Chapter CHAPTER 17
GIVE IN
Siguro dahil na rin anong tanggi ko, siya lang ang taong kayang patibokin ang puso ko. That's why, I give in.
Dahil sa totoo lang hindi naman mahirap mahalin si Rezoir, he looks dangerous outside...but he's the person you want to embrace each night. Oo, gano'n ang epekto ng presensya niya. Napatingin ako kay manang Luleng na nagpupunas pa rin ng kanyang luha, mabigat man ang loob kung iwan sila. Pero may konting saya rin, na sa pagkakataon na ito...hindi ko na sila maaabala.
Kahit mang todo tanggi ang mga ito, alam ko...may pagkakataon rin na naaawa sila sa akin. Kaya palagi akong tinitignan, I was thankful. Being away from my family, sa islang ito na punan ang pangungulila ko.
"M-manang Luleng..." tawag ko sa matandang patuloy pa rin sa pag-iyak. Ngayon ang araw na pag-alis naming sa isla. Bumalik na rin si Mark, kaya kasama na rin namin si Reign pabalik. Ang pinsan nitong si Rouston ay tatlong araw na nanatili rito, at ngayon nga ay aalis na kami.
"Huwag mo ng pansinin ang matandang 'to Azeria, natutuwa akong babalik ka na." wika ni manang Luleng. Napatingin ako kay Rezoir, kausap niya si manong Lito. Dumating ito kahapon, kasama ang kanyang anak.
"Huwag po kayong mag-aalala manang, kapag may oras po kami ay bibisita kami rito." Tumango tango siya at masuyong hinaplos ang mga palad ko.
"Maraming pagsubok ang dadaan sa buhay ng bawat tao, sana ay kapag dumating na naman ang puntong mararanasan mo na naman ito. Sana...sana isipin mong nasa tabi mo rin ito," Sabay sulyap sa banda nila Rezoir. "Hindi ko man alam ang kuwento, pero kilala ko si Rezoir hija...alam kong magiging masaya ka sa piling niya."
"M-manang..."
"Mag-ingat kayo palagi Azeria, dasal ko lagi ang kasiyahan mo."
"K-kayo rin po manang, mag-ingat po kayo palagi rito. Maraming maraming salamat po sa lahat." Agad ko siyang niyakap, na siya namang kanyang tinugon. Kay manang Luleng ako mas naging malapit, kahit pa na kung hindi rin kay manong Lito. Ay hindi ako mapapadpad rito, pero si manang Luleng ang mas nakasama ko rito. Isang hagod muli sa aking likuran, si manang Luleng na rin mismo ang bumitaw sa aming pagyayakapan. Binigyan niya ako ng ngiti, pag ka tapos ay sabay naming pinuntahan sila Rezoir at manong Lito na kanina pa naghihintay.
Agad yumakap sa aking bewang ang mga kamay ni Rezoir, nginitian ko rin si manong Lito.
"You're ready?" si Rezoir. Tumango ako sa kanya at tinignan ulit sila manong Lito at manang Luleng, agad silang tumango sa akin.
"Hmm." Sagot ko kay Rezoir. Muli ay nagpaalam siya sa dalawang matanda, at pinaalalahanan naman siya ng mga ito. Kinawayan ko ang mga taong nanonood sa amin, kumaway din sila pabalik. Sa pagtalikod ko sa kanila, alam kong ang mga ala-alang nangyari sa islang 'to. Ay isang bahagi ng buhay kong, tiyak na aking hindi pagsasawaan na babalikan.
Tulad ng aming na pag usapan sa bahay ulit ni Rezoir ako titira. Kahit hindi maganda ang pangyayaring nangyari sa lugar na 'yon, nung linisan ko ito. Ngunit sa pagkakataong ito ay babalik naman akong, nasa sinapupunan ang magpapatunay na wala na dapat akong ipangamba pa. Masasabi kong ayos na kaming dalawa, ayos na kami ni Rezoir. Kung patatagalin pa naming ang lahat, ayokong hindi kami okay kapag naisilang ko na ang baby. Ngayong malapit na akong manganak, sa totoo lang hindi ko pa alam kung ano ang ipapangalan. Hindi pa namin na pag-uusapan ni Rezoir, kahit naman ayos kaming dalawa. May pagkakataon pa ring nahihiya ako, nahihiya ako kung paano buksan ang tungkol sa ganitong paksa. "Your hands cold, are you okay?" tango lang ang naging sagot ko sa kanya. Sa rooftop ng headquarters ng kompanya ng mga Hillarca, ang landing ng helicopter na aming sinakyan. Ngayon ay kasalukuyan kaming lulan ng elevator patungo sa parking lot. Hindi ko nga lang alam kung bakit matinding kaba ang nararamdaman ko. "What's wrong?" ani Rezoir nang mapunang tahimik ako. Napatingin rin sa akin ang kapatid niya't pinsan.
"D-don't mind me, kinakabahan lang ako." Bahagya akong sumandal sa kanya, agad naman ako nitong hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"What's the sudden nervousness?" aniya.
"Epekto lang siguro ng pagbubuntis niya kuya, gano'n naman si Demetria." Upon mentioning another name. Napatingin ako kay Reign.
"Who's Demetria?" agad kong tiningala si Rezoir. "Your ex?" dagdag ko. Natawa si Reign na nasa likuran ko, masama naman siyang tinignan ng kuya niya.
"Our housemaid daughter." Sagot sa akin ni Rouston. Napanguso ako, hindi ko alam. Parang gusto ko tuloy malaman ang pangalan ng lahat ng babaeng naging ex-girlfriend niya. Ewan ko ba, nagiging paranoid baa ko? O epekto lang talaga ito ng pagbubuntis ko?
Pagkabukas ng elevator, nagpapatangay lang ako kung saan man ako dalhin ni Rezoir. Pero sabay na napamura ang tatlo nang makita ang mga reporter na nagsisitakbuhan palapit sa amin, agad naman akong natigilan sa nasaksihan. "Why the fuck they are here?" mura ni Rezoir. May dala dalang radio si Rouston, agad nitong kinalikot ang hawak at pagkaraan pa'y nagsidatingan na ang hindi hihigit sa sampu na bodyguard.
"Come on." akay sa akin ni Rezoir.
"Mr. Hillarca, is she your rumored pregnant girlfriend?"
"Posible po bang mag merge ang dalawang kompanya?"
"Sabi ay may hidwaan ang dalawang pamilya, totoo po ba?"
"Mr. Hillarca, anong masasabi niyo sa kumakalat na balita na you propose to Ms. Althea?"
Sa dami ng kanilang mga katanungan, dalawang salita lang ang klarong pumasok sa aking tenga.
Hidwaan. Althea.
Pero mas nasa hidwaan ang isip ko, nakausap ko na si Don Sebastian nung nasa isla pa ako. Kahit hindi man rin klaro sa akin ang mga ipinapahiwatig niya, ngunit may kinalaman rin ito sa aming pamilya. Ang marinig ang salitang 'hidwaan' bahagya akong kinabahan. Bakit? Saan? Bakit nila masasabing may hidwaan sa pagitan ng aming mga pamilya? Saan nila nakuha ang ganitong klaseng impormasyon? Ako na involve sa sinasabi nilang hidwaan, wala akong kaalam alam. Bumalik sa aking isipan ang sinabi ni Don Sebastian.
"Vicente still hates me."
Sa sinabi niya, parang may pinupunto ang mga sinasabi ng mga reporter na narito. Hindi kaya...totoo? Totoo ang hidwaan, napatingin ako kay Rezoir. Masyadong kalat ang media sa labas, kaya mas piniling pumasok na kami sa kompanya. Kahit may mga bagay na naglalaro sa utak ko, ramdam ko pa rin kung paano napapatingin sa aming gawi ang mata ng kanilang mga empleyado. At kapag nahuhuli ko ang mga tingin ng mga ito, agad silang iiwas. Tuloy ay naaalala ko ang mga dating kasamahan sa kompanya ni Rezoir.
Isa rin sa bagay na hindi ko maintindihan. May sariling kompanya ito, itinayo ang kompanyang walang bahid na tulong sa pamilya nito. Sa yaman na meron sila hindi ko akalain na magtatayo ito ng sariling kompany, nagawa at nagtagumpay ito na walang bahid na tulong sa sariling pamilya. Nakakamangha. Oo. Pero isa 'to sa mga katanungang bumabagabag sa akin, bakit ginamit nito ang apelyido ng lola niya at hindi ang Hillarca?
Ibang case naman 'yong sa akin, dahil kahit naman ako. Iba rin ang naging ka tauhan ko nung una sa harap nito. Hindi man ako nagulat sa paraang alam na nito ang totoo, pero come to think of it...hindi ko tinanong sa kanya kung paano? Kahit noong nasa kompanya pa lang ako nito, ni walang sign na hindi ko totoong pangalan ang gamit ko. There's something behind of it, alam kung naging maingat ako sa pag gamit ng pangalan ng mama ko. Isa pa, ang mga pekeng dokumento ng meron ako kung tutuusin kapag hindi ka naman talaga ng suspetsa na may mali nga. Mahirap talaga malaman kung peke ang mga dokumento kasi nga parang totoo na ito.
"Are you okay? Do you want anything?" pinagdududahan mo na naman ba siya Azeria? Akala ko ba, ayos na? Kaya mabilis kung itinapon ang mga negative thoughts na nabuo na naman sa utak ko. Hindi naman ako gutom pero ngayon narito na ulit kami sa sentro, gusto kong kumain ng cake.
"I want cake." Nahihiya kong aniya. Napa kurap kurap siya.
"Okay. Cake then." Agad itong lumapit sa kaniyang mesa at agad na itinawag sa intercom ang request ko. Ilang segundo pa ay bumukas na ang pinto, the woman who I'm sure is the secretary entered. Ibinaba niya ang cake na dala sa mesang nasa harap ko. I murmured thank you, nang matapos ito. May kung ano namang binilin si Rouston, agad ko namang nilantakan ang cake na nasa harap ko. Ipinaghanda rin pala ako nito ng juice, may sariling mundo na ako dito ganon rin ang tatlo.
Ayokong mag isip na ng kung anu-ano kaya talagang binabalewala ko ang mga naririnig ko. Nung matapos na ako ay sakto namang sinabi ni Rouston na tagumpay ng napaalis ang mga reporter na nasa baba. Kaya nagpasya kaming umalis na nga, pagdating sa parking lot may isang reporter na sumulpot sa kung saan. Pero ang mga bodyguard na ang bahala sa kanya, sinusubukan nitong kunin ang panayam namin pero tulad ng nangyari kanina.
Hindi kami nagtangkang magsalita pa.
Naiwan si Rouston sa kompanya, habang kasama naman namin si Reign sa sasakyan. Malapit lang raw ang bahay nila sa bahay ni Rezoir. In fact nasa isang village lang, napatingin ako kay Reign ng kalabitin ako nito. "Kung kailangan mo ako, heto ang number ko." aniya.
"What the fuck are you talking about idiot? Why would she need you, do you think aalis ako sa tabi niya?" Rezoir gritted his teeth, totally annoyed at his brother.
"Sabi sa'yo e', hindi talaga siya mapag pasensya na tao." dagdag pa ni Reign. Napailing ako, kung talagang nakikita niyang may pagkakataon para asarin ang kapatid gagawin. Ano kaya ang itsura nila kapag nasa isang bahay lang sila, panigurado ng lahat sila ay sinusuway ng mama nila.
"Stop being annoying or else, maglalakad kang uuwi."
"Scary." Kumento naman ng kapatid niya. Naging maingay ang naging biyahe namin dahil sa asaran nilang dalawa, alam ko namang hindi ang tipo ni Rezoir ang papatol sa ibang tao. Pero ewan ko ba kasi dito kay Reign, naging habit niya na 'ata ang mang-asar ng tao. At nang makarating na kami sa bahay nila, agad ko itong pinagmasdan. Ibang-iba ang bahay na ito kaysa sa bahay ni Rezoir, may isang maid na tumatakbo para buksan ang gate. Heightened rin ang security rito sa village.
Pagkapatay ng engine ng sasakyan ni Rezoir ay mabilis na pumunta sa amin ang maid.
"Sir! Hindi niyo sinabing ngayon ang dating niyo!" natatawa si Reign sa gilid sa pagkakataranta ng maid sa harap naming. Ako naman ay clueless kung bakit ito natatawa. "Naryan ba si mama?"
"Si m-madam po?" nauutal na aniya.
"Oo, ang papa, nandiyan rin ba?"
"Wala po si sir...pero si madam nasa loob." Napakunot noo si Rezoir.
"Why do you look so frightened? May nangyari ba?"
"W-wala po!" agad na sagot naman niya. Nilapitan ako ni Rezoir at agad naming nilagpasan ang maid, kahit anong tanggi nito na may mali e'. Halata namang meron kahit itanggi man nito, nasa likuran lang namin siya. No'ng nasa tanggapan na kami, doon ay naintindihan ko na kung bakit. Sa sopa ay prenteng na ka upo ang natitiyak kong mama ni Rezoir, sa kabila naman ay kaharap nito ang pinsan kong si Theo.
Natigilan agad ako.
Nang lingunin ako ng pinsan ay hindi ko mapigilang hindi mapasinghap. Dahil hindi ko inaasahang sa pagbabalik ko sa sentro, muli ay makikita ko agad si Theo. Wala akong emosyon na nakikita, naiintindihan ko ang galit niya. Bigla itong nagpaalam kay Mrs. Hillarca at walang imik kaming nilagpasan. Kumirot ang dibdib ko, nasa akin rin ang mga mata ng mama ni Rezoir.
Hindi sa pagkakataong 'to ko gusto na makilala siya, ngayong nakaharap ko ulit si Theo. Alam ko ang gusto ko, gusto kong kausapin ito. Napatingin ako sa magandang sekretaya ni Theo na galing pa sa itaas, hindi ko alam kung bakit siya narito at bakit galing siya sa itaas. Ang mas iniisip ko ngayon ay kung paano ko kakausapin si Theo.
Ngayong ilap ito sa akin. Ayaw akong kausapin. Napatingala ako kay Rezoir nang hawakan ako nito sa braso at iniharap sa kanya.
"Go, go with him and have a talk," he smiled. "It's okay for me, don't bother just go. And had a talk with him." Nangingilid ang mga luha ko sa mata. Ilang segundo pa akong nakatayo sa harap niya, sa huli tumango ako at agad na silang tinalikuran para puntahan si Theo at kausapin. Habang naglalakad ako ay sakto namang nahuli siya ng mga mata ko, malapit na ito sa kanyang sasakyan. Nang akmang bubuksan na niya ang pintuan, agad kong sinigaw ang kanyang pangalan. Akala ko babalewalain ako nito. Pero agad akong nabunutan ng tinik sa lalamunan, nang tumigil siya. At hinintay akong makalapit sa kinaroroonan niya.
"T-theo..." tawag ko ulit rito. Napakuyom siya ng kamao, ngayong nakita ko muli siya. Masaya ako, masayang masaya...halong guilt ang hiya ang nararamdaman ko ngayon. Kahit sino naman, hindi matutuwa. No'ng pumunta ako sa Manila, technically kasi sila na ang taong dapat tumingin sa akin. Dahil kahit pabalik balik na ako rito, hindi ko pa rin kabisado. Kaya kung sa panahon ng sakuna, sa kanilang tatlo dapat ako pumunta. Pero iba ang aking ginawa...iniwan ko sila.
Ilang buwan, sa ilang buwan na 'yon na wala akong paramdam. Alam ko namang matinding pag-aalala ang kanilang nadarama, buhat ng ako'y nawala ng parang bula.
"T-tangina Azeria, halos atakihin sa puso si tito no'ng itawag kung ilang linggo ka ng hindi umuwi. Tapos ano? Babalik ka at magpaparamdam kung kailan mo gusto?" hindi pa rin ito humaharap sa akin. Napapisil ako sa sariling daliri. "T-theo is not what you think..." paliwanag ko.
"E' ano Azeria?" sigaw niya at sa pagkakataong ito, nakaharap na siya sa akin. Napahilamos siya sa mukha. "May pangyayaring hindi maganda...naiintindihan ko namang takot pa. Pero, bakit naman nagawa mo kaming iwan ng walang paalam? Pamilya mo kami Azeria, pinsan kumbaga...wala ka bang tiwala?"
"H-hindi...totoo...iyan." Hikbi ko.
"Tangina buntis ka pa...nangako kami na kaming bahala sa'yo. At ano ang ginawa mo? S-sino...na lang ang nasa tabi no'ng oras na wala kami sa paligid mo? Walang araw na hindi kami nakaramdam ng kaba, na baka...baka napano ka na. Kung nakakain ka ba ng tama, kahit alam naming malakas ka at isang Tacata pero puta naman e', ni hindi ka nga umaalis na mag-isa tapos nawala ka na lang ng parang isang bula?!"
"T-the..."
"I-ilang buwan Azeria? Ilang buwan na maaari kang mag reach out sa amin pero hindi mo nagawa, hindi ba kami mahalaga? Ni minsan ba naisip mo pang may mga taong nag-aalala sa'yo. Na may taong naghihintay sa pagbalik mo ha?!" "Your so selfish." Pagak na tawa niya.
Sapo ko ang bibig at mas bumuhos ang iyak ko. Sinubukan kong humakbang, pero mabilis na binuksan ni Theo ang pintuan ng kanyang sasakyan at pumasok ng tuluyan. Kumatok ako sa bintana ng sasakyan niya. But he already starts the engine, planong iwan na ako ng tuluyan.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"P-please Theo...huwag mo namang gawin sa akin 'to." Bahagya kong hinabol ang sasakyan niya pero kahit ang bodyguard na nasa gate, ay walang nagawa no'ng minaubra n ani Theo ang sasakyan niya. Umiiyak ako habang tanaw ang sasakyan niyang kasulukuyang tumatakbo.
His really so mad at me. Na dapat hindi ko na ipagtaka dahil sa nagawa ko, pero mabigat pa rin sa dibdib. Kasalanan ko naman kung bakit siya ganito sa akin, tama naman lahat ng sinabi niya. Siguro nga napaka selfish kung tao, na kahit pa sumagi sila sa utak ko...ginawa ko pa rin ang gusto. At madaling isinantabi ang mga ito.
"Sir!" tili ng maid nang parang lahat 'ata ng parte ng katawan ko namanhid. Kita ko pa ang pagtakbo papunta sa aking gawi si Rezoir, but gladly before I passed out, he catches me.
"She need rest. Kahit sa susunod na buwan ay manganganak na ito, mas mabuting mag-iingat pa rin tayo. Iwasan natin ang matinding stress."
"Why didn't she awake yet? It passes two hours now."
"Hindi mo ba narinig ang doctor kuya? Hayaan nga nating mag rest ang pasyente."
"I heard him idiot, anong tingin mo sa akin bingi?"
"Stop it, you two," rinig kong na pa aray ang dalawa. "Let's go, hayaan mo munang matulog ang girlfriend mo Israel. We need to talk." Rinig ko ang buntong hininga ni Rezoir. Gusto kongs sabihing gising na ako, pero hirap nga lang imulat ang mata ko.
Then, darkness succumbs me again.
Hindi ko alam kung nananaginip na naman ako sa pagkakataong ito. But, I'm in cemetery. I see my younger self, helplessly crying at the tomb in front of her. Mas lumapit ako para makita kung bakit ito umiiyak, at sino ang taong iniiyakan nito. Ang batang ako lang ang tao sa sementeryo, I tried to touch her to console her but for a certain reason...I can't.
"A-azeria...hey." Tawag ko sa batang Azeria.
But she cants heard me. Sa pagkakataong 'to, nagsalita na ang batang Azeria.
"M-mommy..." unti-unti ay napatingin ako sa puntod
Midori Constantine Tacata.
Mama.
Nang mapagtanto ko na ang pangalan nga ni mama ang nasa puntod, bigla ay parang biglang nagkaroon ng kulay ang paligid. Kuhang kuha ng panaginip ko ang lugar, kahit isang larawan ay wala akong makita. And the younger Azeria that I'm seeing right now, is my younger self who's maybe in three or five years old? Hindi ko tiyak, pero sa pangyayaring nasasaksihan ko ngayon. Bakit wala akong maalala?
Sinubukan kong hawakan ulit ang batang Azeria, but to no ado wala pa rin...hindi ko paring magawang hawakan ito. Tinawag ko ang pangalan niya, baka sa pagkakataong 'to marinig na niya ako. "Azeria!"
"Azeria!"
Hinanap ko kung sa'ng galing ang boses na 'yon. Paglingon ko sa kaliwa.
Habol ang hininga akong napaupo. Napahaplos ako sa mukha, nasa gano'ng aktong akto nang biglang bumukas ang pinto.
"Hey." Tawag ko kay Reign or Rajih? Kapag kasi si Reign, palaging nakangiti at ito namang si Rajih. Seryoso. Hindi ko alam kung ito ba ang pagkakataong nakita ko siya sa malapitan. "Rayver." Aniya. Naguluhan naman ako.
"Huh?"