Chapter CHAPTER 9.2
NAKANGIWING pinagmasdan ni Lyle si Keegan, hindi makapaniwala sa kapal ng mukha nitong umarteng close rin sila ni Gian. Hindi ba nito nakikitang natatakot sa kanya iyong isa? Mas malaki si Gian in terms of height pero kung usapang katawan e mas malaman ng kaunti kaysa rito si Keegan. Paniguradong ang iniisip noong isa e baka itapon siya nitong si Keegan na puro yabang lang din ang alam.
"Anong itatanong? Tumigil ka nga. Para kang mambubugbog sa itsura mo."
"Sa hirap ng buhay ko, tingin mo ba talaga e afford kong makulong? May itatanong lang ako sa kaibigan mo. Harmless iyon!"
Imbes na pansinin ang kaibigan, hinarap ni Lyle si Gian at alanganin itong nginitian. It was an apologetic smile and the taller male seemed to have caught on, which is why he received a quick nod from the other. Naawa si Lyle sa binata noong oras na mapansin niyang sapo ni Gian ang dibdib. Lihim din siyang bumuntong hininga-ewan niya pero sa pakiramdam ni Lyle, mayroong anxiety itong si Gian at tini-trigger iyon ni Keegan. Babatukan niya talaga itong kaibigan niya, e. Sana alam nito kung gaano ito kalaki sa paningin ng iba bagamat magka-height lang sila, ano? Aura-wise, Keegan seems bigger than everyone because of his pride and ego!
"Pasensya ka na, Gian. 'Di mo kailangang pumunta sa table namin. 'Wag mo nang pansinin 'tong si Keegan."
Pagak na natawa ang isa. Hindi rin itinago ni Gian na hindi siya kumportable kung sakaling sasama sa kanila at natutuwa siya roon. Samantalang si Keegan, para bang naaapi siyang pinagmasdan at hindi nito makukuha kung ano ang gusto. Binulungan niya tuloy ang kaibigan bago ito tinapunan ng masamang tingin.
"Puro ka kalokohan, tigilan mo nga si Gian."
Namamangha nitong itinuro ang sarili. "Pre, kanina ko pa sinasabi sa 'yo na may itatanong lang ako. Wala akong balak na manapak."
"Ayos lang," biglang sabad ni Gian, dahilan upang matigilan sila ni Keegan mula sa pagtatalo at hindi makapaniwalang napalingon kay Gian. Iyon nga lang kung siya e napasimangot, ang lawak naman ng ngiti nitong kasama niya, "pero baka rin matagalan ako. Marami akong aasikasuhin sa opisina, ichi-check ko rin 'yong mga delivery namin ngayon. Ayos lang ba sa inyong maghintay?" Namilog ang mga mata ni Lyle, bakas din ang pagkagulat sa mukha nito.
"'Wag na, Gi. Pinagtitripan ka lang nitong si Keegan."
Bumusangot si Keegan. "Ayan ka na naman e pumayag na nga 'yong tao! Ano ba kasing pinagtitripan?! May gusto talaga akong itanong!"
"At ano naman?"
Napapiksi si Keegan at napaatras bigla nang mag-usisa siya. Nag-iwas din ito ng tingin at ngumuso na parang bata.
"B-basta! Ba't ka ba nakikitsismis?! Ikaw ba ang makakasagot sa tanong ko?"
Namamangha niyang pinagmasdan ang kaibigan at bago pa man siya makasagot, naunahan na siya ni Gian. Mayroon lang itong iniabot na memo note sa isa sa mga crew bago muling bumaling kay Lyle at Keegan.
"Um sige, puntahan ko na lang kayo 'pag tapos na 'ko sa trabaho."
"Yon! Ganon!" Masiglang sabi ni Keegan bago siya hinila patungo sa table na napili nilang dalawa, "tara na, hintayin na lang natin 'yang kaibigan mo sa table natin."
Nilingon niya si Keegan. "Subukan mo lang talagang magsabi ng kalokohan, Keegan. Lagot ka sa 'kin."
"Skeri mo naman," paismid nitong sabi.
KALAHATING oras din ang inabot nang matapos si Gian sa mga ginagawa. Tulad ng sinabi niya kina Lyle, marami siyang trabaho sa araw na ito. Binilang niya kung magkano ang month-to-date nilang kita at saka niya inasikaso ang mga order. Mabilis lang naman ang mga iyon dahil sinecure niya lang na maipapadala g maayos. Nang matapos, ipinaiwan na lamang niya sa mga crew ang mangilan-ngilang gagawin. Tutal, ang karamihan naman ay kukunin na lamang din sa kanila. Nagligpit muna siya at nag-ayos ng sarili bago siya pumanhik tungo sa table ng magkaibigan. At noong nandoon na, pinatabi siya kay Lyle. Wala rin namang kaso, liban nalang sa ayaw niyang madikit sa binata.
Para kasi siyang nakukuryente.
Normal lang din na usapan ang nangyari hanggang sa magpaalam si Lyle na magbabanyo raw muna sandali. At kinuha naman iyong oportunidad ni Keegan upang itanong na ang kanina pa raw nito gustong malaman. Bakit ba hindi rin siya nagulat nang malamang tungkol iyon kay Ridge at Zamiel?
"Kaibigan mo rin 'yong boyfriend ni Ridge, 'di ba?"
Tila nag-iba ang ihip ng hangin sa paligid nito nang subukang dalhin ang usapan sa magkasintahan. Ipinilig niya ang ulo at marahang tumango.
"Oo, magkakaibigan kami. Bakit?"
"Wala naman." Pumikit si Keegan at halos irapan siya bago naisipang tumikhim. "Matagal na ba talaga sila?"
Nag-aalangan niyang pinagmasdan ang binata bago siya muling tumango. Nang makita ang sagot niya e mahina itong humimig, tila ba may kung ano dahil ang kanina nitong enerhiya, hindi na niya mahanap pa. Para bang bigla siyang sinampal ng tunay nitong kulay noong umalis si Lyle.
"Seryoso ba sila sa isa't isa?"
Natigilan siya nang magsubok na itong magtanong tungkol sa relasyon ng dalawa. Itinikom niya ang bibig at napalunok. Hindi alam kung ano ba ang isasagot. Ang hirap sagutin noong tanong dahil may mas malalim na nagtatali sa dalawang iyon.
"Oo naman. Ba't mo naman naitanong?"
Nagpahalumbaba si Keegan. "Pre, 'di ko alam kung alam mo ang balita pero matagal nang may gusto 'tong si Ly kay Ridge."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Nang marinig ang sinabi nito, awtomatiko na natigilan si Gian. His lips thinned. Lihim niyang ikinuyom ang mga kamay sa ilalim ng lamesa. Sinisigurong hindi iyon makikita ni Keegan dahil ayaw niyang may maisip itong kakaiba. Syempre, alam niya na may gusto ito kay Ridge. Iyon nga ang una nilang napag-usapan noong araw na magkrus ang mga landas nila sa SM, hindi ba? Sa bibig mismo ni Lyle nanggaling ang katotohanang mayroon itong pag-ibig na nararamdaman para kay Ridge.
Ah, ano ba iyan. Ngayong iniisip niya na namang may gusto ito kay Ridge, parang kinukurot na naman ang puso niya. Hindi niya maipaliwanag ang inis na nadarama.
"Bukod diyan, no'ng una ko kasing nakita 'yong boyfriend ni Ridge, parang 'di naman talaga niya gusto 'yong isa. Butas na 'yon sa relasyon nila kaya naisip kong baka 'di rin sila magtagal."
Umawang ang mga labi niya at napaisip. Inaalala ang iilang pagkakataong nakikita niya ang dalawa, maging ang pagmamahal sa mga mata ni Zamiel. Kung kanina, galit siya na inaalala niya na may gusto si Lyle kay Ridge, ngayon? Nagagalit siya dahil nahusgahan ang relasyon ng dalawa dahil lamang sa hindi umaarteng interesado ang isa. Kung alam lang nito ang totoong nararamdaman ni Zamiel sa likod ng tila ba madalas nitong galit na mga mata, hindi nito maiisip ang ideyang iyan!
"Kaya ayun, tutal magkaibigan kayo ni Ridge at alam nating pareho na gusto ni Lyle iyong taong 'yon, iniisip ko sana kung ayos lang na ilakad mo paunti-unti si Lyle."
Unti-unting bumaba ang mga mata niya sa lamesa, tinitignan ang mga tasa at basong nasa kalahati pa ang laman. Maging ang mga platong ubos na rin ang pagkain. Nararamdaman niya ang unti-unting pagbigat ang pakiramdam niya at medyo nahihirapan siya sa paghinga. Nakakagalit.
Naiintindihan niyang concerned ito pero ang subukan nitong manghimasok sa relasyon ng mga kaibigan niya at idamay pa si Lyle sa ideya nito, hindi niya iyon matanggap.
"Di ko alam kung sa'n mo nakuha 'yong ideya na baka 'di mahal ni Zamiel si Ridge. Nakita mo na ba kung pa'no niya tignan 'yong isa?"
Alam niya ang puno't dulo kung paanong dumating sa ganitong punto ng mga buhay nila sina Ridge at Zamiel. Sadyang may pagsubok lang sila na dapat lagpasan kung kaya ganyan sila umarte sa isa't isa.
Pagak siyang natawa kasabay ng pagkunot ng noo niya at paninikip ng lalamunan. Ayaw niyang magsalita pero may kung anong nag-uudyok sa kanya na isaboses ang mga iniisip.
"Idadamay mo pa si Lyle. Kung nasira nga ang relasyon ng dalawa dahil sa 'kin at sa kanya, tingin mo ba e magugustuhan niya 'yon? Matutuwa ba si Lyle na siya pala ang puno't dulo kung ba't masasaktan si Ridge?"
Syempre, hindi matutuwa si Lyle kung magsi-sink in dito na siya ang dahilan kung bakit mawawala si Ridge kay Zamiel.
Mapait siyang ngumiti bago ibinalik ang mga mata kay Keegan. Walang emosyon ang mga mata nito at tila mas itinutuon nito ang buong atensyon sa planong mailakad si Lyle kay Ridge. Wala siyang kaso sa kung anong balak nito dahil hindi iyon matutuloy, pero ayaw niya ang ideya na gusto nitong manghimasok sa buhay at relasyon ng mga kaibigan niya.
Siya pa ang balak gawing tulay!
"Ipapahamak mo pa si Lyle," dagdag niya.
Inayos niya ang suot na salamin sa mga mata bago bumuga ng marahas na hangin.
"Kaya gusto mong umalis kanina si Lyle, 'di ba? Dahil ito 'yong sasabihin mo. Alam mo na 'di siya matutuwa 'pag narinig niya 'yang plano mo."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Okay," parang wala lamang na sagot ng isa na siyang nakapagpabigla sa kanya, "ang seryoso mo naman. Nagsasabi lang ako. Baka sakaling tingin mo, magkaroon ng pag-asa si Lyle at Ridge."
Nahihibang na ba ito? Paano niya naisip na baka magkapag-asa si Lyle kay Ridge e halos isampal noon sa kanila kung gaano nito kamahal si Zamiel? Wala siyang masabi.
"Pero kung mag-break sila, ilalakad mo ba si Lyle kay Ridge?"
Itinikom niya ang bibig bago hinanap ng sariling mga mata ang kay Keegan. Hindi niya alam kung anong isasagot. Noong oras na hindi siya sumagot, sumuko rin ang binata. Napansin din ni Gian ang paglipat ng mga mata nito sa kung saan kung kaya naman naisip niyang baka pabalik na si Lyle. Hindi nagtagal, nasa tabi na nga niya ang binata.
"O, anong nangyari? Ba't ang tahimik ninyo?"
Mukhang napansin din nito ang mabigat na tensyon sa pagitan nilang dalawa.
Naalerto si Gian nang ibuka ni Keegan ang bibig, hindi nais na marinig na maaaring sabihin nito ang tungkol sa pinag-usapan nila kung kaya naman inunahan niya na ito. Nagpaalam din siya sa dalawa.
Nainis siya nang umismid si Keegan dahil alam nitong umiiwas siya.
"M-mauuna na 'ko!" Ninenerbyos man, pinilit pa rin ni Gian na matawa. "Babalik muna ako sa opisina ko."
Napakurap-kurap si Lyle. Mukhang gusto pa nga nitong magtanong kung nakapag-usap ba silang dalawa pero hindi na niya iyan sasagutin. Si Keegan na ang bahala. Noong makatayo na siya mula sa kinauupuan, kumunot ang noo ng binata at pinasadahan ng tingin ang kaibigan na nakaangat din ang tingin sa kanya.
Hindi nito kailangang magalit sa kaibigan. Siya rin naman kasi ang pumayag sa nais nitong mangyari, ang makausap siya.
"Gi, ayos ka lang ba?"
Tumango siya. "Pasensya na, marami lang talaga akong trabahong aasikasuhin ngayon, Ly. Sa susunod na lang."
"Sige, bumalik ka 'pag maaga kang natapos sa trabaho, ha?"
"S-susubukan ko, sige!"
Baka hindi na rin siya bumalik. Aabalahin nalang niya ang sarili sa trabaho hanggang sa umalis na ang dalawa. Baka tumulong na rin siya sa paghuhugas ng mga pinggan at baso kung hindi pa iyon natatapos.
NOONG mawala na si Gian sa paningin nila ni Keegan at makapasok na ito sa opisina, mabilis na bumaling si Lyle sa kaibigang sumisimsim lamang ng tsaa. Masama ang tingin na itinapon niya rito at halos mabulunan ang isa dahil alam niya na mayroong nangyari. Paanong hindi niya malalaman e natatarantang umalis iyong isa?! Hindi kumportable at mukhang distressed sa presensya ng kabarkada niya?
"Anong sinabi mo kay Gian?" Galit niyang tanong sa binata.