Chapter CHAPTER 8.3
NOONG oras na matapos ang pag-uusap nilang dalawa ni Gian, bumagsak ang mga balikat ni Lyle. Gusto niyang matawa na ewan sa mga ganap sa buhay niya. Parang pinipiga ang puso niya bagamat ilang oras na ang lumipas mula noong makumpirma niyang si Ridge nga ang nag-set up sa kanilang dalawa ng binata. Sa totoo lang, lalong kumikirot ang dibdib niya sa tuwing maririnig ang boses ni Gian.
Wala itong kasalanan, oo, pero hindi niya maiwasang masaktan lalo na at itinago rin nito ang katotohanan sa kanya. Kahit pa na siya lang din ang iniisip nito kaya ayaw nitong ipaalam ang totoo, medyo sumama ang loob niya kay Gian. Isang marahas na buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Lyle bago niya dinala ang mga mata sa sketchbook. Ang dami niyang pending designs. Ni isa, wala siyang matapos-tapos. Kanina pa niya ito sinusubukang ayusin, e. Noong mga oras na magkausap sila ni Gian, sinusubukan niyang ibaling ang atensyon sa usapan at sa trabaho—pero dadalhin at dadalhin din talaga siya ng utak sa isiping si Ridge ang may pakana ng memo na iniaabot sa kanya. Iyon nga ang dahilan kung bakit ang bilis niyang kinusot ang memo na hawak at itinapon iyon sa trash bin.
"Ah. Ba't ka ba ganyan, Ridge?"
Napaubob si Lyle at hinila ang buhok nang aksidenteng dumako ang mga mata sa memo na dalawang beses nitong iniabot sa kanya. Bahagya siyang napasinghap noong maalala ang senaryo sa gym noong isang araw. Kung paanong nagpatay malisya si Ridge nang makitang hawak niya ang memo na ipinaabot nito at nagkunwaring concerned ito sa kanya. Kaya naman pala ayaw ni Ridge na ibigay niya ang papel kay Keegan. Ang tanga rin niya noong sinunod niya ang isa. Pero kung sa bagay, ano nga ba naman ang mapapala ni Keegan sa mga numero kung naibigay niya nga ang papel dito?
"Alam kong 'di gusto ni Ridge," pagkausap niya sa sarili bago siya napahawak sa dibdib para pakiramdaman ang pusong unti-unti na namang nawawasak, "ni 'di niya nga alam na mahal ko siya. Kaya nga ang sakit lalo."
Pero hindi niya masisi ang isa. Bakit nga ba kasi sa lahat ng tao sa mundo, roon pa siya sa mayroon nang mahal na iba nahulog? Hindi lang naman si Ridge ang lalaki sa buhay niya pero rito at rito siya bumabalik bagamat ilang beses na sinasampal ng katotohanan na walang pag-asa. Bakit nga ba hindi niya mabitawan ang binata kahit hindi lang naman ito ang nagbigay sa kanya ng pag-asang magbabago rin ang takbo ng buhay niya? Na aayon ang lahat sa kagustuhan niya? Ah, he cannot bear this anymore. Malakas na tao si Lyle, kinaya nga niya ang lahat ng panlalait na natanggap noon, e. But if the conversation will revolve around his love for Ridge, then his strength is no more but an illusion. Awtomatiko ang panghihina na madarama niya at dalawang emosyon lang naman ang hatid sa kanya ng binata-kung hindi ito pipinta ng ngiti sa mga labi niya, ito ang magiging dahilan kung bakit mamumuo ang luha sa gilid ng mga mata niya. Palaging iyong dalawa lamang ang pagpipilian niyang reaksyon.
Knowing that he cannot bear the pain no more, Lyle took his phone from the corner of his study table and dialled Keegan's number. It did not take him three seconds to wait for the latter to answer his call. "Gabing-gabi na, anong problema mo?"
Bumuntong hininga siya at pinigil ang paghikbi mula sa pagkawala sa mga labi niya, ngunit nang marinig ang boses ni Keegan, awtomatikong nanlabo ang paningin niya at nabasag ang boses niya. "Kee, may raket ka ba ngayon sa bar?"
"WALA ka bang pasok bukas?"
Lyle can barely hear Keegan when he was asked a question. Nalulunod kasi ang boses nito sa malakas na tugtog ng bar at panay na sigaw ng mga bisitang naririto upang manood ng live performance. Keegan is one of the performers, but upon learning that Lyle wanted to come here to get his head off some bad news, the male told him that he would be waiting at the entrance. Nakaka-touch at kahit paano, natutunaw ang lungkot na lumulukob sa dibdib niya ngunit tuwing mananahimik si Keegan, babalik ang sakit at muli na naman siyang yayakapin.
"Anong sabi mo?" Halos pasigaw niyang sabi ngunit siya mismo, alam na nalunod din ang boses niya sa ingay dahil sa oras na magtanong siya, saka bumirit ang bokalista ng bandang nagpe-perform sa stage ngayon. "Di tayo magkarinigan!" Mukhang sa kabila ng ingay, naiintindihan siya ni Keegan dahil minuwestrahan siya nitong sumunod sa binata. Kung hindi iyon talent, ewan na lamang niya, pero posible rin namang ang pagkilos ng bunganga niya ang binasa ni Keegan at hindi na ito nag-abalang hanapin ang boses niya sa nakabibinging ingay.
Kahit mas alam ni Keegan ang pasikot-sikot sa bar, hindi maiwasan ni Lyle na kabahan noong dalhin siya nito sa hindi mataong lugar. Kahit pa unti-unting namamatay ang ingay mula sa venue ng bar, natatakot siya dahil hindi naman siya madalas sa klase ng ganitong lugar. Iyon ang dahilan kung bakit nanibago si Lyle na imbes na malinis at puting pader ang bumungad sa kanya sa dinaraanan nila, puro vandalism at kung anu-anong wall art.
"Ba't ka nagpunta rito? May pasok ka pa bukas, 'di ba?" Pag-uusisa ni Keegan noong natantya nitong magkakarinigan na silang dalawa ng kaibigan.
Lyle paused for a bit before he tilted his head to take a quick glance over his friend. Hindi ito nakaharap sa kanya at diretso lang ang tingin ngunit paminsan minsan'y lilingon na animo'y mayroong hinahanap. It must be the room where his band is relaxing? Probably.
"Meron pero wala kasi akong ganang magtrabaho," pagdadahilan niya.
Nakangiwi siyang hinarap nito. "Anong nangyari? Nag-away ba kayo ng pamilya mo?"
"'Di naman, okay lang kami. Iba 'yong dahilan kung ba't ako pumunta rito." "Sino?"
Mahinang natawa si Lyle noong hindi na magtanong si Keegan kung ano ba ang problema at sa halip, ibinungad sa kanya ang tanong na 'sino?', tipo bang kapag nalaman nito ang taong nakapanakit sa kanya, awtomatiko nitong malalaman ang dahilan.
"Nakausap ko si Gian kanina tungkol do'n sa hinala mong baka si Ridge ang nag-set up sa 'ming dalawa," pagtutuloy niya sa paliwanag na siyang nakapagpatigil kay Keegan sa paglalakad.
Kunot ang noo nitong pinagmasdan siya bago ito umismid. "Sabi ko naman sa 'yo. Ewan ko ba, ba't tinanong mo pa rin. E pwede namang iwan mo na lang na misteryo."
"Na-curious kasi ako." Bumuntong hininga si Lyle at sumunod kay Keegan noong muli itong magpatuloy sa paglalakad. "Ang sarap ngang magtampo kay Ridge pero 'di naman niya alam na mahal ko siya." "Kay dali kasing umamin pero tinatago mo 'yang nararamdaman mo!"
"May karelasyon kasi siya, Keegan."
Kung wala lang, matagal na niyang ipinaalam kay Ridge ang nararamdaman, e. Kaso ang laki ng respeto niya sa binata at sa relasyon nito. Isa pa, kahit malaman naman ni Ridge, anong gagawin ng isa? "Baka iwasan niya rin ako kung sakaling malaman niya na may gusto ako sa kanya."
"Kalokohan, 'di ganyan kababaw iyong si Gonzales."
Muling umismid si Keegan bago tumigil sa harap ng isang bakal na pinto. Natigilan din si Lyle at tahimik na nagmasid sa kung anong susunod na gagawin ng kaibigan. Nang buksan nito ang pinto at iluwa noon ang isa sa mga kabanda ni Keegan, matik siyang nakaramdam ng pagkaginhawa dahil nakarating na sila sa wakas sa lugar kung saan nagpapahinga ang mga kasama nito sa raket. "Tagal, Keegan! Sino 'yang kasama mo? Chics ba?"
Binatukan ni Keegan ang kasama. "Gago, si Lyle 'yan! Pumunta rito, panonoorin daw tayo."
"Hoy, nandito raw si Lyle!" Kaagad na balita nitong bumati sa kanila-si Renzo-sa iba pang kabanda ni Keegan, "may bisita, ayusin niyo nga kalat niyo! Puro beer o, 'yong pulutan 'wag niyo namang ikalat sa sahig!"
Pinasadahan niya ng mabilis na tingin ang kaibigan bago lumapit sa likuran nito. Ang gulo pa sa loob at mukhang hindi pa sila makapapasok na dalawa dahil pinagalitan pa ni Renzo ang mga kabanda nila. Hindi niya rin maiwasang magtaka. Akala niya, magpe-perform sila? E bakit mukhang umiinom na pala sila? Tapos na ba sila?
"Nag-perform na kayo?"
Sumagitsit si Keegan. "Di importante 'yan ngayon! Kukuha lang tayo ng beer sa loob tapos pumunta tayo sa itaas."
"Iinom tayo? Hoy, nag-perform na ba kayo?"
"Oo nga," nasisiphayong sagot ni Keegan bago siya itinuro, "riyan ka lang. Kukuha lang ako ng beer. Gusto mo bang pulutan? Pag-uusapan natin 'yang si Ridge."
To be honest, Keegan does not really need to exert effort just to have him release the pain he had been bearing. But he also has to say that he appreciates this man's effort. Mula noong kolehiyo hanggang ngayon, inaalagaan pa rin siya nito. Halos kuya na nga ang turing niya sa isang ito, e. Maloko lang si Keegan at kakaiba ang utak dahil minsan, nakakapahamak pero may punto minsan ang ikinikilos. Anyway, he was told to wait for a bit because they would not really stay inside their band's resting room. Magugulo raw ang mga kasama dahil si Enzo, lasing na raw e magpe-perform pa sila kaya pinapakalma na muna.
Nang balikan siya ni Keegan, iniabot nito sa kanya ang isang bote ng beer at iyong ilang pulutan tapos bumalik ito para kunin ang iba pang pwede nilang solohin. Nabatukan pa ito ni Renzo pero nagsabi si Keegan na masama ang loob ni Lyle ngayon at kailangan nila ng pribadong oras na magkasama, kaya hinayaan din sila noong lider nilang umalis muna siya sandali. Pinapabalik na lang.
"Dalian mo lang, may raket pa 'ko at may pasok ka pa bukas," habilin ni Keegan bago ito tumungga ng beer habang naglalakad sila tungo sa rooftop, "pag-uusapan natin si Ridge, 'di ba?"
Marahan siyang tumango. "Pasensya na sa abala, a. Alam ko namang busy ka at wala rin akong karapatang makaramdam ng ganito."
"Ulol. 'Wag kang magpaka-sad boy ngayon. Nandito tayo para paibsanin 'yang sakit na nararamdaman mo, 'di para ipagpatuloy mo ang pagpasan niyan." Sandali siyang natahimik at sa sementong dinaraanan lamang nila nakatuon ang mga mata.
"Pupuntahan ko si Gian bukas, ayaw kong siya ang makausap sa ganito dahil wala rin siyang kasalanan. He just tried to protect me, but I was stubborn." Umismid ang kaibigan. "Balewala na kung babalikan pa, pag-usapan na lang natin kung anong balak mo. Sabi ko naman kasi sa 'yo Villariza, tama na."
Siya naman ang napaismid noong marinig ang huling sinabi ni Keegan. Punyeta, kung madali lang talagang tumigil e matagal na niyang ginawa. Kung ang dali lang sanang bitiwan ng nararamdaman niya para kay Ridge, baka masaya rin siya ngayon at hindi naba-bother ng ganito. Kaso kahit na ilang taon na ang lumipas, nananatiling ito ang mundo niya.
Ah, why is he so pathetic?