Can I be Him?

Chapter CHAPTER 24.1



"IKAW ang... magmo-model sa magazine tapos si Lyle ang designer na ka-collab mo?"

Tila ba hindi ma-pick up ni Gian ang impormasyong natanggap mula kay Ridge. Sa katunayan, napatulala siya rito at ilang beses na napapakurap-kurap, hindi malaman kung anong dapat niyang sabihin. Samantala, mukhang naaaliw si Ridge sa kanya. Sumimsim ito ng tsaa bago siya pinasadahan ng tingin. May pilyong ngiti rin na naglalaro sa mga labi nito. Nakagat tuloy ni Gian ang pang-ibabang labi. "Magazine lang naman 'yon," paliwanag ni Ridge bago ito mahinang tumawa, "di pa rin namin pinupuntahan ni Wade 'yong Primivère dahil next week pa ang resume ng trabaho ko." "A-anong gagawin mo ro'n?"

"Fitting. Nang maihanda iyong size ng mga damit. Gusto mo ba na sumama sa 'min?"

Napamaang siya at tumuwid sa pagkakaupo. Nang matantong hindi niya naintindihan ang tanong ni Ridge, kinamot niya ang pisngi at mahina siyang tumawa. "Sumama... sumama nga kasi sa'n?" Tanong niya.

Ridge snickered. "Sa Primivère. I-surprise mo na rin 'yong crush mo."

"A-anong crush?!" Awtomatikong namula ang mga pisngi ni Gian bago halos palubugin ang sarili sa kinauupuang couch. "Tsaka sa'n mo nalaman 'yan?!"

"Dati ko pa alam. Halata ka naman kasi, e."

Miyerkules noon ng umaga at lumiban si Gian sa trabaho nang mag-aya ang mga kaibigan na tumambay. Day off kasi noon ni Leon at Zamiel. Nasaktong sabay. Tapos si Ridge, nakabakasyon naman dahil nagpapahinga rin mula noong kasal ng nakatatanda nitong kapatid.

Ang venue ng tambayan nila? Tulad ng nakagawian ay sa kanila. Nagulat lang siya nang mas maagang dumating si Ridge, hindi pa nito kasama si Zamiel. Usually, they'd arrive together. Hindi mapaghiwalay ang dalawang ito, e.

Dahil hindi siya makasagot sa sinabi ni Ridge, namutawi ang kumportableng katahimikan. Naputol lang iyon noong dumating ang ina ni Gian mula sa kwarto nito at saka nagpaalam na aalis. May lakad daw kasi ito at gustong magpa-salon. "Oo nga pala, Ridge..." panimula niya noong wala na ang ina niya at nakalabas na ng bahay, "ba't nauna ka? 'Di ba madalas, sabay kayo ni Zamiel na pumunta?"

Nagtataka niyang tinitigan ang binata pero hindi naman ito sumagot. Nakapikit lang ang mga mata nito na ine-enjoy ang tsaang inihanda niya para sa kaibigan. "Ridge," tawag niya ulit dito.

Doon palang humimig si Ridge. "Ayaw ko na kasi."

"Huh?" Kaagad na kumunot ang noo niya. "Ayaw mo na ang alin?"

Mataman silang nagkatitigan ng kaibigan pero lumipas ang ilang segundo, hindi pa rin ito sumagot. Hindi na rin nagkaroon ng pagkakataon dahil narinig niya ang pag-ring ng bell sa may gate nila, kaya kaagad niyang pinuntahan. Then, he saw Leon... who was also surprised to see Ridge to arrive first.

"O? Mukhang magkakaroon ng bagyo, a. Nauna ka kay Zamiel dumating!" Puna ni Leon kay Ridge.

Maging ito, napansin ang hindi naman madalas na occurrence. But then, Ridge remained silent. Even when Gian and Leon sat on the couch together.

Hindi siya nagulat nang balingan siya ni Leon na mayroong pagtataka sa mga mata. But Gian couldn't give him a response so he shrugged. Ipagpapalagay nalang nila na wala sa mood si Ridge ngayon o hindi kaya ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ni Zamiel.

Nanatili rin itong tahimik hanggang sa dumating na ang kambal. Kahit noong lambing-lambingin ni Zamiel si Ridge, nanatiling malamig ang pakikitungo nito sa kanila. Tahimik at mukhang mayroong iniisip. Samantalang kanina noong dumating naman ito at kausap nila ni Leon, maingay pa ito at nakikipagkulitan sa kanila.

"Kanina niyo pa kami pinapanood," puna ni Ridge kalaunan noong mukhang napagod nalang din sa kanila, "hm. Ito lang ba gagawin natin? 'Kala ko maglalaro tayo."

Sumagitsit si Zamiel. "Paanong maglalaro e ganyan ka umakto? Kung may problema ka, magsabi ka. Noong isang araw mo pa 'ko hindi pinapansin ng maayos!"

"Pinapansin kita. Masyado ka lang uhaw sa atensyon ko," sagot naman ni Ridge, dahilan para namamangha itong titigan ni Zamiel.

Mukhang mag-aaway na rin ang dalawa kung hindi lang binasag ni Zachariel ang tensyon at pinagitnaan silang dalawa. Doon na rin ito pumwesto dahil natulala na sila ni Leon sa sobrang pagtataka.

Anong nangyayari? Madalas naman magtalo si Ridge at Zamiel pero porma lang iyon ng landian nilang dalawa. Mang-aasar si Ridge tapos lalambingin niya rin si Zamiel kapag pikon na ang isa. Pero ngayon, mukhang wala ring lambingan na magaganap dahil naiirita rin si Ridge kay Zamiel.

"Nandito tayo para maglaro, 'di para mag-face to face kayong dalawa tapos kami ang audience!" Pigil ni Zachariel sa dalawa. Napapalakpak pa si Gian noong magtunog Raffy Tulfo ito. Oh, and did Zachariel just missed the chance to act like Raffy Tulfo? "Okay, love birds. Gusto niyo bang mag-usap o ano?" Dagdag nito.

"Walang pag-uusapan," malamig na sagot ni Ridge bago umahon mula sa kinauupuan. Pati si Zamiel, halos tumayo kung hindi lang pinigilan ni Zachariel, "magbabanyo lang ako. I-on niyo na 'yong PS5 o kung anuman diyan. Sasali nalang ako pagbalik ko."

And with that, they were all left dumbfounded.

"Bakit mo 'ko pinigilan sumunod?!" Nasisiphayong singhal ni Zamiel sa kakambal.

Seryoso naman itong tinitigan ni Zachariel. "Galit sa 'yo, e. Baka lalong uminit ang ulo kung susundan mo. Mamaya mo na lambingin ulit, Zam. Hayaan mo muna magpalamig."

"Tang ina. No'ng Huwebes pa kami ganito. Mag-iisang linggo nang malamig ang tungo sa 'kin niyan, Zach!"

"What?" Hindi napigilang sabad ni Leon, "noong Huwebes pa kayo nag-aaway? Walang halong joke time 'to, a? Minsan lang kayo mag-away."

"No, we didn't argue! He just began to act like that before his older brother's wedding! Pati 'yong kuya niya, 'di alam kung anong tumatakbo sa isip ni Ridge ngayon!"

Umalingawngaw ang boses ni Zamiel sa buong silid ngunit hindi sila sigurado kung narinig ba ni Ridge sa banyo ang kaguluhan. And if he did, may gagawin kaya ito? Malapit nang magwala si Zamiel.

Hindi nagtagal, nagtaas ng kamay si Gian upang pukawin ang atensyon ng lahat.

"Pero 'di ba no'ng Biyernes, sweet si Ridge sa 'yo? Nagsayaw pa nga kayo sa stage matapos iabot ni Easton at Aaron iyong band saka bulaklak sa inyo ni Ridge."

"Pero roon lang," sabad naman ni Zachariel bago ipinagkrus ang mga braso, "noong kasal ni kuya Aaron at kuya Easton? 'Di siya nilapitan ni Ridge. Ni 'di man lang kinakausap. Napansin niyo rin noong huli, nakahiwalay ng table sa 'tin noong reception?"

"Kala ko, dahil lang silang buong pamilya ang nandon dahil 'di ba, para sa mga Gonzales at Mariano iyong nasa gitna na table?" Ani Leon.

Sinang-ayunan naman iyon ni Gian. Hindi pa naman kasi opisyal na parte ng pamilya si Zamiel bagamat matagal na silang nagsasama ni Ridge.

Hindi nagtagal, pinasadahan nila ng tingin si Zamiel na hindi nagsalita matapos sabihin kung gaano na sila katagal na hindi nag-uusap ni Ridge. Nakabusangot ito pero may bahid ng pag-aalala at lungkot sa mga mata. Nakatitig din ito sa pinto ng banyo sa tabi ng hagdan nina Gian. Tila ba hinihintay na lumabas ang kasintahan doon at piping umaasa na sana e malamig na ang ulo pagbalik. Whatever happened between these two, Gian hopes that they will manage to fix and reconcile. Kasi, wala ni isa sa kanila ang sanay na ganito ang dalawa.

"Ikaw pala, Gian?" Kalauna'y pag-iiba ng usapan ni Leon noong hindi na nila kinakaya ang tensyon sa paligid.

Nakabalik na noon mula sa banyo si Ridge pero ngayon palang nila inaayos iyong PS5. Ngayon palang din sila naghahanap ng malalaro. Though, well, it's just him and Leon who's doing the job since Zamiel and Ridge almost argued once again. Napipikon kasi si Ridge sa tuwing sinusubukan ni Zamiel na mag-usap sila. Kaya palaging pumapagitna si Zachariel sa dalawa.

Mahina siyang humimig. "Anong ako?"

"Di ka pa nagbabanggit tungkol doon kay Lyle. Tagal na rin naming 'di nakita dahil nitong nakaraan, 'di maaya sa basketball dahil abala sa trabaho. Kumusta na kayo?"

Natigilan siya sandali sa paghahanap ng malalaro at napabaling kay Leon. Ngunit wala sa kanya ang paningin nito kung hindi sa mga larong nakakalat sa sahig niya. Inaabala ang pisikal na anyo sa paghahanap ng game pero ang isip, gustong makitsismis sa ganap sa sarili niyang love life!

"Paanong kumusta na kami ba ang gusto mong malaman? Um, magkaibigan pa rin naman kami."

Natatawang sumagitsit si Leon. "Iyong relasyon ninyo ang gusto ko malaman. Pakiramdam mo naman, makakalimot ako na humingi ka ng advice kay kuya Aaron tapos ang sinagot lang sa 'yo, 'well, why not fuck them?' Nakakatawa pa rin 'pag inaalala!"

Nahihiyang nagbaba ng tingin si Gian. He also blew out a loud breath before almost hitting his head with one of the game cassette that he's holding. Naalala niya iyon! Iyong kahihiyan niya noong araw ng kasal ni Aaron! Hindi niya makakalimutan dahil halos matumba siya sa second hand embarrassment nang marinig ang naging tugon nito sa tanong niya!

Apparently, on the day of Aaron's wedding, Gian came to him to seek for advice. Tapos na noon ang kasal ng binata at nakikipagkwentuhan nalang naman ito sa kanila. Malakas din ang loob niya noon dahil si Zachariel at Leon lang naman ang kasama niya noon. Kaya kinuha niya ang oportunidad.

Ikinuwento niya rito ang buong pangyayari. Na mula noon pa lamang high school siya, interesado na siya sa isa sa mga basketball player ng eskwelahan nila. Na nakita niya ulit ito sa café niya kalahating taon na rin ang nakalilipas, na magkaibigan na sila ngayon, at nitong minsan lang, napagtanto niyang gustung-gusto niya ito.

He also told Aaron that he wanted to cease his feelings for Lyle, but Aaron told him not to. Mahihirapan lang daw siya at lalala lang ang nararamdaman niya. Totoo rin ang sinabi nito dahil mula noong magsabi siya kay Zamiel na pipilitin niyang makalimot, lalo lang lumala ang kagustuhan niyang mapalapit sa binata. And then, Gian asked Aaron what should he do if ever he can't stop himself from wanting Lyle.

Ang naging sagot ba naman, "well, why not fuck them? That way, you can own them and they'll instantly love you based on your performance."

"Just... just what kind of advice is that?!"

Gian suddenly bursted out from embarrassment of reminiscing what he has been told to do. Pulang-pula ang pisngi at hindi napigilan ang pagsimangot. Namutawi tuloy ang katahimikan at maging si Zamiel saka Ridge, natigilan sa pagtatalo. All of the sudden, all they can hear is the AC buzzing from the side.

Then... Leon bursted out laughing his ass off.

"Shit, ang benta ng itsura! Ngayon ko lang nakita na galit si Gian!" Aliw nitong puna, dahilan para mabilis niyang abutin ang throw pillow sa couch at ibato iyon kay Leon.

Dahil talaga rito kaya natahimik lahat, e!

"What happened?" Zamiel chimed, genuinely curious of what really happened.

Nang magtanong ito, saka naman bumulahaw ng tawa rin si Zachariel. Mukhang na-pick up kung anong nangyari at napasigaw si Gian ng biglaan.

"Ayan, mga missing in action noong kasal! Wala tuloy kayong kaalam-alam!" Anito pa, dahilan para lalo siyang mahiya.

Gusto... gusto nalang niyang magpalamon sa lupa!

Moreover, in the end, they managed to play games. Hindi nga lang maganda ang game play kapag si Ridge at Zamiel ang teammates dahil hanggang doon, naiirita si Ridge. Kuryoso na nga siya dahil dati naman, unbeatable ang dalawang ito. Parehas competitive.

Kaya ang nangyari, pinaghiwalay na naman sila kahit na ang suhestiyon niya, hayaan sila na magsama nang sa ganoon e mapilitan si Ridge na magsabi kung anong problema.

If Zamiel wasn't just scared to hear him out. Kaya sa huli, pinaghiwalay nalang talaga sila.

*

"Z-Zach... sigurado ka bang si Leon ang iiwan natin doon sa dalawang 'yon?" Hindi niya napigilang itanong kay Zachariel noong lumabas sila para bumili ng tanghalian at miryenda na rin. Naiwan pa ring naglalaro sina Zamiel sa PS5 tapos si Ridge, nagpaalam na makikitulog sa kwarto niya.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Tumango naman si Zachariel. "Alangan namang ikaw e, problemado ka rin doon sa sarili mong crush! Kung 'di ka rin ba naman saksakan ng torpe tulad noong kakambal ko!"

Pinamulahan siya ng mga pisngi bago nag-iwas ng tingin. Inayos niya rin ang suot na cap dahil medyo natangay iyon ng hangin noong biglang umihip. Isa pa, ang init din tapos tamad pa silang magbitbit ng payong. "Pag-uusapan natin 'yong sa 'yo mamaya, Gi, pero itanong ko muna... may nabanggit ba sa 'yo si Ridge?" Kalauna'y pagbabalik nito sa usapan.

Natigilan siya at mabilis din na bumaling kaagad sa kaibigan.

Ipinilig niya ang ulo bago nag-angat ng tingin sa maliwanag na kalangitan. Pero inalis niya rin kaagad ang atensyon doon dahil nagsisimula na siyang magkaroon noong kung ano na ang sakit sa mata tapos nagi-green pa sa tuwing kumukurap siya.

"Ang sabi niya lang noong tinanong ko siya, ayaw na raw niya."

Kumunot ang noo ni Zachariel. "Ayaw naman ang alin? 'Wag mo sabihing gusto na niyang makipag-break kay Zamiel? At ngayon pa, samantalang sampung taon at higit na silang magkasama!"

Hindi makapaniwalang pinagmasdan ni Gian ang kaibigan. Ni minsan, hindi sumagi sa isip niya na baka ayaw niya na sa relasyon nila ni Zamiel. Pero kung iisipin, may punto rin si Zachariel. Bakit ngayon pang sampung taon na sila? "Hindi ko rin alam. Basta ganoon lang. General at malabo ang sagot."

"Huh?" Napahilamos ito ng mukha. "It doesn't really make any sense, Gi. Iisipin ko nalang na ayaw na niya itong set up nila ni Zamiel dahil kung sa bagay, kahit siguro ako, mapapagod kung wala namang progress." "Walang progress?" Gian's lips protruded when Zachariel pointed out something. It made him confused, but at the same time, that certain word rang a bell within him.

Tumango naman si Zachariel bago tinapik ang balikat niya. "Ikaw din, napapagod na wala kayong progress ni Lyle, 'di ba?"

Muntik na mapaatras si Gian at inboluntaryong tumawid sa kabilang kalsada nang maiwan si Zachariel kung hindi lang nabusinahan ng makikiraan na motor. Natawa tuloy ang kaibigan dahil napatalon siya sa gulat. Palibhasa, sa sobrang abala makipagtsismisan, hindi narinig ang engine ng sasakyan mula sa likuran nila.

"Pre, sinasabi ko lang naman na baka napapagod ka na rin na magkaibigan pa rin kayo ng crush mo! Ba't parang gusto mong magpakamatay?!"

Nahihiyang sinimangutan ni Gian ang kaibigan. He also mouthed a curse which made the other burst out in laughter.

"W-wala akong balak na magpakamatay! Malay ko bang may sasakyan pala sa likod ko?!"

"Bingi ka na yata! 'Di mo naririnig kung anong ganap sa likuran mo!" Natatawa pa ring balik sa kanya ng binata. Pinalis din nito ang namumuong luha sa gilid ng mga mata nang kumalma na. "Mabalik doon kay Lyle, kayo ba, ano nang progress sa inyo?"

Gian pressed his lips together before he replied, "pareho kayo ng tanong sa 'kin ni Leon. Ganyan din kanina, e. Kaya ako sumigaw bigla!" "Ba! Pero siya 'yong binalitaan mo at 'di ako."

"Pareho lang din isasagot ko sa inyo. Magkaibigan lang kami ni Lyle, okay?"

"Hanggang ngayon? Mag-iisang linggo na rin mula noong nagtanong ka kay kuya Aaron. 'Kala ko pa naman, gusto mo na ring angkinin."

Gian's breathing hitched with the accusation. He could not also help it but to let out a trill before he slightly puffed his cheeks to throw some half-hearted daggers on Zachariel. He did not respond through words, he would rather stare like this. "Hindi naman ganoong klase ng pag-angkin ang gusto ko, e. Wala akong ii-instill kay Lyle kung 'di infatuation kung sakali mang ganon."

Ayaw niya ng relasyon na umiikot lang sa init ng katawan. Pagpapalipas ng libido? Hindi siya ganoon. Kung aangkinin niya si Lyle, manliligaw siya. Gusto niya ng seryosong relasyon na kalaunan e mauuwi rin sa kasalan. It does not matter if they have to waste a lot of money to get married on a church. Gusto niya lang na mag-settle down kasama si Lyle.

Natigilan si Gian sa paglalakad at napasinghap sa mga naiisip. Nandoon na siya sa puntong ganito ang iniisip niya?! Ni hindi man lang niya napansin dahil nitong nakaraan, ine-enjoy niya palang ang "company" ni Lyle!

"O, ba't ka tumigil sa paglalakad?" Tanong ni Zachariel bago tumigil din ilang hakbang na lagpas din sa kanya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.