sa hindi niya gusto ng ganitong klase ng mga tao, hindi rin naman siya judgmental. Iyon nga lang, may kakaiba kay Keegan.
Parang ano, parang pinalaki ito para maging siga sa kanto-kanto?
"Ikaw 'yong kaibigan ni Ridge, 'di ba?" Iyan ang bungad na tanong sa kanya ng isa at pareho silang nagulat ni Lyle. May kung ano sa boses nito na dahilan upang bigla siyang pangilabutan. Hindi niya matukoy kung bakit siya nanlamig. At napansin din siguro ni Lyle ang takot sa mukha niya o hindi naman kaya e nakita nito ang bahagya niyang pagpiksi noong kausapin siya nito. Nang rumehistrong walang balak magsalita si Gian dala ng matinding intimidasyon, siniko ni Lyle ang kaibigan, dahilan para ilang beses itong mapaaray habang hinihimas ang parte ng tagilirang nasiko.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Pasensya ka na talaga, Gian. Hayaan mo na 'to, mabait naman 'tong si Keegan. Mukha lang maloko," paliwanag ni Lyle.
Diyan siya nagtaka kung bakit mayroong kaibigang mukhang mambabali ng leeg ang binata, e. Nakakatakot.
"Good afternoon." Pilit siyang ngumiti pero hindi umabot hanggang tenga ang kurba sa mga labi niya. "Ayos lang Lyle, anong sa inyo?
Bagamat labag sa loob niyang i-entertain ang dalawa, siya naman kasi ang nagboluntaryong dito muna. Pero sa totoo lang, gusto na lamang niyang lamunin ng lupa tapos magkukulong na lamang ulit siya sa opisina at magbibilang ng pera. Dapat yata, iyon na lang ang ginawa niya e. Kaso bawal niyang ipasa ang trabaho dahil lang hindi niya magawang matuwa sa kasama ni Lyle.
The good thing though, is that it was Lyle who placed their orders. Hindi niya kasi alam ang magiging reaksyon kung si Keegan pa. Despite that, he feels the intense gaze that Keegan had been sending on his way. Hindi niya maintindihan kung bakit tila ineeksamina siya nito pero ilang beses na siyang napamura sa isipan habang nagkukunwari siyang kalmado. Ah, kaso ang hirap itago ng panginginig ng mga kamay niya, e.
Nang matapos, ipapasa na sana ni Gian ang order ng mga ito sa kusinero nila nang magsalita ang kaibigan ni Lyle. Ayaw na niya, magkukulong na siya sa opisina at ang trabahong iniwan na lamang ang aasikasuhin!
Aalis na sana si Gian noon kaso bigla niya ring narinig ang boses ni Keegan.
"Oy, oo nga pala! Kung ayos lang na hiramin ka muna namin ni Lyle," pilyong pagkakasabi nito.
Halos madulas ang salamin niya mula sa tungki ng ilong dala ng pagkagulat. Ilang beses ding nagpabalik-balik ang tingin niya sa magkaibigan at maging si Lyle, nagulat at namamanghang pinagmasdan ang sariling kabarkada. Mahina pa nga nitong tinulak si Keegan na nagreklamo noong napaabante nang hindi naman ginusto.
"Kee, 'wag mong takutin si Gian!" Suway ni Lyle sa kaibigan.
"Di naman, e! May gusto lang naman akong itanong sa kanya!" Dipensa naman ni Keegan.
Bigla siyang nakaramdam ng hilo noong mapagtantong hindi niya lamang ilusyon ang narinig na request mula rito. Wala sa sariling naituro ni Gian ang sarili at napalunok. Namumuo na rin ang pawis sa noo niya at nagsisimulang maging pasmado ang mga palad niya.
Masama ang kutob niya sa mangyayari.