Wildest Beast (Hillarca Series 01)

Chapter CHAPTER 21



MEMORIES

PAGKATAPOS mabunyag ang totoo sa araw na iyon. Wala akong ginawa kundi ang umiyak at magmukmok sa sariling kuwarto. Ngayon ay pangatlong araw ko na 'to, kahapon ay dumating si Papa. Nasabi sa akin ni nana Roda na may kung anong inasikaso si Papa, kaya ngayon lang dumating.

Kahit ngayon, hindi pa niya alam ang nangyayari sa pagitan ng aming pamilya at sa mga Hillarca. Kahapon ay bumalik na rin ang tito't tita ko sa Manila, umalis silang hindi nila ako nakakausap. Sinubukan nilang kausapin ako. Pero ako lang itong nagmamatigas, ang alam ko ay wala pang alam si Papa.

Ang alam niya lang ay buntis ako, bumalik na sa hacienda...pero walang ama na kasama. Pinahid ko ang luhang tumakas sa mata, siguro ang pumapasok na sa isip niya ay marahil umuwi ako dahil hindi ko na kaya. Ngayong malapit na akong manganak saka naman ganito ang mga kaganapan, kahit may problema ako. Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili, natutulog pa rin ako sa tamang oras.

Kahit matinding stress na 'ata ang nararamdaman ko, palagi kong tinatahan ang sarili. Nakatayo ako malapit sa bintana, tanaw rito sa silid ko ang kuwadra. Napako ang mga mata ko kay Rezoir na sinusubukang pumasok sa hacienda, ganiyan ang ginagawa niya...nagmamakaawang kitain ko siya. Agad kong hinila ang kurtina, para hindi na makita ang pangyayaring nangyayari sa labas.

Ang pinsan kong sina Dalea at Nashe ang kasama ko rito sa hacienda. Sila rin ang nagtataboy sa kanya, noong una...tinangka ko siyang lapitan. Ngunit dahil sa mga salita ni Dalea, agad akong umaatras.

"Alam mo na ang totoo Azeria, huwag mo ng ipagpilitan ang bawal."

Ang malamang hindi nila ako kaano-ano, oo, hindi ko itatanggi na hindi pumasok sa isip ko na lumayo. Dahil sino ba naman ako? Hindi nila ako kadugo...pero hanggang isip lang ang mga balak. Dahil kahit balik baliktaran ko man ang mundo, hindi ko kayang iwan sila...at basta na lamang kalimutan ngayong alam ko ng hindi nila ako kadugo. Lumaki akong sila na ang pamilya, kaya mahirap...mahirap sa akin na malamang hindi sila ang totoo kong pamilya.

Kaya hindi ko rin alam kung paano harapin si Papa, paano niya...nakakayang makita ako kung ako ang bunga ng pagkakamali ni Mama?

"She cheated on him."

"But he loves you...na kaya niyang kalimutan ang lahat. That's why the two of you shouldn't be together...because it's forbidden."

Mga salita ni tito Andrius sa akin sa araw na 'yon, araw na nalaman ko ang totoo. Kaming dalawa ang naiwan sa library, at doon ko nalamang...si mama... she cheated. Hindi ko matanggap ang nalaman ko, dahil kahit lumaki akong walang ina... naniniwala akong hindi niya 'yon magagawa. Nakagawian kong balikan ang kanilang larawan, kapag dumadating ang death anniversary ni mama. Kaya paano nila nasasabi na nagawa niya ito, ngayong ang mga matang nakikita ko sa mga larawan nila ni Papa ay puno ng pagmamahal.

"That's the truth hija...Constantine cheated on Cessair with Horace." my grandfather say's. Dahil galing na mismo sa kanya...pinaniwalaan ko na ang kanyang mga salita. Kaya kahit anong pagmamakaawa ni Rezoir sa labas, wala akong lakas. Wala akong lakas para harapin siya, nagmahal lang naman ako...pero sa maling tao pa. Agad akong naglakad pabalik sa aking kama, at humiga.

"Constantine and Serena, they are best friend since they are a child. Kaya nang malaman ko ang ginawa ng ina mo," umiling si lolo. "I can't believe it, ang akala ko pinagloloko lang ako ng sarili kong anak. Ngunit nang umalis si Constantine ng walang paalam, hinanap siya ni Cessair kung saang bansa siya napunta. Ilang taon ng nakalipas, bumalik siya...bumalik siyang karga ka. At sinabing namatay si Constantine nang isilang ka, umiiyak siya sa harap ko habang sinasabing pumanaw na ang asawa niya. Ni kahit ano, wala man siyang iniwan. Ikaw lang."

Napapikit ako, lumuwas na sa bansa si lolo. Pero sinabi niya sa akin ang totoo, bago ito umalis.

"That's why he despite them so much, kung bakit...nagawa ni Constantine 'yon kay Serena. At kung bakit sa Hillarca pa, sa Hillarca na itinuring ng ating pamilya na kabilang na sa atin."

I'm the fruit of mistake...and then...I carrying a mistake again.

Kahit mahal ko si Rezoir, hindi pa rin tama para sa mata ng iba. Kaya ngayong alam ko na ang totoo, tama lang na huwag ko ng dagdagan ang kasalanan ko. Rinig ko ang marahang katok sa pinto ko, ilang segundo pa ay tinatawag na ako ni Dalea. "Open the door, Azeria!"

Hindi ako gumalaw, ngunit sa sunod na sinabi nito ay agad akong napabalikwas.

"Tito already knows the truths, Azeria!"

Pagkabukas ko ay ang problemadong mukha ni Dalea ang bumungad sa akin.

"W-what do you mean?" wika ko. Bahagya itong hinihingal, rinig ko rin ang sigawan sa baba.

"He finds out na may Hillarca rito sa hacienda which is Rezoir! But he doesn't know yet about " napatingin ito sa sinapupunan ko. Agad ko siyang nilampasan, nakasunod naman siya sa aking likuran. "He thought his one of your crazy suitors at metro, kaya sinabihan niyang bumalik na sa Manila." Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Did he?" umiling siya sa akin.

"I doubt, but he left...I think tita Kia already tell him. Siya ang katawagan kanina ni tito, and now...his looking for him." Napapikit ako at napahilamos sa mukha. Agad akong bumalik sa kuwarto ko at agad hinagilap ang phone ko, sinusubukan akong tawagan ni Rezoir sa phone. Minsan sinasagot ko, minsan pinapatay ko. At kung sasagutin ko man, at sa tuwing nagmamakaawa siya sa akin...ang pagsigaw sa kanya sa kabilang linya ang aking naging depensa. Nanginginig ang mga kamay kong tinawagan ang kanyang numero, isang ring pa lang...sinagot na niya.

"B-baby..." ngayong rinig ko na naman ang pagsasamo sa boses nito. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. "B-baby...how are you? Can I see you please...kahit saglit lang...saglit lang baby." napatakip ako sa sariling bunganga. Sinubukang agawin sa akin ni Dalea ang telepono pero agad ko siyang tinalikuran, at madiin ang pagkakahawak ko sa telepono. "M-miss na miss n akita Azeria..." umiiyak na sambit niya.

"W-where are you?" rinig ko ang pagsinghal ni Dalea sa likuran ko. Kahit ito na, gusto ko lang sabihin sa kanya ang desisyon ko. Na dapat na naming kalimutan ang isa't-isa, dahil iyon ang tama. Kahit mahirap, iyon ang dapat gawin. "I'm on the boundary..." agad ko namang nakuha ang ibig niyang sabihin. Wala akong sinayang na oras, agad kong pinatay ang telepono.

"Nahihibang ka na ba Azeria?!" si Dalea. Hindi ko siya pinansin. Pero nakasunod pa rin naman siya sa akin, nang nasa tanggapan na kami ay rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni nana Roda. Tuloy pa rin ang paglakad ko, natanaw ko pa si Nashe na nasa kuwadra. Hapon na, napatingin ako sa kalangitan. Nagbabadyang uulan, tinawag ni Dalea si Nashe. Hindi ko na 'yon pinansin, dahil ang mahalaga sa akin ay ang mapuntahan siya at makausap para...matapos na. Pero ito ang kinalabasan.

PAGMULAT ng mata ko. Hindi tulad ng inaasahan ko, ay ang mukha na niya ang bumungad sa mata ko. Inilibot ko ang mata ko at nasa kuwarto ko pa rin ako, kung gano'n...hindi siya umalis. Kahit harap harapan ko ng ipinakita sa kanyang, sa pagkakataon na ito hindi na siya ang pipiliin ko. Agad niya akong inalalayan ngunit agad akong lumayo, nang magdikit ang mga balat namin. Nahagip ng mata ko ang pagkuyom ng kamao nito, nanlalamig ang buo kung katawan. Hindi ko alam kung sa oras na ito ay narito pa siya, nang marinig ang pagpatak ng malalakas na butil ng ulan. Marahil ito ang dahilan, nang maalala na naman ang nangyari kanina.

Pait akong napangiti. Naalala ko na naman ang mga salita ni Papa kanina.

"B-bakit? Bakit sa kanya pa Azeria?" sanay akong sinasabihan niya na 'bakit hindi mo siya gusto'. Noong mga panahong, nalaman niyang wala akong interes sa bagong manliligaw ko. Noong nasa kolehiya pa lang ako. Hindi ko lubos iisipin na maitatanong niya sa akin ang mga salitang ito. Oo nga naman, bakit sa sariling kadugo ko pa ako nagkagusto? Bakit sa pamilya pa na kanyang hindi nagugustuhan. Kahit ngayong alam ko ng hindi siya ang totoo kong ama, dapat nga e' wala akong karapatang makialam na sa kanya.

Pero kahit hindi man kami magkadugo, ama ko pa rin siya...naging ama ko pa rin siya. Kaya masasaktan ako ng ganito. Matapang ko siyang tinignan.

"W-why are you still here?" paos ang boses ko. Walang tigil ako sa pag-iyak, kaya hindi na nakakapagtaka na paos na ang boses ko. Pain is written at his face, hindi man sanay sa nakikita kong emosyon sa kanyang mukha. Wala akong magagawa, dahil siya at ako ay hindi na puwede.

"B-ba-"

"D-don't...call me that. You already knew...that you shouldn't call me that way," tiningala ko siya at matapang naman niyang sinalubong ang mga mata ko. "were related by blood." Puno ng pait na wika ko.

"No. We aren't." matigas na tanggi niya.

"Kahit anong gawi "

"We are not baby! Kahit kailan man ay hindi!" iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Agad siyang lumapit sa akin at lumuhod sa harap ko. "W-why can't you believe me?"

"D-dahil iyon ang totoo Rezoir...na kuya kita. Na magkapatid tayo!" sigaw ko. Pero patuloy siyang umiiling, sinusubukang hawakan ang mukha ko pero agad ko itong sinasampal. Hanggang sa napabuntong hininga siya at napamulsa. Pinagmasdan ko siyang inilabas ang kanyang sariling phone, may kung sinu siyang tinawagan at ang umiiyak na si tita Serena ang rinig sa kuwarto ko.

"Israel...orge back home anak..." umiiyak na aniya. Hindi ko napigilang hindi mapaluha dahil sa narinig. May pagsusumamo sa boses nito, napatingin ako kay Rezoir na kasulukuyang nakayuko. Nasa phone ang paningin, ilang araw na siyang pabalik balik rito.

"M-ma..." his voice crocked. "Don't I deserve to be happy?" napakurot ako sa sariling balat. Ang sakit...ang sakit sakit sa dibdib. "I-Israel..."

"Y-yes I admit, at first I'm making up for revenge. Because I can't understand...why are you continuously visiting the kid?"

Kid?

"You should spend your time with me, with your family...but in fact you're spending much more time with her...with the daughter of your best friend." Natigil ang luha ko sa mga salitang narinig ko sa bibig niya. "Y-you know why I do that."

"Y-yes, because you promise her. That you would also be a mother to her daughter, na hindi lang sa akin...sa amin."

"W-what are you talking about?" bulong ko. Hindi ko tiyak kung rinig niya, pero nagpatuloy ito sa pakikipag-usap sa mama niya.

"Pero Ma, nasabi ko naman kung gaano ako kagalit sa batang 'yon. Lahat na lang ng oras mo inilalaan mo rito, she's not your real daughter...na kahit pa ang totoo ay ayaw mong sabihin. Pero Ma, ngayong alam ko na kung bakit hindi mo siya kayang talikuran. Ngayong mahal ko na siya...bakit ganito naman Ma? Bakit naman ganito? Karma ko ba 'to? Karma ko ba dahil alam ko ang totoo?"

"R-rezoir..."

"Mahal na mahal ko siya Ma e', pero hindi na niya kayang...paniwalaan ang mga salita ko. Ma, ano bang dapat kong gawin? Hindi ko naman siya kapatid e'."

Napahagulgol ako. Gusto kong maniwala sa kanya! Gustong gusto ko, pero paano? Paano ngayong lahat ng tao rito ay sinasabing totoo ang kanilang mga salitang binibitawan! Kaya paano...paano ko siya paniniwalaan? Kaninong salita ako maniniwala?!

"H-hindi ba talaga kami puwede Ma?"

"Israel...please...just come back home anak. Aayusin ko, pangako aayusin ko ang lahat. Pero umuwi ka na, umuwi ka muna...ang lolo mo Rezoir." Umiiyak na ani tita Serena. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang telepono, bigla ay tumayo na ito. Pinakatitigan niya ako, ngayon ay harap harapan ko ng nakikita ang pagbagsak ng mga luha niya.

"B-belive me baby...I am telling the truth," humugot ito ng malalim na hininga. "I don't want to left, you alone...but I need too. My grandfather needs us, but you know what...I need you. Ikaw lang ang kailangan ko sa oras na ito, ikaw ang palaging inaalala ko. Kayo ng anak ko, walang katotohanan ang mga salitang nakuha mo. But I just want you to know baby...even what we had is forbidden. I will still love you till the end."

Walang imik siyang umalis sa silid ko. Pagkasara ng pinto ng kuwarto ko ay napahagulgol ko, kasabay ng aking palahaw ay siya namang pagbuhos pa ng malakas na ulan. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar, gano'n ang itsura ko ng ilang oras. Sa pagod ay tuluyan na akong nahiga. Bago pa man ako tangayin ng antok, rinig kong may kumatok sa aking pinto. Ilang minuto pa ay ramdam ko ang paglubog ng kama, nang isang halik ang pumatak sa aking pisngi. Hindi gusto ng mga mata kong bumukas, mabigat na ng husto ang aking mga talukap.

Alam kong si papa ang aking kasama.

Bago pa man siya umalis ay ramdam ko ang pagpatak ng kaniyang luha sa aking pisngi, kasabay ng paghingi niya ng sorry. Lumandas ulit ang luha sa aking mata, wala akong ipinagdadasal kundi pagdating ng umaga ay sana...sana maging maayos na ang lahat. Sana lumabas na ang katotohanan. Katotohanang wala na akong mararamdamang pag-aanlinlangan.

And now... I'm back to this dream again.

"A-azeria..." napatingin ang batang Azeria sa taong tumawag sa kanya. Napatingin ako sa taong tumawag sa batang Azeria, at ikinagulat ko ang aking nakita.

Tita Serena.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Umaliwawas ang mukha ng batang Azeria. Bigla ay tinawag niya si tita Serena sa paraang siyang ikinagulat ko.

"Mommy!"

Why does she call her...mommy?

Sa naging tanong ko ay parang isang sinema na nagpakita ang mga larawan. Kung saan, palaging nagkikita ang batang Azeria at si Tita Serena. Ito ba? Ito ba ang sinasabi ni Rezoir. Na sa tuwing summer ay sa akin inalalaan ang oras ng isang Serena Hillarca, sa akin imbes na sa mga anak niya. Napaluha ako at napahagulgol, bakit? bakit sa pagkakataon ko lang napanaginipan ang mga ito? Hindi-hindi 'to isang panaginip.

This picture is my memory...my forgotten memories.

"I don't know if you still remember this, but...if things got out of control. I want you to search the letter of your mother." "Mother?" naguguluhan wika ng batang Azeria. I'm remember now, I met Serena Hillarca when I was three years old.

"Yes," ngiti ni Tita Serena. "do you still remember my favorite book?"

"Beauty and the wildest beast?" bungisngis ng batang Azeria.

"No, it should be beauty and the beast baby." Tawa ni Tita Serena.

"No! beauty and the wildest beast is better!" pilit naman ng batang Azeria.

Bakit nakalimutan ko ang pangyayaring ito? Kung sana naaalala ko ang pangyayaring 'to, sana matagal ng natapos ang gulo between the Tacata and Hillarca. Sa panaginip kung 'yon na memory ko pala ako nagising, ilang minuto pa akong natulala. Hanggang sa tumayo na ako, at pinasyang pumunta sa library. Para hanapin ang librong aking naalala, ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Ilang copy ng libro na hinahanap ko ang aking nakita, kaya matagal bago ko nakita ang hinahanap.

Agad kong hinaplos ang papel na may pag ka luma na. Nang aking buksan ay ang sulat kamay ni mama ang agad kong pinuna, maganda. Magandan ang sulat kamay niya, humugot ako ng napakalalim na hininga. At tuluyan ng binasa ang sulat niya.

"Dear Love, I don't want to say goodbye through this letter. But I need to, there is something you don't know about me. I know it's will upset you, but remember...whenever I'm with you. What you see beyond me is re, through this letter, I will say you even the smallest details...that you didn't know. When I first saw you, I didn't find you attractive... kumbaga sa akin ikaw lang 'yong taong puro hangin. But when you save me that night, hindi pala. I have mistaken, I judged you big time. I never thought we will become so close. Cessair, when you save me, I know you are wondering for those people... who are they? But I didn't expect you wouldn't ask, na siyang dapat. You should ask me dahil tinulungan mo naman ako, but even we become so close together hindi ka nagtanong."

Did papa save her? For whom?

"And then years go by, you courted me...when I said yes...you become happy. We become happy, to build a family upon graduating from college is not my plan at all. I plan to tell you that, I am carrying your daughter..." Nabasa ang papel na hawal ko dahil sa luha ko. Nagpatuloy ako sa pagbasa.

"After the ceremony, but I never imagine that I will see them again. Those people...who tried to rape me. I want to tell you about it, pero natatakot ako. They threatened me, ngayong nasa sinapupunan ko ang magiging anak natin. Ang kaligtasan niya lang ang inaalala ko, I know...sobrang gaga ko siguro na sa kaibigan moa ko lumapit. My best friend boyfriend, hindi sa hindi mo kami kayang ipagtanggol. Pero knowing those evil people, takot ako...takot akong idawit ka sa gulo ko. Kaya sa kanya ako, lumapit...basta kumapit lang ang anak natin sa akin. Kaya ko, makakaya ko...pero hindi ko alam na kaya rin nilang makalapit sa akin ng mas malapit. Mas natakot ako, hanggang sa pumunta ako sa ideyang 'to. Ideyang tiyak na ikakagalit mo, pero alam ng diyos na ikaw lang ang minahal ko Cessair...ikaw at ikaw lang. Alam kong matinding galit ang mararamdaman mo, pero huwag mo sanang pagdududahan ang pagmamahal ko. I'm so sorry love... hindi ako naging mas matapang. Kung sakali mang makita mo ang sulat na ito, sana mapatawad mo ako...at kung sakali mang may mangyari sa akin. Chaldene Azeria...this is the name of our daughter...take care of her love. Take care of our daughter."

Nanginginig ang mga kamay kong inilapag ang papel sa mesa. Sinuntok suntok ko ang bandang dibdib ko.

"M-mommy...." Umiiyak na tawag ko sa ina. How did you even...did the things...para lamang sa kaligtasan ko? Kahit nasa kapahamakan ka na, ako at ako pa rin ang inalala mo. "M-mommy...I'-I'm so srry for doubting you...mommy..." nanghihina akong napaupo sa sahig at mas napahagulgol.

"A-Azeria?" tawag sa akin ni Papa. Nanginginig ang bibig kong tinawag siya.

"P-papa..."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.