Can I be Him?

Chapter CHAPTER 24.2



"O, ba't ka tumigil sa paglalakad?" Tanong ni Zachariel na tumigil din ilang hakbang lamang ang layo sa kanya.

Halos manubig ang mga mata ni Gian nang harapin ang kaibigan. Nagulat tuloy ito at kaagad na rumehistro sa mukha nito ang pag-aalala. Mataman din siyang tinitigan. Hinila pa nga siya sa isang tabi nang sa ganoon e hindi sila maging harang sa daan.

"H-hoy?! Tinatanong ko lang naman progress niyo. Na-basted ka na ba ng hindi namin alam?!"

Anong na-basted?! Hindi na kailangan ni Gian ng ganoon. Simula't sapul, alam niya kung anong lugar niya sa buhay ni Lyle kahit noong natanto niyang gusto niya ito. Kaya nga... ayaw niyang gumawa ng kahit ano, e.

He'll stay here, he wants to stay beside Lyle even though the male would never choose him nor see him as a man.

"M-matagal na 'kong basted kahit 'di pa 'ko umamin!" Kaagad niyang sagot bago pinalis ang namumuong mga luha sa gilid ng mata niya, "pero 'di 'yan ang biglang pumasok sa isip ko ngayon Zach, e!"

"O-o, edi ano pala?" Nag-aalala nitong tanong.

Will it be exaggeration if he reacts like this? He does not know, but his anxiety is creeping in and it is not a great feeling. It tickles him to the point that it grips on his heart - it is painful!

Gian nearly whined but he had to contain himself because he does not want to appear foolish in the eyes of public.

"Gu-gusto ko si Lyle... gusto ko si Lyle hanggang sa p-puntong gusto ko siyang pakasalan kung p-posible."

Zachariel's surprise and worry stayed to be shown at his face for a few moments until the male closed his eyes and heaved a really deep sigh. When he was done collecting his composure, he opened his eyes again to meet Gian's gaze... then a grin quickly curved on his lips.

"Edi ba't 'di mo pakasalan agad? Itali mo sa 'yo 'pag nakuha mo!" Zachariel enthusiastically replied that his beam almost blinded Gian.

Nevertheless, Gian remained to sob in the middle of nowhere. Bakit ba niya kay Zachariel sinabi itong realization niya? Hindi makakatulong, e.

"O-o?! Bakit umiiyak ka pa rin?! Binigyan na nga kita ng solusyon sa lahat ng problema mo!" Dagdag nito nang wala man lang nagbago sa reaksyon at nararamdaman ni Gian.

Gian sobbed again. "Kasi 'di ka naman nakatulong sa problema ko, Zach."

Ang dali naman kasing sabihin na pakasalan niya si Lyle pero hindi iyon madaling gawin! Tingin ba ni Zachariel, may lakas siya ng loob na ayain itong magpakasal? Ni hindi nga niya masabi na mahal na niya ito, e! Natutulala siya at napapaatras!

In the end, Zachariel scratched the back of his head.

"Awit naman sa 'yo, kaibigan! Ang hirap mong tulungan. Choosy ka pa e 'yon lang naman talaga ang sagot sa world hunger! Umamin ka na kay Lyle!"

Gian groaned. "No, it'll not help solve world hunger!"

*

"EXCUSE me, nasaan si Gian?" Tanong ni Lyle sa crew ni Gian na noon ay naka-assign sa counter.

Abala ito noon sa paglilinis ng island counter nang dumating siya sa café nina Gian. Medyo nagtataka pa nga dahil tuwing ganitong oras - alas dose ng tanghali, to be exact - si Gian na ang nakatayo sa counter. Siya ang nag-aasikaso ng mga orders bago siya mag-lunch na kasama si Lyle. Kaya nga ganitong oras siya pumupunta nang ito kaagad ang bumungad sa kanya.

But today's different. Gian is nowhere to be seen and Lyle's having these inexplicable feelings.

Nag-angat ng tingin sa kanya ang crew at awtomatiko itong ngumiti nang makita siya. Marahil kilala na rin siya bilang isa siya sa mga regular na customer dito. Bukod doon, isa na rin siguro sa mga malalapit na kaibigan ni Gian. Kung sa bagay, kilala na rin niya sa mukha ang halos sa crew ni Gian. Lalo na itong kaharap niya ngayon dahil hindi niya kailanman malilimutan na ito ang nag-abot sa kanya ng coffee latte at numero ni Gian sa kanya. "Wala po si sir Gian ngayon, nag-off po dahil may lakad daw po kasama ang mga kaibigan," paliwanag nito.

Oh. Akala pa naman niya, magkikita silang dalawa ngayon kaya halos minadali niya ang naiwang trabaho sa Primivère.

Bumagsak ang mga balikat niya. Nag-iwas din siya ng tingin mula kay Anne (crew ni Gian) at nginuya ang pang-ibabang labi. Sinimulan ding tapik-tapikin ang lamesang naghihiwalay sa kanya. Matapos iyon, kumunot ang noo niya. Nalilito siya kung hinahanap ba niya si Gian dahil kaibigan niya ito o dahil gusto niya ito.

Gusto hindi bilang kaibigan kung hindi bilang isang lalaki, ganon.

"Mag-oorder po ba kayo?" Tanong ng crew.

Napasinghap si Lyle at mabilis na tumango. "P-pasensya na. Oo nga, mag-oorder ako. Um... peri-peri chicken burger, macha cake, saka coffee latte sana."

Well, that's a shame. Akala pa naman niya, kahit papaano e mababawasan ang pagka-boring ng linggong ito dahil sa linggo pa aalis si Gian. Hindi niya akalaing bigla rin itong magkakaroon ng schedule ngayon kasama ang mga barkada. Well, that and his own self. Why is he even like this? Pakiramdam niya, ang kapal tuloy ng mukha niya.

With a heavy sigh, he began to seek for a seat. Dahil lunch time na, marami na ring upuan ang okupado na. Hindi pa nakatulong na mayroong eskwelahan malapit sa pwesto ni Gian kaya noon, madalas e gustung-gusto niya na pumupunta ng ala una. Nito-nito lang naman na gusto niya ng alas dose dahil mas mahaba ang oras na pupwede niyang kasama si Gian.

Noong makahanap ng pwesto, kaagad niyang ipinirme ang sarili roon. He was also busy scrolling through his facebook account when he felt something tickly in his nose. Hindi nagtagal, bumahing siya. Hindi naman ganoon kalakas para makaistorbo, pero nagulat pa rin siya at nag-alala na baka nga mayroon nga.

Nahihiya niyang inilibot ang mga mata sa kabuuan ng café, hanggang sa mahagip ng mga mata hindi ang order niya, kung hindi ang babaeng nakita niyang kasama ni Gian kahapon.

It was the one woman who kissed Gian's cheeks before leaving! Ano kayang ipinunta niya rito?

Malamang, si Gian. Tinatanong pa ba 'yan? Sigaw ng isip niya.

Kung sa bagay, sino pa ba ang gusto nitong makita bukod sa binata? Pupwede ring isipin ni Lyle na baka gusto lang nitong mag-order ng mga cake o brownies pero napansin niya ang pagbagsak ng mga balikat ng dalaga matapos kausapin ang nasa counter.

Hindi nagtagal, naglakad na ito paalis ng café. And his mind screamed a loud "told ya" dahil si Gian nga talaga ang nag-iisang pakay nito rito.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

There was a hinge of bitterness at the back of his throat, reason why his facial reaction also soured. Hindi niya gusto ang nalalasahang iyon. Bukod sa napaka pamilyar, ilang beses na rin siyang pinupukpok ng isipan.

"Pinili mo si Ridge tapos hahanapin mo si Gian?"

Ganoon ang mga katanungang tumatakbo sa isipan niya sa mga oras na ito. Habang hinihintay ang order at nababakante ang isipan. Ang dating tuloy, half-hearted nalang siya noong piliin niya si Ridge.

Pero ganoon naman talaga, hindi ba? Siya mismo, alam sa sarili na pinili nalang niya ang nararamdaman para kay Ridge dahil mayroon siyang gustong makamtan. Hindi intimate na relasyon. Kahit pagkakaibigan lang. Iniignora nalang talaga ngayon ni Lyle dahil bukod sa hindi pa niya natatanggap ang "closure" na gusto niya, matigas din ang ulo niya.

"Katigasan ng ulo," mahina ang boses na banggit niya sa salitang pumukaw talaga ng atensyon niya, "pinipilit ko nalang..."

Sumandal siya sa backrest ng kinauupuan at kinagat ang pang-ibabang labi. Kung mabait lang ang tadhana sa kanya, gusto na niya ng closure para sa nararamdaman niya kay Ridge... nang sa ganoon, hindi na siya ma-distract sa mga nararamdaman niya para kay Gian.

Ayaw niya nang ipilit na ito pa rin dahil habang tumatagal, siya rin naman ang talo sa pag-ibig. Nalulunod nalang siya kaiisip kay Gian.

My feelings weren't like oil and water in the first place, Lyle thought before he heaved a sigh. Hindi iyong tipong si Ridge ang tubig, si Gian ang mantika na biglang humalo. At the very beginning, my feelings toward Ridge were dissipating. Gusto niya lang ng closure. Naghahanap na lang siguro talaga siya ng oportunidad na bitawan iyong pintong kahit kailan, hindi magbubukas para sa kanya dahil para iyon sa iba. Siguro, oras na para tigilan ang pagtambay sa ilalim ng pangalan ni Ridge.

Of course, the male would always have a special place in his heart! Lyle owes Ridge a lot! Tulad ng sinabi niya noon, ito ang nagbigay ng kahulugan sa buhay niya. Ang dahilan kung bakit siya naririto sa kinatatayuan niya ngayon - ang pangarap niya, pero hindi na ito ang mundo niya.

Lyle will put it like this: Ridge is the beginning of his story, but maybe, he is meant to walk on the path he chose alone until it leads him to be with someone else. Maybe, the next person waiting for him is Gian? Only that... Gian is also only just another page of his journey. After all, Gian likes someone else.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.