Chapter CHAPTER 25.1
A closure. Lyle knew he needed a closure for his feelings towards Ridge. Alam niyang hindi siya worthy para magkaroon noon dahil kahit kailan, hindi lumalim ang relasyon nilang dalawa. Pero para nalang din sa puso niya at sa batang siya na hindi matigil sa kaaasa.
Si Ridge ang una niyang pangarap, ang dahilan kung bakit nagkaroon ng saysay ang buhay niya. Ito ang rason para magkaroon ng pagbabago sa kanya. Binitiwan niya ang lahat ng sama ng loob at umasa sa mas mabuting kinabukasan dahil dito. Ito ang naging inspirasyon niya upang abutin ang lahat ng kagustuhang marating.
Pero mula noon at hanggang ngayon, kahit kaila'y hindi masusuklian ang pagmamahal niya sa paraang gusto niya. Alam niya iyon at humingi siya ng mas mababaw na kapalit - pagkakaibigan - kahit na sa kaloob-looban niya, gusto niya na mahalin din siya ng binata... sa paraan kung paano nito mahalin si Zamiel.
But then, he found Gian.
Hindi lingid sa kaalaman niyang muli na naman siyang aasa sa wala dahil dito, pero habang tumatagal, lalo lang nangingibabaw ang pagkagusto niya kay Gian.
He knew that he's intoxicated, and the fact that this is not as deep as Ridge's made him shrug the feeling off. Iyon ay ang akala niya, but it turns out that he was just at the beginning of that phase where... he'd feel a lot more. More than what he felt towards Ridge.
"So, matutuloy ka sa Linggo?" Hindi niya napigilang itanong sa kalagitnaan ng pagkain nila ng tanghalian
Siniguro ni Lyle na hindi bakas sa boses niya ang kalungkutan at ang pait. Mukha ring successful siya dahil hindi man lang tumigil si Gian sa ginagawa. Or so, he thought. But it appears that the male hadn't heard him properly. Masyado bang mahina ang boses niya?
"Gian," tawag niya sa binata.
The male nearly jolted from his seat when he heard Lyle's voice. Namimilog ang mga mata nitong hinanap ang kanya at bakas ang pagkataranta't pagkagulat sa itsura nito.
"Ly-Lyle, may sina sinasabi ka ba?" Tanong nito.
Lyle smiled apologetically. Hindi nga siya narinig.
"Tinatanong kita kung tuloy ba kayo sa linggo no'ng dati mong kaklase," aniya.
Humina ang boses niya habang binabanggit iyong babaeng huli niyang nakita na kasama ni Gian at ipinakilala pang ex-girlfriend nito. Meanwhile, the other male blinked at him in confusion.
"O-oo," mahinang sagot ni Gian, "buong batch 'yon kaya kasama ko naman barkada ko. I'll stick.. with them."
Tumango-tango siya. "Kahapon, nakita ko 'yong kaibigan mong babae. Mukhang hinahanap ka."
Kumunot ang noo ni Lyle nang mag-angat ng tingin sa kanya si Gian ngunit nanatili ang mga ngiti sa labi niya nang matakpan ang totoong nararamdaman. Now he feels guilty about choosing Ridge wherein fact, he's undeniably jealous of Gian's reaction towards "Princess".
Kalaunan, pinasadahan nito ng tingin ang kisame bago nag-"ah" na para bang mayroong naalala.
"Baka tungkol iyon sa desserts na gusto niyang i-order para sa birthday ng nanay niya," anito.
Napahimig si Lyle at marahang tumango-tango. "Pero 'di ba, pwede naman niyang kausapin 'yong nag-aact na manager ninyo?" "Oo. 'Di ba ganon ang ginawa niya?"
Hindi nakasagot si Lyle. Ayaw niyang sabihin na kaagad umalis ang dalaga dahil baka may makita na naman siyang reaksyon na hindi kaaya-aya. After all, aside from the changes that he noticed to himself, he had also noticed a few... just bare changes in how Gian treats him.
Those were definitely not bad, but it bothered him. Nito lang kasing nakaraan, mas nabibigyan niya ng pansin ang mga bagay-bagay. Kaya maging ang pasimpleng pag-iwas sa kanya ni Gian. Kung hindi ito kumportable noon, mas lalo itong nagpa-panic ngayon sa tuwing nasa malapit siya.
Maybe because he's gay and Gian's taking precautions in case the "girl" he likes or that Princess sees them? Just so he can avoid any... conflict? The thought bothered Lyle but he had hoped that that is not the case.
"Mag-ex nga lang kami." Nabigla si Lyle nang biglang magsalita si Gian. Mahina ang boses ngunit matigas. Pinaninindigan kung anong sinabi. Napamaang siya. "Huh?"
Kumunot ang noo ni Gian. "S-sabi mo kasi, iniiwasan kita dahil doon sa taong gusto ko at dahil kay Princess. I swear, Lyle, that's not it."
Namamangha niyang pinagmasdan si Gian. It took him a few seconds before he finally realized what is going on! Bigla siyang napaahon mula sa pagkakaupo. Nakayuko para itago ang namumulang mga pisngi niya at kagat ang pang-ibabang labi. Habang si Gian, angat ang tinging pinagmamasdan siya. Nagtataka at nagulat sa biglaan niyang pagbangon.
"D-did I say that out loud?" He asked.
Did he really... did he really blurt out his private thoughts? Nag-aalala siya! Baka mamaya, pati ang pagkakagusto niya rito, nabanggit na pala niya!
Alanganin na tumango si Gian. "O-oo. Nagulat nga 'ko kasi... bigla mo 'kong pinagbintangan na umiiwas sa 'yo dahil sa t-taong gusto ko o 'di kaya kay Princess."
"Iyon lang ba ang sinabi ko?"
"Oo, 'yon lang." Natahimik sandali si Gian bago mahina na natawa, "may... um, may iba pa ba dapat akong marinig?"
Humigop siya ng malalim na hininga at naglakas loob na harapin si Gian. Isang beses pa na ginawa niya iyon e umupo na ulit siya.
But that does not mean that Lyle did not cover his face with his hands! Nor he did not feel how warm his cheeks are! Nahihiya pa rin siya bagamat iyon lang naman ang nabanggit niya!
Napasinghap si Lyle nang maramdaman ang kamay ni Gian sa palapulsuhan niya. Napaatras din siya lalo na noong alisin nito ang isang kamay niya mula sa mukha. Nang tignan niya si Gian, nakanguso itong nakatitig sa kanya. "Nagtatampo ako," dagdag nito nang matagpuan ang mga mata niya. Umawang naman ang bibig ni Lyle sa narinig, "i-iniisip mong umiiwas ako sa 'yo. Samantalang 'di ko naman kayang gawin 'yon. Nahihiya lang talaga ako nitong minsan dahil... ah, basta 'di ko rin masabi!"
Hindi kaagad na sinagot ni Lyle si Gian at sa halip, mas naituon niya ang atensyon sa kamay nitong nanatiling nakahawak sa palapulsuhan niya. Lyle was already feeling a strong urge to hold his hand but he kept himself together. He has to. Hindi dapat siya maging selfish lalo na't alam na ni Gian iyong iniisip niya kanina!
But the body is strong than his mind. Sa isang iglap, pati si Lyle e nagulat nang matagpuan ang sarili na ipinipihit ang kamay para mahawakan ang kay Gian. And both of them fell into a long silence as they held each other's hands, fingers intertwined. Bumagsak nalang din sa lamesa ang mga kamay nila pero walang nagtangkang bumitaw sa kanila.
"H-huh..." Lyle trailed off, soon feeling embarrassed about what he's done.
Sinubukan niya ring bitiwan si Gian dahil napapaso na siya pero humigpit lang ang pagkakahawak ng binata sa kamay niya. Nang ilipat niya ang mga mata rito, natagpuan niya itong pulang-pula pa rin ang mga pisngi at nakatuon lang ang mga mata sa kamay nila.
"Gian," he called his friend in a hushed tone.
Mabilis na bumaling sa kanya ang binata at nang magtagpo ang mga paningin nila, mabilis itong napaatras at sumandal sa likod ng kinauupuan.
"Wa-'wag mo muna akong bitiwan," anito bago itinago ang kalahati ng mukha gamit ang isang kamay. More specifically, he hid his eyes through his free hand, "m-may pinag-uusapan pa rin tayo e."
But that does not mean that they should hold hands! Isa pa, kakain pa silang dalawa. Lalamig na itong mga pagkain nila kung hindi pa kaagad na magagalaw.
But, was Lyle really bothered about it? No. He likes that Gian did not let go of his hand when he tried to break free from each other's grasps. Bagamat hindi na kumportable ang mabilis na pagtibok ng puso niya, gusto niya ang isiping... magkahawak sila ng kamay ngayon.
This is one thing that he'll never experience with Ridge and... he does not really care much about it anymore.
"Pinag-uusapan," kalauna'y ulit niya sa sinabi nito noong hindi alam ang sasabihin. Napasinghap pa siya lalo na noong magsimulang haplusin ng hinlalaki ni Gian ang likod ng palad niya.
Okay now... what? Pakiramdam niya ay sila na dahil sa iniaakto nito samantalang may iba naman itong gusto! Pagak siyang natawa sa isipan. Gian, tumigil ka. Alam kong ikaw na pero mali namang paaasahin mo ako ng ganito. Mas malala ka kay Ridge... na kahit kailan, hindi man lang ako sinipat ng tingin.
"Iyong... iyong tungkol sa pag-iwas na sinasabi mo kanina? Imposible 'yon k-kasi ma..."
Tumigil si Gian sa pananalita nang mukhang mayroong napagtanto. Naiwan ding nakabukas ang bibig nito ngunit kalaunan, itinikom din nito iyon at napalunok.
"... ma-ma-! Magkaibigan tayo, hindi ba? Wala akong dahilan na iwasan ka. Magkagusto man ako sa i-iba o bumisita man dito ng madalas si Princess."
Lihim na kinagat ni Lyle ang loob ng mga pisngi niya. Pinasadahan niya rin ng tingin ang mga kamay nilang magkasaklob. Pinanonood ang hinlalaki ni Gian na nilalambing siya. Iniipon ang mga salitang pwede niyang isagot. "Pasensya ka na." Iyon ang unang lumabas sa bibig ni Lyle na dahilan upang ipilig ni Gian ang ulo. Humigop siya ng malalim na hininga bago ibinalik ang paningin sa binata. Pinagmamasdan at hinahangaan ang luntian nitong mga mata. "Para saan?"
"Na nag-iisip ako ng kung anu-anong wirdong bagay?" Aniya bago kabadong humalakhak. Dinala niya rin ang isang kamay sa pisngi upang kamutin ang gilid ng labi, "nakakahiya na makita mong nag-aalala ako sa napaka-trivial na bagay. I just... I think I acted like someone I shouldn't even be."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Huh? Paano ka ba umakto ngayon, Lyle?"
Naitikom niya ang bibig matapos marinig ang balik ni Gian sa kanya. His forehead are creased and their are hints of cluelessness in those emerald eyes.
"... na parang boyfriend mo," mahinang sagot niya na nakapagpaatras kay Gian.
Nasamid ito sa sariling laway kaya mabilis siyang nag-abot ng inumin dito. And he was supposed to let go of his hand but Gian did not let him. Again. "H-hala! L-lumalamig na iyong pagkain natin!" Pag-iiba nito ng usapan noong oras na medyo ayos na ang pakiramdam.
Kumikibot pa ang sulok ng labi nito at sa hindi maipaliwanag na dahilan, naaliw na naman si Lyle sa binata.
"K-kain na tayo, Lyle! May trabaho k-ka pa 'di ba?!"
Kunot noo niyang pinasadahan ng tingin ang mga kamay nila bago marahang tumango. Tapos, iniangat niya ang kamay nilang magkahawak pa rin. "Paano tayo kakain kung magkahawak pa rin 'tong mga kamay natin?" He asked.
Namamanghang tumitig si Gian doon bago siya pinagmasdan ng mabuti. "Di ba pwedeng kumain tayo ng ganito?"
"Huh?" Aba, ayos lang! Pero imposible namang mahawakan nila ang mga kubyertos ng ganito! "Hindi pwede. Ba't ba gusto mong magkahawak pa rin tayo ng kamay? 'Di mo 'ko boyfriend." "A-ah." Nag-iwas ng tingin si Gian. "K-kala ko kasi..."
"Akala mo?" Ulit niya, pero patanong.
Kaya lang, hindi sumagot si Gian. Sa halip, dahan-dahan nitong binitiwan ang kamay niya. Nakaramdam tuloy siya ng panlalamig nang hindi na niya maramdaman ang init na hatid nito sa kanya. Marahas tuloy siyang bumuntong hininga. Hindi nagtagal, nagpatuloy sila sa pagkain. Mas tahimik sila noon lalo na at nakakahiya ang mga eksenang ginawa nila kanina! Naghakawan ng kamay pero walang label maliban sa pagkakaibigan? Siya lang din ang may gusto kay Gian dahil iba ang nais nito!
"Playboy," mahina niyang bulong bago bumuntong hininga. Bagamat nakatingin din sa kinakain, napansin niyang nag-angat ng tingin si Gian sa kanya. Mukhang narinig siya. Napangisi tuloy si Lyle lalo na nang maaninag niya ang pagkunot ng noo nito.
"May sinasabi ka ba... Lyle?" Anito.
Nag-angat siya ng tingin at mahinang tumawa. "Trabaho, sabi ko. Marami pa 'kong gagawin, e."
Gian's lips protruded into a small pout. But that did not stop him from taking a sip from his tea. Ngayon lang din napansin ni Lyle na mas hilig nito ang tsaa. Usually, Gian would go for Chamomile tea.
"Oo nga pala, um, nabanggit ni Ridge sa 'kin na pupunta siya sa Primivère next week..." mahinang sabi ni Gian.