Chapter CHAPTER 20
SLAP
But it looks like the word happy is not for me.
"A-anong sinabi mo tita?" nauutal na wika ko. Naguguluhan akong napatingin kay tito Andrius, matigas ang mukha nito na nakatingin sa mga taong nasa harap ko. Nasa pribadong restaurant kami, ang inaasahan kong matatapos na ang lahat
ng problema hindi pala. Napatingin ako kay tita Kiara, wala pa rin sa akin ang paningin niya. Katulad nang kaniyang asawa ay matigas rin ang kaniyang mukha, habang tanaw ang mga taong nasa harapan namin. "Why don't you sit up first, Kia?" ani tita Serena. Sa nagdaang minuto ay nakatayo pa rin ang mga kamag-anak ko, ni hindi man lang sila nag abala para umupo. Agad na nilang pinakita na hindi mangyayari ang inaasahan kong mangyayari sa araw na 'to.
"No need, hindi na kami magtatagal. Alam mo namang walang patutunguhan ang pag-uusap na ito." Matigas na wika ni tita Kiara. Tinangka kong lapitan si Rezoir nang hawakan ako ni Dalea sa braso. "W-what are you doing?" nauutal na tanong ko. "T-tito!" sigaw na tawag ko sa panganay nila Papa, si tito Andrius.
"One more step, I swear this is the last thing you can face my niece...young man." si tito Andrius habang ang mata ay na kay Rezoir. Walang nagawa si Rezoir kundi ang tumigil, namumuo na naman ang mga luha sa mata ko. Kuyom ang kamao ni Rezoir at napahilamos sa mukha. Some profanities slip at his tongue. Napatingin ako kila Theo na tulad ko ay hindi maunawaan ang nangyayari, si Dalea na nakahawak pa rin sa braso ko. Tinitiyak na hindi ako magtatangkang tatakbong pa punta sa kabilang kampo.
Pait akong napangiti, napasulyap ako kay tita Serena. Ito ba ang sinasabi ni tita Serena? Pero bakit naman ganito...bakit naman ganito kabigat ang kahaharapin ko?
Ngayong hindi ko makita sina lolo at papa, gano'n rin sa mga Hillarca. Ni hindi ko pa nakita si Don Sebastian, ngayong wala ang kanilang presensya. Daig ko pa ang nabagsakan ng langit at lupa, isa lang naman ang ibig sabihin nito. Hindi magkakasundo ang aming pamilya, bumagsak na nang tuluyan ang aking luha.
"Where's Cessair, Andrius?" sa totoo lang ay pinagtaasan ako ng balahibo nang magsalita ang tito ni Rezoir na si tito Ezequiel. Ngayon ko lang nakita ang mga ito, pero nagpakilala ang mga ito kaninang nasa bahay pa lang kami nila Rezoir. "He doesn't know about a single thing about this," napatingin sa akin si tito Andrius. "About how his daughter fall in love with one of the Hillarca. You know how he despite your family, sa tingin mo ba kung malalaman niya ang bagay na 'to. Ano sa tingin niyo ang magiging reaction niya?" patuyang wika ni tito sa kanila.
Hindi naman agad ako na kapag salita sa sinabi niya. Isa-isang pumasok ang mga salitang kaniyang binitawan sa utak ko.
Daughter. Fall in love.
Despite. Family.
Nanginginig ang mga labi ko, mas bumuhos ang luha ko. Ito na ba? Ang mga salitang tulad ba nito ang mga kasagutan sa mga katanungan ko? It's not a single feud between family...mas may malalim pa. Sa nakikita ko, tama ako...tama ang pakiramdam ko.
"I-I love her sir..." nauutal na wika ni Rezoir.
Ayokong balikan ang pag-uusap na naganap sa amin ni tita Serena. Pero nabanggit niya na, noong una ang akala niya Rezoir is taking up for revenge. Oo, sinabi kong maniniwala na ako sa kaniya. Na magtitiwala na ako, pero ngayong nasa ganitong tagpo ulit kami...bakit? bakit niya nasabing ang akala niya ay paghihiganti lamang ang mga ginagawa ni Rezoir? Kung gano'n, ang ibig sabihin ba nito...plano nga niyang maghiganti sa pamamagitan ko? Nasapo ko ang walong buwan kong tiyan, sa naisip ay para akong kinakapos ng hininga.
"Azeria? Are you okay?" nag-aalalang tawag ni Theo sa akin na nasa likuran ko na pala. Nang hindi ako magsalita ay tinanggal niya ang tila bakal na mga kamay ni Dalea na nasa braso ko.
"What are you doing Theo?" wika niya.
"She's pregnant for godness sake! Hindi mo ba nakikitang para siyang nahihirapang huminga?!" singhal naman ni Theo kay Dalea. Ang lakas ng boses nito ay tama lamang para kaming tatlo lang ang makarinig. "No. you are not doing anything." Matigas na saad niya kay Theo.
"Fuckin' really? Are you nuts? Huwag mong sabihing naniniwala ka sa sinabi nila?"
"Why not? After all, your father who tell us what's the truth!"
"How did you even know that it's a truth huh?"
"Hindi dahil spoil palagi sa inyo si Azeria ay isasantabi mo na ang totoo Theo!"
"Dalea!" sigaw ni Theo. Hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang mata ko sa kanilang dalawa, sa pag-aaway nila sa tabi ko ay mas lalo akong nahilo.
"Hindi sila puwede dahil-"
"Fuck!"
Ang pagmumura ni Rezoir ang huli kong narinig bago ako mawalan ng ulirat.
How many times will I go through this?
Nagmahal lang naman ako, nagkamali lang naman ako...pero bakit ganito namang kabigat ang nakukuha ko? Bakit lahat na lang nagiging problema? Bakit parang isinasampal sa akin ng tadhana na hindi kami puwede? Na hindi kami ang para sa isa't-isa?
Sa anong dahilan para hindi kami puwedeng magsama?
Iyon ang katanungan gusto kong malaman. Ngunit hindi ko lang inaasahan na sa pagmulat ng mata ko, hindi ang mukha ni Rezoir ang bubungad sa mukha ko bagkus ay ang aking lolo. May mga luha sa kaniyang mata, hindi napigilan nang mga luha kong hindi rin bumagsak. Wala siyang sinasabing kahit ano, basta hawak niya lang ang kamay ko. Marahang hinalik halikan, ngunit hindi niya magawang salubungin ang mga mata ko. Kumirot ang puso ko sa nakikita, heto na...nasa harap ko na ang taong siyang alam kong makakasagot lahat ng katanungan ko. After all, siya naman ang may ideyang palitan ko ang pangalan. Na kahit ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan, ngayong lumuluha siya...may pagsisising nakaukit sa mukha.
Mas bumuhos ang luha ko. Kahit may kung anong nakabara sa lalamunan ko, nagtanong pa rin ako.
"L-lolo...bakit hindi kami puwede? Ang sabi ni tita K-kia..." napahagulgol ako. Hinaplos nito ang buhok ko, bumontong hininga siya at kalaunan ay tumayo na. Pinagmasdan ko siyang pumunta sa bintana, malayo ang tingin nito. Natigilan ako nang may napagtanto, nanlamig ang buong katawan ko nang mapagtantong nasa sariling kuwarto ko...ako. Nasa hacienda na ako at wala na sa...Manila. Awang ang bibig ko, alam ko na nawalan ako ng malay...pero bakit bigla ay narito na ako. Nasaan si Rezoir? Bakit nasa hacienda na ako?
"I-I'm sorry cara mia," napabuntong hininga ito. "You need to stay away first, sinisigurado kong maaayos rin ang lahat." Napatingin ito sa akin.
"Ano ba ang dapat nating ayusin lolo? Kasi sa totoo lang naguguluhan ako ng husto! Ni hindi ko na alam kung saan dapat ako lulugar, akala ko maayos na e'. Bakit may aayusin na naman?" "A-azeria a-apo..." ang pagtawag lang sa pangalan ko ang nagawa niya.
"Enlighten me lolo...please," napapikit ako at marahang inalis ang mga luha sa mata ko. "Tell...me what's the fuss about me and the first grandson of Hillarca? Why are they telling me that we shouldn't be together? Why? What's the reason?" ang pag iyak ko lang ang maririnig sa silid. Mga ilang minuto pa bago ako sinagot ni lolo. Imbes na maibsan ang sakit na nasa dibdib ko, mas nasaktan ako sa naging sagot niya.
"Kung nagmamahalan kayong dalawa, kung gano'n kayo ay para sa isa't-isa."
"Are we?" sapat na ba? Sapat bang alam naming nagmamahalan kaming dalawa kahit pa ang mga taong nakapaligid sa amin, ay pilit kaming ipinaglalayo? Hindi. Kahit magdesisyon kaming lumayo, may mabigat pa ring nakadagan sa dibdib ko. Kaya bakit pa? Anong saysay ang pagmamahalan naming dalawa kung lahat na lang ay humahadlang na. Ano pa bang salita ang siyang hustong magpapaguho sa mundo ko?
Pagod na pagod na ako.
"W-why did you run away Cara mia?"
Ngayong nasa hacienda na ako. Alam kong hindi ang pagkakataon lang 'to, ako matatanong ng mga salitang tulad nito. Maraming bagay akong inaalala, pero ngayong nasa hacienda na. Ang dapat kong gawin ay itama ang pagkakamaling nagawa ko sa pamilya...dahil siguro kapag iyon ang ginawa ko ay kaya ko ring ayusin ang gusot sa pagitan ng pamilya nang taong mahal ko. Oo, kahit wala siya sa tabi ko...para sa anak naming dalawa. Dapat maging matapang ako. "D-dahil nahihiya ako lolo," parang isang larawan na naglalaro sa isip ko ang unang pagkikita naming dalawa ni Rezoir. "sa kaalamang tinanggihan ko na manatili dito sa hacienda. Sa pagpilit sa inyo ni Papa na sa Manila na ako mananatili, tapos nakagawa pa ako ng bagay na tiyak na hindi papasok sa isip niyo na magagawa ko."
"To fall in love is not a mistake." wika niya. Pumasok sa isip ko ang mga salitang binitan kanina ni tita Kia.
"Hindi man kailan sila magiging puwede!"
Nang marinig ko 'yon, namutla ako. Dahil sa tono ng pananalita ni tita, isang malaking kalokohan at kasalanan na nagmahal ako sa isang Hillarca.
"But to fall in love with the wrong person...isn't that a mistake lolo?" nauutal na saad ko. Lumapit si lolo sa gawi ko at marahang lumuhod sa harap ko, at masuyo niyang pinahid ang mga luha sa mata ko.
"I'm thankful to know that your safe cara mia," nasa sinapupunan ko bumagsak ang kaniyang mga mata. "I heard what happen to metro..." sa sinabi niya ay natigil ang pag hinga ko. Napapikit ako nang maalala na naman ang senaryong 'yon. "I know, it's not because your pregnant the reason why you run away. It's because what happen to you...na alam mo na kapag magpapakita ka sa amin. Mahihiya ka, nahihiya kang malaman ng mga tao na ang pangyayaring 'yon ang nakuha mo. Sa kagustuhan mong tumakbo sa lugar na 'to." Napahagulgol ako nang tuluyan sa sinabi niya. "You know that all along...that's why I'm so sorry apo. Sorry, that you carrying the burden that we don't know..." napasinghap ito. Niyakap niya ako at para akong bata na yumakap sa bewang niya, at mas umiyak pa.
"Don't ever think that we couldn't understand you. Dahil kami...kaming pamilya mo rin ang siyang makakaintindi sa'yo Azeria."
I know.
Ako lang naman itong takot e', pinapangunahan ang lahat. Kaya kahit ang mga bagay na hindi ko kaya, ay ni hindi ko masabi sa kanila. I know I am not a perfect person, pero kasi heto ako e'...lumaki akong walang ina. Na habang lumalaki na nakikita ko ang mga lungkot sa mga mata ni Papa. Hindi ko kayang labanan ang nararamdaman, na para sa akin ay hindi ko deserve ang mga bagay na natatamasa ko.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
After all, ako naman ang may kasalanan kung bakit wala si mama. Na sa pagdating ko sa mundo ay siya naman ang pagkawala niya, oo, galit na galit ako sa mundo noong una...na kalaunan sa sarili ko na ako mas galit. Bakit kaialangan mawala si Mama sa oras nag pagdating ko sa mundo? Bakit kaialangan kong makita ang lungkot sa mga mat ani papa? Bakit...parang mahirap na ang isang tulad ko ay nag-e-existing? Oo, alam ko na walang kahit na sino ang makakaintindi sa akin. Pero ngayong sinasabi sa akin ni lolo, na naiitindihan nila ako.
Dapat ba, nagsabi ako? Dapat ba sinabi ko ang totoong nararamdaman ko?
Kung gano'n ba ang ginawa ko.
Hindi ko ba kailan man maiisip na sa Manila ako mananatili? Na hindi ko ipagpipilitan ang gusto na sa huli, alam kong hindi 'yon ang sinisigaw ng puso ko. Ang maisip na ang lahat sana ng mga desisyon ko ay nasa tamang landas, ang mga kilay niyang laging nagsasalubungan...ang mga mata niyang hindi nakakasawang pagtignan. Kung gano'n hindi ko siya makikilala, walang humpay na tigil ang mga luha ko sa paglabas. Iyak ako ng iyak, ngayong...wala na siya sa tabi ko. Hanggang dito na lang ba kami? Hindi ko kayang...tumakbo, ngayong nasa hacienda na ako.
At ang papa.
Ngayon alam na nilang buntis ako, hindi tanggap ang pamilya ng magiging anak ko...ibig ba sabihin, hindi rin nila tanggap ang anak ko? Sa kaisipang 'yon ay namutla ako, agad akong humiwalay kay lolo. Sapo ang tiyan ay napatingin ako kay lolo.
"H-how about my...baby...will papa accept him? Will our family accept him?" umiiyak na tanong ko. "C-cara m-mia..." umiiyak niyang aniya.
"B-bakit galit na galit sila sa kanya? What did he do? What does his families do with our family? Sagutin niyo naman ang tanong ko lolo o'," kinuha ko ang kaniyang mga palad. Ang mga luha kong bahagyang pumapatak sa kamay niya, sa pagkakataon na ito ay hindi niya kayang salubungin ang mga mata ko. "Did they do a bad thing to us? Kaya sinabi ni tita Kia na hindi kami puwede? Please...tell me." pagsusumamo ko. "I-I'm s-sorry..." iling niya.
"W-why are you saying sorry? Why can't you tell me...bakit hindi kami puwede lolo?!"
Umiiyak lang si lolo, this is my first time to watch him cry. Hindi ko matagalan na pagmasdan ang umiiyak niyang mukha, at ang paulit ulit niyang paghingi ng patawad. Na hinding hindi ko maiintindihan, kahit nanghihina ay agad akong tumayo.
"C-cara m-mia..." tawag nito sa akin. Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin at nagpatuloy pa rin ako sa pag-alis. Paglabas ko ay tahimik ang pasilyo, sa tahimik nito ay alam kung may nangyayaring hindi maganda. I just feel it...hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, hanggang sa matigil ang paa ko sa harap ng library. Silid na ginagamit sa masinsinang usapan, ginagamit ko namang pahingaan.
Upon seeing the library, balak kung doon muna manatili ng ilang oras. Pansin ko ang konting siwang ng pinto, may tao sa loob. Hindi ko pa kayang harapin ang kahit sino sa kanila, kaya nagpasya akong tahimik na lang umalis at maghanap ng ibang lugar na paglalagian.
Nang...matigilan ako sa mga salitang binitawan ni tito Andrius.
"The kid is still here, he follows us."
Rezoir.
"You should tell us first that you finally found out your cousin Theo!" si Tita Kia.
"I-I don't don't know what's the problem here, why are you saying that the two of them shouldn't be together?" si Theo.
"I already told you they are "
"That's bullshit tita!"
"Thaddeus!"
"And what huh? How about the child in her womb huh? Ano ipagkakait niyo sa bata ang kumpletong pamilya?"
"Azeria is a brave woman! Kaya niyang mag-isa na walang isang Hillarca sa tabi niya!"
"How can you say that Mom? Ramdam mo ba ang nararamdaman niya?"
"Altair Redrick!" suway ni Tito Andrius sa Anak.
"She is!" giit ni tita. Pagak na natawa si Red, kumirot ang puso ko nang dahil sa akin...nakakaya na niyang sagot sagutin ang sariling ina.
"She will dahil iyon ang gusto niyong gawin niya!"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Red." Tawag ni Lucas kay Red na puno ng pagbabanta.
"Bakit Ulric?" tawag ni Theo sa pangalawang pangalan ni Lucas. "your aware that Azeria is acting tough outside, but broken inside. Palagi siyang hindi masaya, ngayong kaya niya ng maging masaya...bakit kailangan niyong ipagkain 'yon sa kanya?"
"Because they will not be happy if they are together!"
"How do say so tita?! In what way...na nasasabi niyong hindi puwede?"
"Cessair will not accept him...na kahit anong gawin nilang dalawa. Hindi niya matatanggap kung anong meron sila, kaya ngayong maaga pa...dapat nilang alam na hindi sila puwede."
"Kahit pa masaktan si Azeria, gano'n ba?"
"You should understand us, you should understand your tito Cessair."
"Where is tito Cessair then? Bakit hanggang ngayon hindi niyo pa rin nasasabi sa kanya? Na ang anak niya ay nagmahal sa isang Hillarca,"
"Theo." si tito Theodore.
"Isang Hillarca na siyang kanyang sinusumpa. A coincide_"
"And you believe that? Come on, they plan this. All along they are planning to attacking Azeria, dahil sa alam nila kapag nasa sinapupunan na ni Azeria ang isang Hillarca. Magiging maayos na ang lahat, and that will never happen!" Nagbagsakan na naman ang mga luha ko.
"Kung sana hindi tayo naging huli, kung sana binalaan natin siya."
"You should tell her the truths," napahawak ako sa bandang dibdib ko. Nahihirapan na naman akong huminga. "that she's not Tacata then!" rinig ko ang malakas na sampal.
"D-do you think that would be eafor to us?!"
"She needs to learn the truth! Para maintindihan niya kung bakit hindi sila puwede dahil magkapatid sila!" napako ako sa kinatatayuan. Bigla ay umurong ang mga nagbabadya kong mga luha, sa sinabi ni Theo ay gusto kong sa pagkakataon na 'to ako rin ang makakuha ng isang sampal.
Is this a dream?
What was I just heard now?
Magkapatid?
Me and Rezoir?
Wala sa oras na natulak ko ang pinto, awang ang bibig nila pagkakita sa akin.
"A-azeria..." wika nila. Sapo ang sariling bunganga, kumawala ang mga impit kong hagulgol.
"W-what did y-you just said?"
"C-chaldene..." si tita Kia.
"H-his my...w-what?"
"Fuck!" mura ni Theo at marahang sinipa ang upuan na nasa tabi nito. Lumuluha akong pinagmasdan lahat sila, the way they look at me...it pain me.
"I'm not my father...daughter?" natawa ako. Umiling iling ako at humakbang papasok. "I'm h-his w-what tita? S-say that a-again in front of my face Theo!" agad lumapit sa akin si Red. He wrapped his hand at my waist at lumuluhang niyakap ako. At tinatawag ang pangalan ko.
"Tell me again that I'm not his damn daughter!" humagulgol ako sa sariling salitang binitawan. Sinusubukan akong patahanin ni Red pero hindi ko maawat ang sarili, patuloy akong umiiyak. "A-azeria..." kaya pala. Kaya pala hirap silang sabihin sa akin ang totoo, dahil ganito pala kabigat na bagay na matutuklasan ko.
Hindi ako isang Tacata. Na sa nagdaang ilang taon...hindi ko rin pala totoo alam ang totoo kung pagkatao. Ngayong alam ko na ang totoo, kaharap ang pamilyang kinalakihan ko. Pamilyang hindi ko kadugo...nawalan ako ng lakas. Mabuti na lamang at nasa tabi ko si Red, sa pagkakataong 'to gusto ko na lang ulit mawalan ng ulirat. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata nila, ang hagulgol ko lang ang siyang pinakikinggan nila. Kahit anong tawag nila sa pangalan ko, patuloy naglalaro sa isip ko na hindi nila ako...kadugo.